Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko.

Dumating na ang araw na wala ka na sa pagtulog, ko pati na rin sa pag gising ko.

Wala ng “goodnight sweet dreams.”

Wala na ring “good morning, how’s your sleep?”

Duamting na ang araw na lahat ng ginagawa ko malungkot.

Di na masaya ang Mobile Legends.

Wala na akong pinprotektahan.

Wala na akong kashare sa healing spell ko.

Wala na akong kakampi sa trash talk.

Di na masaya ang Rules of Survival.

Wala ng duo.

Wala ng bigayan ng bala o kaya scope.

Sa tuwing kumakain ako, iniisip ko, kumain na kaya siya.

Wala na akong sinasabihan ng “kumain ka on time!”

Wala na akong sinasabihan kung ano ulam ko.

Wala ng nagagalit sa tuwing kumakain ako ng junk foods.

Wala ng magsasabi sa akin ng “ingat ka.”

Wala ng magsasabi sa akin na “mahal na mahal kita.”

Wala na akong masisilayan pang magandang mukha.

Wala na yung mga mapupugay na mata.

Wala na yung mga ngiting nagpapangiti sa puso ko.

At dumating na ang araw na ang mga ngiting yun ay di na dahil sakin.

Ang mga ngiting yun ay dahil na sa iba.

Masakit isipin na di na ako ang nagpapasaya sayo.

Masakit isipin na kahit ano man ang gawin ko, ang masasabi ko na lang ay

“Wala na… Wala naka na”

You might also like