Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Mamamatay Tao

Alas dose na ng tanghali. Panginoon ko, Gutom na gutom na ako, tatlong araw na akong nagtatago…
tumatakbo…
Pagod na pagod na ako!!
Kailangan kong magpahinga…
Pero hindi! hindi maari!, hinahanap nila ako.. huhulihin nila ako!...
At pag nakita nila ako sigurado sa kulungan ang bagsak ko! Hindi ito maaari..
Dapat akong magtago! Pero saan?, saan ako magtatago?
Maimpluwensya at makapangyarihan ang ama ni Leo..
Siya ang gobernador ng aming probinsya.. at.. at.. pinatay ko ang anak nya!
Huwag! Huwag nyo akong alipustain!
Huwag nyo akong husgahan ng ganito.
Hindi ako mamamatay tao, pakinggan nyo ako, parang awa nyo na, pakiusap,
Sinasabi ko sa inyo di ako mamamatay tao.
Pakiusap….hayaan nyo akong magpaliwanag..
Ganito ‘yon! Nangyari ang lahat isang araw sa loob ng aming paaralan.
Nagpunta ako sa silid aklatan para hanapin ang isang libro. At natagpuan ko naman..
Masyado akong naaliw sa pagbabasa at hindi ko namalayan ang oras..
Alasais pasado na, at sa aking palagay.. ako na lamang ang tao sa silid aklatan.
Palabas na ako, ngunit sa aking pagkadismaya nakita ko si Leo na naghihintay sa labas..Nais ko sanang
umiwas subalit huli na ang lahat..
Heto at nakatayo na sya sa aking harapan.
Uy! Kumusta Brenda, pwede ba kitang ihatid pauwi (mayabang ang pagwika)
Naiirita akong umiling at tumanggi sa kanyang alok
Diyos ko! Sa dami dami ng tao bakit sya pa ang makikita ko!
Si Leo! ang lalaking palaging nagpapadala ng mga liham ng pag-big na nakalagay pa sa mababango at
mamahaling papel..pero lahat ng ‘yon ay aking ibinalik at ni minsan ay hindi ko man lang binalak buksan.
Malimit din nya akong padalhan ng mga rosas at tsokolate..
Paborito ko ang mga iyon, gustong gusto ang mga tsokolate, ngunit sa tuwing maiisip ko kung sino ang
taong nagbigay noon ay nawawalan ako ng gana at itinatapon ko lahat sa basurahan
Paano! Paano ako makakaiwas sa lalaking ito.

Pwede ba Leo! kung gusto mo akong ihatid sa bahay.. salamat na lang! Matanda na ako at kaya ko ng
umuwi mag-isa. Kaya tigilan mo na ang pagsunod-sunod sakin na parang aso! Isa pa bata pa ako para sa
pag-big na yan, kaya pakiusap!.. hindi ako tumatangap ng mga manliligaw! Naiintindihan mo ba!?

Pero Brenda!, Mahal kita! Gusto kita! Bakit ba hindi mo maintindihan? Kaya kong ibigay lahat sayo..
Sabihin mo lang at ibibigay ko!

At ito ang tandaan mo, nakukuha ko lahat ng naisin ko! Sa ayaw man o sa gusto!
At nagsimula na syang tumawa na parang nababaliw…parang isang halimaw.
Natatakot na ako, alam kong maimpluwensya ang pamilya nila, pero madiin ko pa rin ang aking
pagtanggi.
Pwede ba Leo! Huwag ka ngang makulit!
Hindi kita gusto at lalong hindi kita kayang mahalin!
Sa totoo lang, nasusuklam ako sayo!
Kaya umalis ka na at hayaan mo na ako!
Ngunit sa halip na ulamis..
Ay mariin nya akong itinulak hangang mapasandal sa pader at mahigpit na hinawakan ang aking mga
kamay…sinimulan nya akong halikan. Sumisigaw ako ng tulong, pero wala..walang dumating..walang
tumulong..
Tulong! Tulungan nyo ako..pakiusap.. Tulong! Tulong.. paulit utlit kong sigaw
Hnggang ibigay nya ang isang malakas na suntok sa aking tyan. Napakasakit! halos mawalan ako ng
malay at bumagsak..
Pero bago pa nya ako muling hawakan ay nakakita ako ng isang kalawanging patalim at agad ko itong
kinuha..

Ngayon subukan mung muling lumapit Leo Monteverde, subukan mo akong muling pagtangkaan,
hinding hindi ako magdadalawang isip na itarak ito sayo..
Subalit hindi sya nakinig! Akmang lalapit para muli akong pagsamantalahan agad kong itinarak ang sa
kanya ang hawak kong patalim.. isa..dalawa.. hindi ko mabilang ang pag-ulos aking ginawa sa labis na
takot at galit
Hangang bigla kong napansin ang dugo..Dugo! Dugo! may mga dugo sa aking kamay!
Leo, Leo…! Diyos ko! Napatay ko si Leo!
Hindi! Hindi ako mamamatay tao!
Gusto nya akong pagsamantalahan at ipinagtangol ko lamang ang sarili ko..
Hindi ko ito ginusto..Hindi ako mamamatay tao!
Pero…Pero pinatay ko si Leo!
Pinatay ko sya!, Pinatay ko sya!
Isa akong masamang tao.. Isa akong mamamatay tao, Ha! Ha! Ha!

You might also like