Mga Akdang Tuluyan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga akdang tuluyan

1.Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o


kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay
may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng
mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
2Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] ay isang
mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang
lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak
na istilo.
3. Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral
para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong
nagbibigay-aral.
4. o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya.[2] Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay
walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na
pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang
kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba
pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi
ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.[3]
5,Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap
sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa.
Ang ito ay di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga
bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang
kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.
6. Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga
taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.[1]
7.ng talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang
"tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at
impormasyon.
8.sanaysay
9. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya
siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang
paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating
walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok
ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati,
inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa
harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo
para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng
kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula
at wakas lamang.

10. Ang balita (mula sa Sanskrito: वार्त्ाा [vārttā]) ay isang uri ng lathalain na tumatalakay
sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan
ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong
partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.

11. Ang kuwentong-bayan (Ingles: folklore) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip
na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay
ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
12. Ang mga salawikaing Pilipino [4][5] ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng
mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay
sa Pilipinas. Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring
tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan
ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang
pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw
na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang
punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. [5] Isang tanyag
na katutubong salawikaing Pilipino ang mga katagang: Ang taong hindi marunong
umalala o lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang
paroroonan. Isa itong salawikaing Tagalog na naglalahad at humihikayat sa isang tao
upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at
pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang pagpapahalagang
Pilipinong tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay ng angkop na pahalaga at
pagtingin sa mga taong nakatulong sa isang tao para magtagumpay sa buhay o
adhikain.[5] Pinagpangkat-pangkat ni Damiana L. Eugenio, isang propersor mula
sa Unibersidad ng Pilipinas, may-akda ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinagurian
ding "Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas"[6] ang mga salawikaing Pilipino sa anim na
mga kaurian o kategorya ayon sa mga paksa: ang mga salawikaing etikal (yung mga
nagsasaad ng isang pangkalahatang gawi hinggil sa buhay at sa mga batas na
nangangasiwa sa mismong pamumuhay), ang mga salawikaing nagmumungkahi ng
mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo, ang mga salawikaing nagpapadama
ng isang sistema ng mga pagpapahalaga, ang mga salawikaing naglalahad ng mga
pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao,
ang mga salawikaing nakakatawa, at ang iba pang mga salawikain. Adamson University
Journal.
\

Piling mga halimbawa


Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga salawikain mula sa Pilipinas:

 Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din ito sa kasalan.

 Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat
siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at
maging payak sa pamumuhay.

 Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
nakalaan para sa iyo.

 Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

 Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.


Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

 Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..


Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng
sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

 Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng
anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang
mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng
mabuti (o masamang) mga magulang.

 Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.


Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan
ka rin ng mga taong tinulungan mo.

 Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.


Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng
mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay
nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan
upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

12. Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay


ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
13. Ang mito ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:

 Salitang may kaugnayan sa mitolohiya.


 Mito, Ibaraki, isang lungsod sa bansang Hapon

. Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa Buong


Daigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

 Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga


Kristiyano

 Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga Muslim


 Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng
kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng
pandaigdig na paglaganap ng demokrasya

 Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya

 Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad


at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon

 Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya


ng mga Ingles

 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at


kalinangang Intsik

 Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at


Persya

 El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng


katangiang panlahi ng mga Kastila

 Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya,


napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya

 Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng


Ehipto

 Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na


tumatalakay sa pananampalataya sa India

You might also like