Periodical Test in Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

LAYUNIN Bilang ng Bilang ng Kinalalagyan


Araw ng Aytem % ng Bilang
Turo
Pakikinig
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 5 5 10 1-5
napakinggang kwento F6PN-IIa-g-3.1
Pagsasalita
1. Nagagamit nang wasto ang Pang-uri sa 5 5 10 6-10
paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon F6OL-
IIa-e-4
2. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon 5 5 10 11-15
F6OL-IIf-j-5
3. Nailalarawan ang tauhan batay sa
damdamin nito F6PS-IIj-12.1 5 5 10 16-20
Pagbasa
1. Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at
di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon F6V-IIc-1.10 5 5 10 21-25
2. Nabibigyang kahulugan ang tambalang-
salita F6V-IIi-4.3 5 5 10 26-30
3. Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng
pamatnubay na tanong F6RC-IIe-5.2 5 5 10 31-35
4. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
binasang anekdota F6RC-IId-f-3.1.1 5 5 10 36-40
5. Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng
pahayagan sa pagkuha ng kailangang
impormasyon F6SS-IIf-7.1 5 5 10 41-45

Pagsulat
1. Nakasusulat ng liham- 5 5 10 46-50
pangangalakal F6WC-IIh-2.3

Kabuuan 50 50 100% 50

INIHANDA NI: ALONA C. REYES INAPRUBAHAN NI: LUCIA A. GARCIA

Teacher I Principal I
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

Pangalan ______________________________________ Baitang______________

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong. Itiman ang bilog ng tamang sagot.

Ang Leon at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik sa hinog na bunga. Swerte ko
naman “Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sinabi ng lobo sa sarili.Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog
na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, muli at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.Nang mapagod na
ay sumuko rin sa wakas ang Lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.“Hindi bale, tiyak na iyon ay hindi masarap”, ang sabi niya sa sarili .

1. Sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?


A. Ubas C. Lobo
B. Puno D. lahat ng nabanggit
2. Ano ang nakita niya sa gubat?
A. Puno C. Diwata
B. Ahas D. ubas
3. Bakit gusto niyang abutin ang bungkos ng ubas? Upang_______
A. Kainin C. paglaruan
B. Dahil naaakit siya dito D. wala sa nabanggit
4. Anong hindi magandang katangian ang ipinakita ng lobo?
A. Hindi -Masipag C. hindi-mabait
B. Hindi-matiyaga D. hindi- mapagkakatiwalaan
5. Anong aral ang nais ipahatid ng kwento?
A. Maging matiyaga C. maging masipag
B. Maging mabait D. maging matulungin

Pagsasalita

6. Ang probinsiya ng Cavite ay maunlad. Anong pang-uri ang ginamit sa pangungusap?


A. Bayan C. probinsiya
B. Cavite D. maunlad
7. Makikita rito ang naglalakihang pabrika at gusali .Ang pang-uring ginamit sa pangungusap ay_________
A. Makikita C. pabrika
B. Naglalakihan D. gusali

Lagyan ng tamang pang-uri ang patlang

8. Ang nangyayari sa Marawi City ay nagdulot ng matinding ________________sa mga mamamayan.


A. Sakit C. galit
B. Hirap D. takot
9. Araw-araw, ang magkapatid ay nagtitinda ng ____________Sampaguita sa terminal ng jeep.
A. Sariwang C. mabangong
B. Maganda D. lahat ng nabanggit
10. Ang aking mga mag-aaral ay matiyagang dumadaan sa ilog upang makarating sa aming paaralan.
A. Mag-aaral C. matiyaga
B. Dumadaan D. ilog

Basahin at unawain ang mga pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot.

11. _________siya ng almusal bago pumasok sa paaralan kaninang umaga.


A. Kinakain C. Nakakain
B. Kakainin D. Kumain
12. Ang mga mag-aaral ay _____________sa Lakbay_aral na gagawin sa darating na Sabado.
A. sasama C. sumasama
B. Sumama D. sasamahan
13. Ang kawawang pulubi ay ______________sa tabi ng simbahan araw-araw.
A. Namalimos C. namamalimos
B. Mamamalimos D. mamalimos
14. ____________ng tulong para sa mga mamamayan sa Mindanao ang mga mamamayan kahapon.
A. Magbibigay C. Nagbibigay
B. Nagbigay D. Bibigyan
15. Lahat ay _______________sa pagpapanatiling malinis na ating kapaligiran noong nagdaang brigada eskwela.
A. Tumulong C. Tumutulong
B. Tutulong D. Tinulungan
16. Maagang gumising si Aling Marita upang pumunta sa palengke. Sa kanyang pagmamadali nabundol siya ng batang tumatakbo. Ano ang
maaring maramdaman ni Aling Marita para sa bata?
A. Magagalit C. matutuwa
B. Malulungkot D. magugulat
17. Nasa labas ng simbahan ang batang pulubi. Nakita ito ni Bb. Reyes at binigyan ng pagkain. Ano ang naramdaman ng bata ?
A. natuwa C. nabigla
B. nalungkot D. nainis
18. Pasigaw na tinawag ni Mang Kardo ang kanyang anak habang may dalang sinturon. Si Mang Kardo ay ___________________.
A. nalulungkot C. naiinis
B. natutuwa D. nagagalit
19. Abalang-abala si Gng. Cruz sa paggagawa ng kanyang banghay-aralin sa Filipino ng bigla siyang ipinatawag ng kanyang punongguro upang
bigyan ng sertipiko ng pagkilala. Ano
Ano ang mararamdaman ni Gng. Cruz?
A. nagulat C. nalungkot
B. nabahala D. natuwa
20. Natapakan ni Alyana ang balat ng saging. Napahiga siya sa harap ng maraming tao. Ano ang kanyang naramdaman?
A. Napahiya C. nagalit
B. Nalungkot D. nayamot

Pagbasa

Panuto: Basahin ang mga pangugusap at piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

21. Ang mga dahon ay masayang umiindayog sa hangin.


A. nag-aawitan C. nagsasayaw
B. nagliliparan D. naglulundagan
22. Ang mga ibon ay namumugad sa itaas ng punungkahoy.
A. namamahay C. naglalaro
B. nakadapo D. nakahapon
23. Sumungaw ang munting inakay sa mga malalagong dahon..
A. Dumapo C. nahulog
B. Lumabas D. sumilip
24. Dahil sa gutom, nagtatalak ang mga munting inakay.
A. Umaawit C. nag-iingay
B. Naglulunday D. nanahimik
25. Napakisig ng prinsipe sa kaniyang maganda at lapat na kasuotan.
A. mayaman C. malusog
B. magandang lalaki D. matangkad

Piliin ang kahulugan ng tambalang salita sa pangungusap.

26. Dating kawani si Mang Ramon sa isang bahay-kalakal.


A. tindahan C. kinakalakal na bahay
B. kalakalan D. tindahan ng bahay
27. Natatakot sila sa mga engkantada, duwende at lamang-lupa.
A. Mahiwagang bunga mula sa lupa.
B. Mahiwagang nunong nakatira sa ilalim ng lupa
C. Malaman ang lupa
D. Nasa ilalim ng lupa
28. Dapit-hapon na ay wala pa ang mag-asawa.
A. Bago maghapon C. malapit nang gumabi
B. Gabi na D. madilim na
29. Kapit-bisig sa paggawa ang mga taganayon kaya madali nilang natatapos ang gawain.
A. Tulong-tulong C. magkadikit ang mga bisig
B. Watak-watak D. magkakahawak
30. Tumugtog ang orasyon sa kalapit na simbahan at napansin ko ang malungkot na takipsilim.
A. Dakong ikaanim ng gabi
B. Malapit ng sumikat ang araw.
C. Katanghalian
D. Maagang-maaga

Paggamit ng mga bahagi ng pahayagan.

______31. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin kung nais mong mag-aplay ng trabaho?

A. Editoryal C. balitang panlibangan


B. Balitang isports D. anunsiyo klasipikado

______32. Nais mong magsagot ng palaisipan, sa anong bahagi ng pahayagan mo ito makikita?

A. Editoryal C. balitang panlibangan


B. Balitang isports D. anunsiyo klasipikado

______33. Kung nais mong malaman ang kuru-kuro ng may akda patungkol sa isang isyu, anong

bahagi ng pahayagan mo ito titingnan?

A. Editoryal C. pandaigdig
B. lokal D. isports
______34. Nais mong malaman ang kinalabasan ng laban ni Manny Pacquiao, saang bahagi ng

pahayagan mo ito makikita?

A. Editoryal C. pandaigdig
B. Lokal D. isports

_____35. Nais mong malaman kung ano na ang nangyayari sa giyera sa Marawi City, saang bahagi

ng pahayagan mo ito makikita?

A. Isports C. lokal
B. Pandaigdig D. editorial

36. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho si Mang Jose. Siya ang _______ sa kanila na
nagtrabaho doon.

A. matagal
B. pinakamatagal
C. matagal-tagal
D. higit na matagal

37. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga-Iloilo sa buong Kabisayaan.

A. ubod ng husay
B. mas kahali-halina
C. sobrang maindayog
D. totoong malikhain

38. Kung noong dekada ’90 ang halaga ng langis ay kaya pang tapatan ang halaga ng ating piso, ngayon ay hindi na dahil sa _______ taas nito.

A. lalo na
B. higit na
C. sadyang
D. sobrang

39. Kung noong mga taong 1970 ay makakayang suplayan ng 9,600 mtro kubikong tubig ang mga kabahayan, ngayon ay _____ mababa ito at
nasa 3,300 metro kubiko na lamang.

A. lalong
B. lubhang
C. higit na
D. mas na

40. Sa kasalukuyan, masasabing nasa kritikal na kondisyon ang presyo ng langis. Bunga nito, _______ ang halaga ng lahat ng mga bilihin.

A. biglang humina
B. talagang tumaas
C. lalong tumumal
D. lubhang humusay
Isulat nang maayos ang sumusunod na mga bahagi ng isang liham-pangangalakal. Pagsunud-sunurin ang mga ito. Gumamit ng wastong bantas.(41-
50)

Paaralang Elementarya ng Angel L. Bawalan

General Trias City, Cavite

Ika-12 ng Hulyo, 2017 Lubos na gumagalang Ana Luna Waltermart Mangga Governor’sDrive General Trias ,Cavite City

Ginoong dela Cruz

Nabasa ko po sa pahayagan sa nangangailangan kayo ng Assistant Manager sa inyong

tanggapan. Nais ko po sanang mag- aplay sa posisyong ito. Nagtapos po ako sa Lyceum of

the Philippines nitong Mayo 2017. Ang akin pong kurso ay Bachelor of Science in Business

Administration Major in Management. Kung inyong mamarapatin, nais ko po sanang

makipag- usap sa inyo para sa interbyu at upang ipakita ang aking kakayahan. Sana po ay

mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagtrabaho upang makatulong naman po ako

sa aking mga magulang.

Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

You might also like