Kabanata Iii

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag-aaral,


pagpipili ng kasapi at tagatugon, pagtitipon ng mga datos, instrumento sa pananaliksik at
istatistikal na pagtataya.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang, “Code Switching: Behikulo sa pakikipag-


komunikasyon ng mga Mag-aaral” ay ginawa para malaman kung ano-ano ang iba’t ibang
dahilan at paraan ng mga mag-aaral at guro sa paggamit ng code-switching. Gumamit ang mga
mananaliksik ng deskriptibo at kwalitibong pananaliksik bilang disenyo ng kanilang pag-aaral.
Ito ang napili nilang gamitin upang mas maintindihan ang mga dahilan at malaman ang mga iba’t
ibang kahulugan na alam ng mga mag-aaral tungkol sa code-switching.

Sa parteng ito, malalaman din ang epekto at mga maaaring maidulot ng paggamit nito,
maganda man o hindi ang resulta. At dito natin malalaman kung epektibo nga ba ang paggamit
ng code-switching at ano pa ba ang mga bagay na kailangang gawin ng mga mag-aaral upang
maiwasan ang paggamit nito.

Lokal na Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Our Saviour’s Foundation Incorporated. Ang


OSFI ay isang internasyonal na paaralan na nagpapatupad ng “English Only Policy” upang
mapahusay at mapabuti ang paggamit ng mga mag-aaral ng wikang Ingles.

Pagpili ng Kasapi at Tagatugon

Ang mga napiling kasapi at tagatugon sa pananaliksik ay nakuha mula sa Our Saviour’s
Foundation Incorporated, partikular sa apat na baitang ng hayskul. Una, ang mga mag-aaral sa
baitang 7 at 8. Pumili ng limang (5) tagatugon ang mga mananaliksik mula sa dalawang baitang
na ito. Pangalawa, ang mga mag-aaral sa baitang 9 at 10. Pumili sila ng sampung (10) tagatugon
mula sa dalawang baitang na ito. Kaya kung bibilangin, nakakuha ang mga mananaliksik ng
trentang (30) tagatugon para sa pag-aaral nila. Pinili ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-
aaral sa mga hayskul dahil sila ang kadalasang gumagamit ng code-switching na kailangang
pagtuonan ng pansin upang maintindihan ang kanilang iba’t ibang dahilan sa paggamit nito.

Pagtitipon ng mga Datos

Sa pagtitipon ng mga datos, kumonsulta ang mga mananaliksik sa iba’t ibang


pagkukunan ng code-switching. Gumamit din sila ng mga libro na may kinalaman sa code-
switching upang mas mapatunayan ang batayan ng pananaliksik na ito at para mas makakuha pa
ng mas malinaw at malalim na impormasyon. Pati na ang internet ay kanilang ginamit para mas
mapabuti ang paggawa ng pananaliksik. Ang mga bagay na ito ay ginamit sa pagkalap ng mga
datos at impormasyon upang magbalangkas ng maayos ang pananaliksik. Pagkatapos ng
pagbabalangkas sa mga nasabing instrumento at ito ay naapruba ng kanilang guro sa
pananaliksik, doon na isinagawa ang kanilang trabaho bilang mga mananaliksik sa apat na
baitang na napili ng mga mananaliksik para sa kanilang pag-aaral. Sila rin ay gumawa ng isang
liham na humihingi ng permiso sa kanilang Prinsipal at guro sa pananaliksik para sa kanilang
pag-aaral. Pagkatapos ng lahat ay isinagawa na ang pagbibigay ng mga palatanungan para sa
matagumpay na pag-aaral. Naipaliwanag ng mabuti ang gagawin sa pagkakalap ng impormasyon
at naging matiwasay at maayos ang paggawa ng pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit upang maisagawa ang pag-aaral ay sa pamamagitan ng


palatanungan. Ang palatanungan ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa paggamit ng code-
switching na kailangan sagutan ng mga mag-aaral upang maibahagi nila ng matapat ang kanilang
opinyon sa nasabing paksa at naging matagumpay naman ang kanilang pagkuha ng mga datos.

You might also like