Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Alfonso Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa
ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin. Siya ang ama ni Sinang.
Senyor Nol Juan
Siya ang namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas
Taong dilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo Alasigan at Bruno Alasigan
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak.
Iday
Kaibigang maganda ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
Sinang
Anak ni Kapitan Basilio at masayahing kaibigan ni Maria Clara.
Andeng
Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara.
Victoria
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara na kaintahan ni Albino.
Neneng
Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara. Siya ay mahinhin at palaisip.
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang
erehe.
Don Saturnino
Ninuno ni Crisostomo Ibarra
Don Pedro Eibarrimendia
Lolo ni Crisostomo Ibarra. Siya ang naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias.
Don Primitivo
Isang matandang lalaki na marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin. Siya ay pinsan ni Tinchang at
taga payo ni Kapitan Tinong.
Tinchang
Ang matatakuting asawa ni Kapitan Tinong
Mang Pablo
Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio, Kapitan Tinong, at Kapitan Valentin
Ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego
Kapitana Maria
Ang nag-iisang babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. Siya ang kasintahan ni Victoria.
Andong
Napagbintangan na isang pilibustero.
Balat
Ang tiyo niElias na naging tulisan
Carlicos
Bayaw ni Padre Damaso na nanirahan sa Espanya.
Leon
Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.
Ermana Rufa
Kampi kay Padre Damaso
BUOD NG NOLI ME TANGERE
Isang binatang Pilipino ang umuwi sa Pilipinas matapos ang pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang
binatang ito ay walang iba kundi si Juan Crisostomo Ibarra. Sa kanyang pagbabalik ay naghandog si kapitan Tiago
ng isang hapunan. Habang nagaganap ang piging na ito ay makalawang hinamak siya ng isang prayleng
pransiskano na dati nang naging kura ng San Diego at dating kaibigan ng kanyang ama. Siya ay walang iba kundi
si Padre Damaso. Humingi ng paumanhin si Ibarra at lumisan sa kadahilanang siya ay may mahalaga pang
pupuntahan.
Si Maria Clara na katipan ni Crisostomo Ibarra ay isang kaakit-akit na binibini. Para kay Ibarra si Maria Clara ay
sumasagisag sa Inang Pilipinas. Ang binibining ito ay anak sa turing ng isa sa mayayaman sa Binundok at
makapangyarihan kung ituturing, si kapitan Tiago. Kinabukasan, matapos maidaos ang hapunang yaon ay dinalaw
ni Crisostomo Ibarra ay kanyang iniibig na si Maria Clara. Sa kanilang pagkikita ay sinasariwa nila ang mga ala-
ala ng kanilang kamusmusan at ang tunay na pagmamahalan nila kahit sila ay paslit pa lamang. Inilabas ni Ibarra
ang tuyong dahon ng sambong na nababalot sa isang papel na may sentimental na halaga. Ang sulat naman na
ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara bago niya lisanin ang Pilipinas ay binasa ng dalaga. Bago umuwi si Crisostomo
Ibarra ay nailahad ni Tenyente Guevara ang sinapit ng kanyang ama na isang taon nang namayapa. Sinabi niya
na nangyari ang lahat ng ito matapos ipagtanggol ang isang bata sa isang kubrador na aksidenteng nabagok ang
ulo kaya namatay. Umabot ang kaso sa hukuman at nagsilabasan ang kaaway ni Don Rafael Ibarra. Nang
malulutas na ang kaso ay siya namang namatay si don Rafael sa loob ng hukuman. Hindi pa nagpaawat si Padre
Damaso.
Ipinahukay niya ang bangkay ni Don Rafael at ipapalipat sana sa libingan ng mga intsik ngunit dahil sa
umuulan ng panahong iyon ay tinapon na lamang sa ilog ng bay. Kaysa maghiganti, si Crisostomo ay
ipinagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama. Isinagawa niya ang panukala ng ama tungkol sa pagsusulong ng
pagtuturo. Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan. Noong babasbasan na ang paaralan ay may batong
muntikan nang ikamatay ni Ibarra. Mabuti na lamang at siya ay iniligtas ni Elias. Sa halip na si Ibarra
ang mamatay ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway niya ang nasawi. Muli siyang hinamak ni Padre Damaso.
Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili at sasaksakin na niya ang pari ng kutsilyo ngunit siya ay napigilan ni Maria
Clara. Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag si Ibarra ng Arsobispo sa Simbahang Katoliko. Ang sitwasyon
ay sinamantala ni Padre Damaso. Iniutos niya kay Kapitan Tiago na hindi ituloy ang kasal ni Maria Clara at
Ibarra. Sa halip ay ipakasal si Maria Clara kay Linares na isang binatang kadadating pa lang sa Pilipinas.
Napawalang-bisa ang pagiging eskomulgado ni Ibarra at tinanggap muli siya sa simbahan ngunit sa di-inaasahang
pagkakataon ay hinuli at ikinulong dahil naparatangan siya na nanguna sa pagsalakay sa kuwartel. Sa naganap na
paglilitis ay napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra ngunit sinundan muli ito ng panganyaya dahil sa liham na
sinulat niya kay Maria Clara. Kahit walang kaugnayan ito sa kaso ay ginamit ito ng may kapangyarihan upang
hamakin ang binata. Habang ginaganap ang hapunan para sa kasal ni Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra
sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang lumisan ay hiniling muna ni Ibarra na makausap si Maria Clara. Sinumbat niya ang sulat
na ginamit sa hukuman ngunit mariin itong itinanggi ni Maria Clara. Sinabi niya na inagaw mula sa kanya ang
liham. Kapalit nito ang liham mula sa kanyang ina na nagsasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi pa niya na kaya siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng ina, ngunit ang pagmamahal niya
para kay Ibarra ay di lilipas at mawawala magpakailanman. Tinulungan siya ni Elias sa pagtakas ngunit naabutan
sila ng palwa ng sibil. Sa pamamagitan ni Elias ay nailigaw niya ang mga tumutugis at nakatakas si Ibarra. Nang
makalundag si Elias sa tubig ay pinagbabaril siya.o Sa pagkalat ng balita sa pahayagan na namatay si Ibarra, si
Maria Clara ay lubos na namighati. Nakiusap siya na pumasok sa kumbento upang magmongha at walang magawa
si padre Damaso dahil kung hindi ito papayag ay magpapatiwakal ang dalaga. Ang balitang kumalat ay walang
katotohanan sapagkat si Crisostomo ay nakaligtas sa tulong ni Elias. Si Elias na sugatan at halos naghihingalo na
ay nakarating sa gubat ng mga Ibarra. Bago siya tuluyang pumanaw ay humarap siya sa Silanganan at nagwika
na kung hindi man niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, ang makakakita ay batiin ito at huwag
kakalimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi at iyon ang huling mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
TALASALITAAN
NAWAWALANG KABANATA
Elias at Salome ay ang dating nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sa mga siping
kinapapalooban nito, karaniwang ito ang ibinibilang na ika-dalawampu't limang kabanata ng aklat. Sa mga
makabagong sipi, kalimitang nauuna ito sa Sa Tahanan ng Pilosopo at Katapusan ng Noli, o idinaragdag sa huli
o sa apendiks ng aklat. Karaniwang pinapaniwalaang hindi ito nasama sa orihinal na paglilimbag dahil kinulang
si Rizal ng pambayad sa pagpapalimbag, kaya't kinailangang bawasan ang mga kabanata ng nobela. Nang
natagpuan ang orihinal na manuskrito, nakita ang kabanatang ito na may malaking ekis, kung kaya't binansagan
itong "Kabanata X" ("Kabanatang ekis", hindi kabanata bilang 10 bagkus isang kabanatang tinaggal mula sa
orihinal na manuskrito; sapagkat hindi nalalamang ganap kung paano ang dapat na pagkakahanay nito sa Noli),
isa ring dahilan kung bakit idinaragdag din ito sa bahaging apendiks (kung mayroon) ng aklat. Sa salin ni María
Soledad Lacson-Locsin, na may dagdag ni Raul L. Locsin, ito ang pangdalawampu't limang kabanata.
Kabanata 25- Elias at Salome
Sa isang lingid na kubo sa tabi ng batis, nananahi ng isang makulay at manipis na kamisa ang isang payak ngunit
marikit na dalaga. Simple lamang ang kanyang suot na baro’t saya at tapis, may ipit sa buhok, at isang natatangi
niyang hiyas na rosaryong itim na nakasabit sa kanyang leeg. Hindi agad kaakit-akit ang dalaga ngunit kung
susuriin, siya’y maganda sapagkat natutugma ang kaniyang kabuuang anyo. Matiyaga niyang hinihintay si Elias
sa kanyang asotea. Araw araw niya itong ginagagawa mula nang makilala’t makasama niya ang binata. Sumigla
si Salome nang makita niya si Elias, may dala itong pang-gatong at saging. Iniabot ng binata sa dalaga ang dalag
habang masuring tinitignan niya ang pagod na binata. Ilang sandali pa, ang babae na ang nagbukas ng
usapan. Akala ni Salome na manggagaling si Elias sa lawa, ngunit pinaliwanag ni Elias ang nangyaring
pagpapatrol ng mga falua sa buong lawa kaya hindi siya doon dumaan. Ito ay kinabahala ni Salome. Nagkaroon
ng mahabang katahimikan at muli, ang babae ang nanguna; tinanong niya ang mga nangyaring maliit na
pagsasalo-salo na hinanda ni Ibarra, at wala sa loob na kinuwento ng binata ang nangyaring pangingisda, awitan,
at libangan. Hindi na mapigil ni Salome ang dinadamdam, bulalas niya kay Elias na ito ay malungkot, tinanong
niya kung ano ang kailangan ng binata. Napangiti si Elias at sinabing kailangan niya ang pagkakaibigan ni
Salome. Napayuko at bumalik sa pananahi si Salome ng sinabihan siya ni Elias kung bakit ilang ulit na itong
sinasabihan na tahimik siya. Napunta ang usapan tungkol sa mga babae, lalo na kay Maria Clara, na nakita ni
Elias sa piging. Napaluha ang babae at nanahimik. Ilang sandali, mag papaalam na sana si Elias nang makita
niyang umiiyak si Salome.
Sa wakas, sinabi ni Salome ang plano nitong umuwi sa Mindoro sapagkat ayaw niyang mamuhay nang mag-isa.
Sinariwa niya ang mga maliligayang panahon kung paano niya hinihintay ang hapon, ang oras na umuuwi ang
binata. Malungkot na pinaliwanag ng binata ang impsosibilidad ng pag-aasawa nilang dalawa sapagkat ayaw ni
Elias maranasan ng kanilang magiging anak ang minana niyang kamalasan sa buhay dahil sila nga ay mahihirap.
Tumutol si Salome dahil umaasa siyang sasamahan siya sa Mindoro. Pinaliwanag ni Elias kung bakit hindi ito
maaari, kinuwento niya ang naganap sa umagang iyon at ang kanyang nais na puntahan si Ibarra. Pumayag na
lamang si Salome at humiling na lamang na tumira ang binata sa kanyang kubo na sa gayon waring kasama nila
ang isa’t isa. Umalis na lamang ang binata at sinabi kay Salome na sikapin nitong kalimutan siya’t maghanap ng
ibang kasintahan. Nanatiling walang kibo ang dalaga habang sinusundan ng kanyang mga mata ang binata palayo
nang palayo, pinakikinggan ang yabag nito na unti-unting naglaho.
Mahahalagang Pahayag ng mga Tauhan
Gurong Pari (kab. 8)
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang."
-Don Rafael (kab. 7)
"May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay mabubuksan pa lamang para sa iyo, sa
akin ay ipipinid na ang dugo ng kabataan na kumukulo sa iyong mga ugat ay sing-init ng araw, sa akin nama'y
halos sinlamig ng hukay."
Gurong Pari (Kab. 8)
"Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan kaya't ikaw ay pumunta rin sa kanilang bayan upang
tumuklas din ng ginto. GAyon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto."
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid
noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher
Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano.
Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin
niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili
niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si
Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay
maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na
ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista.
Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.