Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kahalagahan ng asignaturang Filipino sa kolehiyo

Isang proposal na papel Na ipinasa kay:

KRISH RIVERA CATOTO, BA

Instructor, FILI6101

Bilang pagbuo sa kahilingan na asignaturang FILI6101 : Wika, lipunan at kultura

Na ipinasa ni:

Guiles Christopher M. Legaspi, BSCpE at John Denver Balbin, BSIE

AUGUST 13 2019
KABANATA 1

PANIMULA

Isa sa mga pinag-uusapan ay ang isyu tungkol sa pagtanggal ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng wikang

Filipino sa kolehiyo at bilang mag-aaral, dapat malaman natin ang kahalagahan nito.

Simula noong inaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang

programang K-12, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas,

bilang tugon sa napapanahong sistema ng edukasyon sa iba’t ibang bansa. Ito rin ang

dahilan kung bakit kailangan din baguhin at ayusin ang kurikulum para sangayunan ang

nararapat na matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon.

Noong taong 2013, napagdesisyonan ng Commission on Higher Education (CHED) na

magtanggal ng anim na yunit ng Filipino para sa papasok na mag-aaral ng kolehiyo sa

taong 2018. Ang CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20 serye 2013 ay

naglalayong gawing 36 yunits ang orihinal na 63 yunits ang General Education

kurikulum para sa kolehiyo na siyang naging sanhi ng pagkakadismaya ng mga ilang

propesor sa Filipino.

Ang pagtanggol n gating mga kababayan sa wikang Filipino ay patunay na tayo

ay mayroon paring respeto sa ating sariling wika.


Pagpapahayag ng suliranin:

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang masagutan ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Gaano kaimportante sa mga mag-aaral ang asignaturang Filipino?


2. Ano ang maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral kapag tinanggal

ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?


3. Anong mainam na programa ang pwedeng imungkahi upang manatili ang

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ito ay mahalaga sa mga mag-aaral, guro at mga mamamayan na may kawilihan

sa pag-aaral sa Filipino.

mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa kanila upang hindi

makalimutan nila makalimutan ang ating wika.

Guro. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa kanila upang higit pa na

maintindihan at makagawa ng mga hakbang upang umunlad ang ating wika para hindi

maalis ang asignaturang Filipino sa anumang antas ng pag-aaral.

Mamamayan. Makatutulong ang pag-aaral nito upang maipaliwanag sa kanila

ang importansya ng wikang Filipino sa ating bansa.


Saklaw at Delimitasyon ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay Pinatutuunan ang kahalagahan at pagpapanatili ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo. Nasasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral

ng AMA Cavite.

Ang mga mag-aaral dito ang siyang pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik

sapagkat sila rin ang maaapektuhan at makakapag lahad ng opinion ukol sa usaping ito.

Hindi nakaka-siguro ang pag-aaral na ito sa panlahat na saloobin ng mga mag-

aaral sa buong unibersidad sa loob ng bansa. May kinalaman lamang ito sa saloobin ng

mga mag-aaral ng AMA cavite.

Mamamayan. Ito ang mga tao na naninirahan sa isang lipunan, bayan o bansa.

Saligang teoretikal

Kinuha ang mga impormasyon sa bahaging ito sa isang websayt na may

kinalaman sa pananaliksik ng asignaturang Filipino.

“Sa pagtuturo ng agham, mas mabuti kung ito ay mailalapit sa araw-araw na


kabuhayan,” wika ni Fortunato Sevilla III, propesor emeritus at dating dekano ng College
of Science ng Unibersidad na hinirang ding Kampeon ng Wika ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF).

Aniya, susi ang paggamit ng wikang Filipino sa komunikasiyon sa pagkakaroon


ng mas malalim at mas makabuluhang pakikipanayam.
Mungkahi naman ni Tereso Tullao, Jr., dalubguro ng ekonomiks sa De La Salle
University, ang hindi paggamit ng wikang Filipino ang sanhi kung bakit hindi
napagbubuklod ang ating lipunan partikular na sa sektor ng edukasiyon.

Kung magiging intelektuwalisado ang wikang Filipino, magagawa nitong mapag-


isa ang mga Filipino lalo na kapag ginagamit ito araw-araw ng mga iskolar, propesor at
maging ng mga pinuno ng bansa sa kani-kanilang larang, dagdag pa niya.

“Malaking bahagi ng midya [sa paglago ng wika] lalo na [kung ang’ radyo at
telebisyon ay pinatatakbo sa paggamit ng wikang Filipino,” ani Tullao

Talaan ng mga termino

Ang mga terminolohiya na ginamit ay binigyang kahulugan sa pamamaraang

opsyonal upang mas lalo pang maintindihan ng mambabasa ang isinagawang pag-aaral.

Wika. Isang bahagi ng pakikipagtalastasan, at mabisang intrumento sa

pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Asignaturang Filipino. Isang asignaturang mula elementary hanggang

sekondarya. Ito ang asignaturang tumutukoy sa bawat mag-aaral na mahasa pang lalo

sa pagsasalita ng sariling wika.

Estudyante. Sila ang mga mag-aaral, mga taong nag-aaral sa isang paaralan.

Guro. Sila ang nagtuturo sa mga mag-aaral. Sila ang gumagabay sa mga

estudyante upang makamit nila ang kanilang pangarap.


ABSTRAK

Layunin ng pag-aaral na ito na mailahad sa mambabasa ang kahalagahan ng sarili nating wika
sa kolehiyo. Dahil sa panukala ng CHED na pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo, nag-ani ito ng iba’t ibang reaksyon at pananaw. Nailahad ng pagsusuri
ang bagong GEC na panukala ng CHED ay umani ng negatibong tugon galing sa mga mag-
aaral ng englsih at history department. Napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi sumasang-
ayon ang karamihan sa ga mag-aaral ng dalawang departamento sa pagtanggal ng
asignaturang Filipino.

You might also like