Kasaysayan NG Wikang Pambansaa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

KASAYSAYAN

NG
WIKANG PAMBANSA
TAGALOG

PILIPINO

FILIPINO
 WIKA – nag-uugnay ng
sambayanan.
 Pangulong Manuel L. Quezon -
pangulo at kinatawan ng Pilipinas
 napaghulo na dumating na

ang takdang panahon


upang tayo’y magkaroon ng
isang pambansang wika.
 gumawa ng paraan upang

maisakatuparan ang
itinadhana ng ating Saligang
Batas.
PAANO IPINALIWANAG NG MGA DELEGADO SA KOMISYONG
KONSTITUSYONAL NG 1986 ANG WIKANG FILIPINO NANG
KANILANG TALAKAYIN AT PAGTIBAYIN ANG TADHANANG
PANGWIKA NG KASALUKUYANG KONSTITUSYON?

 Nakalahad sa katiktikan ng Pulong ng Komisyong Konstitusyonal


(CONCOM) noong Setyembre 10, 1986 ang mga pahayag at
paliwanag ng iba’t ibang delegado sa Komisyong Konstitusyonal na
kabilang ang mga sumusunod:

 .Komisyoner Wilfredo Villacorta: “Ito po ang isang umiiral na


wikang pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino…sapagkat ito ay
isa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P. Sinasabi
rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at
pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang formalisasyon nito ay
kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit
hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito formalisado ay hindi
ito umiiral. Ito ay isang Lingua Franca.”
PAANO IPINALIWANAG NG MGA DELEGADO SA KOMISYONG
KONSTITUSYONAL NG 1986 ANG WIKANG FILIPINO NANG
KANILANG TALAKAYIN AT PAGTIBAYIN ANG TADHANANG
PANGWIKA NG KASALUKUYANG KONSTITUSYON?

 Komisyoner Ponciano Bennagen: Kailangan nating pagkaroon ng


isang midyum ng komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang
Filipino, na binigyang kahulugan ng isang pangkat ng mga pantas sa
wika at mga organisasyong pangwika bilag isang lumalawak na versyon
ng Pilipino.”

 Komisyoner Francisco Rodrigo: “Itong Filipino ay hindi isang bagong


kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin
lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa
Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”
MGA KATAWAGAN O PARIRALANG GINAMIT SA
PAGTUKOY SA WIKANG PAMBANSA BAGO ITO TINAWAG
NA FILIPINO

 “Pambansang wika ng Pilipinas na batay sa Tagalog”


 -unang pariralang ginamit sa pagtukoy sa wikang pambansa sa

bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na inilagda ng


Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937.

 Memorandum Pangkagawaran Blg. 7


 -nag-aatas sa paggamit ng katawagang “Pilipino” sa pagtukoy sa

wikang pambansa upang maikintal sa wikang pambansa ang di


mapapawing katangian n gating pagkabansa.

 Konstitusyon ng 1937
 -nagtatadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang
Batasang Pambansa tungo sa paglinang at formal na pagpapatibay
ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging “Filipino”.
PAANO NAGSIMULA ANG PAGLINANG NG WIKANG
PAMBANSA?

- Konstitusyon ng 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3


- Pambansang Asemblea
- Pangulong Manuel L. Quezon
- Batas Komonwelt Blg 184
- Nobyembre 19, 1936
- Surian ng Wikang Pambansa
MGA BUMUBUO NG UNANG LUPON NG SURIAN NG
WIKANG PAMBANSA

- Tagapangulo (Samar-Leyte) -- Jaime C. de Veyra


- Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap (Tagalog) -- Cecilio Lopez
- Kagawad (Hiligaynon) -- Felix B. Salas Rodriguez
- Kagawad (Ilokano) -- Santiago A. Fonacier
- Kagawad (Bicol) -- Casimiro F. Perfecto
- Kagawad (Cebuano) -- Filemon Sotto
- Kagawad (Tausug); Kinatawan sa mga wika ng mga minoryang Pilipino --
Hadjie Butu
MGA BINANGGIT NG MGA BANYAGANG ISKOLAR
TUNGKOL SA WIKANG TAGALOG
 Professor Apolinar Parale – madali raw matutong magsalita at makaunawa ng
wikang Tagalog.
 Mga Misyonaryong Kastila – ang Tagalog daw ay sinasalita nauunawaan din
iyon ng ibang naninirahan sa ibang isla.
 Prayle Domingo Navarete – natutuhang magsalita ng Tagalog nang walang
gaanong hirap.
 Mga Banyagang Iskolar – napatunayan na ang Tagalog ang siyang
pinakamalawak na dayalekyo sa bansa.
 David J. Doherty – nagsabi na ang Tagalog ay may kapasidad na maging
behikulo ng pagpapatuloy ng kulturang katutubo.
 Frank Blake – ang wikang Tagalog daw ang siyang nababagay sa yaman at
flexibility para sa pag-unlad ng panitikan.
 Henry Barlett – ang Tagalog daw ay mas malawak sa base, malakas ang
potensyal para sa pag-aasimilasyon ng mga wikang banyaga.
PAANO NAGSIMULA ANG PAGTUTURO NG WIKANG
PAMBANSA SA MGA PAARALAN?

 *Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1,


1940)
 nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon na nagpapahintulot sa
pag-iimprenta ng Diksyunaryo at ng Balarila ng wikang pambansa
 *Hunyo 19, 1940
 ang pambansang wika ay tinuro sa pribado at pampublikong
paaralan
 *Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 s. 1940
 sa pamamagitan ni Jorge Bocobo, ang wikang pambansa ay itinuro
sa mga paaralang sekundarya at normal
PAANO NAGING WIKANG OFISYAL ANG WIKANG
PAMBANSA?

 *Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)


 ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang ofisyal na wika simula
Hulyo 4, 1946
 *Konstitusyon ng 1973
 “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at
Filipino ang magiging ofisyal na wika.”
 *Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng
1987)
 “Para sa mga layunin ng komunikasyona at pagtuturo, ang mga
ofisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.”
ANO ANG NAGING DESISYON NG HUKUMAN SA KASO TUNGKOL SA
WIKANG PAMBANSA NOONG 1963 LABAN SA MGA OFISYAL NG
PAMAHALAAN NA GUMAGAMIT AT NAGPAPALAGANAP NG FILIPINO?

 Pinawalang-saysay ng Hukumang Unang Dulugan ng Maynila ang


kaso na sinang-ayunan ng Hukuman ng mga paghahabol at ng Kataas-
taasang Hukuman.
MGA LEGAL NA BATAYAN PARA SA KASALUKUYANG
PAMBANSANG AWIT O LUPANG HINIRANG SA FILIPINO

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 5 – pag-awit ng Lupang hinirang

 Memorandum Blg. 5 – nagtatagubilin na magsagawa ng hakbang upang


malaganap ang pag-awit sa Filipino ng pambansang awit.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 – nag-aatas na ang pambansang awit


ay dapat awitin sa wikang Filipino.
POPULASYON NG PILIPINAS NA NAKAUUNAWA,
NAKAKABASA, NAKAPAGSASALITA, AT NAKASUSULAT SA
WIKANG FILIPINO

 92% - nakauunawa sa wikang Filipno


 88% - nakakabasa
 83% - nakakapagsalita
 82% - nakakasulat

 86% - kabuuang sambayanan na nakapagsasalita sa wikang Filipino


ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Proklama Blg. 12 (1954, Marso)


 -nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang

Pambansa simula sa Marso 29 hanngang Abril 4 taun-taon


sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

 Proklama Blg. 186 (1955, Set.23)


 -nasusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan

nito’y inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng


Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13 hanngang ika-19
ng Agosto.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967, Okt.24)


 -nagtatadhana na nag lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968, Marso 27) - nagbibigay-diin


sa pagpapairal ng Kautusang Tgapagpaganap Blg. 96
 -iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino,
kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
 -iniaatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

 Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968, Agosto 5)


 -nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na
dumalo sa mga seminar sa pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang
Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1968, Agosto 6)


 -nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t
maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng
ofisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

 Memorandum Sirkular Blg. 277 (1969, Agosto 7)


 -bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa lahat ng pook ay
masaklaw ng kilusang pangkapulungan sa pagpapalaganap ng Wikang
Pambansa.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970, Agosto 17)


 -nagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang
korporasyong ari at kontrolado ng pamahalaan.

 Memorandum Sirkular Blg. 443 (1971, Marso 4)


 -hinihiling sa lahat ng tanggapang pamahalaan ng magdaraos ng
palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni
Francisco Baltazar sa Abril 2, 1971.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971, Marso 16)


 -magpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang
kapangyarihan at tungkulin.

 Memorandum Sirkular Blg. 488 (1971, Hulyo 29)


 -humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto
13-19.

 Kautusang Panlahat Blg. 17 (1971, Dis. 1)


 -ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at
Ingles sa Official Gazette at mga pahayagang may malawak na
sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratifikasyon ng Saligang
Batas noong Enero 15, 1973.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

 Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972, Dis)


 -nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang-Batas ay
isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000)
mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang-Batas. (Art. XV,
Sec. 3 [1]).

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974, Hunyo 9)


 -nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong
1974-1975.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
 1974, Okt. 22
 -nagpalabas ng pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa na
makapagdaos ng mga palingkurang pagsasanay, seminar, gawaing
kapulungan at iba pang kauring Gawain tungkol sa bilinggwalismo para
sa mga pinuno’t tauhan ng lahat ng tanggapang pamahalaan, sa lahat ng
guro, professor, pinuno’t tagapangasiwa ng mga paaralan.

 Kautusan Blg. 22 (1978, Hulyo 21)


 -nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi na ng kurikulum na
pangkolehiyo. Simula sa unang semester ng taong 1979-1980, ituturo
ang anim na yunit ng Pilipino sa kolehiyo: Pilipino I (3 yunit) Sining ng
Pakikipagtalastasan (Communication Arts) at Pilipino II (3 yunit)
Panitikang Pilipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha
(Surveys and Readings Of Literature in Pilipino).
TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS,
1987
ARTIKULO XIV
Artikulo XIV, seksyon 6 (1987) -- ― Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
seksyon 6—midyum ng opisyal na
komunikasyon
seksyon 7 – Wikang Opisyal ng Pilipinas—
Filipino; wikang pantulong ng mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at pantulong sa
pagtuturo.
TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS,
1987
ARTIKULO XIV

Kautusang Blg. 52 – Pinalabas ni Kalihim


Lourdes Quisumbing ang pag-uutos na
gamitin ang wikang Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa paaralan
kaalinsabay ng Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)–
Iniutos ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin
ang wikang Filipino sa pagbigkas ng
panunumpa ng katapatan sa Saligang
batas at sa bayan natin.
•Hulyo 15, 1997 - Proklamasyon Blg. 1041,
nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-
31 na nilagdaan nina Pangulong Fidel V. Ramos
at Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torres.

• Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang Filipino


(2001) – Inilabas ng Komisyon ng Filipino ang
Revisyon sa mga tuntunin ng Ortografiyang
Filipino tungo sa istandardisasyon at
intelektwalisasyon ng wikang pambansa.

You might also like