Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma Roeusseff.

Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa kasunod na bahagi.

Sino ba si Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang


babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon noong
2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo,
Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang
kaniyang ina ay isang Brazilian. Estudyante pa lamang si Dilma
ay naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo
kung saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay
siya niyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa
kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na
tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya
nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang
kaniyang pag-aaral (1977) at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic Labor
Party. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay
na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si
Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya.
Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang
Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang tumakbo sa eleksiyon bilang
kahalili ni “Lula” noong 2010.
Biography of Dilma Rousseff, kinuha noong Marso 1, 2014, - Mula sa
(http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html)
CHARACTER PROFILE
A. Pangalan: Dilma Rousseff
B. Tirahan: Belo, Horizonte, Brazil
C. Kasarian: Babae
D. Hanapbuhay: Ginampanan niya ang pagiging Consultant at naging isang mahusay
na tagamahala ng partido. Naging Chief of Staff din siya noong 2005.
E. Pagkamamamayan: Ang pagkamamayan ni Dilma Rouseff ay ang kanyang
nationalidad na isang Brazilian. Naging isang presidente ng brazil mula 2011 hanggang
Agosto 2016.
F. Naging tagumpay: Nakapag tapos si Dilma Rouseff ng pag –aaral, pumasok sa
lokal na politika at nagging isang kasapi ng Democratic labour party, naging consultant
at naging mahusay na tagapamahala ng kanyang partido. Pagkatapos ng eleksyon
hinirang si Dilma Rouseff bilang isang Minister ng Enerhiya. Si Dilma Rouseff ay
naging chief of staff ni Lula de Silva dahil sa kanyang kahusayan at siya ay nanalo
noong 2010 bilang unang babaeng pangulo sa bansang Brazil.
G. Kahanga-hangang katangian: Determinado siya kaya siya nagtagumpay sa buhay,
hindi siya sumuko at palaging lumalaban.
Sagutin:
Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang impormasyon kay
Pangulong Dilma Rousseff?
 Ang aking impresyon kay Dilma Rouseff ay napakatapang niya kasi sa kabila ng mga
pagsubok na kanyang dinaanan nalampasan parin niya ang mga ito. Pinatunayan niya na
kaya ng isang babae ang maging isang pinuno. Naging inspirasyon siya sa mga mamayan
dahil sa mga nagawa niya na ikabubuti ng kanyang bayan.

Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kaniyang
kababayan. Pagkatapos ay subuking palawakin ang ideyang ibinigay sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng pangungusap.
 Sasabihin niya na gagawin niya ang kanyang makakaya upang maiunlad ang kanilang
bansa. Ilalahad niya ang kanyang mga plano at kaalaman para mas mapanatag ang loob ng
mga mamamayan sa kanya at magpapasalamat din siya sa tiwala na ibinigay sa kanya

Sa abot ng kaniyang Paglalahad ng


makakaya gagawin niya kanyang karanasan
ang lahat para maipaunlad at kaalaman tungkol
ang kanyang bansa. sa politika.

Pagkukumpirma ng Magpapasalamat sa
kanyang mga plano tiwala na ibinigay ng
para sa ikauunlad ng kanyang mga
kanilang bansa. kababayan sa kanya.
Basahin nang malakas at may damdamin ang sumusunod na pahayag at pagkatapos ay magbigay
ng iyong sariling opinyon tungkol dito.
1. “Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa
kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa
pamahalaan.” – Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (Inagurasyong Talumpati, 2010)
 Ang korupsiyon ay hindi dapat tularan ng ating pamahalaan dahil hindi ito nakatutulong sa
atin. Dapat ay ang kaunlaran ng ating bansa an ating uunahin.
2. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di pagkakaunawaan sa
ibang nasyon nang mapayapa – hindi dahil naduduwag tayong harapin ang mga panganib,
kundi dahil ang pakikipagkasundo ang matibay na mag-aalis sa pagdududa at takot.” –
Pangulong Barack Obama (Salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)
 Nagpapahiwatig ito na hindi lahat ay masosolusyunan ng armas at dahas dahil mas
maipapakita natin ang ating katapangan sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mapayapa
3. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng edukasyon at
oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon. Ang pagkakataon na
makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng matatag na kinabukasan.” – Prime Minister
Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening Ceremony ng Danish Presidency, 2012)
 Sa tingin ko ang ipinahiwatig dito ay ang mga kabataan na walang pera para sa kanilang
pag-aaral. Ang mga kabataan ay ika nga nila ang kinabukasan ng ating bayan. Sa
pamamagitan ng pagtulong sa kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap ay isa ng
malaking ambag sa lipunan.
4. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi ang di-magandang ugnayan ng
mga bansa, kundi ang paglaganap ng kasamaan. Ang tinutukoy ko ay ang terorismo, drug
trafficking, organisadong krimen at ang sindikatong mafia. Ang lahat ng krimeng ito ay
nagsilbing banta sa buhay, progreso at pag-unlad lalo na ng mahihirap. Sa kasalukuyan,
ang mga krimeng ito ang pangunahing hadlang sa pagkakamit ng mga layunin ng United
Nation.” – Peru Pres. Ollanta Humala (Salin mula sa 68th Session ng General Assembly
ng United Nation, Set. 25, 2013, New York)
 Ang pinakapangunahing banta ay hindi ang malabong pagkakasundo ng mga bansa kundi
ang mga nangyayari sa bansa mismo. Wala sa ibang bansa ang hadlang kundi nasa iyong
bansa mismo.
5. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa kaguluhan ng mundo. Ngunit kung tayo ay
makatutulong sa paglutas nito at makikiisa sa paghubog ng magandang kinabukasan.
Masasabing tunay na makabuluhan ang pakikiisa ng Germany sa European Cooperation.”
– Pres. Joachim Gauck (Salin mula sa talumpati sa pagbubukas ng Munich Security
Conference noong Enero 31, 2014)
 Pagkakaisa at pagtutulungan ang pangunahing kailangan upang maiwasan ang kaguluhan
at ipapatuloy ang kapayapaan sa mundo.
GAWAIN 4: PAGLINANG NG TALASALITAAN
Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng diagram (word association).

PAMUMUHUNAN
HANAPBUHAY

BRAZIL
EKONOMIYA
KAHIRAPAN
SERBISYO

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kaniyang pamumuno sa Brazil?


 Ang nais makamit ni Pangulong Rouseff ay ang kaunlaran ng kanyang bansa at
masolusyunan ang kahirapan na isa sa pangunahing problema ng bansa. Ang pagsugpo
nang labis na kahirapan, pagbigay ng priyoridad ng mahabang panahong pagpapaunlad
ang ilan din sa mga pangarap ni Pangulong Rouseff dahil ang mahabang panahong
pagpapaunlad ay lilikha ng magandang resulta sa kailang bayan.
2.Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay sa mga sinabi ni Pangulong Rousseff.
Ayon sa kaniya, paano niya ito mapabubuti? Sagutin sa tulong ng T-Chart. Gawin sa sagutang
papel.

Paano mapabubuti ang


B kanilang kalagayang
Ano ang kanilang kalagayang panlipunan?
R
panlipunan? Maipapabuti ito sa pagtutulungan
A
Ang kanilang kalagayang ng bawat isa. Bigyang priyoridad
Z ang mahabang panahong
panlipunan ay ang
I pagpapaunlad,kasama na rin ang
kahirapan. pagpapatatag ng programang
L panlipunan, at matibay na
paniniwala.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang sitwasyon ng Brazil sa mga suliraning kinakaharap ng
mga Pilipino sa ating bansa? Sagutin sa tulong ng venn diagram.
Leyenda
A at B – pagkakaiba
C- pagkakatulad

BRAZIL PILIPINAS
A C B
Ang dalawang bansa ay
Ang hindi parehong may malaking Kakulangan
pantay-pantay problema sa kahirapan. ng suplay ng
Ang dalawang bansa ay
na pagtrato sa parehong isa sa pangangailan
bawat pinakamalaking bilang gan ng mga
mamamayan. ng mga mahihirap. mamamayan

You might also like