Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Teoryang Pampanitikan

1. Klasismo– Ito ay tumatalakay sa mataas na uri ng tao. sinasabing ang mataas na uri ay yaong
mayayaman at nakapag-aral. Sila ay itinuturing na makapangyarihan. ito ay paggamit ng istilo ng sining
at panitikan ng mga sinaunang greek at roman. Pinahahalagahan nito ang maliwanag, elegante,
balance, at natahimik na istilo ng mga tradisyunal na anyong pampanitikan. Pinapaburan nito ang
realism at katwiran sa halip na ang imahinasyon at emosyon

2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang


tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.

Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang
kultura.Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o


pagbibigay anyo sa mga ideya

4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi.

5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang


kuwento o akda.

6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi
ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa
akda. Pinakamainam…

7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid,
ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang
ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..

8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng


tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa
kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang
pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.

9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan


halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran

10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede
ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!

11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng
ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na
pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng
pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa
dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa
babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag
at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May
suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping
tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.

13. Historical– Historikal – ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng
mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa
ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon,
agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya

14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon.
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa
tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa
nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga
mambabasa.

15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

Posted by Anngelou Carpio at 6:33 AM

Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment
Sa pananaw Marxismo, binibigyang-diin ang tunggalian at ang labis na
pagkakaiba ng mga uri sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng malawakang solusyon sa
kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang
magpapalaya sa mga manggagawa.

Ang panitikan sa ganitong pananaw ay instrumento ng pagbabago o behikulo


upang gisingin ang kamalayan ng tao sa kanilang kalagayang api.

Mga Katangian ng Akdang Kababakasan ng Pananaw Marxismo:

 Hindi maihihwalay ng kritiko ang akda sa konteksto nito sa lipunan at sa panahong


naisulat ito.
 Maaring maihiwalay ang laman (content) at anyo (form) ng akda sa pagsusuri.
 Mahalagang kilalanin ang manunulat ng akda, ang uring kanyang kinabibilangan, at ang
mga impluwensya sa kamalayan niya.

You might also like