Professional Documents
Culture Documents
Vdocuments - MX - Lesson Plan A Sample Lesson Plan in Content Based Integration Filipino
Vdocuments - MX - Lesson Plan A Sample Lesson Plan in Content Based Integration Filipino
Vdocuments - MX - Lesson Plan A Sample Lesson Plan in Content Based Integration Filipino
III. Pamaraan:
A. Magpakita ng larawan ng mga bayani at pag-usapan ang mga ito.
- Itanong sa mga mag-aaral kung sino-sino ngayon ang maituturing natin mga bayani.
- Pagbigayin sila ng mga lider- Pilipino na nakatutulong sa ating bansa.
B. Pag-usapan ang mga dapat gawin kung may nagbabasa.
- Alamin ang kahulugan ng mahihirap na salita sa babasahing kuwento.
(malaya, kilusan, bantog, kongregasyon, kawanggawa)
- Ipabasa ang kwento tungkol sa bayaning Pilipino at ipasagot ang mga tanong tungkol sa
binasang kuwento.
Halimbawa:
1. Anu-ano ang mga kabutihang nagagawa ng mga babaeng lider sa pag-unlad ng bansa?
2. Gusto mo bang maging tulad nila? Bakit?
- Pag-usapan ang naging kontribusyon ng mga bayani sa kuwentong binasa.
Halimbawa:
Marcela Agoncillo- tumahi ng unang bandilang Pilipino
Mother Ignacia del Espiritu Santo- nagtatag ng Unang Kongrgasyong panrelihiyon para sa kababaing Pilipina.
- Talakayin o pag-usapan ang mga pangngalang ginamit sa kuwento.
Halimbawa: Dr. Jose Rizal, Marcela Agoncillo, bansa, bayan,atbp.
- pangkatin ang mga pangngalan na nagsisimula sa malaki at maliit na titik.
Halimbawa:
Nagsisimula sa malaking titik Maliit na titik
1. Melchora Aquino 1. bayani
2. Teodora Alonzo 2. bansa
3. Librada Avelino 3. bandila
4. Patrocinio Gamboa 4. babae
C. Talakayin kung ano ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana sa pamamagitan ng mga tanong
na ito.
a. Saan nagsisimula ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari?
b. B. Anu-ano ang mga panandang ginamit sa pangngalang pantangi at pangngalang pambalana?
Uri ng pangngalan: Pantangi at Pambalana
Pantangi- tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking
titik.
Pambalana- karaniwang tawag sa tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
Nagsisimula sa maliit na titik.
D. Paglalapat
Balik-aralan ang mga dapat gawin kapag may
pagsusulit.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang mga pangngalan at isulat kung ito’y pantangi o
pambalana.
Pantangi Pambalana
1. Sina Dan at Nene ay naligo sa beach.
2. Ang mga bata ay may dalang meryenda.
3. Nagdala rin sila ng salbabida.
4. Si Bb. Reyes ang guro ng mga bata.
5. Ang mga bata ay masayang umuwi sa kanilang mga tahanan.
IV. Asignatura:
6. Gumawa ng tatlong pangungusap na may pangngalang pantangi at pambalana. Lagyan ng isang linya ang
pantangi at dalawang linya ang pambalana.