Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Miracle In Cell No.

7
By: Lee Huwan – Kyung

I. Mga Tauhan:
 LEE YUNG – GU
- Ama ni Yea Song na mayroong depekto
sa pag-iisip
- Napagbintangang may sala sa naganap na
aksidente na nagdulot sa kanya upang
makulong at masintensyahan ng kamatayan

 YE – SEUNG
- Pinakamamahal na anak ni Lee Yung-Gu
- Matalinong bata na kayang tumayo sa kanyang
sariling paa

 BOSS YANG – HO
- Kasama ni Lee Yung – Gu sa kulungan
- Naging pastor pagkatapos makalaya
- Hindi marunong magbasa

 CHOOI CHUN – HO :
- Edukadong preso na kasama rin ni Lee Yung - Gu

 SHIN BONG – SIK:


- Tinulungan ni Yea Sung upang makausap ang
kanyang pinakamamahal na asawa

 MAN – BUM:
- Tagapagmatyag kung mayroong paparating na pulis

 OLD MAN SEO :


- Binasahan niya ng kwento si Yea Sung sa
kadahilanang hindi alam ni Boss Yang Ho kung
papaano magbasa

 JANG MIN – HWAN


- Isa sa mga matataas na ranggo ng pulis
- Tumulong kay Yung – Gu upang makita ang kanyang
anak kahit na nasa preso
- Sinubukang mapawalang-bisa ang sintensya kay
Yung – Gu ngunit hindi nagtagumpay ditto
- Umampon kay Yea Sung na naging daan para sa kanya upang maging
abogada

MGA KARAGDAGANG TAUHAN:


 Park Kil-Soo – Guwardiya sa preso
 Jo Jae-Yun – Guwardiya sa preso
 Jung Han-Bi – Guro ni Ye-Seung
 Jo Deok-Hyeon – Pinakamataas na pinuno ng mga pulis
 Lee Yun-Hee – Guro ni Ye-seung sa bahay-ampunan
 Lee Seung-Yeon – Asawa ni Jang Min-Hwan
 Kim Se-Dong - public defender
 Park Sang-Myeon – Lider ng isang Gang sa loob ng kulungan
 Min Jung-Ki - detective 4

II. Buod

Ang pelikulang “Miracle in Cell no.7” ay tungkol sa relasyon ng isang mag-ama at


kung paano nila pinagdaanan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. May depekto sa
pag-iisip si Yung – Gu na ama ni Ye – Seung, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya
para mapunan ang pagiging ama niya sa kanyang anak. Si Ye – Seung ay nag-asam na
magkaroon ng isang “sailormoon bag”, at bilang isang ama, gagawin ni Yung – Gu ang
lahat upang mapaligaya ang kanyang anak. Nagkaroon ng maliit na engkwentro dahil
binili ng isang mayamang pamilya ang huling piraso ng bag. Nakiusap ang tatay ni Ye –
Seung na kung maaari ay huwag itong bilhin subalit sinununtok lamang siya nito.

Noong nakatakdang araw na bibilhin na ni Yung – Gu ang bag ay nakita niya ang bata
na bumili nito. Sinabihan siya nito na mayroong isa pang tindahan ang nagbebenta nito
kaya naman sumunod siya rito upang malaman kung saan ito bibillhin. Ngunit isang
aksidente pala ang parating, nadulas ang bata, nabagok ang kanyang ulo at kasunod nito
ay natamaan ang kanyang ulo ng isang bloke ng semento. Sinubukang tulungan ni Yung
– Gu ang bata ngunit ito pa pala ang makakapagdiin para sa kanya na maging suspek. At
dahil doon ay nakulong si Yung – Gu. Bilang ang ama pala ng biktima ay pinuno ng mga
pulis mas humina ang laban ni Yung –Gu na nagdulot upang siya ay masintensyahan ng
kamatayan sa isang kasalanang hindi naman siya ang gumawa. Ngunit sa huli,
nagbigyang-linaw pa rin ang lahat para malaman ang katotohan na nagpawalang-sala
kay Yung – Gu kahit na siya’y pumanaw na.

III. Pagsusuri :
a. Pamagat:
Ang pelikula ay pinamagatang “Miracle in Cell No. 7”sa kadahilanang ito ay nagbigay
inspirasyon sa mga manunuod. Dito ay naipakita kung paano nagkaroon ng milagro sa
loob ng isang kulungan. Ipinaramdam nila kung paano nila pinanatili ang kanilang pag –
asa kahit na sa pinakamahirap na pagsubok.
b. Simula:
Nagsimula ang pelikula sa pagbabalik-alaala ng bida sa kuwento ng kanilang buhay
ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagtanaw niya sa isang lobo na nakasabit sa kawad.

c. Pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari:

Si Lee Yong-Go ay may pag-iisip katulad ng anim na taong gulang na


kung saan yun ang edad ng kanyang anak na si Ye-Sung na mas matalino pa sa
kanya. Sila ay payapang namumuhay ng Masaya at ang kanyang ama’y
nagtratrabaho sa isang local na bintahan. Ngunit isang araw nang namatay
ang anak ng pulis komisyuner si Yong-Go ang nakakita a nangyari.
Inakusahan niya ito at pinatawan ng parusang kamatayan dahil sa pag
kidnap, sekswal na pang-aabuso at pagpatay sa isang minor. Si Yee-Song ay
pinunta sa institusyon kung saan inaalagaan ang mga bata at ang kanyang
ama ay naikulong. Sa simula ay hindi siya tanggap ng kanyang kasama sa
selda. Hindi nila maintindihan ang sitwasyon. Isang araw iniligtas niya ang
kanyang kasamahan pati narin ang kanyang opisyal. Bilang pasasalamat
pinayagan niyang mamalagi sa bilangguan si Yee-Song.

d. Wakas:

Sa huli, nalaman ang buong katotohanan na siya ay napagbintangan lamang.


Ipinaglaban siya ng kanyang anak at nakamit ang hustisya at katarungan.

IV. Mga Kakintalan:


Ang istoryang “Miracle in Cell no. 7” ay tumulong sa mga manonood upang
malaman na hindi hadlang ang kakulangan ng isang tao upang mapunan ang
pangangailangan ng kanyang minamahal. Naiparating din dito na anuman ang edad
ng isang tao ay hindi ito basehan ng kanyang pananampalataya at pagbibigay pag-
asa sa ibang tao. Namulat din ang kaisipan ng marami tungkol sa pamamalakad ng
gobyerno at kung paano nila ginagamit ang kanilang kapangyarihan na madalas ay
sa paraan ng pang-aabuso sa mga nasa ibaba. Ngunit hindi naman lahat ay kabilang
sa ganoong klase ng tao, dahil mayroon pa ring mabubuting loob na handing
tumulong sa ngalan ng katarungan. Naipakita rin dito na hindi imposibleng magbago
ang isang tao kahit pa gaano kalaki ang kanyang nagawang kasamaan. Kasama nito,
ano man ang pagkakakilanlan sayo ay hindi ito basehan ng pagiging isang
magkaibigan dahil kahit na nasa preso sila ay nagkaroon pa rin sila ng mabuting
samahan. Naisaad din dito na ang pagmamahal ay maaari mong maging kalakasan
ngunit maaari mo ring maging kahinaan. Dahil sa istoryang ito ay pinagbantaan ng
pinuno ng mga pulis si Yung – Gu na nagsabing, kapalit ng kanyang pagkawalang-
sala ay ang kapahamakan ng buhay ng kanyang anak na si Ye – Seung, kaya naman
ito ang nagtulak sa kanya upang akuin ang kasalanang hindi naman siya ang
gumawa, pagmamahal na nanaig para sa kanyang anak kahit na kapalit nito ay ang
kanyang sariling buhay.
Miracle
in Cell No. 7
Retorika

 Agsiweng, Nikki S.
 Andres, Mary
 Amoloza, Denielle M.
 Lachica, Luz B.
 Quinio, Daisy Lou S.

Gng. Elvira Dines


Instructor

You might also like