Pagmamahal, isang napakasaya at importanteng pakiramdam. Ang tunay
na pagmamahal ay isang napakadakila na maaaring maramdaman ng bawat isa. Marami na ang nagtaka, nagpaliwanag at nagbahagi ng kanilang istorya tungkol sa tunay na pag-ibig ngunit paano ba natin malalaman kung ang iyong nararamdaman ay tunay ngang pag-ibig at hindi paghanga, pagnanasa o bugso lang ng isang kagandahan/kagwapuhan o pisikal na atraksyon lang?
Ang tunay na pagmamahal ay hindi nababase sa itsura ng isang tao, hindi
rin sa popularidad at lalong hindi sa dami ng kayamanan. Ito ay nakabase sa tunay na nararamdaman at naiisip ng isang tao. Ito ay kapag may mga bagay-bagay tayong hindi naman natin kadalasang ginagawa ngunit para lang sa taong mahal natin, ito ay ating nagagawa ng walang pag aalinlangan tulad nalang ng pag- unawa. Higit pa rito, ang paglalaan ng oras ay isa rin sa mga bagay-bagay na ito. Dahil sa tunay na pagmamahal, nakapaglalaan pa tayo ng oras para sa taong mahal natin kahit na minsan ay marami pa tayong ginagawa at dapat gawin. Natuto rin tayong manindigan kahit na minsan ay mahirap itong gawin. Higit sa lahat ay ang pagsasakripisyo, ito ay mahirap ngunit nakakaya natin sa larangan ng pagmamahal. Nakakaya nating itaya ang iba pang mahahalaga at mga bagay na lubos nakapagpapasaya sa atin. Ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan kahit saan, sa iyong kaibigan, pamilya, at sa Panginoon.
Kakaibang kasiyahan ang naibibigay sa atin ng isang tunay na pagmamahal
na kahit ano mang bagay ay hindi ito mapapantayan. Lahat tayo ay magkakaiba at ganun din sa pagpapahayag ng ating pagmamahal ngunit ang importante ay nakaramdam tayo nito at dapat na pahalagahan natin. Ang pakiramdam na ito ang nakapagpapalabas o nakapagpapakita ng lahat ng magagandang katangian ng bawat indibidwal. Ang tunay na pagmamahal rin ang napakagandang paraan upang tayo ay magkaisa. Tunay na pagmamahal, ito lamang ang maaaring makapagbabago para sa ikabubuti ng isang tao at ikabubuti ng lahat.