Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon

ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na

matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan

tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng

pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita

ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento

at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng

kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na

pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang

“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang

pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit

sa paglikom ng datos.Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita

ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan

na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang

maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.


Prinsipyo ng Lipunang Pilipno
Sintesis
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat
ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang
ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin
ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit.
Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang
bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito
ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong
sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging.
Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin
bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay
sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha
kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan
ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan
ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang
sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina
at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging
isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na
umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa
puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang
kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari
din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao. Mababatid
natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho para itong maging
hari ng gubat.
Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si
matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga
hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang
sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin
mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa
huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga
salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan
ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa
paguugali kung paano ito dadalhin.

Wakas
Panukalang Proyekto
Pamagat ng Proyekto: Kahaandaan sa oras ng Kalamidad

Kategorya ng proyekto: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang paghahanda
sa mga darating na kalamidad

Proponent ng Proyekto: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo

Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness” para sa mga


mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa panahon ng Kalamidad.
Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang impormasyon upang hindi mailto o maguluhan ang mga
mag-aaral kung paano ang gagawin sa oras ng kalamidad.

Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon ng
Agosto 17,2018

Rational:
Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad. Sinasabing maari itong maganap
sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahaandaan sa oras ng Kalamidad ay
napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa ang mga estudyanteng
senior high na mula sa Lagro High School. 100 estudyante ang inaasahang dadalo sa seminar
bilang mga respondente. Maituturing na mapalad ang gagawing proyektong ito dahil dadalo ang
ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross bilang mga speaker.

Gastusin ng Proyekto:
Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa sumusunod na
pagkakagastusan.

Aytem Halaga Kabuuan


Honorarium ng Ispiker P2,000 P2,000

Pagkain ng Ispiker P500 P500

Sertipiko ng Ispiker na may Frame P200 P200

Sertipiko ng mga Kalahok P2 x 100 P200

Tarpaulin P550 x 2 P1,100

KABUUAN: P4,000

Benipisyong Dulot ng Proyekto: Ang makikinabang ay mag-aaral ng Lagro High School Senior
High School. Ang layunin ay maging handa ang bawat mag-aaral sa pagdating ng sakuna o
kalamidad.
POSISYONG PAPEL
Parusang Kamatayan
ni: Cristine Joy Cabuga

Usaping may kinalaman sa parusang kamatayan ay bakit hindi mamatay matay? makakatulong ba

sa isang bansa ang ganitong uri ng parusa o ito ay mas makakasama at makakalala? mayroon nga

ba itong magandang naidudulot sa bansa kapag napasiyahang ibalik ito?

Ang parusang kamatayan ay isang mainit na usapin lalo na dito sa pilipinas. maraming mga

Pilipinong tumututol at sumasang-ayon dito at isa na lamang ako sa libo-libong Pilipinong di

sumasang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ano nga ba ang parusang kamataya o death

penalty?. Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa

gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na

maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy,

kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Ano nga ba ang aking mga dahilan kung bakit ako

tumututol laban sa death penalty?.

Unang dahilan, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas. hinihimok ng

Simbahang katoliko na labanan ang death penalty sa Pilipinas sapagkat ito’y hindi naaayon sa

bibliya at batas ng Diyos. Ayon kay Pope Francis ang santo papang tinitingalaan ng mga katoliko.

Ang pagbibitay ay dapat tutulan sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitay ay walang moral na

kalalagyan sa mga turong katoliko (O’ Connell, 2016). Ang death penalty ay pagkitil ng buhay ng

tao at ang buhay ay pinahahalagahan ng mga katoliko at ng Simbahang Katoliko. Pangalawa, hindi

ito magandang dahilan upang mabawasan ang kriminalidad ng isang bansa sapagkat ng dahil dito

nawawalan na ng tamang hatol para sa nagkasala at makamtan ang hustisya. Ang nagkasala ay
nararapat lamang mahatulan batay sa kanyang nagawang pagkakasala ngunit hindi dahilan ang

pagpatay upang makamtan ang hustisya. Mawawala ang kalidad ng batas at hustisya ng isang

bansa kung ang tanging paraan lamang upang makamtan ito ay ang pagpatay. Pangatlo, ang isang

nagkasala ay may karapatang mag bago ayon nga sa isang kialalang kasabihan ang tao ay

nagbabago, hayaan natin silang pagbayaran ang kanilang nagawang kasalanan sa patas at maayos

na pamamaraan di natin kailangan gumamit ng dahas upang makamtan ang hustisyang nais

makamit. Para sa akin di rin naman biro ang makulong sa isang seldang masikip, mainit at malayo

sa pamilya sapat na sigurong sila’y maghirap sa kanilang ginawa upang mapagbayaran ito. Ang

mga nagkakasala at nagkakamali ay marapat lamang na sila ay magdusa at magbayad upang sila’y

matuto sa kasalanang kanilang ginawa huwag nating hayaang mabahiran ng dugo ang kamay ng

ating batas.

Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa maykapal wala tayong karapatang kumuha nito maliban

sa kanya. Hayaan na natin ang Diyos ang mag bigay ng parusa na ginawa niya dito sa lupa sapagkat

naniniwala akong hindi dito sa lupa ang huling hatol kundi sa kanya. Kaya sikapin nating

malabanan ang parusang kamatayan dito sa ating bansa sapagkat hindi ito ang sagot sa hustisya.

Pinahayag ng CBCP na, “Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at

Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay

sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”


KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora

Petsa: July 19, 2017

Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo


1 KGG. Anthony Dominic Sanchez 1
2 KGG. Mark Vincent Cabana 2
3 KGG. Elizar Valenzuela 3
4 KGG. Rendell Solano 4
5 KGG. Onille Paul Bernardino 5
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia

Daloy ng Usapan

Panimula

1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa

PANIMULA:
KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:
Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo, 2017
sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa kabatiran ng
mga walang hawak na sipi ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit
na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.

REPORT THIS AD
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run upang
makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali dito dahil
ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo ng benta
ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng
publiko.Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.

KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming
mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging sakanilang
mga tatakbo.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?

KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan upang
mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.

KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang
nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.

KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang
gusto ninyong maging registration para dito?

KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking iminumungkahi na ito


ay gawing 250.00php.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro
500.00php ang kakailanganin natin.

KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong 300.00php.
KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.

KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:

Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo

Tubig = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php

KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari nating
gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao,
mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity na ito.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

ZIA CZARINA GARCIA


Kalihim ng barangay

Pinapatunayang totoo:

KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ


Punong Barangay

Kgg. na taga-pangulo
PICTORIAL ESSAY
“Ang Takbo ng Buhay”

Ang buhay ay parang gulong. Minsan ay nasa ibabaw kay, kadalasan nama’y nasa ilalim ka.
Matinding pagsubok ang kailangang harapin kailangang bigyan ng solusyon upang
makapagpatuloy sa agos ng buhay. Katulad ng gulong, umiikot at nadudumihan man, malaki pa
rin ang mahalaga nito upang makalarga.

Kapag na sa ilalim ka, iyon ay dahil pumasok na ang problema. Mahirap makipagtunggali sa mga
ito ngunit manalig ka lamang at ika’y pagpapalain at bibigyang solusyon ang iyong mga problema.
Pilitin mang ibaba ka ng iba, mananatilu ka lamang mapagkumbaba upang maiparating mong may
pinag-aralan ka. Parte ito ng ating buhay at hindi ito maiiwasang mangyari. Kaya habang ika’y na
sa ilalim, kumapit ka lamang at ikaw ay aahon din.
Sa kabila ng maraming problema, panatilihin mong maging masaya at iwasang maging malungkot.
Hindi solusyon ang pagiging malungkot sa matitinding kinakaharap bagkus ngitian mo lamang
ang mga ito dahil ipinapahiwatig nitong kaya mo iyon. Laging tandaan na may iba pang may mas
matinding kinakaharap, hindi ka nag-iisa.

Kapag naman na sa ibabaw ka na, mas malawak mo ng makikita ang mundo. Dahil ika’y natuto
na, nabigyang solusyon mo na ang iyong problema mo. Dito mo na malalaman ang kaginhawaan.
At dahil nalagpasan mo na ang mga problema, kaya mo ng maglakad sa sinulid mag-isa.

Ikaw na ngayon ang isang halaman na nagmula sa maliit hanggang sa lumagi at masaganang
namumunga. Nananatiling matatag kahit na maraming pagsubok. Gayunpaman, panatilihin pa ring
mabunga ang buhay.
Lumago ka na at maginhawa na ang iyong kalooban dahil wala ka ng iniisip, oras na upang
tumulong ka na sa iba. Ibahagi ang magandang karanasan mo para makausad din sila. Maging sa
maliit na bagay man ay matutulungan mo sila.

Dahil sa maliit na bagay o tulong ay magagawa mong mapaunlad ang buhay ng ibang tao. Basta’t
hihingi ka lang ng tulong sa Diyos at gagawa ka ng aksyon. Magiging masaya na ang lahat at
masarap sa pakiramdam.

Sa kabila ng kaginhawaan ay huwag kalimutang magpasalamat. Hindi ka darating sa ganitong


yugto kung hindi dahil sa tulong ng iba at ng Diyos. Ipagpatuloy lamang ang magandang nasimulan
at kung dumating ulit ang problema ay ituloy lang ang laban.
ADGENDA
Pagtala ng Adyenda ni Joelyn Joy Malumbay

PETSA: Enero 15, 2018


PARA SA: Mga miyembro ng Kilos Kabataan
MULA KAY: Joelyn Joy Malumbay (pinuno ng samahan)
Mangyayari ang ating pagpupulong sa Enero 20, Ika-7 ng umaga na gaganapin sa barangay hall at
ang pinuno ng samahan na ang bahala sa miryeda at panulat na gagamitin sa pagpupulong.

1. Pagbrigada sa barangay tuwing umaga ng lunes hanggang byernes

2. Pagtulong at pagsasaayos sa pagsagawa ng venue kung sakaling may programa ang barangay

3. Magturo sa mga bata na magbasa at magsulat, ito ay isasagawa tuwing umaga ng sabado sa barangay hall

4. Pagsagawa ng pagkain sa mga bata tuwing umaga ng sabado o pagkatapos sa pagtuturo

5. Paghikayat sa mga kabataan na sumali sa mga aktibidad tulad ng mga iba’t – ibang palaro sa barangay.
(halimbawa: basketball, volleyball etc.)

Repleksyon:
Madali gumawa ng agenda, ang mahirap lamang ay pumili ng paksa na gusto mong gawan ng
adyenda dahil sa dami ng paksa mahirap pumili, pero dapat sa pagpili ay sa tingin mo ay madali
at may alam ka tungkol dito tulad sa akin na ang napili kong paksa ay kabataan. Nauugnay ko ito
sa aking sarili kaya madali kong naisagawa ang adyenda.
BIONOTE

ANNA PATRICIA A. NABUTEL. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mount Carmel

College-Baler, Aurora bilang 3rd honorable mention. Sa nagtapos ng Junior High School

at Senior High School Science and Technology, Engineering and Mathematics Strand sa

Aurora National Science High School. Nagtapos siya ng May Karangalan noong siaya ay

nasa Senior High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Veterinary Medicine sa

Unibersidad ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Kontribyutor siya ng The Nucleus bilang

tagapagsulat ng balita.

Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian”

ang opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa

kategoyag Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer.

Noong siya ay nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”.

Kabilang siya sa Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino. Nasungkit

nila ang 1st place sa DSPC’15, samantalang napasama sila sa Top 10 sa RSPC’15.

Naparangalan ang kanilang papel pananaliksik na may pamagat na BIODEGRADABLE

PLASTIC PRODUCTION USING TARO (Colocasia esculenta) CORMS bilang Best

Research sa kanilang paaralan.


TALUMPATI
Talumpati Tungkol Sa Edukasyon

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang pagkakaroon natin ng sapat
na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri
ng lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.
Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at pagsulat. Ang
uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para tayo ay
makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong pangkabuhayan.

Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng salat at kulang na


kaalaman sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang hindi natin makamtan ang ating
mga gustong makamit at marating sa buhay.
Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang tinatanong ay ang antas ng ating
pinag-aralan. Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi tayong napag-iiwanan sa anumang
larangan. Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang karaniwang ibinibigay sa atin.

Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas pa na posisyon. Wala tayong
magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na kalakaran sa mga taong kulang ang pinag-aralan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng kaniyang


pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong
nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.

Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may malinaw na mata at taynga. Ito
po ay patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang mangmang sa lipunan. Ikaw
nanaisin mo bang mapabilang sa mga ganitong uri ng mamamayan ng ating lipunan? Sana ang
inyong kasagutan ay hindi.
Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan saan man itapon
ay kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya nating tumayo at
makipagsabayan sa anumang uri ng buhay.
Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong lumaban ng patas at
malayo sa panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi na
lang nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para
lubusan nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan
bagkus ay para sa ating inang bayan.
Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para
makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang
tumunganga at tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong
walang natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman lamang.
Sa ating mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating kailangan ang edukasyon sa ating
buhay. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging pamana
sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.
Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan. Maging
responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga dunong at
huwag itong ipagkait lalo na sa mga nangangailangan.
Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay at inspirasyon niyo sa
buhay. Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga tahanan ay baunin ninyo ang mga aral ng buhay na
magbibigay sa inyo ng pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang kahalagahan ng aral at
edukasyon sa buhay ng isang tao.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Pundasyon

ni: Cristine Joy S. Cabuga

Naalala ko pa noong bata pa ako laging nandyan ang aking magulang upang ako’y gabayan sa
lahat ng aking gagawin at sila din ang nagturo sa akin kung paano tumayo sa aking sariling mga
paa. Tanda ko pa noon kung paano nila ako tinutulungan sa aking pagpasok sa school , tulungan
sa paggawa ng mga takdang aralin at mga proyekto , paghahanda ng baon at hinahatid sa eskwela
ngayon ako na gumagawa ng lahat ng ito mag isa. Noong bata pa ako lagi kong sinasabi sa sarili
ko na kaya ko namang mabuhay kasi andyan naman sila upang gabayan ako ngunit, sa paglipas ng
maraming panahon kung saan natuto na akong mag isip para sa sarili ko, magdesisyon para sa
ikabubuti ko, nalaman ko ang pag kakaiba ng tama sa mali at manindigan sa buhay. Namulat ako
sa katothanang hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi ko upang gabayan ako sa buhay ko.
Noong una hindi ko talaga lubos maisip bakit nila ako pinapalo pag nag kakamali ko sabi nila pag
pinapalo ka indikasyon itong mahal ka nila pero bakit baliktad ang aking nararamdam? at mga
halos araw-araw na sermon ang aking natatanggap. Ngunit sa kabila ng mga sermon at palong
aking natatanggap katumbas nito ay isang pagdidisplina na akala mo di ka nila mahal dahil
sinasaktankaayun pala ay guisto ka nilang matuto sa mga pag kakamaling nagagawa mo. Ngayong
malaki na ako mas lalo kong napatunayan na hinahayaan na nila akong magdesisyon para sa sarili
ko sapagkat alam nila na matibay na ang Pundasyong kanilang ginawa sa akin. Para sa aking
pananaw ang mga magulang ay gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.
Nagagawa nila ang mga bagay na hindi nila inaasahang magagawa nila tulad ng pamamalo ngunit
sa kabila ng lahat ng ito dito tayo natututo sa mga pag kakamaling ating nagagawa. Binigay sila
ng Diyos upang gabaya’t alagaan ang kanilang mga anak at patibayin ang pundasyon para sa
kinabukasan at kapakanan ng kanilang mga anak.

You might also like