Aborsyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

INTRODUKSYON

Ang Aborsyon ay nagiging bahagi na ng kultura ng maraming bansa sa buong mundo. Ito ay
tinuturing na tradisyon sa mga tribo sa iba‘t ibang bansa. Dalawang daang taon na ang
nakakalipas, nagdesisyon ang maraming mga bansa na gawing legal ang aborsyon sa kanilang
mga lugar bilang maging bahagi n ang kanilang kultura, ito ay upang mapangalagaan ang
kanilang kalusugan ng mga kababaihan at isang paraan na rin upang maiwasan nag paglobo ng
populasyon.

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o

fetus sa loob ng matris, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad
ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa.
Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang
pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang
babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis,
kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.

Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang mga legal at
moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo.

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman at maunawaang mabuti ng lahat ang mga masamang
dulot ng aborsyon pisikal man, emosyonal ispiritual at sosyal na aspeto sa buhay.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1
Ganatra, Bela. 2006. “Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence,” in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing
Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186.
2
Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. “Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal
perspectives.” Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.
Mga Kaugnay na Pag-aaral

Tahanan ang Asia-Pacific ng higit isang bilyong tao na edad 10–24, pero ang datos sa
grupong ito sa sinadyang aborsyon ay madalang, di-kumakatawan sa lahat at di-kumpleto, lalo
na sa mga dalaga. Sa Asia, mula sa kabataan ang 1–15% ng lahat ng aborsyon. Ito ang tantya
gamit ang mga datos ng buo o bahagi ng bansa1, na tataas pa kung sa maliliit na pag-aaral
ibabatay. Samantala, maliban sa Australia at New Zealand, walang datos sa Pacific.
Sa kalakhan ng Asia-Pacific, walang asawa ang karamihan sa mga kabataang gustong
magpalaglag. Pero sa South Asia, kung saan may asawa na ang 32% ng mga 15–19 at halos lahat
ng kababaihan ay may asawa na pagsapit ng 24,5 nagaganap ang karamihan ng di-gustong
pagbubuntis dahil nais ipagpaliban ang unang panganganak o agwatan ang susunod. Pero kahit
sa rehiyong ito, pataas pa rin ang dalas ng pagbubuntis ng mga tinedyer na walang asawa, lalo na
sa kalunsuran.
Katiting lang ang nagkokontraseptibo sa mga kabataang dalaga na nakikipagseks na. At kahit sa
mga may asawa na edad 15–19, mas kaunti ang nagkokontraseptibo kaysa sa mga babaeng
nakatatanda.5 Kabilang sa sanhi nito ang kakulangan ng wastong kaalaman sa kontrasepsyon;
pahirapang pagkuha ng serbisyo (lalo na sa mga dalaga); hindi pantay na katayuan ng babae’t
lalaki; pagbale-wala sa pangangailangan ng mga bagong kasal at mga dalaga; at pagdalas ng
pinilit na pagtatalik. 1

Di-ligtas na Pagpapalaglag na mga Kabataan. Tinataya ni Shah at Ahman6 na sa mga

babaeng 15–19 nangyayari ang 9% ng mga di-ligtas na aborsyon sa Asia, at sa mga babaeng 20–
24 ang 23%. Mas mababa ito kaysa sa Africa o Latin-America; pero dahil sa laki ng populasyon
ng Asia, tinatayang nasa rehiyong ito ang mababa lang sa kalahati (45.7%) ng 7.2 milyong di-
ligtas na aborsyon taun-taon ng mga babaeng 15–24 sa mga umuunlad na bansa. Sa Pacific,
kakaunti ang impormasyon at opisyal na datos sa anumang aspeto ng aborsyon. Pero ayon sa
panayam sa mga nakakaalam at sa maliliit na pag-aaral, sa kabataang babae mas nagaganap ang
aborsyon at pagpa-ospital para magamot ang komplikasyon, o pagluwas sa ibang bansa para
magpalaglag (halimbawa, sa Australia).
Matibay na pinapakita ng maliliit na pag-aaral at datos ng ospital na mas mataas ang
pagkamatay mula sa komplikasyon ng aborsyon sa hanay ng mga nagdadalaga, lalo na sa mga
walang asawa. Ito ang pangunahing mga sanhi: (1) mas malamang na sila ang nagpapalaglag sa
ikalawang trimester, na kahit sa pinakaligtas na kalakaran ay mas malaki ang panganib kaysa sa
maagang aborsyon; (2) mas malamang na sila ang gagamit ng taong hindi bihasa sa aborsyon, o
gagawin iyon sa sarili; at (3) mas malamang na hindi sila magpapagamot agad kung may
kumplikasyon. 2

Mga Legal na Hadlang. Halos walang di-ligtas na aborsyon sa mga lugar na liberal ang batas at
maluwag na nakukuha ang serbisyo, tulad sa East Asia. Sa mga lugar naman gaya ng India na
limitado ang serbisyo kahit di-gaanong mahigpit ang batas o doon sa mga napakahigpit, mas mga
bata, mahirap at dalaga ang tinatamaan. Kahit mga liberal na batas ay maaaring may kalabuan sa
karapatan ng mga dalaga, may paghihigpit batay sa edad, o dapat may pahintulot mula sa
magulang o tagapag-alaga. Kahit wala sa batas, maaaring igiit ng mga ospital na dapat may
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1
Ganatra, Bela. 2006. “Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence,” in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing
Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186.
2
Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. “Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal
perspectives.” Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.
magulang habang ginagawa ang aborsyon. Maaaring hingin ang pirma ng asawa bilang bahagi
ng ng batas (hal., sa South Korea) o ng kalakaran. 3

Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi?
Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para
sa akin ito ay isang hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga
problema tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang
ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang
pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kapantay, kaya’t dapat ay ganun din ang ating gawin sa
ating kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para sa mga nagdalangtao sa
pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din dapat magpa-aborsyon dahil hindi natin
alam ang plano ng Diyos sa atin, alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind sumasang-
ayon sa aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din na mga nanay
ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag sila’y nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba
nagkakaroon ng impeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may
sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga magulang na nagpa-
aborsyon ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba naman ay binabangungot. Para sa iba, ang
aborsyon ay dapat gawing legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil
iyon ang gusto ng tao ngunit hindi nila naiintindihan na ito ay hindi nakabubuti o ligtas at sa

_____________________________________________________________________________________________________________________________________
1
Ganatra, Bela. 2006. “Unsafe abortion in South and South-East Asia: A review of evidence,” in Warriner, I.K. & Shah, I.H. (eds.). Preventing
Unsafe Abortion and Its Consequences: Priorities for Research and Action. New York & Washington: Guttmacher Institute. pp. 151-186.
2
Warakamin S.; Boonthai, N.; Tangcharoensathien, V. 2004. “Induced abortion in Thailand: Current situation in public hospitals and legal
perspectives.” Reproductive Health Matters (RHM). Vol. 12, No. 24 (suplemento). pp. 147-56.
mata ng Diyos ito’y isang uri ng pagpatay. Ang aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong
itigil dahil sa mga masasamang epekto nito na naidudulot sa atin.