Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isa Dalawa

Tatlo
Ni: Hannah A. Mina

Magsimula na tayo, simulan natin dun sa parteng, sinimulan mo ang Tayo.


Teka teka, mali yata ako? Nagkaroon nga ba ng tayo? Sinimulan mo lang pala ang
panloloko mo at pagpapaasa mo.

Simulan natin kung saan sinabi mo yung mga paasang salita, “Mahal na mahal kita at
hindi kita iiwan.” Paasa ka. Nasaan na, nasaan na yung mga linayang nagpapakilig sa
akin? Nasaan na yung mga forever na sinabimo? Nasaan na yung mga pangakong
binitawan mo? At huli, nasaan ka na?

Isa, isang lingo magmula nung nagging malamig ka na sa akin. Ang sakit sakit dahil
pinaasa mo ako sa mga matatamis mong salita na binigyan kong kahulugan, pero para
sayo, normal lang yan. Wala na ba? Wala na ba talaga o binalewala mo lang lahat?
Itatapon mo na lang ba lahat ng yon? Ayaw mo na ba?

Sabihin mo lang kung ayaw mo na at papalayain kita kahit na ako’y masasaktan ng


sobra, basta’t ikasasaya mo yan.
Dalawang lingo na ang nakakalipas pero yung sakit nandito pa din, fresh pa din.
Samantalang ikaw, may ibas ka na agad ka late night talks, kausap hanggang madaling
araw, pinapasaya, pinapakilig. Ganun na lang ba yun? Talaga bang wala na sayo ang
lahat? Ang bilis naman.

Tatlo, tatlong linggo na pero ikaw pa din ang nasa isip ko pero sumasaya ka na sa iba.
Tatlong linggo na pero parang halos lahat ng mga bagay ay ikaw ang naaalala ko. Para
bang nananadya ang tadhana.

Isa, isang buwa na ang nakakalipas, pero masakit pa rin. Nalaman kong may iba ka
nang nililigawan at eto na, nakita kitang muli, malaki ang ngiti, tumatawa, na kahit
kelan hindi ko man lang nakita habang tayo pa. Napamura ako, napaisip ako kung kahit
isang beses ba napasaya man lanbg kita at bakit ganun kadali para sayo na makahanap
ng iba at mas masaya ka dun kesa nung nasa akin ka pa?

Dalawang buwan na ang nakakalipas at kayo na daw. Eto na naman ako na iiyakan ka
hanggang sa makatulog ako, eto na naman ako na sobrang broken dahil lang sayo.
Grabe no, ang lakas pala ng impact mo sa akin. Na kahit gaano mo ako saktan ay ikaw
pa rin ang isisgaw ng puso, ikaw pa rin ang iisipin ng utak, ikaw pa rin ang hinahanap
hanap ng buong pagkatao ko.

Tuwing makikita ko kayo kasama yung babae nay un, lagi kong pinapangarap n asana,
ako na lang yun, ako na lang yung babaeng yon kasi dapat ako naman talaga ang
nakakasama mo hanggang ngayon….hindi ba?

Tatlo, tatlong buwan na ang nakakalipas at kailangan ko nang bumangon sa sakit na


pinadanas mo sa akin. Para sa babaeng mahal niya ngayon, pinapasaya niya ngayon,
sana alagaan mo siya higit pa sa pagalaga ko sa kanya. Sana mahalin mo din siya higit
pa sa pagmamahal na pinaramdam ko sa kanya. Sana wag mo siyang pakawalan kasi
nakita ko sa mga mata niya gaano ka niya kamahal at pinahahalagahan.
At dun na nga nagwakas ang ating storya. Na kahit puro sakit ang dinanas ko,
aalalahanin ko na lang ang mga oras na nagging masaya tayong dalawa.
Hindi man nagging tayo hanggang dulo tulad ng sinabi mo, at least naranasan kong
magmahal ng isang tulad mo, kahit gaano pa man kasakit.

You might also like