Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

DZMM

Pagpapababa ng edad ng pananagutan, 'di tugon' sa kriminalidad: abogado

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 03:39 PM

Hindi matutugunan ng pagbaba ng minimum age of criminal liability ang problema sa paggamit ng mga
sindikato sa mga bata, sabi ng isang abogado.

Isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas na layong ibaba sa 13 anyos ang edad para panagutin
ang bata sa nagawang krimen, mula sa 15 anyos na nakapaloob sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare
Act of 2006.

Katuwiran ni Senate President Tito Sotto, na naghain sa Senate Bill 2026, maraming mga sindikato ang
umaabuso sa Juvenile Justice and Welfare Act dahil sa paggamit nila sa mga bata para magsagawa ng mga
krimen.

Pero para sa abogadong si Noel Del Prado, kahit pa ibaba ang age of criminal liability ay itutuloy lang ng
mga sindikato ang paggamit sa mga bata.

"Noong ang minimum age [ng] criminal responsibility ay 'yong nine to 12 [years old], noong panahon na
'yon ang ginagamit ng sindikato ay 'yong mga nine to 12. So isipin mo 'pag binaba mo 'yong minimum
age of criminal responsibility, ang maiisip ng mga sindikato, 'Mas bata 'yong gagamitin ko,'" sabi ni Del
Prado sa programang "Usapang De Campanilla" ng DZMM.

"Hindi mo tinutugunan 'yong ugat ng problema," dagdag niya.

Bago ipatupad ang minimum age na 15 sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, nasa edad 9 anyos
ang minimum age sa ilalim ng Presidential Decree No. 603 o Child and Youth Welfare Code.

Dagdag pa ni Del Prado, hindi mapabubuti ang isang batang nakagawa ng mali kung ipapasok ito sa
kulungan, lalo sa kalagayan ng mga kulungan sa bansa ngayon.

Bagaman sinabi ni Sotto na ang mga batang pananagutin ay ilalagay sa rehabilitation facilities, sinabi
naman ni Del Prado na iilan lang ang mga lokalidad na mayroon nito.

Base raw sa pag-aaral ng Juvenile Justice and Welfare Council, 33 porsiyento lang ng lahat ng local
government units ang may Bahay Pag-asa.

"Ibig sabihin, sa 66 percent sa buong kapuluan... 'yong mga bata mapupunta sa regular na kulungan. At
ang laking panganib niyan para sa kanila," ani Del Prado.

Ayon kay Del Prado, hindi likas sa mga bata ang paggawa ng krimen at mas dapat tutukan ang mga
matatandang gumagawa ng krimen.

"Kung gusto mo talagang magkaroon ng malaking epekto sa kaayusan, sa kaligtasan, dapat yata mas
tinitingnan mo 'yong [adults]," aniya.
Panukalang pagbaba ng minimum age sa criminal liability sa PHL, tinutulan

on February 17, 2017 By Ailly Mill Eagle News Service

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tinutulan ng ilang grupong nagsusulong sa karapatan ng mga
kabataan ang planong ibaba ang minimum age sa criminal liability.

Ang minimum age sa criminal liability ay ang pinakamababang edad kung saan ang isang tao ay
maaaring sampahan ng kaso sa korte at makulong.

Dito sa Pilipinas, batay sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na inamyendahan ng
Republic Act 10630 ang isang batang ang edad ay labinlimang taong gulang o mas bata pa na lumabag sa
batas ay ipinalalagay na walang kriminal na pananagutan pero kailangang sumailalim sa isang
intervention program.

Sa kasalukuyan may mga panukalang batas ang nakahain ngayon sa Kongreso na naglalayong ibaba ang
minimum age ng criminal liability sa siyam na taong gulang, bagay na tinututulan ng ilang Child Rights
Group.

Ayon sa UNICEF Philippines, Child Rights Network at Philippine Action for Youth Offenders (PAYO),
hindi maaaring ibaba ang minimum age sa criminal liability ng mga menor de edad dahil nakalagda ang
Pilipinas sa United Nations Convention on the Rights of the Child.

Ibig sabihin, kinakailangang sundin ng gobyerno ng Pilipinas ang mandato na protektahan ang karapatan
ng mga bata.

Taliwas din anila ito sa prinsipyo ng criminal law.

Paliwanag naman ng Psychological Association of the Philippines at Humanitarian Legal Assistance


Foundation, hindi maaaring ibaba sa siyam (9) na taong gulang ang minimun age sa criminal liabilty dahil
hindi pa ganap ang pag-unlad ng mga bata.

Bagamat masasabi anila na may kakayahan na silang matukoy kung ano ang tama at mali ngunit kulang
pa rin ang kanilang kapasidad dahil sa murang edad ay hindi pa nila ganap na makita ang pangmatagalang
epekto ng kanilang mga desisyon.

Batay sa tala ng Philippine National Police(PNP), Syamnapu’t-walong porsyento (98 %) ng mga


naitalang krimen sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2012 ay gawa ng mga matatanda.

Dalawang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng krimen ang kinasasangkutan ng mga bata na kung
minsan ay ginagamit pa ng mga sindikato

Dahil dito, ang dapat daw na hulihin ay ang mga sindikatong nambibiktima ng mga bata.

Inilarawan naman ni Senador Risa Hontiveros na isang “death sentence” para sa mga bata ang
panukalang ibaba ang minimum age sa criminal liability.

Naniniwala rin si Akbayan Representative Tom Villarin na palakasin na lamang ang Juvenile Justice
Welfare Act lalo na ang pagtulong sa mga batang may suliranin sa batas para makapagbagong buhay.
Eagle News Servicehttp://www.eaglenews.ph/panukalang-pagbaba-ng-minimum-age-sa-criminal-
liability-sa-phl-tinutulan/

https://news.abs-cbn.com/tvpatrol

Bagong panawagan sa pagbaba sa edad ng pananagutan, tinutulan

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2018 06:35 PM | Updated as of Nov 12 2018 09:04 PM

Inihayag ng ilang grupo ang kanilang pagtutol sa mga bagong panawagan na ibaba ang minimum age of
criminal liability matapos batikusin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Juvenile Justice Act.

Sa ilalim ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, hindi maaaring panagutin sa
batas ang mga nakagawa ng krimen kapag sila ay may edad 15 anyos pababa.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte sa isang talumpati noong weekend na ang naturang batas ang dahilan
kung bakit dumadami ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga bata.

Pero ayon kay Commission on Human Rights Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, kapag binaba
ang edad ng criminal liability o pananagutan, mananakawan ng kinabukasan ang mga bata.

"Ano magiging kinabukasn ng batang 'yun, bata pa tinag mo na na kriminal?" sabi ni Pimentel-Gana.

Nakabinbin ngayon sa Senado ang isang panukalang batas na inihain ni Senate President Vicente "Tito"
Sotto III na layong ibaba sa 13 anyos ang edad ng pananagutan mula 15 anyos.

Noong nakaraang taon, iminungkahi naman ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na ibaba ang
edad ng pananagutan sa 9 na taong gulang.

Para naman sa grupong Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, hindi edad kundi kahirapan sa buhay
ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno dahil ito ang nagtutulak sa ilang bata na gumawa ng krimen.

Sa pag-aaral ng Salinlahi, base umano sa datos ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD), noong 2016, nasa 10,000 bata ang nasangkot sa krimen. Karamihan sa mga ito ay lalaki, hindi
nakapagtapos ng ikaanim na baitang sa pag-aaral, galing sa mahirap na pamilya, at nahuli dahil sa
pagnanakaw.

"Nandoon sila sa kondisyon ng kahirapan na kailangan nila mag-commit ng krimen para lamang
mabuhay. At imbes na tugunan ito, gusto nilang tanggalin ang batas na nagpoprotekta sa mga bata," sabi
ni Salinlahi Secretary General Eule Rico Bonganay.

Ang Salinlahi ay isang umbrella organization na binubuo ng higit 30 child at human rights advocates.

Sa ilalim din ng Juvenile Justice Act, dapat i-rehabilitate sa mga shelter na binansagang "Bahay Pag-asa"
ang mga batang nakagawa ng krimen sa halip na ikulong sa mga ordinaryong piitan.
Pero ayon sa Salinlahi, bagaman 114 ang bilang ng mga Bahay Pag-asa na kailangang itayo ng gobyerno,
mayroon lang 35 Bahay Pag-asa sa bansa.

--Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

https://www.philstar.com/headlines/2018/09/26/1854844/tito-sotto-files-bill-lowering-age-criminal-
liability

image: https://www.philstar.com/opinion/2011/09/29/731682/pros-and-cons-expanding-legal-age-barriers

Pros and cons of expanding legal age barriers

AS I WRECK THIS CHAIR - William M. Esposo () - September 29, 2011 - 12:00am

There are pros and cons to carefully weigh in the current discussions in the Senate and in the House of
Representatives on raising the compulsory retirement age for government employees to 70 and lowering
the age when offending minors can be made criminally accountable and jailed. The present laws impose
compulsory retirement for all government employees upon reaching 65 years of age and minors who are
less than 15 years of age cannot be criminally charged and jailed.

Both proposals have merits that deserve public debate and media attention. There is productivity plus a
wealth of experience that are lost in the five years between 65 and 70 years of age. Several gory and
shocking crimes committed by minors under age 15 have convinced some legislators that those aged 9 to
14 may not be as “innocent” as they seem. Changing landscapes demand adjustments in laws as well.

Filed as Senate Bill 2797 by Senator Miriam D. Santiago last May, the lady Senator cited State University
(UP) Professor Clarita Carlos as resource person. In an article, Carlos claimed that the present mandatory
retirement age of 65 was determined during the time of Germany’s Otto Von Bismarck, around 122 years
ago when the average life expectancy was 37 years of age. Senator Santiago also mentioned Professor
Ray Fair of Yale University whose paper claimed that many septuagenarians are at par with 45-year-old
counterparts.

Equal opportunity, which is guaranteed by the Constitution, is a compelling argument for raising the
compulsory retirement bar for government employees to 70. Another point raised by Senator Santiago to
support her bill is that the five-year extension would allow the hobbled government insurance system to
recover.

Santiago somewhat conceded in her explanatory note that the feasibility of working for five more years
could apply less to those whose jobs involve physical activity more than skills. The blue-collar workers
suffer from faster wear and tear — aggravated further by lack of funds for proper health maintenance.

Resistance to the Santiago bill would center on the following issues:

1. The extension further hampers government efforts to provide jobs to those entering the job market.
Retired government employees have benefits due them from the GSIS. Jobless newly-graduates have
nothing to live on.
2. There has to be guarantees that the worker is up to date with advances in systems and technology.
Many Baby Boomers are computer illiterate — making them dinosaurs in this age.

In the private sector, the trend has been to push retirement age even earlier. At age 40, employees,
especially the executives, start to feel insecure, as more companies want a younger workforce. In my
opinion, this is wrong because when you count the mistakes and the cost of the learning curve of new
employees and executives — the price could be too dear to pay.

In the case of minors and their age of accountability as criminals, the proposal to lower the age bar to nine
years of age was prompted by a series of shocking crimes that were committed by minors younger than
15 years of age and have thus escaped criminal prosecution. In many of these crimes, it was determined
that the under 15 offender premeditated the foul deed.

Lowering the age bar for minors to be criminally prosecuted is heavily premised on changed global
conditions. Opportunities for learning the realities of life have been enhanced by technological
developments — most notably the computer and the mobile phone. Kids can satisfy their interest in the
human reproductive organ by simply visiting easily accessible websites. They can even provide us seniors
and adults with the links where we can view celebrity “skin” displays.

All over the world and here, minors becoming members of violent gangs are already a common sight. It’s
been reported that gangs intentionally recruit minors to do their dirty job — knowing that being under the
age bar makes them immune from criminal prosecution. It’s a serious social problem.

Those pushing for lowering the age bar for prosecuting minors believe that even those aged nine today
can neither claim to be ignorant of the law nor incapable of discerning what’s right from what’s wrong. It
cannot be claimed therefore that they were victims of their innocence. There is no tinge of innocence in a
13-year-old gay who planned to kill his boyfriend and commit suicide after the murder. There is no tinge
of innocence in a 12-year-old who volunteered to shoot and kill an innocent bystander as part of his
initiation into the gang. There is no tinge of innocence in 14-year-old boys who planned and gang raped a
neighborhood lassie.

Indeed, the world has become a more dangerous place for life and limb. Minors who should still be
mesmerized by Disneyland have added to the ranks of dangerous criminals. Times change. Education and
information levels change. The age when innocence is lost now happens earlier. Meanwhile, media
pollution proliferates and feeds curious young minds with new ways and means to commit crime and get
away with it.

Our laws have to also adjust to these changes. Otherwise, government ceases to be relevant and invites
change.

Read more at https://www.philstar.com/opinion/2011/09/29/731682/pros-and-cons-expanding-legal-age-


barriers#hXY9rABrYmmxdk8p.99

LOWERING AGE OF CRIMINAL LIABILITY SHOULD BE STUDIED FURTHER: SALIMBANGON


Sun.Star Cebu13 Feb 2017EOB/RVC

Rep. Benhur Salimbangon (Cebu, fourth district) says he may move to call experts from the Department
of Social Welfare and Development to the House hearing on House Bill 2. He said the lowering of the
minimum age of criminal liability from 15 to nine years old must be studied carefully. While he is
supporting the bill, Salimbangon said it should only be limited to drug cases, since reports say that drug
syndicates are using children in the illegal drug trade.

The bill lowering the minimum age of criminal responsibility from 15 years old to nine years old must be
studied carefully to determine if there is a need to approve it.

This was the opinion of Rep. Benhur Salimbagon (Cebu, fourth district) who supports the House Bill
(HB) 002.

The bill, drafted by Rep. Fredenil Castro (Capiz) and co-authored by House Speaker Pantaleon Alvarez
and several members of the House, introduces amendments to the Juvenile Justice and Welfare Act (RA
9344), already previously amended by Republic Act 10630.

The current minimum age is 15 years old.

Salimbangon said that he may move to call experts from the Department of Social Welfare and
Development (DSWD) to attend the congressional hearings to provide inputs on whether there is a need
to approve the bill.

While he is supporting the bill, Salimbangon, however, said that it should only be limited on drug cases,
amid report that drug syndicates are using children in the illegal trade.

However, lawyer Joan Saniel Amit of the Children’s Legal Bureau (CLB) said that children who are used
in the illegal operations of drug syndicates should be considered victims.

Amit said that the CLB will urge congressmen, especially those from Cebu, to oppose HB 002 because
the minimum age of 15 of criminal responsibility is the one acceptable under international standards.

Cebu City North District Con- gressman Raul del Mar said that he is against the bill because it will not
prevent the criminal syndicates from using the children.

Instead of putting the blame to the children, del Mar said that higher penalties must be imposed on
criminal syndicates, or all adults who will use minors in criminal activities.

Del Mar believes that an effective guidance program for children must be taught to the parents at home
and teachers in schools and other agencies.

The Cebu City legislators also said see the need to put up more centers that will help children to reform,
instead of putting them in jail.

“Youth centers must be established for the reformation of children in conflict with the law instead of
confinement in jails, which adversely affects their physical, mental and psychological well-being that may
harm their overall development,” he told Sunstar Cebu.
Rep. Raymond Democrito Mendoza of the partylist’s Trade Union Congress of the Philippines said that
he will also oppose the bill because children as young as nine years old are not yet mature to decide to
commit a crime.

He said that the children should be protected from any abuse.

Early this month, several groups, including the CLB, United Nations International Children Emergency
Fund (Unicef ) and the Child Rights Network conducted a forum against the passage of HB 002 at the
Cebu Provincial Capitol Social Hall in Cebu City.

The groups also launched an online signature campaign opposing the bill. They want to get as many
signatures as they could gather in a bid to stop such proposed measure from becoming into a law.

They believed that the proposed measure will never deter the exploitation of children by criminal
syndicates.

They said that the children are not criminals.

The House Justice Sub-Committee on Correctional Reforms is currently deliberating at least six bills
seeking to amend the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, including HB 002, which was the first
such measure filed during the 17th Congress.

While the bill acknowledged that the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 was “laudable” in its main
purpose to protect the youth, it failed to deter criminals from using children in crimes, such as drug
trafficking and robbery.

Apart from the DSWD, the Commission on Human Rights, various child rights advocates, and even some
congressmen are opposing the approval of the bill.

https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-cebu/20170213/281586650347002

Suportado ng Philippine National Police ang panukala ni Senate Presidente Tito Sotto III na ibaba sa edad
na dose ng criminal lability para sa mga bata,

Ayon kay PNP Chif Director General Oscar Albayalde, sa iba mga bansa, 6 na taon ay pinapanagot na
kapag nakagawa ng krimen.

May mga bansa pa nga ani Albayalde na walang limit sa edad.

Sa ngayon sinabi ni Albayalde na kinukuha rin niya ang opinyon dito ng mga regional director ng PNP at
kanilang legal service.

Magugunitang sa ilalim ng Senate Bill 2026 ni Sotto ay nais nitong maamyendahan ang Juvenile Justice
and Welfare Act of 2006.
Sa nasabing batas na umiiral sa ngayon, ang mga bata na edad 15 anyos pababa ay hindi pwedeng
makulong kahit nakagawa ng krimen.

Read more: https://radyo.inquirer.net/141488/panukalang-ibaba-ang-edad-para-sa-criminal-liability-


suportado-ng-pnp#ixzz5XBecohfo

Panukalang Ibaba ang Minimum Age ng Criminal Liability sa Juvenile Justice Law, Tinutulan ng Marami

by UNTV News | Posted on Wednesday, July 11th, 2012

Umalma ang marami sa panukalang babaan ang edad ng mga batang mapaparusahan kung masasangkot
sa krimen. Umabot sa 64% ang tumututol habang 36% lamang ang pumabor sa panukala batay sa
ginawang online survey ng Kongreso.

Tutol din dito si Senator Miriam Santiago. Ayon sa mambabatas, sa halip na parusahan ay ipa-rehab na
lamang ang mga batang sangkot sa krimen upang mabago ang paraan ng pamumuhay ng mga ito.

“Criminal justice should never be a controlling paradigm for children, especially for those who have
committed non-heinous offenses. Even in heinous crimes, the intention should still be the child’s
restoration, rehabilitation and reintegration. It is in these cases, where diversion could be utilized to help
in the protection and rehabilitation of the child,” pahayagni Santiago.

Ikinatuwa naman ni Attorney Tricia Clare Oco ng Juvenile Justice And Welfare Council Secretariat ang
resulta ng survey ng Kamara. Ayon kay Oco, pinatutunayan lamang na hindi sagot ang naturang panukala
upang masugpo ng kriminalidad na sangkot ang mga bata.

“We are excited about the poll result because it echoes the juvenile justice and welfare council’s opinion
that lowering the minimum age of criminal responsibility is not the answer to solving criminality
involving children and the poll shows we are not alone in this conviction and we appreciate that support,”
pahayag ni Oco.

Kamakailan ay inaprubahan na sa third and final reading ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang
House Bill 6052 o ang panukalang batas na humihiling na ibaba ang minimum na edad na
maparurusahang bata kung masangkot sa crimen.

Mula sa minimum age criminal responsibility na 15, ito ay ibababa sa 12 taong gulang. Nakasaad sa
panukalang batas na malaki ang impluwensya ngayon sa mga bata ng modern media kumpara sa
nakalipas na sampung taon. (Bryan De Paz/Marje Navarro)

DAPAT BANG MAKULONG NA ANG EDAD 9-15 ANYOS?

BY REMATE NEWS TEAM


AUGUST 31, 2018

Napakarami na ngayon ang nasasangkot sa krimen na ang edad ay bago mag-18 at pababa.

Menor-de-edad ang tawag sa mga ito.

Dahil menor-de-edad, hindi basta maposasan ang mga ito ng mga awtoridad at ikulong at pagbayarin ng
danyos.

Karaniwang ipinapasa ang mga ito sa Department of Social Welfare o kaya’y isinasauli sa mga magulang
para sila na ang bahalang magdisiplina sa mga ito, lalo na sa mga masasabing maliliit na maling gawa ng
mga ito.

Bawal nga rin sa media na kinapapalooban natin na ilabas ang litrato ng mga ito kahit wanted sila sa mga
karumal-dumal na krimen gaya halimbawa ng rape, pagpatay, robbery, paggamit o pagtutulak ng droga,
arson o sadyang panununog.

KINASASANGKUTANG MGA KRIMEN

Halos araw-araw na may iniuulat ng media na mga menor-de-edad o mas bata sa 18 anyos na sangkot sa
krimen.

Marami sa mga ito ang nagiging tulak o runner ng droga o adik.

Marami rin ang sangkot sa pagnanakaw gaya ng holdap, isnatsing, akyat-bahay, agaw-cellphone at iba pa.

Meron ding mga motornapper, bukas-kotse at iba pa.

Mayroon ding nangre-rape at pumapatay.

At meron ding mga sangkot sa mga cyber crime, kasama na ng cyber libel.

PATI EDAD 9-15

Ayon sa pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency, may natatagpuan silang mga sangkot sa droga
na nasa 9-15 anyos.

Sa mga kasong matatagpuan sa mga barangay, mayroon ding krimen na ganito.

‘Yun bang… may mga 9-15 years old na kasama ng mga akyat-bahay at iba pang istayl ng pagnanakaw
at droga rin.

Ang mga ito kasi ang madaling makapasok sa mga maliliit na butas o bintana ng mga bahay na
ninanakawan at madaling mautusan sa pagdadala ng droga.

Pero dahil nga sa ganitong edad, karaniwan na lang na pinakakawalan ang mga ito ng mga taga-barangay
o dili kaya’ ipinapasa sa Department of Social Welfare and Development.

Ang mga notoryus o paulit-ulit ang gawa, inilalagay sa mga detention facility para sa mga menor-de-edad
EDAD 15-18

Sa Pangilinan Law, ang edad 15-18 ay pinanagot na sa batas.

Pero mas magaan ang parusa sa mga ito kumpara sa mga parusa sa mga may edad.

Ayon sa mga may gustong ibaba sa hanggang 9 ang taon para makulong na sa kanilang mga krimen,
napakabilis umanong dumarami ang mga menor-de-edad na sangkot sa krimen.

Hindi umano masasabing basta inosente na lang ang mga ito dahil sa rami ng mga impormasyon na
nasasagap ng mga ito, lalo na sa bisa ng tekonolohiya.

Marami nang 9 years old pataas ang nakaaalam na ang pag-rape, pagpatay, pagnanakaw, pagkarnap at iba
ay mabibigat na krimen at naparurusahan ng pagkakulong at pagbabayad ng danyos.

Isa pa, ginagamit sila ng mga may edad sa paggawa ng krimen at dito rin nila nalalaman na krimen ang
kanilang ginagawa.

Ang paggamit sa kanila ng mga may edad ay dahil libre ang mga ito sa anomang kaso ng krimen at kung
maparusahan man ay magaan lamang.

KATANUNGAN SA MAMAMAYAN

Habang nag-aaway-away ang mga magagaling na mambabatas kung anong amyenda sa batas ang dapat
gawin, dapat ding mag-usap-usap ang mga mamamayan at ilabas ang kanilang mga paniniwala.

Hangga’t maaari ay ibatay ang lahat sa karanasan.

Isama sa mga usapin ang rekord ng mga barangay dahil marami sa mga ito ang hindi nakaaabot sa mga
munisipyo, pulisya at DSWD.

‘Yung bang… masasabing malaki ang kakulangan ng mga datos na pinagbabatayan ng mga nasa
Kongreso.

Kung maisasama ang mga datos sa barangay na wala sa munisipyo, pulisya at DSWD ngunit alam ng
mga taga-barangay, higit na mas mayaman ang mga impormasyon na pupwedeng doon mabuo ang
anomang pag-amyenda sa batas.

HUWAG PULITIKAHIN

Dapat na isantabi ang pamumulitika at iba pang pansariling interes sa usaping ito.

Mayroon kasing mga mabunganga lang para makuha ang suporta ng mga simbahan na may malaking
boto sa panahon ng halalan.

At kung ano ang ikasisiya ng mga simbahang gusto nilang bingwitan ng malaking bilang ng boto, ‘yun
ang kanilang pinapaburan sa paggawa o pag-amyenda sa batas.

Mayroon namang mga hindi nakararanas sa mga ito ng mga krimen ng mga kabataan kaya lumalabas ang
ampaw nilang mga paninindigan.
Hindi nila nararamdaman ang sakit ng mareypan ng anak, mamatayan ng mga magulang, manakawan,
makarnapan, makidnapan at iba pa na gawa ng mga menor-de-edad.

Muli, dapat na makilahok ang mga mamamayan, lalo na ang mga biktima sa kasalukuyang mga
diskusyon sa usaping ito at ilabas ang kanilang mga saloobin.

Kapag maging aktibo ang mamamayan dito ay may mabuong mga pagbabago sa batas na ikagagaling ng
ating buong lipunan na good for us all.

oOo

Anomang reaksiyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa


bantiporda@yahoo.com – ULTIMATUM NI BENNY ANTIPORDA

https://www.google.com.ph/amp/s/remate.ph/2018/08/31/dapat-bang-makulong-na-ang-edad-9-15-anyos/
%3famp_markup=1

Default R.A. 9344 "Juvinille Justice Law", dapat bang baguhin?

PAUNAWA:

Ang mababasa niyo po rito ay medyo may kaguluhan ng konti, sapagkat sala-salabat po ang idea rito,
ngunit kung inyo lamang pong unawain, halos may koneksiyon po ang bawat isa sa lumalalang problema
natin sa kabataan ngayon. na kung sana, hindi sakim sa pera ang bawat taong naglilingkod sa
GOBYERNO, wala sanang sakit sa ulo ng GOBYERNO ang ilang kabataan natin ngayon.

Noong linggo October 9,2011, inantay at pinanood ko ang TV Program na DEBATE sa TV5. Ang
kanilang paksa ay pinamagatang "Payag ka bang ameyendahan ang R.A. 9344 o ang Juvinille Justice
Law"

Napag-alaman ko na ang batas na ito ay naipasa noong taong 2006, sumasailalim sa batas na ito ang
proteksyon ng mga kabataan na may mga kasalanan sa batas o child in conflict with the law.

kung sa puntos lamang ang pagbabatayan, mas lamang ang puntos na dapat na ngang baguhin ang batas,
sapagkat ang batas na ito ang umuutos na gumawa sila ng krimen, mga halimbawa ng krimen;

Pagnanakaw - kasama na ang pagbubukas nila sa mga pintuan ng mga taxi na kanilang ninanakawan.

Rape - di sila makakasuhan o makulong alinsunod sa batas. (From TV5 Noon news dated 10-11-2011,
Bata nanggahasa at pinatay ang biktima, binusalan muna ang bunganga ng biktima bago pinatay. OLD
news 2010 - 2011, High school student, sinaksak ang guro sa likod, sanhi ng pagkamatay ng biktima.
estudiyante sinaksak ang kapwa estudiyante atmarami pa

Pagpatay - di makukulong, (According to Human Rights Commissioner) because they are still children
and can't distinguish what is right or wrong, o ito ay dala ng masidhing galit o panibugho sa sarili.
Mga ginagawa ng mga kabataan na gumagawa ng krimen;

Dala-dala ang kanilang birth certificate, para pagnahuli ay agad nila itong ibinabandera.

Malakas ang loob na sabihing di sila makukulong dahil sila ay bata pa. (from a TV News program, na
isang batang babae ang nahuling nagnakaw ng alahas at pera at ng mahuli siya ay, agad sinabi at
ipinagmamalaki na di siya makukulong dahil siya ay menor de edad pa lamang.)

Rason ng mga ayaw ameyendahan ang batas

Dapat silang alagaan, ituro ang tamang gawain, ipakita ang pagmamahal

Mrs. Magalona said, nakukuha ng kabataan ang kanilang asal o inuugali sa lugar na kanilang
kinabibilangan.(this is the last part that she said before the program ended) Dapat din daw sila parusahan
pag sila ay nagkakamali, PAANO na ang batas na R.A. 9262 at Anti-Corporal Punishment Law?,
nalimutan niya (Mrs. Magalona) yata ito?

Human Rights Commissioner said, dapat protektahan ang mga kabataan dahil sila ay biktima lamang ng
panahon, paano naman ang mga biktima ng mga kabataan ito?. She also told that the figure before the law
was passed haven't changed, the figure states the criminal records of the children that committed. Now,
lets figure that "figures" out.

Year 2000 - Dec 2005,

mga bata below 18 y/o, takot gumawa ng krimen dahil takot makulong.

di marunong lumalaban sa mga magulang, guro o mangbastos ng mga nakakatanda

di pa uso ang pagnanakaw sa mga taxi,

di pa gaanong rampant ang snatching na ang involved ay mga kabataan,

di pa nagaganap na ang guro ay sinaksak ng kanyang estudiyante,

di pa gaanong nagaganap ang pananaksak ng estudiyante sa kapwa estudiyante,

ala pang facebook o mga networking sites,

ang mga nahuhuli ng mga pulis na kabataan ay naii-logbook ang bawat kaso, tulad ng pagra-rugby,
nakaw, snatch, at marami pa.

di pa marunong mag-computer o gumamit ng internet, maliban na lang kung sa pribadong paaralan nag-
aaral ang isang bata, ala pa gaanong alam sa hacking, kung me alam man, hanggang illusyon pa lamang
(proven ko yan, kasi ako natututo mag download, pumunta sa porn sites, mang-hack ng protected
password na computer, sa edad na 20 plus at noong mag part-time teaching ako sa Cebu).

2006 (matapos maipasa ang batas o maisabatas ito) - present


di na takot gumawa ng krimen

marunong nang lumalaban na sa magulang, guro o nambabsbastos na ng mga nakakatanda

ang mga nahuhuli ng mga pulis na kabataan ay agad ng pinakakawalan at di na naiirerecord, (kaya di na
naaaccounted)

titser sinaksak ng estudiyante,

estudiyante sinaksak ng kapwa estudiyante,

Menor de edad, ni rape, binusalan ang bunganga at pinatay ng isang menor de edad rin (aired in TV5 by
Raffy Tulfo saying in joke mode "Senator Pangilinan, Naughty boy".

Marunong na mag computer sa edad na 9 - 12 anyos, marunong na rin mag download ng mga porno
movies o pumunta sa pornographic sites, marunong nang mang-hack ng computer.

Sinasabi rin ng CHR-chairwoman, na sindikato raw ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming
nagbubukas taxi na mga kabataan, paano iyong kaso ng taga davao, na ngayon ay namatay na?
(interviewed in GMA Network, before he died), ala namang sindikato na humahawak sa kanila ayon dun
sa bata, Ang salitang "sindikato" ay ginagawa na lamang excuse ng taga CHR, dahil hindi na existing ang
mga iyan maliban na lamang kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa DRUGS, SMUGGLING, WHITE
SLAVERY, dito applicable iyung salitang sindikato, pero kung nakaw, snatch, bukas taxi o kotse, sex at
pagpatay ang pag-uusapan, illusyon na lamang ang salitang sindikato para sa mga kabataan ngayon.

Actually, marami pang mga kaso na sangkot ang mga kabataan. At kung mapapansin, mas malakas pa ang
palakpak ng mga pulis sa bawat depensa ng mga sumasang-ayon na baguhin ang batas. At kung sa mga
pulis na nakging kakilala ko at naitatanong sa kanila ang batas na ito ay isa lang ang isinasagot "sana
mabiktima ang mga anak o alin man sa pamilya nila (Kiko Pangilinan, CHR Commissioner, Madam De
Lima at iba pang sumusoporta na di na kailangang baguhin ang batas na R.A. 9344) ng mga kabataang
kanilang pinoproteksiyunan, para malasap rin nila ang maging biktima ng mga batang halang ang
kaluluwa"

In my own opinion, ang pag-iisip ng isang 15 - 17 na menor de edad sa panahon ngayon, ay nasa edad 23
- 25 taong gulang noon at ang ang 9 - 12 taong gulang na bata ngayon, ay nasa 15 - 18 taong gulang na
kabataan noon. Dapat sana munang isipin ng mga ayaw baguhin ang batas, nasa computer age na tayo
ngayon, mas mabilis matuto ang isang bata, maging sa kabutihan man o sa kasamaan at meron na silang
mga sariling desisyon, ito ay mapabuti o masama man. Gabayan o turuan mo man, ang kanilang
kagustuhan pa rin ang kanilang susundin.

At para doon sa gustong mag-react, pagmasdan niyo muna ang kapaligiran niyo, at wag kayong mag-
explore o mag conclude sa isang community lamang o sa sariling pamilya, magmasidmasid rin kayo sa
iba. Tulad ng ginawa ko, I travel from Luzon, Visayas and in Selected places in Mindanao before I came
up to support na dapat na ngang baguhin ang batas patungkol sa Juvinille Justice Law. As I remembered,
naholdap rin ako ng dalawang binatilyo (siguro mga 15 - 17 years old na) diyan sa my Caloocan, di lang
sa Caloocan, sa U-Belt, sa may Araneta banda, at Pasig. Lahat ng sangkot ay puro menor de edad at mas
matatapang pa kesa sa karaniwang adult holdaper.)

Ang hirap diyan sa mga namamalakad ng batas R.A. 9344 na ito tulad ng CHR, DOJ, JJWC, LGU's at
NGO's, pera lang ng GOBYERNO ang kanilang kinakamkam, puro lang mga budget ang kanilang
hinihintay. Isa na ang PNP, hehehehe. Lalo na diyan sa taong taga DOJ, puro naman satsat, wala namang
binatbat na maipakulong ang mga malalaking tao naglilingkod sa GOBYERNO partikular na sa pamilya
Arroyo, sa OMBUDSMAN naman, anjan na ang ebidensiya, nag pre-bargaining aggreement pa at urong
sulong ang buntot sa pagsampa ng kaso sa pamilya ARROYO (CAGAYAN DE ORO CITY issue, totoo
yun, nalimutan ko lang yung pangalan ng INN na tinuluyan ng mga taga TAMPAKAN delegates nitong
huling eleksiyon at pati noong nakaraang Arroyo - FPJ eleksiyon), DEPED, gagawa-gawa ng batas na 9 +
12 man yata yun o ang pagdagdag ng grade level sa elementary at high school, dagdag pahirap lamang ito
sa mga pobreng magulang, samantalang maraming mga guro ang nagugutom (nagpa 5-6, nangungutang,
rumaraket) at maraming nagtapos ng pagiging guro ang walang trabaho (naging saleslady, waitress,
raketista, DH), dahil wala raw ITEM na para sa kanila, heto pa ang isa pero balitang lugaw po lamang ito
at ito ay medyo may kalumaan na, mga 2 - 3 years ago, merong isang lugar diyan sa mindanao, na ang
isang gurong aplikante na babae para sa ITEM na kukunin niya, ay kailangang makipag-appointment
muna siya ng private sa isang opesyales na lalake ng DEPED, upang mapabilis ang proseso at kung di
pumayag ang applikante, mas lalo pa raw niyang patagalin ang proseso, dahil itong si lalake, siya ang
may karapatan na pumirma doon sa ITEM na inaaplayan ng gurong babae, at pag lalake ang applikante
"NO AVAILABLE ITEM" agad ang isinasagot ng taga DEPED na lalaking opesyales. Paano na ang mga
kabataang uhaw sa pagtuturo ng isang guro, gayong maraming mga guro diyan ang nakatengga at mga
silid aralan na dapat pagtuunan ng pansin? (hindi puro lovelife, porshe, firing at pagpapacute sa harap ng
camera ang inaatupag, I just remember these words from a highly respected person "wala pa akong
palangga, kaya naghahanap pa ako ng palangga", ala namang siyang (This highly person, you know)
isang salita o mas kilala sa tawag na "PALABRA DE HONOR" hindi Nora Aunor (IDOL!!!), me lahi
yatang dugong berde, parang babae kung magdesisyon, pabago-bago, hehehehe.)

(takenote: and GOBYERNO ay ang mga mamamayang sibilyan na nagbabayad ng tamang buwis, at
silang (From the President down to the lowest sector including the PNP, AFP and the appointees) mga
naihalalal ay mga taong binabayaran upang paglingkuran ang GOBYERNO. Kaya kung may cedula ka,
may karapatan ka kapatid, kapamilya, kapuso, kabarkada, kaibigan o maging sino ka man)

20th Oct 2011, 07:09 #2

manfred

Brilliant Heir of Athena


manfred is offline Male

Default Re: R.A. 9344 "Juvinille Justice Law", dapat bang baguhin?

di ko na nabasa lahat kasi mahabang nakasulat pero di na dapat amendahin ang batas kundi ang kanilang
rehabilitation.ang kulungan ay maari ding makadagdag ng maling pagiisip sa kanila .kasalanan yan ng
mag magulang na pabaya.yan na ang pinakasagot na maayos.di lahat kasi may kriminal instinct o lahi at
maari sa mga frat frat lang .

20th Oct 2011, 10:04 #3

devilbat

Omnipotent Heir of Zeus

devilbat is offline Male

Default Re: R.A. 9344 "Juvinille Justice Law", dapat bang baguhin?

kailangan baguhin yan kasi madaming kabataan na gumagawa ng krimen ang nakakalusot sa batas tsaka
madami din gumagamit sa mga kabataan para gumawa ng krimen dahil alam nila na hindi mapaparusahan
ang mga ito..

masyado na naaabuso ang batas na ito tsaka maaga na rin namumulat ang mga kabataan sa karahasan
kaya hindi sila takot gumawa ng krimen..

hindi epektibo ang prevention at pagdidisiplina ng mga kabataan dahil na rin mismong mga magulang
dito ay iresponsable..

ang kailangan ay parusa pa matuto kasi matitigas ang ulo ng mga tao dito sa pilipinas, kailangan may
mangyari muna bago matuto.,

Reply With Quote Reply With Quote

21st Oct 2011, 02:29 #

You might also like