Ang Kilalang Anyong Lupa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kilalang anyong lupa

1.tsokolate burol

November 9, 2014
Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas. Ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang
lupa na 50 square kilometers (20 sq mi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging
Tsokolateng Burol ang pangalan nito.

Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol
na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.

Ang Chocolate hills ang isa sa pangunahing atrasyon sa lalawigan ng Bohol. Tinatayang 1,268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa
tawag na Chocolate hills. Nakakalat pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan ng
Bilar, Sierra Bollones at Valencia.

Ang pinakamataas na burol ay tinatayang may taas na 120 meters sa bayan ng Carmen kung saan nakatayo ang Chocolate Hills Complex. Sa
taas ng burol na ito, makikita at pwedeng bilangin mula sa tuktok ang iba pang burol.

Ang mga burol ng Chocolate hills ay gawa sa limestone taliwas sa alamat na may dalawang higante na nagbatuhan ng putik kaya nabuo ang
pulutong ng mga burol.

Paano makakapunta sa Tsokolateng Burol?


Sumakay ng eroplano o barko papunta sa Tagbilaran City. Mula sa Tagbilaran pwedeng sumakay ng bus o mag-renta ng van papunta sa
Carmen, Bohol kung saan makikita ang Chocolate Hills.

You might also like