Grade VI

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

JESUS IS LORD CHRISTIAN SCHOOL FOUNDATION, INC.

BRGY. BAGONG SILANG, BLISS, CITY OF BALANGA, BATAAN


Tel. No. (047)237-3677, 633-5356

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT (Filipino VI)


Grade School

Pangalan:___________________________________________________________________
Araw: _________________________ Iskor: _______________
Guro: Mr. MARVIN P. NAVA Baitang/Seksyon: VI- VICTORY

PANGKALAHATANG PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


I. Panunuring Pagbasa. Piliin ang titik ng tamang kasagutan.
1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?
a. pagtatapon ng kalat sa tamang basurahan. c. hindi pangongopya sa oras ng pagsusulit
b. pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan d. pagsuot ng tamang uniporme sa paaralan
2. “Isa siyang bata tiyak na hindi tatanggapin ng tagapangasiwa sa kumpanya”. Ano ang nais iparating ng
pahayag na ito?
a. taong bago pa lamang nabubuhay sa mundo c. hindi pa handang magtrabaho
b. may pagdududa sa gagawing bagay d. walang tiwala sa angking kakayahan ng tao.
3. “Paano nangyari iyon, ang alam ko ay galit siya sa akin”. Anong ekspresyon ang pinapahiwatig ng pahayag?
a. pagkalungkot b. pagtataka c. pagkagalit d. pagkainip
4. Inatake ng rayuma at hindi nakapasok sa trabaho ang tatay ni Carlos. Sinubukan ni Carlos na mag-aplay
kapalit sa trabaho ng kanyang tatay. Nasa anong uri ng banghay ang detalye ng kuwento?
a. kasukdulan b. panimulang pangyayari c. pababang aksyon d. wakas
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugaling matulungin ng isang tao?
a. Sinabayan ni Lina ang ate niya sa paglilinis upang hindi ito mapagod.
b. Nagmano si Amanda ng dumating ang kanyang lolo.
c. Pinasukob ni Joseph sa payong ang batang naglalakad sa ulanan.
d. Pinatawad ni Aileen si Tina sa kasalanan nito sa kanya.
6-10. KAIBIGAN NGA KAYA?
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pag-uugali ng isang tunay na kaibigan?
a. gagawin ang iyong mga takdang aralin habang siya ay nasa gala kasama ang iba pang mga kaklase.
b. magsusumbong sa guro kapag ikaw ay nahuling nangongopya sa iyong katabi.
c. ipagtatanggol ka sa mga taong hilig ay panunukso at panlalait.
d. hindi ka tutulungan sa mga mabibigat na gawain.
7. Nalaman ni Annie ang balak ng barkada ni Angela sa darating niyang kaarawan. Ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit ay _________.
a. handa b. sorpresa c. regalo d. plano
8. Mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon. Ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit ay ___________.
a. binalikan b. iniwan c. nilibot d. pinasayalan
9. “Annie, malaki ang kasalanan ko sa iyo. Alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko at sa ginawa kong pag-
iwan sa iyo.” Ang tauhan sa kuwento ay _______________.
a. nanglalait b. nagsisisi sa ginawang kasalanan c. humihingi ng tawad d. nangangatwiran
10. Anong pagpapahalagang moral ang ipinabatid ng isang taong nagkamali sa pagpili ng kakaikbiganin?
a. Matutong kumilala ng mga taong kakaibiganin,
b. Ang tunay na kaibigan, hindi ka iiwan, dadamayan ka, pasasayahin ka at tutulungan ka sa lahat ng
pangangailangan.
c. Maging mapili sa kaibigan at piliin ang naaayon sa iyong kagustuhan.
d. Wag nalang humanap ng kaibigan sapagkat karamihan ay plastik.
11-15. ANG GANTIMPALA NG SAKIM
11. Isa sa pinakamabuting lalaki sa kanilang baryo si Julian. Siya’y madasalin at nagbabahagi sa kanyang
kapwa ng mga tinatanggap niyang biyaya. Ang nais tagapagsalaysay sa kuwento ay ___________.
a. nagagalit b. nampupuri c. nagbibigay aral d. nagpapatawa
12. Bakit na tinawag na isang sampalok ang pag-uugali ni Julian?
a. dahil sinasampal niya muna ang mga taong humihingi ng tulong sa kanya bago alukin.
b. dahil madamot siya at hindi nagbibigay sa kapwa.
c. dahil may maasim siyang pagmumukha.
d. dahil mula sa pagiging mapagbigay siya’y nagbago sa pagiging maramot,
13. Siya ay bantog sa kanilang bayan dahil sa kanyang kabutihan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
a. mayabang b. bidang-bida c. sikat d. kilala
14. Laging sagana sa pagkain ang ang mga anak ng mayamang mag-asawa. Ang kasalungat ng salitang
nakasalungguhit ay _________.
a. marami b. malayo c. kakaunti d. payapa
15. Ano sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagtanggi?
a. Sinabi ko na sa iyo na wag kang gagala-gala kung saan-saan!
b. Hindi ako ang kumuha ng pera mo.
c. Oo, pay pasok bukas.
d. Mamaya na tayo maglaro, umuulan pa.
16. Paano natutukoy ang ugali at katangian ng isang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. nakikilala batay sa kanyang sinasabi at kinikilos sa kuwento.
b. nakikilala batay sa mga umiigting na pangyayari sa kuwento.
c. nakikilala batay sa pangwakas na bahagi ng kuwento,
d. nakikilala batay sa pagbabago ng kakanyahan sa kuwento.
17. “Inay wag niyong kalimutang inumin ang inyyong gamot. Lagi kayong kakain sa tamang oras”. Anong
katangian ang ipinapakita ng tauhan?
a. matiisin b. masinop c. maalalahanin d. maparaan
18. “Umalis-alis ka na’t baka ikaw pa ang makain ko”. Ang katangiang ipinapahiwatig ng tauhan ay_______.
a. maagap b. masalita c. mainipin d. masungit
19. Paano ginaganap ng isang nakakatandang kapatid ang kanyang gampanin sa isang pamilya?
a. Ang nakakatandang kapatid ang siyang
20. Hindi kayo pwedeng mamalagi sa aking bahay ng matagal. Ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit ay________.
a. umalis b. magbantay c. manirahan d. manatili
21. Ibigay ang nais ipakahulugan ng kasabihang “Pagkasama-sama man, ang kapatid ay mananatiling kapatid”.
a. Mahalin ang kapatid sapagkat siya ay kadugo mo.
b. Ano man ang kasalanang nagawa ng kapatid, matutong magpatawad.
c. Wala tayong magagawa sa kapatid nating masama.
d. Iba-iba man ang ugali ng kapatid, mabait man o masama siya ay kapatid mo pa rin.
22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng magandang pakikitungo sa mahihirap?
a. “Hoy, Tumabi ka nga!, dadaan ako.”
b. “Eh ano naman sakin kung anak ka ng aming kasambahay?”
c. “Wala akong pake kung magutom ka.”
d. “Dito ka sa tabi ko, share tayo sa aklat ko”.
23. Alin sa mga sumusunod na pahayg ang nagpapakita ng Pagtanggap sa Panauhin?
a. “Ano ang mganda sa gabi?, Wala akong panahon sayo.
b. “Pasok po, maupo po kayo”
c. “Hoy! anong kailangan nyo?”
d. “Ano bang kailangan nyo?, ang lakas kumatok”
24. Bakit napakahalaga ang ang pagsunod sa mga panuto?
a. sapagkat nagkakaroon tayo ng kaalaman at karunungan sa mga panito.
b. sapagkat napag-aaralang mabuti at naisasagawa ng maingat ang mga hakbang.
c. sapagkat hindi tayo magkakamali sa pagsagot ng mga katanungan.
d. sapagkat ang panuto ay batayan ng pagkatuto.
25. Ito ay pahayag na nagtataglay ng mga talinhaga o malalim na kahulugan at malimit na inuugnay sa mga
karanasan ng tao sa buhay.
a. Kuwento b. Salawikain c. Tayutay d. Sabi-sabi
II. Pagsusuring Wika. Piliin ang titik ng tamang kasagutan.
26. Ito ay isang anyo ng tayutay na gumagamit ng tuwirang paghahambing sa dalawang bagay na may iisang
pagkakahawig subalit magkaiba sa ibang katangian.
a. Simili b. Metapora c. Tayutay d. Idyoma
27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang Metapora?
a. Mukha siyang kitikiti sa kulit.
b. Bubuyog ka sa kakabulong.
c. Ang langgam ay parng walang kapaguran.
d. Tulad ng nanay ko ang isang anghel sa kabaitan.
28. Ang phayag na “isang manlalaro” ay isang ______________.
a. pangungusap b. parirala c. sugnay d. kataga
29. “Totoo na mamamasyal ako sa Tagaytay”. Anong uri ng sugnay ang ginamit sa pangungusap?
a. sugnay na pangngalan b. sugnay na pang-abay
b. sugnay na pandiwa d. sugnay na pang-uri
30. Ang pahayag na “Magalang at matulungin si Aldrin” ay isang __________.
a. pangungusap b. parirala c. sugnay d. kataga
31. Ano ang tinutukoy na simuno sa pangungusap na; Si Ariel ay masipag mag-aral.?
a. Si b. Ariel c. Masipag d. mag-aral
32. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang walang paksa o simuno?
a. Magluluto na ako.
b. Sayaw pa.
c. Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas
d. Sumama ka sa amin.
33. Paanong nasasabing na ang pangungusap ay nasa Di-karaniwang ayos?
a. kapag nauuna ang pang-uri at wala itong simuno.
b. kapag nauuna ang panag-uri bago ang simuno
c. kapag nauuna ang simuno at walang panag-uri.
d. kapag nauuna ang simuno bago ang panag-uri.
34. Paanong nasasabing na ang pangungusap ay nasa Karaniwang ayos?
a. kapag nauuna ang pang-uri at wala itong simuno.
b. kapag nauuna ang panag-uri bago ang simuno
c. kapag nauuna ang simuno at walang panag-uri.
d. kapag nauuna ang simuno bago ang panag-uri.
35. Matalino at mabait si Laurel. Ang pangungusap ay nasa anong ayos nito?
a. Karaniwan b. Di-karaniwan c. Walang paksa d. Payak
36. Nasa anong uri ng pangungusap ang pahayag na: “Pasko na.”?
a. Pagbati b. Pamamaalam c. Pamanahon d. Patawag
37. Alin sa sumusunod na pahayag ang nasa wastong gamit ang bantas ng padamdam?
a. Bakit po! b. Opo! c. Ako po! d. Naku po!
38. Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagsasabi ng pangyayari o katotohanan. Nagtatapos ito sa tuldok.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Padamdam c. Pautos
39. Ito ay pangungusap na nagpapahayg ng matinding damdamin.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Padamdam c. Pautos
40. Ito ay pangungusap na humihingi ng kasagutan o pagtugon.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Padamdam c. Pautos
41. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad na Pautos?
a. Mamaya ka nalang maglinis.
b. Ano ang ginagawa mo sa mesa?
c. Bumili ka ng yelo sa tindahan.
d. Yehey! panalo ako.
42. Kayarian ng pangungusap na binubuo ng isang diwa lamang.
a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan d. Langkapan
43. “Ang magkaibigan ay laging magkasama.”, Anong tuntunin sa pagkakabuo ng payak na pangungusap?
a. TS-TP b. PS-PP c. TS-PP d. PS-TP
44. “Si Leo ay kumakanta at sumasayaw.” Anong tuntunin sa pagkakabuo ng payak na pangungusap?
a. TS-TP b. PS-PP c. TS-PP d. PS-TP
45. Paano nabubuo ang payak na pangungusap kapag ito ay TS-TP?
a. kapag ito ay may dalawang simuno at isang pang-uri.
b. kapg ito ay may isang simuno at dalawang pang-uri
c. kapag ito ay may dalawang simuno at dalawang panag-uri.
d. kapag ito ay may isang simuno at isang panag-uri.
46. Ito ay kayarian ng pangungusap na binubuo ng dalawa o higit pang diwa.
a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan d. Langkapan
47. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tambalan?
a. Wala akong perang ibibigay sa iyo.
b. Si Jose at Wally ay mahusay magpatawa.
c. Si Tina ang naghuhugas ng plato habang si Anna ang naglalaba ng damit.
d. Kakain ka ba o hindi?
48. Ano ang layunin ng pang-uri sa pangungusap?
a. ang pang-uri ang nagbibigay katangian at nagsasabi tungkol sa simuno.
b. ang pang-uri ay laging nasa unahan lamang ng pangungusap.
c. ang pang-uri ang nagpapakilala sa simuno.
d. ang panag-uri ay nagtuturing sa simuno.
49. “Ikaw ba ay maliligo o matutulog ka lamang?” Ang ginamit na pangatnig sa tambalang pangungusap ay
________.
a. Ikaw b. Ba c. ay d. o
50. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pasukdol?
a. Mamaya na. c. Maligayang Pasko.
b. Kaysipag mo. d. Takbo!

You might also like