Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Si Pilar, Si Pepe At

Ang Pato
Kwento ni : Beverly M. Masinsin

Guhit ni:

1
Ang aklat na ito ay para kay:

2
Si Pilar, Si Pepe At

Ang Pato
Kwento ni : Beverly M. Masinsin

Guhit ni:

“Hoy! Umalis ka nga diyan sa upuan ko!” pasigaw na utos ni Pepe sa kanyang

kapatid na si Pilar.
Walang nagawa si Pilar kung hindi sundin na lamang ang maangas na utos ng

kanyang kakambal.

4
Hindi na niya magawang umangal pa sapagkat alam naman niyang hindi siya

mananalo dito at alam niyang mauuwi lamang sa away kung makikipagtalo pa

siya.

5
Isang araw, nagpaalam ang kanilang Nanay Koring na pupunta sa palengke. Bago

umalis si Aling Koring ay nagbilin muna ito sa magkapatid na bantayan ang mga

alagang pato.

6
“Oh, Pepe, huwag mong kalilimutang pakainin ang mga pato natin at linisan ang

bakuran.” bilin nito sa anak na si Pepe.

“Opo, Nanay.” sagot naman ni Pepe.

7
“ At ikaw naman, Pilar, maglinis ka ng ating tahanan.” bilin naman niya sa

bunsong anak.

“Sige po, Nanay. Makakaasa po kayo.” magalang na sagot ni Pilar sa kanyang

nanay.

8
Matapos makapagbilin ng mga dapat gawin ng mga anak, umalis na nga si Aling

Koring upang magtungo sa palengke. Agad na sinunod ng kambal ang bilin ng

kanilang nanay.

9
Pinakain ni Pepe ang mga alagang pato at pagkatapos ay nilinisan ang bakuran. Si

Pilar naman ay naglinis na rin ng kanilang tahanan. Kinuha ang walis at

pagkatapos ay nagpunas ng mga bintana.

10
Mabilis na natapos sa paglilinis ng bakuran at pagpapakain ng mga pato si Pepe

kaya naman naisipan niyang gumawa ng tirador .

Sa kanyang paglalaro hindi sinasadyang matamaan niya ang

isa sa mga alagang pato.

11
Natamaan ito sa ulo kaya naman ito’y natumba. Patakbong nilapitan ni Pepe ang

alagang pato. Sinuri kung ito ay may buhay pa.

12
Hindi alam ni Pepe ang gagawin nang malaman na wala ng buhay ang pato. Alam

niyang magagalit ang kanyang nanay sa oras na malaman ang nangyari.

13
Nag-isip si Pepe kung ano ang kanyang gagawin sa patay na pato. Naisip niyang

ibaon na lamang sa lupa ang namatay na pato.

14
Nakita ni Pilar ang buong pangyayari. Naisip niyang ito na ang pagkakataon

niyang makaganti sa kapatid. Isusumbong niya si Pepe.

15
‘Nakita ko ang ginawa mo sa mga alagang pato natin.” ang wika ni Pilar sa

kanyang kapatid.

“Pilar, pakiusap, huwag mong isumbong kay nanay ang nangyari.” buong

pagpapakumbaba ni Pepe kay Pilar.

16
“Sige, hindi kita isusumbong kay nanay, basta ba hindi mo na ako sisigawan sa

tuwing ako’y iyong kakausapin.” pagbibigay kondisyon ni Pilar.

17
“Sige , pangako. Hindi na kita sisigawan o uutusan huwag mo lamang akong

isumbong.” pagsusumamo ni Pepe. Nagkasundo nga ang magkapatid.

18
Ilang araw lamang na natupad ni Pepe ang pangako kay Pilar na hindi niya ito

sisigawan sa tuwing kakausapin. Kaya naman nag-isip si Pilar ng paraan paano

ipapaalala kay Pepe ang pangako nito sa kanya.

19
“Pepe, ang pato!’ pagpapaalala ni Pilar sa kakambal sa tuwing tatangkain ni Pepe

na siya’y sigawan. Naging paraan din ito ni Pilar upang maipagawa kay Pepe ang

mga gawaing dapat ay ginagawa niya.

20
Alam na ni Pepe ang nais ipahiwatig ni Pilar sa tuwing bibigkasin ang mga

katagang, “Pepe, ang pato..’ Hindi na niya magawang umangal pa sapagkat alam

niyang isusumbong siya nito sa kanilang nanay.

21
Naging maginhawa ang buhay ni Pilar dahil sa pangyayaring naganap noon kay

Pepe at sa pato. Hindi na siya nahihirapan pa sa mga gawaing bahay. Si Pepe na

ang gumagawa ng lahat.

22
Hindi na rin siya sinisigawan ni Pepe sa tuwing siya ay kakausapin na labis

niyang ikinatuwa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya sa kanyang kapatid.

23
Araw ng Sabado, nakaugalian na ni Pilar na si Pepe ang gagawa ng kanyang gawin

na agad namang ipinagtaka ni Aling Koring. Ilang araw na rin niyang napapansin

na hindi gumagawa sa gawaing bahay si Pilar.

24
Kaya naman agad niyang tinawag at kinausap ang kambal.

“Pilar, napapansin kong si Pepe na lamang ang gumagawa sa gawaing bahay?

May hindi ba kayo sinasabi sa akin? Nagkatinginan ang magkapatid.

25
“Kasi po nanay, may kasalanan po akong nagawa.” hindi na mapigilan ni Pepe na

hindi magsabi ng totoo sa kanilang nanay sapagkat nahihirapan na rin siyang

magsinungaling dito.

26
Ikinuwento ng kambal ang buong pangyayari sa kanilang nanay tungkol sa

kanilang alagang pato. Matapos magkwento’y pinangaralan din ng ina na

kailangan nilang humingi ng tawad sa isa’t-isa.

27
“Patawad, Pilar.”

“Patawad din ,Pepe.” Nangako ang kambal sa kanilang ina na simula ngayon ay

magiging maayos na ang pakikitungo ni Pepe kay Pilar at ganoon din naman si

Pilar.

28
“Ang pagsasabi ng totoo ay isang magandang kaugalian na dapat taglayin

hanggang pagtanda. Isa pa, dapat din maging mahinahon sa pakikipag-usap sa

kapwa.” bilin ni Aling Koring.

“Tatandaan po namin nanay. “ sabay na wika ng kamabal sabay yakap sa ina.

29
Si Pilar, Si Pepe At Ang Pato
Kwento ni Beverly M. Masinsin

Competency:

F1PN-Iii-11 – Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kwentong

napakinggan.

1. Ano ang naramdaman ni Pilar ng siya ay utusan ng pasigaw ni Pepe?

2. Sino ang nakaramdam ng takot matapos malaman na namatay ang pato?

3. Nagalit ba si Aling Koring sa kambal matapos malaman ang nangyari sa pato?

4. Kung ikaw si Pilar, gagayahin mo rin ba siya? Bakit?

5. Kung ikaw ang magbibigay ng payo kay Pilar at Pepe, ano ang maipapayo mo

sa kanilang dalawa?

30s

You might also like