Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAMARAANG

KOMUNIKATIBO

TEGr 105 Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at


Gamit ng Wikang Filipino

MWF (2:00-3:00 PM)

PANGALAWANG PANGKAT:

ABRIO, NOVY GRACE

ABERGIDO, CHARLENE MARIE

CELEDONIO, ALNE MAE

ELEGIO, ALFREDO II

JABALLA, JHAMAICA

NAPOLES, NIÑA JESSICA


I. DESKRIPSYON

Mahalaga ang pagtuturo ng kayariang panggramatika upang maihanda ang mag-aaral sa


mga gawaing komunikatibo na kanyang kakaharapin sa loob at labas ng silid-aralan. Ang
magkatimbang na pagbibigay diin sa kayarian ng wika at sa gamit nito ay isa sa natatanging
kakayahan ng pamaraang komunikatibo. Sa pamamaraang ito nakatuon ang pagtuturo ng wika sa
paglinang ng kakayahang komunikatibo. Masasabing ang pamaraang komunikatibo ay isang
pagpapalwak o pagpapayaman ng mga gawaing istruktoral.

II. DALOY

A. GAP SA IMPORMASYON

Ang pakikipagtalastasan sa tunay na buhay ay isinasagawa ng dalawa o higit pang


tao. Ang pagbibigay ng nawawalang impormasyon o ang paglutas sa information gap na ito ang
pangunahing layunin ng komunikasyon.

Kung ang layunin ng pagtuturo ay mapapagsalita ang mga mag-aaral, ang


pagsasanay na ibibigay ay dapat na magsaalang-alang ng konseptong ito. Tungkulin ng guro na
bumuo ng mga sitwasyon na may nawawalang impormasyon, at ganyakin ang mga mag-aaral na
pumili ng angkop na paraan sa pagsusuplay ng nawawalang impormasyon.

B. PAGPIPILIAN (CHOICE)

Isa pang kakanyahan ng komunikasyon ay ang pagbibigay sa mga tagapagsalita


ng mga pagpipilian na kung ano ang kanilang sasabihin at kung paano nila ito sasabihin. Dapat
piliin hindi lamang ang mga kaisipang nais niyang ipahayag sa isang pagkakataon, kundi pati
ang kayariang panlinggwistika na angkop na gamitin sa pagpaphayag.

C. FEEDBACK

Sa tunay na buhay, nakikipag-usap tayo sa ating kapwa nang may tiyak na


layunin; magpalitangkuro, magkumustahan, imbitahan siya sa isang salusalo, idaing ang mga
problema at iba pa. Lahat ng sasabihin natin sa ating kausap ay tungo sa katuparan ng layuning
na sa ating isipan nang tayo’y magsimulang makipag-usap. Ang lahat naman ng isasagot o
sasabahin ng ating kausap ay batay sa nakikita niyang layunin.

Ang interaksyong ito ay nangangailangan ng mga kasanayang komunikatibo na


nabanggit sa dakong unahan.

You might also like