Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SECOND RATING

SUMMATIVE TEST NO.1

ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon
Layunin Blg. Ng araw Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan
aytem Ng Aytem

1.Naisasalaysay ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. 1 25% 5 11-15


2. Naipapaliwanag ang kahulugan ng Kolonyalismo kaugnay sa 1 25% 5 6-10
pananakop ng Espanyol

3. Natutukoy ang mga lugar sa Pilipinas na unang nasakop 2 50% 5 1-5


ng Espanya
Total 4 100% 15

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot.

1.Saan naganap ang pakikipag sabduguan ni Legazpi kay Raja Sikatuna?

A. Bohol B. Albay

C. Mindoro D. Panay

2.Sino ang pinuno ng Cebu nang dumating ang pangkat nina Legazpi?

A.Raja Sikatuna B. Raha TupasC. Haring Humabon D.Haring Carlos

3.Saan unang namalagi si Legazpi?

A.Maynila B. Cebu

C. Bohol D. Panay

4.Anong lugar sa Pilipinas ang ginawang kabisera ni Legazpi?

A.Cebu B. Bohol

C. Mindoro D. Maynila

5.Ano ang mga unang lugar na nasakop na Espanya?

A.Maynila, Cebu, Bohol

B.Maynila, Cebu, IloIlo

C.Maynila, Cebu, Negros

D.Maynila, Cebu, Zamboanga

Panuto: Ipaliwanag

6-10.) Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo?

11-15.) Isalaysay sa isang talata ang mga paraang ginawa ng mga Espanyol upang masakop ang Pilipinas.
SUMMATIVE TEST NO.2
IN ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon

Panuto: Basahing mabuti at isulat ang titik ng tamang sagot.


1.Sa pagbibinyag, paano ito pinapahahalagahan ng mga Pilipino?
A.Pagdarasal bago at pagkatapos kumain
B.Pag-iisang dibdib ng lalaki at babae sa simbahan
CPagkapanganak sa isang sanggol ay dinadala na ito sa simbahan
D.Pagdarasal sa simbahan tuwing kapitahan

2.Tuwing sasapit ang orasyon, alin ang karaniwang ginagawa ng mga tao?
A.Paghinto sa kanilang ginagawa at magpahinga
B.Paghinto sa kanilang ginagawa at magdarasal
C.Paghinto sa kanilang ginagawa at kumain
D.Paghinto sa kanilang Gawain sa bukid

3.Ang pagdaraos ng pista, paghahanda ng masasarap na pagkain at pagkaroon ng misa at prusisyon ilan
lamang sa pagpapahalaga sa________.

A.santong patron. B. orasyon C. binyag D. kasal

4.Pagdarasal ng “Ama Namin”, “Aba, Ginoong Maria”, “Luwalhati sa Ama”,at “Paniniwala” ay


pagpapahalaga sa __________.
A.Kristiyanismo B. Orasyon C. Kasal D. Binyag

5.Ang pag-iisang dibdib sa simbahan ng isang lalaki at babae bago sila magsama bilang mag-asawa ay isa
pang pagpapahalaga sa panrelihiyong kristiyanismo. Aling pagpapahalaga ito?

A.Kasal B. Binyag C.Orasyon D. Santong Patron

Panuto: Basahin ng mabuti. Piliin at isulat ang titik ng mga pangungusap na naging dahilan ng ppagsakop ng
Espanya sa Pilipinas.

A.Walang pagkakaisa ang mga Pilipino


B.Mahal ng mga Pilipino ang bansang Espanya
C.Ang mga Espanyol ay hindi lamang mahusay sa labanan, kundi pati na rin sa pamumuno
D.Walang pinunong lumaban sa kapangyarihan ng Espanya
E.Nabihag ang mga Pilipino sa aral ng Kristiyanismo
F.Ang mga Pilipino ay kulang sa makabagong sandata.

Panuto: Piliin at isulat ang tamang layunin sa pagsakop ng ating bansa ayon sa salaysay.

A.Sinakop tayo dahil naghahanap sila ng lupaing masasakop at mapagkunan ng hilaw na materyales

B.Nasakop tayo dahil sa paghahanap ni Ferdinand Magellan ng ibang ruta o daan papunta sa Moluccas
para maghanap ng “spice island”,
C.Sinakop tayo dahil sa paghahanap ng mga bagong territory.
D.Sinakop tayo dahil sa maraming magagandang babae sa ating bansa.
E.Naging layunin din mga bansa sa Europa na palaganapin ang kanilang paniniwalang Kristiyanismo kaya
tayo sinakop.
F.Ang magkaroon ng kontrol sa mga likas na yaman na mapapakinabangan ng kani-kanilang bansa kaya
tayo sinakop
SUMMATIVE TEST NO.3
IN ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon

Layunin Blg. Ng araw Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan


aytem Ng Aytem

Natutukoy ang dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas.( 1 25% 5 11-15


AP5PKE-IIa-2.3)
Naiisa-isa ang mga paraang ginawa ng mga espanyol upang 1 25% 5 16-20
masakop ang Pilipinas.( AP5PKE-IIa-2.4)
Naiisa-isa ang mga lugar sa bansa na nilakbay ng pangkat ni 2 50% 10 1-10
Magellan at ang mga mahahalagang pangyayaring
naganap dito (AP5PKE-IIb-3.1)
Total 4 100% 15

Panuto: Pagtambalin ang mahalagang pangyayari sa kasaysayan at ang lugar na naganap ito. Isulat ang titik lamang

A B
1. Lugar na pinagdausan ang kauna-unahang misa A. Cebu
2. Unang pulo na narating ni Magellan B. Limasawa
3.Lugar kung saan namatay si Magellan C. Homonhon
4.Lugar kung saan bininyagan si Raha Humabon at mga tauhan nito D. Mactan
5. Itinayo ang krus bilang tanda ng kapangyarihan ng E. Ferdinand Magellan
Espanya sa Pilipinas sa____. F. Molluccas o Spice Island
6. Ang petsa ng pagdaos ng unang misa G. 5
7. Marso 28, 1521 H. Marso 31, 1521
8.Bilang ng barko ng Espanya na naglayag papunta sa I. Ang pagdating ni Magellan sa Pulo ng
Pilipinas Limasawa
9. Isang marinong Portuges, ang nag-alok ng paglilingkod sa
J. 10
hari ng
10. Ang lugar na hinahanap ni Magellan na may mahalagang
sangkap ng pagkain.
Panuto: Piliin at isulat ang mga pangungusap na tumutukoy sa dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas.

11-15.)

A.Maging bansang may pinakamaraming sakop na bansa sa buong daigdig

B.Interesado ang Espanya na magtatag ng kalakalan sa mga bansa sa Asya

C.Makapagbili ng malaking parti ng lupa sa mga katutubo.

D.Ikalat ng Espanya ang relihiyong Katoliko sa pinakamaraming bansa

E.Upang maging tanyag ang mga Espanyol sa buong mundo.


Panuto: Piliin at isulat ang pangungusap na tumutukoy sa mga paraang ginamit ng mga Espanyol sa

pagsakop sa bansa sa loob ng kahon.

16-20.)

•Nagkaroon ng labanan ang mga Espanyol at mga katutubo sa pamumuno ni Lapu-Lapu.


•Pag-aasawa ng mga Espanyol sa mga katutubo.
•May mga ekspedisyon na ipinadala ang Espanya sa Pilipinas.
•Pagdala sa mga katutubo sa Espanya.
•Nakikipagkaibigan sila sa mga ito.
•Paggamit ng wikang katutubo
SUMMATIVE TEST NO.4
IN ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon

Layunin Blg. Ng araw Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan


aytem Ng Aytem

Natatalakay ang iba pang ekspedisyong Espanyol sa Pilipinas 2 50% 7 1-7


hanggang sa pagkakatatag ng Maynila (AP5PKE-IIb-3.2)
Natatalakay ang mga unang engkwentro ng mga Espanyol at 1 25% 4 8-11
Pilipino (AP5PKE-IIb-3.3)
Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng Espanyol sa 1 25% 4
Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng Maynila
(AP5PKE-IIb-3.4)
Total 4 100% 15

Panuto: Basahin ang tanong at sagutin.Kaninong ekspedisyon nangyari ang sumusunod na pangyayari? Piliin sa loob ng
Kahon ang titik ng tamang sagot.

A.Miguel Lopez de Legazpi D. Sebastian Cabot G. Abril 27, 1565


B. Ruy Lopez de Villalobos E. Alvaro de Saavedra H. Raja Soliman
C. Magellan F. Sebastian Cabot

1. Pagkatatag ng Pamayanang Maynila


2. Pagbigay ng pangalang “Felipinas” sa Samar at Leyte
3. Pinadalang ekspedisyon noong 1525
4. Itinatag ang San Miguel, ang unang pamayanang Espanyol sa bansa
5. Hindi nagtagumpay na ekspedisyon na pinadala noong 1527
6. Ang pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi sa Cebu.
7. Siya ang pinuno ng Maynila na nakipagkasuduan kay Legaspi.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa pag-aalsang tinatalakay sa bawat bilang.

Pag-aalsa ni Lakandula Pag-aalsa ni Maniago Labis na pabubuwis


Paghihimagsik ni Diego Silang Paghihimagsik ni Dagohoy pagnanakaw

______ 8. Sapilitang paggawa ang naging dahilan ng kanyang pag-aalsa sa Pampanga. Napasuko siya ng
mga Espanyol.
______ 9. Dahil sa pagmamalabis sa kanyang pamilya at taumbayan nagkaroon ng pag-aalsa sa Tondo,
Maynila. Naputol ang pag-aalsang ito dahil sa pagpayag ng mga Espanyol na hindi magbayad
ng buwis at sumama sa sapilitang paggawa.
______ 10. Nangyari ang paghimagsik na ito sa Bohol. Ito ang pinakamatagal na pag-aalsa na umabot sa
walumpung taon.
______11. Lubos ang pagtutol niya sa labis na pagbubuwis kaya naganap ang pag-aalsang ito sa Ilocos.

Panuto: Buuin ang timeline sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang titik ng pangyayaring dapat isulat sa petsa sa bawat
bilang.

1521 1527 1543 1565


(12) (13) (14) (15)

A. Pagdating ni Villalobos sa Pilipinas


B. Pagdating ni Magellan sa Pilipinas
C. Pagdating ni Legazpi sa bansa
D.Ekspedisyon ni Saavedra
E. Pagkatatag ng Maynila
SUMMATIVE TEST NO.5
IN ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon

Layunin Blg. Ng araw Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan


aytem Ng Aytem

Naiisa-isa ang mga pangyayari ng pagkatatag ng kolonyang 1 25% 4 12-15


Espanyol sa Pilipinas.(AP5PKE-IIb-4.1)
Natatalakay ang mga pangyayari at ang mga kaugnayan nito sa 2 50% 7 5 -11
pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas(AP5PKE-IIb-4.2)
Natatalakay ang proseso ng Kristiyanisasyon ng mga katutubong 1 25% 4 1-4
Pilipino.(AP5PKE-IIc-d-5.1)
Total 4 100% 15
Panuto: Isulat ang titk ng tamang sagot
1. Ang nag tagumpay sa mga layunin ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas ay ang ______.
A. Pampulitika C. Pangrelihiyon
B. Pangkabuhayan D. Pang-edukasyon

2. Ang nanguna sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay mga ___________.


A. pinunong Espanyol C. misyonaryong Espanyol
B. sundalong Espanyol D. katutubong bininyagan

3. Ito ay proseso ng Kristiyanisasyon na kung saan isinasaulo ang rosaryo at dasal.


A. sermon ng pari
B. pag-aaral ng katesismo
C. paggamit ng larawan

4. Ang _______ ay isang sagradong sakramento na ginagawa sa Kristiyanisasyon. Ano ito?


A. Pagbibinyag
B. Sermon ng pari
C. Paggamit ng wika ng katutubo

5. Alin ang HINDI ginamit ng mga Espanyol sa proseso ng Kristiyanisasyon?


A. Paggamit ng larawan
B. Paggamit ng wika ng katutubo
C. Pagtayo ng kapilya.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kaugnayan ng mga pangyayari sa pagkatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
Isulat ang titik lamang..

A. Naging Kristiyano sila


B. Itinayo ni Magellan ang Krus na kahoy tanda ng pagsakop ng mga lupain sa Espanya.
C. Nagsimulang manungkulan ang mga pinunong bagong hirang ni Legazpi
D. Pinangalanang Filipinas ang kapuluan
E. Namalagi dito si Legazpi
F.Nakipagsanduguan siya kay Raja Kulambo at iba pang pinuno ng mga karatig pulo ng Limasawa.
G. Tinawag ang lugar na Lungsod ng Kabanal-banalang ngalan ni Jesus
H. Naging unang Gobernador Heneral si Legazpi

6. Narating ng ekspidisyon nina Roy Lopez de Villalobos ang Samar at Leyte.


7.Pinasinayaan ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas.
8. Isinagawa ang unang misa sa LImasawa
9. Nagpabinyag sina Raja Humabon, ang kanyang asawa at 500 taga-Cebu
10. Narating ni Magellan ang Pulo ng Homonhon
11. Nakarating sa Cebu ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi

Panuto: Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayari ng pagkatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas. Isulat TAMA O MALI.
12. Pinasinayaan ang Maynila noong Hunyo 24, 1571 bilang kabisera ng Pilipinas.
13.Itinatag ang mga paaralang bayan.
14. Isinagawa ang unang misa sa Limasawa noong ika-31 ng Marso, 1521.
15. Noong ika 14 ng Abril nagpabinyag sina Raja Kolambu, Raja Humabon. Asawa nito at 500 katutubo sa Kristiyanismo.
SUMMATIVE TEST NO.6 Sept. 30, 2016
IN ARALING PANLIPUNAN 5

Talaan ng Espisipikasyon
Layunin Blg. Ng araw Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan
aytem Ng Aytem

Natatalakay ang paraang Reduccion na ipinatupad ng Espanya 1 25% 4 1-4


sa Pilipinas.(AP5PKE-IIc-d-5.2)
Nailalarawan ang sistemang Tributo at Encomienda. 1 50% 4 12-15
(AP5PKE-IIc-d-5.3)
Nailalarawan ang sapilitang paggawa o “polo y servicios”. 2 50% 7 5-11
(AP5PKE-IIc-d-5.4)
Total 4 100% 15

Panuto: Isulat ang titk ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod ay nagsasabi tungkol sa reduccion MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Sapilitang paglipat sa mga katutubong Pilipino
B. Pinagsama-sama ang mga pamilya sa sentrong bayan.
C. Pagbibigay ng pera sa mga katutubo.
2. Ano ang dahilan ng mga Espanyol para ilipat ang mga Pilipino sa kabisera?
A. Pag-aralin ang mga kabataang Pilipino.
B. Para Makita ang bawat galaw ng mga katutubong Pilipino.
C. Para maging malapit sila sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan.
3. Paano iniwasan ng ibang mga katutubo na mapasailalim sa reduccion?
A. Tumungo sila sa kabundukan
B. Nagbayad sila ng malaking halaga
C. Nag-aklas sila laban sa mga Espanyol
4. Alin ang posibleng resulta ng reduccion?
A. Mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo
B. Paglaki ng populasyon sa kabundukan
C. Pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Espanyol
5. Ano ang tawag sa mga Pilipinong tumangging mapasailalim sa reduccion?
A. Encomiendero
B. Katutubo
C. Remontados

6. Isang uri ng buwis na sapilitang ipinagagawa sa mga kalalakihang Pilipino. Ano ang tinutukoy nito?
A. Buwis
B. Cumplase
C. Polista
D. Decreto Superior
7. Ang sapilitang paggawa ay isang uri ng pagbubuwis na pinairal noong panahon ng pananakop ng Kastila sa ating
bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng _______?
A. Pagbabayad ng pera na kinuha sa bahagi ng kita ng kalalakihan.
B. Pagtatrabaho sa mga lalaki sa polo sa loob ng 40 araw bawat taon.
C. Pagbabayad ng bahagi ng ani mula sa lupang sinasaka.
D. Pagbabayad ng 10 porsyento na kita sa nangangailangan.
8. Ilang taong gulang ang mga lalaking naglilingkod sa polo?
A. 16-60
B. 15-19
C. 20-50
D. 30-60

9. Sa sistemang polo, may ilang araw sa isang taon dapat maglingkod ang mga kalalakihan?
A.20
B. 30
C. 40
D.60
10. Makatarungan ba ang sistemang polo?
A. Opo, dahil nakakatulong sa kapwa.
B. Opo, dahil makatarunagn sa polistas.
C. Hindi, dahil hindi pantay-pantay ang pagsunod ng sistema.
D. Hindi, dahil napaunlad nito ang kabuhayan ng mga Pilipino.
11. Sila ang mga lumalahok sa sapilitang paggawa na dapat kumita ng kaapat (1/4) na real sa isang araw bukod sa
rasyong bigas. Ano ang tawag sa kanila?
A. Buwis
B. Cumplase
C. Polista
D. Decreto
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (2 pts. bawat sagot)
12-15.)
1. Ano ang sistemang encomienda?
2. Ano ang sistemang tributo?

You might also like