Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagkakaiba at pagkakatulad ng shopping mall at Divisoria

Hindi maipagkakaila na ang pamimili ay naka-ugalian na ng mga Pilipino tuwing sasapit


ang araw ng suweldo, kaarawan, pasko, o kung minsan ay ginagawa pa nila itong
pampalipas oras. Ang ilan ay pupunta pa sa malalaking malls habang ang iba naman ay
ninanais nalang mamili sa mga lokal na tiangge o palengke. Parehas na dinadayo ang
mga mall at tiangge pero ano nga ba ang pagkakaiba nila?

Isa sa pinaka sikat na pamilihan sa Pilipinas ay ang Divisoria na matatagpuan sa Tondo,


Manila. Makikita mo dito ang sari’t saring gamit gaya ng mga damit, sapatos, bag, mga
gamit sa eskuwelahan, kusina, at bahay. Nagtitinda din sila ng mga gulay, prutas at iba’t
ibang klase ng mga pagkain. Ang Divisoria ay tinatawag din na lugar ng tawaran at
pakyawan kung saan pwede ka’ng makipagtawaran upang mabili ang mga bagay na higit
na mura sa kanilang presyo. Mapa-eskinita o bangketa, kahit saan ka lumingon
makakakita ka ng mga murang produkto sa Divisoria. Ika nga ay puntahan ito ng mga
taong kapos na walang kakayahan bilhin ang mga bagay na mabibili sa mall.

Sa kabilang banda naman ay ang pinaka sikat na shopping mall sa bansa, ang SM. Narito
ang iba’t ibang restaurant, fast food chains, mga gamit na may brand, at mga kilalang
produkto na makikita sa telebisyon. Meron silang higit kumulang 72 na mall sa Pilipinas
kaya madali lang ito makita at puntahan. Kung murang produkto ang binibida ng
Divisoria, ang mga pasilidad at seguridad ng mamimili naman ang naging kalamangan ng
mall. Meron itong aircon, mga kainan, at lugar palaruan para sa mga bata. Alaga ka din
ng mga empleyado sapagkat sila na mismo ang kikilos para sa mga produkto na nais
mo’ng bilhin. Hindi din masyadong madami ang tao sa mga mall dahil bukod sa malaki
ito, nakahanay ng maayos ang mga shops at pamilihan.

Marami man ang pagkakaiba ng pagbibili sa mall at palengke, parehas pa din silang
malaki ang naitutulong sapagkat nag-aalok sila ng mga bagay na kakailanganin natin sa
pang araw-araw. Hindi naman mahalaga ang presyo ng produko, ang brand ng mga
gamit, at dami ng tao. Dapat ay magpasalamat nalang tayo dahil nagkaroon ng ganitong
mga pamilihan na nagpapadali saating mga buhay.

You might also like