Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Walang tigil sa paghabol ng hininga si Jepoy dahil sa ilang minutong pagtakbo

pauwe sa bahay, ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso nya habang unti unting

tinutumbok ang pintuan nilang gawa lamang sa tabla at mangilan-ngilang kahoy.

“Nay!” sigaw ni jepoy sa pagbukas pa lamang ng pinto. “Kuya, kuya! Nasa CR si

nanay suka ng suka!” turo naman ni Makmak sa nag-aalala nitong kuya na halos di

maipinta ang mukha sa labis na pagkakunot ng noo. “Nay naman, hindi ba’t binilinan ko

na kayong wag kayong mag-iinom? Alam nyo namang may sakit na kayo tapos panay

pa ang inom nyo.” Sermon ni jepoy sa nanay niyang patuloy ang pagduwal. “Eh anak

naman, minsan lang naman kame magkita ni mareng Kimberle, saka kakaunti lang

naman yun.” Pag papaliwanag ni Cenia na sa mga oras na iyon ay langong lango sa

alak. Hindi pa man tuluyang nasesermonan ni Jepoy ang lasing na ina ay napansin niya

ang luhang bigla na lang pumatak galing sa mugtong mata nito. “Anak, Jepoy, pwede

mo bang bilhan ng magandang damit ang nanay mo?” ilang mga salita na lumabas sa

bibig ni Cenia, nang dahil sa nakita, ang sermon na nararapat gawin ni Jepoy ay nawala.

“Oo naman nay! Saan n’yo ba gagamitin?” malumanay na tanong ng binata sa kanyang

ina. “Naalala ko lang ang tatay nyo, noon ay madalas niya akong bilhan ng

magagandang damit” malambing na kwento ni Cenia. Wala nang nagawa ang binate

kung hindi intindihin na lamang ang kalagayan nang ina na tila kahit limang taon pa ang

lumipas ay hindi na maaalis ang kirot sa puso nitong naiwanan ng iniibig.

Tumagal din ng halos dalawampung minuto bago mahimasmasan si Cenia,

naihatid na rin ito ni Jepoy sa papag upang makapamahinga.

“Kumain ka na ba Makmak?” tanong ni Jepoy habang naghuhugas ng bimpong

naging pamunas sa mukha ng ina. “Oo kuya, yung natirang ulam pa kanina ininit ko

lang.” sagot ni Makmak. “Sige na, matulog ka na rin at may pasok ka pa bukas.” Utos ni
Jepoy. “Kuya sandali, nasira kasi ang aking sapatos kanina. Pwede mo ba akong ibili ng

bago?” malungkot na hiling ni Makmak sa kuya niya. “Sige Makmak, bukas din ay ibibili

kita, araw naman yun ng sahod ko, isasabay ko na pati ang damit ni nanay” tugon ni

Jepoy sa kapatid, “talaga kuya? Salamat” pasasalamat ni Makmak sabay yakap sa kuya

niya bago tumungo sa kwarto. Dahil sa pagod at pag-aalala ay hindi na nagawang

kumain pa ni Jepoy ng hapunan.

Dalawang taon na nang magsimula ang mga ganoong pangyayari sa munting

barong-barong nila Jepoy, magmula ito ng mamatay ang kaniyang ama sa sakit sa

puso, simula noon napilitan si Jepoy na magtigil sa pag-aaral at magtrabaho bilang

tagahugas sa isang kainan ilang kanto lang ang layo sa kanilang bahay pang

matustusan kahit papano ang pag-aaral ng kaniyang walong taong gulang na kapatid,

ang kaniya namang ina na si Cenia ay lagi nang nag-iinom at napapabayaan na ang

responsibilidad nito bilang ina sa dalawa niyang anak.

Malamig ang gabing iyon para kay Jepoy na pagod mula sa trabaho, namumugto

na nga ang mata dahil sa antok tapos ay madadatnan pa niya ang ganoong lagay ng

ina. Hindi na rin ito bago at tila sanay na rin si Jepoy. Wala na rin naman siyang

magagawa, kahit ilang beses niyang pagsabihan ang kaniyang ina na itigil na ang bisyo

nito ay hindi ito sapat iniisip a lamang niya na nagdaramdam pa rin ito sa pagkawala ng

kanyang ama kahit alam naman niyang dalawang taon naitong wala.

Hindi pa man nakakatilaok ang manok ay gising na si Jepoy, nakagawian na

niyang gumising ng maaga upang ipaghanda ang kapatid na maagang pumapasok sa

skwela. Kahit labing walong taong gulang pa lamang ito, ay halata mong bihasa na sa

mga gawaing bahay. “Gising na Makmak!” mahina niyang paggising sa kapatid upang

hindi magising ang ina. Naging paulit ulit na bahagi na ng kanyang buhay ang pag-
aasikaso sa umaga magmula nga ng mamatay ang kanyang ama. Mula sa katiting na

sahod mula sa kanyang trabaho ay binibigyan niya ng baon ang kapatid at ang iba

naman ay para sa gastusin sa bahay at ang lalabis ay para sa ipon para sa kanya upang

ipagpatuloy ang pag-aaral.

Saktong alas-siyete ng umaga ay umaalis na sila ni Makmak ng bahay.

“Kuya! Paano si nanay sa bahay? Mag-isa na naman siya doon” tanong ni

Makmak sa kuya nya. “Mukha namang hapon na naman ang gising noon Mak, di ka pa

ba nasasanay? Baka nga pagdating mo ay tulog pa si nanay” sagot naman ni Jepoy

habang sabay na naglalakad. Ilang kanto lang ay maghihiwalay na silang dalawa ng

lakad, si Makmak ay kakanan papunta sa paaralan at si Jepoy naman ay tutumbukin

ang kalsada upang marating ang kainang pinagtatrabahuan.

“Oh, Jepoy mukhang hindi maganda ang tulog mo ah? Ayos ka lang ba?”

Tanong na bati ni Mang Epren na amo ni Jepoy. “Okay lang po ako Mang Epren!

Kalabaw ata ito” pabirong banat ni Jepoy sa matandang si Epren. Ngunit hindi naman ito

tinanggap na biro ni Mang Epren sapagkat napansin niya ang pamumutla at pag lubog

ng mga mata ni Jepoy. “Jepoy, iho! Masyado mo ng pinapagod ang sarili mo, ayus lang

ang magtrabaho ng magtrabaho pero kailangan mo pa ring magpahinga” payo ni Epren,

“Mang Epren, hindi naman po para lang sa akin ito, sa’kin din naman po umaasa ang

pamilya ko alam n’yo yan Mang Epren” paliwanag ng binatang si Jepoy. “Oh sige iho

basta kung may maramdaman kang iba? Magsabe ka kaagad ha?” Bilin ni Epren, “Opo

naman ho” magalang naman na sagot ni Jepoy.

Hindi na bago ang ganoong pagpuna ni Mang Epren kay Jpoy, sino ba namang

tao ang hindi mapapagod kung buong isang lingo siyang nagtatrabaho. Sanay na rin

naman ang katawan ng masipag na binate, ang mga kakaunting sakit ay kaniya na
lamang na iniinda dahil sa panghihinayang sa isang araw na kita kung sakaling siya ay

hindi papasok o liliban sa trabaho. Isipin pa lamang niya ang mga bayarin sa bahay, ang

pag-aaral ng kaniyang kapatid at ang kanyang ina na kahit pa lasinggera ay kasama sa

responsibilidad niya, ay talagang ang katawan na niya ang awtomatikong kikilos upang

kumita.

Tanghaling tapat na, maayos pa naman ang trabaho ni Jepoy, hindi kasing bigat

ng mga nagdaang araw. Kakaunti ang mga kumakain kaya’t kakaunti rin ang pinggang

kaniyang huhugasan. Maaliwalas ang panahon, naiisip tuloy ni Jepoy na sinadya ito ng

nasa itaas upang kahit papano ay maipahinga ni Jepoy ang kanyang katawang lupang

pagod sa araw araw na problema. Patuloy ang biruan sa loob ng kainan, animo’y

piyesta sa kasiyahan sa mga oras na iyon dahil sa luwag ng trabaho, ay nagkakatuwaan

sila upang malibang ang mga sarili.

Hindi lingid sa kaalaman ni Jepoy ang paparating na balita.

“Jepoy, may tawag sa’yo sa telepono!” tawag ni Mang Epren. Nagulat si Jepoy

sa narinig. Magmula noong mamatay ang kanyang ama ay umikot na lamang ang

kanyang buhay sa kanyang ina na si Cenia at kapatid na si Makmak, kaya’t nagtataka

siya kung sino ang tawag sa telepono.

“Saglit andyan na Mang Epren”, sagot niJepoy habang dahan dahang tinutungo

ang kinalalagyan ng telepono. Habang papalapit ay patuloy pa rin ang kanyang

pagtatanong sa isip kung bakit at sino ang taong gusting kumausap sa kanya. Nang

mga ilang saglit pa ay nabulabog ang agama gam mula sa kanyang isipan ng marinig

ang nasa kabilang linya.

“Magandang araw, ito na ba si Jepoy?” tanong ng nasa kabilang linya, tila tinig

ng isang babae. “Opo, ito na po! Sino po sila?” Pagtatakang tanong naman ng binata.
Ang mga sumunod na pangungusap na narinig ni Jepoy mula sa tinig ng babae

sa kabilang linya ay ang nagpatigil saglit sa mundo nito, nanghina bigla ang kanyang

boses at pati ang tuhod. Nanlaki ang mata ni Jepoy sa pagkabigla sa balitang kanyang

narinig.

“Ako ang teacher ng kapatid mong si Makmak, paumanhin sa mga maririnig

mong balita kasi si Makmak ang kapatid mo ay nasagasaan ng dyip habang patawid sa

labas ng skwelahan kani-kanina lamang, agad naming siyang isinugod sa ospital malapit

sa bayan, pinasusundo ko na rin ang iyong ina”

Ang masaya sanang pahinga ni Jepoy ay biglang naglaho, ang kaninang

nagbibiro pa ngayon ay natataranta sa kanyang loob. Hindi na niya alam ang una niyang

gagawin. “Sige po, sa-salamat p-p-po pupunta na po ako agad d’yan” utal na sagot ni

Jepoy bago ibaba ang telepono.

Nagmamadali siyang lumabas ng karinderya, dahil sa pagkataranta ay hindi na

niya nagawang magpaalam kay Mang Epren. Agad siyang bumyahe papunta sa ospital

na nabanggit ng taong nakausap nya sa telepono, hindi na niya mapigilan ang mga luha

at ito’y kusa nang bumagsak. Naisip niya ang mukha ng kaniyang kapatid na kagabi

lamang ay nagpapabili ng bagong sapatos. Pumukaw din sa isip niya ang mukha ng

kanyang ina, kung siya nga na kapatid ay grabe na kung mataranta paano pa kaya ang

mararamdaman ng kanyang ina.

Pagdating sa ospital ay agad niyang hinanap kung saan naroon ang kapatid. Sa

isang bahagi ng ospital ay nakita niya ang kanyang ina na umiiyak habang kausap ang

guro ni Makmak sa tapat ng isa sa mga silid.

“Nay!” sigaw ni Jepoy habang mabilis na humahakbang papalapit sa

humahagulgol na si Cenia. “Anak, Jepoy, salamat naman dumating ka na, ang kapatid
mo si Makmak” malakas na iyak ni Aling Cenia, “Opo nay! Alam ko nabalitaan ko.” Sabi

ng binate sa ina habang pilit itong pinapakalma. “Ikaw ba si Jepoy?” tanong ng guro,

“opo ako nga po, kamusta po ang kapatid ko?” pag-aalalang tanong ni Jepoy, “Kanina

pa siya na eksamin ng doktor, pinasasabi nya sa inyo na, kailangang maoperahan agad

ang kapatid mo sapagkat may namuong dugo sa kanyang utak at ito daw ay hindi basta

basta” Paliwanag ng guro, “Oh Diyos ko! Anak, ang kapatid mo!” patuloy sa pag-iyak

ang kawawang si Cenia. “Nay! Huminahon ka, magiging maayos din ang lahat” pilit

niyang pagpapakalma sa kanyang ina, “Nasaan na po ang nakabangga sa aking

kapatid? Hindi ba siya naawa man lang?” galit na tanong ni Jepoy sa Guro. “Pasensya

ka na, hindi man lang huminto ang dyip na nakabunggo sa kaniya” tugon naman ng

guro, “ano? Eh magkano po daw ba ang aabutin ng operasyon?” galit at medyo tumaas

na ang boses ni Jepoy dahil sa pagkagalit at pagkaawa sa kanyang ina na patuloy pa rin

sa pag-iyak, “walang sinabi ang doktor na eksaktong halaga, ang sabi lang niya ay

maghanda ng malaking halaga na di bababa sa tatlong daang libo” sabi ng guro. Lalong

gumiba ang

You might also like