Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kasanayan sa pagsasalita

Naipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili ng


mgatalasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-
uusapan
-Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideya
-Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat
na kilos at kumpas

Mga Kasanayan sa Pagsasalita

Pakikipagkausap
Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng loob ang
mga taong sangkot sa usapan.Makatutulong upang magkaroon ng kakayahang
umunuwa, bumuo ng mga palagay o kahulugan ng kilos ng kausap
a. Sa pakikipag usap kinakailangang isaalang-alang ang kailangang kakitaan ng
paggalang sa isa’t isa
b. May matapat na layunin sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya,
huwag solohin ng isa sa alinman sa nag uusap ang pagsasalita
c. Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag uusap
d. Ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob

Pagpapakilala
Ang pagpapalawak ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng
pagsasalita ay nagaganap sa pagpapakilala
a. Ihanda ang kaisipan ng iyong mga tagapakinig bago mo basahin ang isang
kasulatan
b. Pagpapakilala sa isang tao upang makapagpalagayan ng loob
c. Banggitin ang buong pangalan at apelyido ng taong ipapakilala
d. Unang banggitn ang buong ngalan ng may mataas na katungkulan

Pakikipag-usap gamit angtelepono/cellphone


Nagkakaroon ng palitan ng impormasyon at karanasan gamit ang
telepono/cellphone
a. Iwasan kumontak ng hindi kilalang numero
b. Kung ikaw ang tumawag sa isang tao maiging ipakikilala muna ang sarili at
bumati
c.Kung ikaw naman ang nakatanggap ng tawag sa taong di mo kilala maiging
itanong sa maayos na pakikipag usap o tono kung sino ito
d.Kung abala ang tinatawagan o mayroong kausap na iba humingi ng paumanhin
at pag unawa
e.Tapusin ang pakikipag usap sa telopono ng may pasasalamat at sa magalang na
paraan

You might also like