Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pictorial Essay

Ang Glan, Gumasa sa probinsya ng


Sarangani ay kilala dahil sa rami ng
magagandang beach resorts. Ito naman
ay sa White Haven Beach. Napakalinaw
ng tubig dagat, maaraw ngunit
napakasarap langhapin ng preskong
hangin, at napapalibutan din ito ng
malalaking puno at bundok.

Ang Mactan Shrine ay matatagpuan sa


Lapu-Lapu City, Cebu. Dinadayo ito ng
mga lokal at turista upang mag-alay ng
panalangin sa Panginoon. Pinaniwalaan
itong itinayo noong 1591. May mga taong
kumikita rito dahil nagbebenta sila ng
kandila na may iba’t-ibang kulay batay sa
kanilang hiling. Ang Mactan Shrine ay isa
rin sa mga paboritong puntahan ng mga
tao sa Cebu.
Bionote sa sarili
Si Andrea Beatrice D. Molina ay kilala bilang Bets ay labimpitong gulang at ipinanganak
noong ika-labingisa ng Disyembre taong 2001, sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Siya ay nag-aral sa Polomolok Central Elementary School noong elementarya at lumipat
ng General Santos City para mag-aral ng sekondarya. Tuluyan na siyang naninirahan
ditto kasama ang kanyang mga magulang at dalawang nakababatang kapatid.
Gusto noya maging doctor upang matulungan ang mga taong may sakit. Ang kanyang
hilig ay pagkanta. Sumali rin siya sa iba’t-ibang kompetesyon. Minsa’y nananalo, at
minsa’y natalo na rin ngunit patuloy pa rin ang kanyang pangarap.

Bionote tungkol kay Miriam Defensor-Santiago


Si Miriam Defensor-Santiago ay itinaga bilang Iron Lady of Asia. Si Miriam Defensor
Santiago ay ipinanganak sa bayan ng Ilo-Ilo, taong 1945. Ang kanyang ama ay isang
District Trial Judge at ang kanyang ina naman ay isang College Dean. Kaya bata pa
lamang siya ay isa na siyang achiever. Pagdating sa kolehiyo, nakapag-aral siya ng
Political Science at abogasya. Naging student leader din siya at editor-in-chief.
Taong 1970 ay nagpakasal siya kay Narciso Santiago Jr. Nagkaroon sila ng dalawang
anak ngunit noong 2003, pumanaw ang kanyang bunsong anak. Sa paglipas ng panahon,
tumakbo siya bilang presidente noong 1992 at 1998 ngunit pareho siyang nabigo nila
Fidel Ramos at Joseph Estrada. Bagkus, tatlong beses siya nagging senador ng ating
bansa. Siya rin ang kauna-unahang Asyano na nagsilbi sa International Criminal Court
bilang tagahatol. Ngunit, nagkasakit siya at lumaban ng dalawang taon sa cancer at
tuluyang namatay taong 2016.

Travelogue
Lobby
Ang lobby ay nagsisilbi bilang papasukan ng mga tao galing sa labas. Isa ito sa
pinakamahalagang lugar sa ating paaralan dahil dito nagtitipon ang grupo para isagawa
ang pagpupulong, makipaghalubilo, o magpahinga. Maaari rin ito gawing tambayan ng
mga estudyante habang naghihintay sa susunod na klase. Ang lobby ay malaki, malawak,
at presko.
Quadrangle
Ang quadrangle ng NDDU ay isang malawak na lugar kung saan napapalibutan ito ng
malalaking building at silid aralan. Nagtitipon-tipon dito ang mga mag-aaral at mga guro
upang magsagawa ng mga maaaring aktibidad.
Tula
Title: Hanggang Sa Muli
Ilang taon ng paghihirap
Sa eskwela’y tuluyang nagwakas
Salamat sa iyo, Panginoon
Muli na akong aahon

Nay, Tay, nasa entablado na po ako


Medalya’t diploma ay hawak ko
Hindi ko po kayo mahagilap
Nais ko sana kayong mayakap

Tila iba ang nadatnan ko pag uwi


Kapatid ko’y humihikbi
Kawawa naman ako
Wala na ang nanay at tatay ko

You might also like