Banghay Aralin Sa Filipino Vi Unang Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 110

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

UNANG MARKAHAN

Ika -10 ng Hunyo,


2019
Lunes
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula F6PN-Ia-g-3.1

II. Aralin: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Pabula


Pakikinig, F6PN-Ia-g-3.1
Kagamitan: larawan ng laggam at tipaklong, speaker, audio ng kwentong “Si Langgam at
si Tipaklong” Blank slate, marker, manila paper, bond paper

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Talasalitaan: kagipitan, pag-iipon

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pahanapin ng kapareha ang bawat isang mag-aaral. Ibahagi ang sagot nila sa mga
tanong na ibibigay:
Sino ang iyong matalik na kaibigan? Ilarawan mo siya.
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
Kuhanin ang pananaw ng mga mag-aaral sa pananaw na:
“Nasusubok ang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.”
3. Pagpapakita ng larawan ng langgam at tipaklong

4. Paghahanda sa mga bata sa gagawing pakikinig.


5. Ipabanggit ang mga pamantayan sa pakikinig.
6. Paglalahad
Ipapakinig ng guro sa kwentong:“Si Langgam at si Tipaklong”” mula sa audio
7. Pagtalakay
Sagutin ang mga tanong mula sa kwento:
o Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa.
o Kailan masasabing may bagyong paparating?
o Ano ang naging problema ng magkaibigan sa kwentong napakinggan?
o Paano nila ito nalutas?
o Bakit maituturing na magkaibigan sina Langgam at Tipaklong?
o Kung ikaw si langgam, gagawin mo rin ba ang ginawa niya para sa iyong
kaibigan?
C. Paglalahat / Pagpapahalaga
Sagutin: Ano ang natutuhan mo sa magkaibigang Langgam at Tipaklong?
1. Pagalalapat
(Pangkatang Gawain)
Pangkat 1 - I- Akting Mo!
Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa pagiging mabuting ama
ni
langgam?
Pangkat 2 - I-Ulat mo!
Gumawa ng isang ulat tungkol sa magkumpareng Langgam at
Tipaklong
Pangkat 3 - I-guhit Mo!
Gumawa ng poster na nagpapakita ng kasipagan ni Langgam at ng
kanyang
mga anak.
Pangkat 4 - I-tutula ko!
Bumuo ng maikling tula na nagpapakita ng paghanga ni Tipaklong sa
mga
anak ni Langgam
Tipaklong
Pangkat 5 - Aawitin Namin!
Bumuo ng maikling kanta na naglalarawan kung paano nabago ang
buhay ni
Tipaklong
2. Pag-uulat ng bawat pangkat

IV. Pagtataya
Base sa napakinggang kwento, “Si Langgam at si Tipaklong”, sagutin ang mga
tanong.
Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong napakinggan?
2. Bakit nag-iipon ng mga pagkain ang mga langgam?
3. Ano ang pinagsisisihan ni Tipaklong sa kanyang buhay?
4. Ano ang natutunan ni tipaklong pagkatapos dumating ang delubyo?
5. Ano kaya ang maaaring mangyari sa mga anak ni Langgam kung hindi nasagip
ni Tipaklong ang mga ito??

V. Takdang Araliln
Paghahanda sa susunod na aralin.
o Ano ang pangngalan?
o Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap.
VI. Mga Tala

VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -


Galilei

VII. Pagninilay

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika - 18 ng Hunyo, 2019


Martes

VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40


VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.


F6WG-Ia-d-2

II. Aralin: Wastong Gamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t-ibang Sitwasyon.


Pagsasalita F6WG-Ia-d-2
Kagamitan: Tsart, larawan ng kapaligiran o totoong tanawin, white board, marker,

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Talasalitaan
4. Balik-Aral: Ano ang aral sa kwentong “Ang Langgam at ang Tipaklong”

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak: Magnigay ng mga pangungusap tungkol sa kwentong “Ang Langgam at


ang Tipaklong”
2. Pagtalakay / Pag-uugnay ng mga pangungusap sa bagong aralin
o Pagtukoy sa mga pangalan ng tao, bagay, hayop lugar o pangyayari sa
pangungusap.
3. Pangkatang Gawain
 Pangkatin sa lima ang mga mag-aaral at papaghandain ang bawat pangkat
ng isang usapan na maaaring mapakinggan mula kina Langgam at
Tipaklong
Pangkat 1 - Magandang Buhay
Gagawa ng isang maikling kwentuhan tungkol sa unang araw ng pasok
sa Paaralang Elementarya ng Tunasan
Pangkat 2 - Ms. Universe
Gumawa ng maikling Question and Answer portion tungkol sa
kalikasan.

Pangkat 3 – Silid Patrol


Magkaroon ng maikling pag-uulat tungkol sa KPOP
Pangkat 4 - Pinoy Henyo
Gumawa ng isang pahulaan tungkol sa paboritong hayop ng isang
miyembro
ng pangkat
Pangkat 5 - Maalala Mo Kaya
Ilahad ang isang sitwasyon / pangyayaring hindi mo malilimutan, pumili
lamang ng isa sa inyong miyembro
4. Pag-uulat ng bawat pangkat

C. 1. Paglalahat
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, pangyayari, at kaisipan.
2. Paglalapat
Isulat sa inyong kwaderno ang mga pangyayaring nakapagpapasaya sa iyo, Bilugan
ang
mga pangngalang naitala.

IV. Pagtataya
Basahin at pag-aralan ang usapan ng mga hayop. Gamitin ang mga pangngalan sa
loob ng kahon upang mabuo ang usapan.

bulaklak saging kagubatan tao pamahalaan

Nagkatipon-tipon ang mga hayop sa kagubatan. Masaya ang lahat subalit may
salot sa kanilang dating masayang tahanan.

Leon : Mga kaibigan, may salot sa ating kaharian. Ang ____(1)_______


ay winawasak na ng mga tao.
Tigre : Kaya ba kaibigang Leon biglaan ang pulong natin?
Leon : Oo, iilan na lamang tayo rito. Ang iba ay lumipat na kung saan-
saan.

Sa daraan si Matsing. Narinig ang usapan ng mga lider ng kagubatan.

Matsing : Tama ka. Ang pagkain namin dito ay ubos na. Wala na ang mga
_____(2)_____ na kinakain naming. Tinumba na ang mga puno at
kinuha na ng mga tao.

Tamaraw : Mga kasama, ang may kagagawan nito ay ang mga


____(3)______. Pati lahi ko ay nauubos na rin. Nandoong barilin o
bitagin. Pagdating ng araw ay wala nang magtatanggol sa bawat isa sa
atin.

Kuneho : Tingnan ninyo ang paligid. Ang mga _____(4)_____ ay nawawala


na rin. Sinira na nila.

Tigre : Paano ba ang gagawin natin? Ang ating tahanan ay winawasak


na. magkakahiwa-hiwalay na tayo. Walang pusong mga tao, sakim sila!
Lipunin natin sila.

Leon : Mga kaibigan, huwag tayong magpadalos-dalos. Sana lang ay


tulungan tayo ng ______(5)_____. Dahil alam ko na may pag-asa pa.

V. Kasunduan
Bumuo ng maikling usapan ninyo ng iyong ina sa inyong tahanan. Gamitin sa
pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan.
- papel
- Aso
- Guro
- Paaralang Elementarya ng Tunasan
- pagkain

VI. Mga Tala

VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -


Galilei

VII. Pagninilay
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika - 19 ng Hunyo,
2019
MIyerkules
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
F6WG-Ia-d-2

II. Aralin: Wastong Paggamit ng Panghalip sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon


Pagsasalita, F6WG-Ia-d-2
Kagamitan: tsart,white board, marker, blank slate

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Talasalitaan
4. Balik-aral
Piliin ang pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa blank
slate.
a. Nangako si Maria na uuwi siya nang maaga sa kanilang tirahan.
b. Sa pamahalaang panlunsod ng Muntinlupa nakita ang nawawala niyang aso.
c. Ang mga mag-aaral ay lalahok sa paligsahan sa pag-awit.
d. Kay Rodora ang asul na lapis na nasa ilalim ng lamesa.
e. Malapit ba ang bahay ninyo sa bahay nila Faith?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak: Ikaw ba ay mabait na bata? Paano mo ito nasabi?
2. Paglalahad:
Basahin ang maikling sanaysay:
Si Pedro ay isang mabait na bata. Araw-araw pumapasok si Pedro sa paaralan ni Pedro.
Madalas ding nahuhuli si Pedro sa klase ni Pedro kaya si Pedro ay laging pinagagalitan ng guro
ni Pedro. Minsan, pinatawag ang mga magulang ni Pedro dahil kakausapin ang mga magulang ni
Pedro ng guro ni Perdro. Pero hindi ito masabi ni Pedro sa mga magulang ni Pedro. Kaya
pagdating ni Pedro sa paaralan ni Pedro ay pinagalitan na naman si Pedro ng guro ni Pedro.

3. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:

- Ano ang napapansin mo sa talatang iyong binasa?


- Ano ang dapat gawin para maalis ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ni
Pedro?
- Anong tawag natin sa mga inihahali sa pangngalang tulad ng Pedro?
- Pagkilala sa panghalip.
4. Gawain 1 (Pangkatang Gawain)
Pangkat 1 – Bumuo ng isang maikling usapan. Gamitin ang mga sumusunod
na panghalip,
ako, akin, iyo, atin
Pangkat 2 – Bumuo ng isang slogan tungkol sa tamang pagtatapon ng basura
sa inyong paaralan. Gamitin ang mga sumusunod:
tayo, sila, natin
Pangkat 3 – Bumuo ng isang jingle tungkol sa paglilinis sa loob ng silid-aralan.
Gamitin ang mga sumusunod na panghalip:
ninyo, amin, doon
Pangkat 4 – Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunods na panghalip
diyan, ayun, ito
Pangkat 5 – Gumawa ng balitaan at gamitin ang mga sumusunod na panghalip
Niya, kanya, amin
C. 1. Paglalahat
Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na inihahalili sa pangngalan.

2.Pagalalapat (Isahang Gawain)


Gamit ang inyong “Show me Board”, punan nang wastong panghalip ang mga
sumusunod. Sagot na lamang ang isulat.
a. Nais ni Erlinda na maging mabuti ang pamumuhay ng pamilya ______.
b. Pinaglabanan _____ ang matinding kalungkutan.
c. “Unti-unti nang nawawala ang respeto _____ sa aking sarili,” ang sabi ni Erlinda.
d. _____ ay nagsikap na makapag-aral doon.
e. “Hindi na bago sa _____ ang pagsusulat,” wika niya.
IV. Pagtataya
Gamitan ng iba’t ibang uri ng panghalip ang sumusunod na salaysay.

Naranasan ____(1)____ na bang lumangoy sa dagat? _____(2)_____ ay may


nakatutuwa ngunit nakatatakot na karanasan sa dagat. Namasyal ____(3)____ roon sa
dinarayong Boracay Beach, ___(4)___ ang una kong nakitang malinaw at kulay berdeng tubig
na dalampasigan. Malinis at malamig ang tubig.

___(5)___ at ang ___(6)___ mga kapatid ay masayang nagtatampisaw sa pampang nang


isang malaking alon ang dumating at pagbalik sa dagat, ___(7)___ ay natangay sa kalaliman.
Gayon na lamang ang takot ___(8)___. Mabuti na lamang at isang pinsan ___(9)___ ang
nakakita sa akin at hinila ako patungo sa pampang. Ito ang karanasan ___(10)___ di ko
malilimutan.

SAGOT:
1. Mo 2. Ako 3. Kami 4. Ito 5. Ako
6.Aking 7. Kami 8. Naming 9. Kong 10. Kong

V. Kasunduan
Bumuo ng isang dayalog ng iyong mga magulang. Gamitin ang mga sumusunod na
panghalip.
- Ikaw, ako, tayo, sila, natin

VI. Mga Tala

VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -


Galilei

VI. Pagninilay
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika -20 ng Hunyo,


2019
Huwebes
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan. F6PB-Ia-1

II. Aralin: Pag-uugnay ng Binasa sa Sarilling Karanasan Pagbasa, F6PB-Ia-1


Kagamitan: kwentong “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada”, kwento ni Bordi
Geocadin
tsart, sariling karanasan, larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa lumiban
3. Talasalitaan
1. Balik-aral
Piliin ang pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
a. Nangako siya sa kanyang nanay na uuwi nang maaga.
b. Doon niya nakita ang nawawalang aso.
c. Ang ilan sa mga mag-aaral ay umaawit.
d. Akin ang lapis na na nasa ilalim ng mesa.
e. Malapit na ba ang bahay ninyo?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng palakol
Itanong: Alam nyo ba ito? Saan ito ginagamit? Nakakita ka na ba nito?
2. Pag-alis ng sagabal
Ginto Pilak Engkantada
3. Paglalahad
Ipabasa ang kwento: “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada”(Sipi ng
kwento)
4. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:
- Ano ang nawala ng magtotroso?
- Sino ang tumulong sa kanya upang makuha ito?
- Kung ikaw ang unang magtotroso, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
Bakit?
- Kung ikaw ang ikalawang magtotroso, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
Bakit?
- Nagkaroon na ba ng pagkakataon sa buhay mo na ikaw ay kinailangang
magsabi ng totoo?
- Anong pangyayari ito at ano ang iyong ginawa? Ipaliwanag
(Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga mag-aaral)
C. 1.Paglalahat
Ang pagsasabi ng tapat ay isang mabuting gawi na dapat taglayin ng bawat isa.
2. Paglalapat
Sumulat ng isang sitwasyon o pangyayari sa buhay mo na may kinalaman sa aral
ng kwento na ating tinalakay.

IV. Pagtataya
Basahin ang maikling sanaysay at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
1. Sino ang batang nagkaroon ng malubhang karamdaman?
2. Saan siya inoperahan?
3. Sino ang ibig niyang dumalaw sa kanya upang makipaglaro?
4. Nagkaroon ka na rin ba ng malubhang karamdaman?
5. Ano ang iyong ginawa upang ito ay mapagtagumpayan?
6. Sino ang sa tingin mong tutulong sa iyo sa oras na ikaw ay magkaroon ng katulad ng
karamdaman ni Bordi?
7. Ibig mo rin bang maranasan ito? Bakit?

V. Kasunduan
Pumili ng isang palabas sa telebisyon na masasabi mong may kaugnayan sa iyong buhay.
Kumuha ng isang bahagi lamang nito at humandang ibahagi sa klase.

VI. Mga Tala

VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -


Galilei

VII. Pagninilay

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika - 21 ng Hunyo, 2019


Biyernes
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Nasisipi ang isang talata mula sa huwaran. F6PU-lac.2

II. Aralin: Pagsipi ng Isang Talata mula sa Huwaran


Pagsulat, F6PU-lac.2
Kagamitan: tsart, tsok, pisara, larawan, marker
Saloobin: Pagiging malinis sa gawain

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Talasalitaan
4. Balik-aral
Ano-anong mga bantas ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pangungusap?
o Sino ang punong barangay ng Barangay Tunasan ___
o Si G. Jaime R. Fresnedi ang ating mayor ___
o Kunin mo ang bag ni Gng. Revereza ___
o Naku, ang lakas ng ulan ___
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak:
Balikan ang kwentong “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada”
Itanong: Ano-ano ang nangyari sa dalawang magtotroso sa kabundukan?
2. Paglalahad
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga mag-aaral. Ipabasa
ang mga ito sa kanila.
Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga ito?
Malinaw ba ang pagkakasabi ng bawat diwa ng pangungusap?
3. Pagtalakay
Tumawag ng isang mag-aaral upang isulat ang mga pangungusap na tinalakay
upang maging talata.
- Tama ba ang pagkakasulat ng talata?
- Tama ba ang mga bantas na ginamit?
- Tama ba ang margin sa kanan at kaliwa?
- Maayos ba ang pagkakasulat ng mga salita sa pangungusap?

4. Pagsasanay: Ipakita ang larawan sa mga mag-aaral


- Hayaang bumuo ng pangungusap mula sa larawan
- Ipasulat ang mga nabuong pangungusap sa pisara
- Ipasulat ang mga pangungusap upang maging talata.
- Siguraduhing makasunod ang mga mag-aaral sa itatakda ng guro.

C. 1.Paglalahat
Ang talata ay kalipunan ng mga pangungusap. Nagsisimula ito sa malaking letra
at karaniwang nagtatapos sa tuldok
2.Paglalapat
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong tatay.

IV. Pagtataya (Rubriks)

OO HINDI HINDI WALANG


GAANO GAWA
(5) (3) (1) (0)
1. Tama ba ang mga bantas
na ginamit?

2. Tama ba ang margin sa


kanan at sa kaliwa?

3. Maayos ba ang
pagkakasulat ng mga salita
sa pangungusap?

4. Tama ba ang pagkakasulat


ng talata?

V. Kasunduan
Sumipi ng isang talata, sa mga sanaysay na matatagpuan sa mga babasahin sa
inyong
tahanan, idikit ito sa inyong kwaderno at maghanda sa pagbasa nito sa klase.

VI. Mga Tala

VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -


Galilei

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-24 ng Hunyo, 2019


Lunes
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

Key Standard: Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan
at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

I. Nakapagbibigay ng panuto na may higit sa limang hakbang. F6PS-lb-8


II. Aralin: Pagbibigay ng Panuto
Pagsasalita, F6PS-lb-8
Kagamitan: larawan, tsart, papel, marker, manila paper
Saloobin: Pagiging matiyaga

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Talasalitaan

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral: Ano ang talata?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan:

Itanong:
Ano ito?
Saan ito ginagamit?
Sino ang madalas guamagamit nito?
Paano ito ginagamit?

3. Paglalahad
Gawain (Isahan)
- Pakuhanin ang mga mag-aaral ng kalahating papel.
- Bigyan sila ng mga panuto sa paggawa ng bangkang papel.
- Ibigay nang isa-isa ang mga hakbang.
- Tingnan kung nasusundan ito ng mag-aaral
- Hayaang ipakita ng mag-aaral ang kanilang natapos na bangkang papel.

4. Pagtalakay
- Nasunod mo ba nang wasto ang mga panuto na ibinigay?
- Bakit? Bakit hindi?
- Ano ang ginawa mo upang makasunod nang wasto sa panutong ibinigay?
- Ano ang napansin ninyo nang magbigay ako ng panuto?
- Nakatulong ba ang aking ginawa upang makasunod ka nang wasto?

5. Pangkatang Gawain
- Bawat pangkat ay maghahanda ng panuto
- Matapos ang inilaang oras, ang bawat pangkat ay magsasabi sa iba pang
pangkat ng nais nila o inihandang panuto upang ito ay kanilang gawin.
- Matapos ang gawaing ito, magpapalit ang bawat pangkat upang ipagawa ang
kanilang inihandang panuto.
- Matapos ang gawain, itanong:
Nagawa ba nang maayos ang mga gawaing ibinigay ng ibang pangkat?
Bakit? Bakit hindi?
6. Paglalapat
- Ano-ano ang panuto na lagi mong naririnig sa bahay?
- Sa paaralan?
- Sa kalsada?
- Sa mga pampublikong lugar?
- Sa pagsagot sa pagsusulit, ano ang maaaring mangyari kung hindi mo susundin
nang maayos ang mga panutong ibinigay?

7. Paglalahat
Sa pagbibigay ng panuto, dapat ay maging malinaw upang lubos na maunawaan at
magawa nang maayos.

8. Pagsasanay
Sundin ang mga panutong iparirinig ng guro upang mabuo ang isang bagay.
- Kunin ang inyong show me board
- Iguhit ang iyong palad
- Gumuhit ng isang bulaklak sa gitna ng iyong palad
- Gumuhit ng maliliit na puso sa bawat daliri
- Isulat ang iyong buong pangalan sa ibaba ng iyong palad

Buong Pangalan

IV. Pagtataya
Magbigay ng panuto na binubuo ng limang hakbang ipagawa ito sa kalahating bahagi ng
papel.
1. Isulat ang inyong buong pangalan sa unang espasyo ng inyong papel gamit ang
malalaking letra.
2. Sa pinababang bahagi ng papel, isulat ang iyong paboritong ulam.
3. Sa gitna ng papel, gumuhit ng puso na kasinglaki ng dlawang espasyo.
4. Sa loob ng puso, Isulat ang unang letra ng iyong apelido gamit ang maliit na letra.
5. Sa ilalim ng puso isulat ang buwan ng iyong kapanganakan.

V. Kasunduan
Bumuo ng panuto na may limang hakbang sa pagsasaing ng bigas.
Gawin ito sa kalahating bahagi ng papel.

VI. Mga Tala


VI - Aristotle VI - Thomson VI - Newton VI - Kelvin VI - Darwin VI -
Galilei

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-26 ng Hunyo, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
F6WG-Ia-d-2
II. Aralin: : Wastong Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Pagsasalita, F6WG-Ia-d-2
Kagamitan: larawan, tsart, gramma garapon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Gawing Palaro
IGAGALAW KO, PANGALANAN MO
- Magpapatukoy ng isang bagay sa loob ng silid-aralan. Bubunutin ang mga
salita sa loob ng Gramma Garapon
- Pahulaan ang salitang nabunot sa mga kaklase sa pamamagitan ng
paggawa ng mga kilos kung ano ang bagay na ito.
- Itala sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
- Ipabasa ang ginawang talaan
- Itanong:
 Ano ang tawag sa mga ito?
 Ano ang pangngalan?
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ipabasa nang malakas ang mga sumusunod na pangungusap:
o Ang kapayapaan ang hiling natin.
o Gumawa sila ng isang balsa para makatawid.
o Ang batalyon ng sundalo ang ipinadala sa Marawi.
3. Pagtalakay
- Ano-ano ang pangngalan sa bawat pangungusap?
- Ano-anong uri ng pangngalan ang mga nabanggit?
- Ipagamit sa sarilling pangungusap ang mga natukoy na pangngalan.
4. Pangkatang Gawain
o Ipabigay ang mga larawan sa bawat pangkat
o Siguraduhing sapat ang mga larawan sa bawat pangkat
o Gamit ang larawan, gumawa ng isang maikling salaysay/talata na may 4-5
pangungusap. Ipasulat ito sa papel at pabilugan ang mga pangngalang
ginamit.
o Pag-uulat ng natapos na gawain
5. Paglalahat
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari, at kaisipan.

Ang pangngalan ay may iba’t ibang uri, pantangi, pambalana, konkreto, di-
konkreto, at lansakan.
6. Pagsasanay (Isahang Gawain)
Gamit ang kanilang “Show Me Board”
Gamitin ang mga sumusunod na pangngalan upang mabuo ang salaysay.

bulaklak, kapayapaan, batalyon,


Hiling ng bawat Pilipino ngayon ang __________ sa Mindanao. Dahil sa
digmaan doon ay marami na ang natatakot dahil para sa kanila ay mas lalong
lumalala ang kaguluhan. Ang _________ ng mga sundalo ay patuloy na
nakikipaglaban upang mabawi ang probinsya ng Marawi. Iniisip din ng iba, kung
bibigyan nila ng magagandang _________ ang mga sundalo, siguro ay mapapawi
din ang lungkot nila at mas lalo pang tatatag ang kanilang kalooban.
IV. Pagtataya
Basahin ang sumusunod na talaarawan. Itala ang mga pangngalan at isulat ang uri ng
mga ito kung konkreto, di-konkreto, o lansakan. [A. 1-2 p.67 Landas sa Wika].

Hunyo 9, Biyernes

Kaarawan ko. Naghanda ng mga pagkain si Nanay para sa mga bisita ko. May
dalang buwig na saging ang tiyo kong galing sa probinsya. Isang batalyon ang kaklase ko na
dumalo. Umaapaw ang kasiyahan ko.

Hunyo 10, Sabado

Tanghali na ako ng nagising. Nagising ako sa sigawan ng mga tao. May sunog
sa aming lugar. Wala akong malay gawin sa takot. Pulu-pulutong ang mga tao na tumulong
sa paghakot ng mga kasangkapan.

V. Takdang-aralin

Sumulat ng sariling talaarawan para sa isang lingo.Gamitin ang mga pangngalang


kongkreto, di konkreto at lansakan. Basahin sa klase ang inihanda mong talaarawan.Ipatukoy
sa mga kaklase ang mga pangngalang ginamit sa talaarawan

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
________________________________________________________________________
_____

________________________________________________________________________
_____

________________________________________________________________________
_____
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-27 ng Hunyo, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kwento


F6PN-la-g-3.1

II. Aralin: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kwento


Pakikinig, F6PN-la-g-3.1
Kagamitan: tsart, larawan, speaker, audio ng kwentong Thumbelina, youtube
sipi ng kwentong “Kali” ni Ariel V. Marasigan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipakita ang larawan

Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan na may kaugnayan


sa larawan.

2. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Alamin ang mga hinuha ng mag-aaral sa kwento at itala ito sa pisara. (KWWL
Chart)

ANO ANG ANO ANG NAIS SAAN KO ANO ANG


ALAM KO? KONG MAAARING NATUTUHAN KO?
MALAMAN? MALAMAN?
3. Paglalahad
Babasahin ng guro ang kwento: (sipi ng kwento)
“KALI”
Ni: Ariel V. Marasigan

4. Pagtalakay
o Balikan ang ilang mga sagot ng mga mag-aaral mula sa KWWL Chart.
o Isa-isahin ang mga ito at sabihin kung nangyari ang mga ito sa kwento o
hindi.
5. Paglinang sa Kabihasaan
o Sino-sino ang tauhan sa napakinggang kwento?
o Anong ugali mayroon si Kali?
o Ano ang ginawa ng amo ni Kali sa kanya?
o Kung ikaw ang may-ari ng bisiro, gagawin mo rin ba ang ginawa niya dito?
o Bakit? Bakit hindi?
6. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
o Anong bahagi ang nagustuhan mo sa kwentong napakinggan?
o Bigyang katwiran ang sagot na ibibigay.
7. Paglalahat ng aralin
o Ano ang natutuhan mo sa kwentong napakinggan?
o Paano mo ito maisasabuhay?
IV. Pagtataya
Pakinggan ang kwento ni “Thumbelina” at sagutin ang mga tanong matapos nito:

1. Sino ang humihingi ng anak?


2. Bakit Thumbelina ang ipinangalan sa kanya?
3. Sino ang unang kumuha kay Thumbelina?
4. Paano nailigtas si Thumbelina sa pagpapakasal?
5. Saan tumuloy si Thumbelina sa panahon ng tag-lamig?
6. Sino ang mayamang nagkagusto kay Thumbelina at hinihingi sya kay Mrs. Mouse?
7. Sino ang tinulungan ni Thumbelina?
8. Kanino humingi ng tulong si Thumbelina upang makatakas kay Mrs. Mouse?
9. Saan nakarating si Thumbelina na sinabi niyang tahanan niya?
10. Paano nagwakas ang kwento ni Thumbelina?

V. Takdang Aralin

Ano-ano ang mga pangkalahatang sanggunian?

VII. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
________________________________________________________________________
_____
________________________________________________________________________
_____

________________________________________________________________________
_____

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-29 ng Hunyo, 2018


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nasasagutan ang mga tanong sa mahabang pagsusulit


II. Pagsagot sa mga Tanong sa Mahabang Pagsusulit
Kagamitan: Papel at bolpen
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak: natatandaan ninyo pa ba ang ating pinag-aralan? Kung gayon
susubukin ko ang inyong galing.
2. Pagsagot sa mga tanong
IV. Pagwawasto at Pagrerekord
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-2 ng Hulyo, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nabibigyang-kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa napakinggang pabula. F6PN-lc-19

II. Aralin: Pagbibigay Kahulugan sa Kilos ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula


Pakikinig, F6PN-lc-19
Kagamitan: larawan, sipi ng kwentong “At Nalunod ang mga Salot”, tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Babasahin ng guro ang isang maikling kwento tungkol sa “Batang Maaasahan”
Itanong:
Itanong kung anong katangian ang ipinakita ng bata sa kwento
2. Talasalitaan

SALOT

Itanong: Ano ang nauunawaan sa salita?


Gamitin sa sariling pangungusap.
3. Paghahabi sa layunin ng aralin
Itanong:
Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga mag-aaral.
4. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng daga.
- Babasahin nang malakas ng guro ang “At Nalunod ang mga Salot”
5. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:
o Sino si Dagambu?
o Paano sya naging pinuno ng mga dagang bukid?
o Anong ginagawa ng mga dagang bukid sa taniman?
o Tama ba ito? Bakit?
o Bakit nag-away ang pangkat ng mga dagang bukid at dagang lungsod?
o Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa?
o Ano ang ikinilos ng bawat isang tauhan?
o Ano ang mensaheng hatid ng ikinilos ng bawat isa?

6. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


o Kung ikaw si Metromaws, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
o Pangatwiranan ang iyong sagot.
o Anong kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa?
o Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa?

7. Gawain 1
Ibigay ang katangian ng mga karakter sa napakinggang pabula.
Isulat ang mga ito sa tsart sa ibaba:

TAUHAN KATANGIAN PATUNAY NA


PANGYAYARI
1. Dagambu
2. Metromaws

8. Paglalahat ng aralin
Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat ipinagkakait kahit na kanino.

9. Gawain 2
Pangkatang Gawain
o Ang bawat pangkat ay bibigyan ng maikling seleksyon.
o Ang bawat pangkat ay magbabasa nito at ang natitirang pangkat ay
makikinig.
o Ibigay ang katangian ng bawat tauhan sa maririnig na seleksyong babasahin
ng kabilang pangkat.

IV. Pagtataya
Pakinggan ang kwentong “Si Tipaklong at si Langgam”
Itala sa tsar tang katangian ng bawat tauhan sa kwento.

TAUHAN KATANGIAN PATUNAY NA


PANGYAYARI
1. Langgam
2. Tipaklong

VI. Mga Tala


VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-3 ng Hulyo, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1

II. Aralin: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento


Pagbasa, F6PN-Ia-g-3.1
Sanggunian: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6 p.118
Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa 6 p.30-35
Kagamitan: kwentong “Nasirang Paraiso”
tsart, larawan,Tarpapel
https://www.youtube.com
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kagubatan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi sa talata?
2. Pagganyak
 Pagpapakita ng larawan
 Pag-usapan ang nasa larawan
3. Pagpapayaman ng talasalitaan
o Laksa-laksa
o Magmasid
o Maaninag
o Nakadadaloy
o Dangan
4. Paglalahad
Babasahin ng guro ang kwentong, “Nasirang Paraiso”
5. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:
o Bakit hindi natupad ang mga inasam ng magpipinsan sa kanilang pag uwi
sa probinsya?
o Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay isa sa kanila? Bakit?
o May sapat bang dahilan ang pag-aalala ni Bikoy para sa kaligtasan ng
mga naninirahan sa lugar? Paano mo ito patutunayan?
o Kung ikaw ang punong barangay,paniniwalaan mo ba ang sinasabi ng
mga bata? Bakit?
o Anong mahalagang ideya o aral ang nakuha mo sa kuwento? Iugnay ito
sa mahalagang tanong na nasa ibaba.

Bakit kailangan natin ang mga


kagubatan?

Ano-anong kapakinabangan ang


nabibigay ng mga ito?

6. Paglalahat
Bakit mo nasagot ang mga tanong sa kuwento?
Ano ang ginawa mo?
IV. Pagtataya:
Pakikinig sa kuwentong ang “ Ang Leon at ang Daga”
Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong napakinggan:
1. Bakit nagising ang Leon sa pagkakatulog?
2. Ano ang ginawa ng mga mangangaso sa Leon?
3. Kung kayo ang daga gagawin nyo rin ang ginawa niya sa Leon? Bakit?
4. Anong mahalagang aral ang natutunan mo sa kuwento?
5. Paano nakawala ang Leon sa pagkakabitag sa kanya ng mga mangangaso?

V. Kasunduan
Aling bahagi ng kuwentong “Nasirang Paraiso” ang iyong nagustuhan? Bakit? Isulat ang
sagot sa
inyong Journal Notebook.

VI.Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-4 ng Hulyo, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kwentong napakinggan.


F6PN-Id-e-12

II. Aralin: Paghinuha sa Kinalabasan ng Kwento


Pakikinig, F6PN-Id-e-12
Sang.: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6 p.118
Kagamitan: lrmds, sipi ng kwentong “Ang Tambakan”, larawan, tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Basahin mo ang bawat pangungusap. Sa sagutang kuwaderno isulat ang O kung
ang pangungusap ay nagpapahayag ng Opinyon at K kung Katotohanan.
a. Binubuo ang Pilipinas ng 7,107 pulo.
b. Ang mga pulong ito ay hinati sa tatlong pangkat: Luzon, Visayas at Mindanao.
c. Ang ating bansa ay pinamumunuan ng isang Pangulo.
d. Ang pangulo ng ating bansa ay inihahalal ng taumbayan.
e. Sinasabing nagsimulang umunlad ang ating bansa buhat nang magkarooon ng
People
Power sa EDSA.
2. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan:

Itanong:
Ano pa ang maaaring gawin sa bagay na patapon na tulad ng mga larawan?

3. Pagsisimula ng bagong aralin


Maglalahad ng mga tanong na sasagutin ng mag-aaral upang mataya ang kanilang
kahandaan sa aralin. Itataas ng mga mag-aaral ang kanang kamay kapag OO ang
sagot at ang kaliwang kamay kapag hindi.

o Nagtapon ka na ba ng basura kung saan-saan?


o Nakapagdikit ka na ba ng bubble gum sa upuan?
o Nakapagtapon ka na ba ng balat ng sitsirya sa bintana ng sasakyan o sa
sinasakyan?
o Nagreresikolo ba kayo sa inyong tahanan?
o Nakadalo ka na ba sa kahit anong gawain kaugnay sa pagreresikolo ng
basura?

4. Paglalahad
Babasahin ng guro sa klase ang kwentong:
“Ang Tambakan” Ni: Gaudencio Luis N. Serrano
5. Pagtalakay
Pagsagot sa tanong:
o Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
o Bakit mayabang si Tembong?
o Sino ang naging bagong kasama nila sa tambakan?
o Bakit sa tingin mo ay hindi kinukuha ng mga mangangalakal sina tembong?
o Ano ang nangyari kay Tata?
o Bakit mo nasabi?
o Ano kaya ang maaaring mangyari kung sakaling gagawing regular ng mga
tao ang pagreresikolo ng mga bagay?
o Bakit mo nasabi?
o Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang
kalinisan sa paaralan?

6. Gawain 1 (Isahang Gawain)


Basahin at unawain ang bawat pahayag. Ano ang maaaring palagay o kuro-kuro
mo sa bawat pahayag?

Pagdaan ng kotse sa ilalim ng punong niyog nalaglag ang mga bungang


magugulang na.

Hindi tumitingin sa tawiran si Pedro. May dala siyang tungkod.

Bumabagyo at malakas ang alon nang sila’y tumawid sa isla. Maliit lang ang
bangkang kanilang sinasakyan.

7. Paglalahat
Ang pagbibigay hinuha o palagay sa maaaring kahinatnan ng mga pangyayari
sa binasa ay isang paraan nang pagsasagawa ng mapanuring pag-unawa.
8. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Magbigay ng tig-dadalawang hinuha sa bawat pangyayari
Pangkat 1: Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking
pukyutan.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
Pangkat 2: Nakita ni Eli ang makukulay na mga bulaklak sa hardin. Papasok na
siya sa paaralan nang umagang yaon.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
Pangkat 3: Nalaglagan ng isang kutsarang kanin ang mga langgam sa ilalim ng
mesa.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________

Pangkat 4: Sumakay ang mga sundalo sa helicopter at lumipad ito sa himpapawid.


Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
Pangkat 5: May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera.
Kinuha ito ng tatay mo.
Hinuha 1: _____________________________________
Hinuha 2: _____________________________________
IV. Pagtataya
Bumuo ng hinuha sa mga talatang sumusunod at isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno.
1. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
Hinuha ________________________________________

2. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang


mag-ama.
Hinuha ________________________________________

3. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng kanilang guro


sa Musika. Suot na nila ang magara nilang uniporme at sila’y patungo na sa bayan.
Hinuha ________________________________________

4. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng
kalaro at kababata ni Cris.
Hinuha ________________________________________

5. May taling pabigat sa binti ni Aimon at humihiyaw ito sa sakit. Awang-awa ang
kanyang mga kamag-anak.
Hinuha ________________________________________

V. Kasunduan
Ibigay ang sariling hinuha sa mga ss na pangyayari:
1. Patuloy na pagtatapon ng basura ng mga mamamayan ng Bayanan sa Baywalk.
2. Pagtatapon ng basura sa di tamang tapunan ng basura.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-5 ng Hulyo, 2018


Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
F6WG-Ia-d-2

II. Aralin: : Wastong Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon


Pagsasalita, F6WG-Ia-d-2
Kagamitan: larawan, tsart, gramma garapon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Gawing Palaro “SINO AKO?”
- Magpapatukoy ng isang pangngalan. Bubunutin ang mga salita sa loob ng
Gramma Garapon
- Pahulaan ang salitang nabunot sa mga kaklase sa pamamagitan ng
paggawa ng mga kilos kung ano ang bagay na ito.
a. Tinaguriang “haligi ng tahanan” _______
b. “Ilaw ng tahanan” _______
c. Punonglungsod ng pamahalaang _______
d. mag-aaral
e. aklat
- Itala sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
- Ipabasa ang ginawang talaan
- Itanong:
 Ano ang tawag sa mga ito?
 Anong uri ito ng pangngalan?
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ipabasa nang malakas ang mga sumusunod na pangungusap:
o May mga ginoo, binata at binatilyo na nag-alok ng tulong sa pagdiriwang ng
kapistahan.
o Binigyang parangal ang mga ina, lola at iba pang kababaihang nagpakita ng
katangi-tanging gawa sa taon.
o Naging aktibo ang mga kabataan at mga guro sa paghahanda para sa
pagdiriwang.
o Bumaha ng mga palaro, pagkain, at papremyo sa kapistahan.
3. Pagtalakay
Pagsagot sa tanong:
o Kailan ginagamit ang mga pangngalang nakasalungguhit sa unang
pangungusap? sa ikalawa? sa ikatlo at ikaapat na pangunngusap?

o Ano ang tawag sa mga kasarian ng mga pangngalan sa una, ikalawa,, ikatlo
at ikaapat na pangungusap?
o Mula sa halimbawa, ibigay ang mga katuturan ng mga kasarian ng
pangngalan.
o Bakit mahalagang gumamit ng mga kasarian sa pagbibigay ng mga
katawagan sa mga pinangangalanan natin?
4. Gawain 1
Gamit ang kwaderno, sagutin ang sumusunod
Ibigay ang kasarian ng mga sumusunod:
a. Ginoo f. bayan
b. Ginang g. karagatan
c. lolo h. pari
d. mamamayan i. kabataan
e. magkapatid j. madre

5. Paglalahat
Mahalagang tiyakin ang mga kasarian ng mga pangngalan upang maging
malinaw ang pinatutungkulan natin sa ating pagpapahayag. May apat na
kasariaan ang pangngalan:
Panlalaki- tumutukoy sa ngalan ng lalaki
Pambabae – tumutukoy sa ngalan ng babae
Di-Tiyak - maaaring babae o lalaki
Walang Kasarian – tumutukoy sa ngalan ng mga bagay na walang buhay o pag-
iisip

6. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)


Gamitin nang wasto ang mga ss. na pangngalan sa pagbuo ng pangungusap.
Humandang basahin sa harap ng klase.
o Pangkat 1
bag, lapis, bulaklak
o Pangkat 2
guro, pulis, kapitbahay
o Pangkat 3
abogada, senadora, sekretarya
o Pangkat 4
Joy dishwashing liquid, kaserola, balde
o Pangkat 5
doktor, abogado, tindera

IV. Pagtataya
Punan nang wastong pangngalan ang bawat pangungusap. Gamitin ang mga pangngalan sa
loob ng kahon.
ate kaibigan artista,
ninang tiyuhin

1. Magdiriwang ng ikalabingwalong kaarawan ang ko sa darating na Linggo.


2. Maraming panauhin ang inaasahang darating sa salo-salo, kabilang na ang aming
na nagmumula pa sa ibang bansa.
3. May mga nagbigay na ng paunang regalo tulad ng ni Ate na gumawa at
nagpamudmod ng mga paanyaya para sa pagdiriwang.
4. Ang niya ay nagsabi rin na sasagot ng kanyang keyk.
5. Siguradong magiging masaya ang kaarawan ni Ate sapagkat bukod sa mga
imbitado ay may sorpresang panauhin na darating sa okasyon – ang paboritong ni Ate.

V. Kasunduan
Magtala ng tig-talong pangngalan ng bawat kasarian at gamitin ito sa pangungusap.

Panlalaki Pambabae Di -Tiyak Walang Kasarian

1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

3. 3. 3. 3.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-6 ng Hulyo, 2018


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang


sitwasyon
F6WG-Ia-d-2
I. Aralin: Wastong Gamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Pagsasalita F6WG-Ia-d-2
Kagamitan: Sipi ng kwentong “Ang Tipaklong at ang Paruparo”
Tsart, larawan ng kapaligiran o totoong tanawin, pisara, tsok,
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Pagpapaawit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Talasalitaan
B. Panlinang na Gawain
1.Pagsisimula ng bagong aralin
Magpakita ng isang larawan ng kapaligiran. Kung wala, maaari namang gamitin na
lamang ang kapaligiran. Pagawain sila ng pangungusap tungkol sa kapaligiran.
2.Isulat sa pisara ang ilan sa mga ibibigay na pangungusap ng mga mag-aaral.
Ipabasa itong muli sa kanila.
3.Pagtalakay / Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
o Ano-ano ang mga ginamit na pangngalan sa bawat pangungusap?
o Ano ang pangngalan?
4.Gawain 1
Pangkatang Gawain
 Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at papaghandain ang bawat pangkat
ng isang usapan na maaaring mapakinggan mula kina Paruparo at Tipaklong

Pangkat 1 - Magandang Buhay


Gagawa ng isang maikling kwentuhan tungkol sa unang araw ng pasok sa
Paaralang Elementarya ng Tunasan
Pangkat 2 – Flip Top
Gumawa ng maikling palitan ng rap / flip top tungkol sa naging problema sa
Resorts World kamakailan.
Pangkat 3 – Debate
Magkaroon ng maikling debate tungkol sa kurikulum na Kto12

 Ipatukoy sa mga nakikinig sa pagtatanghal ang mga pangngalan na ginamit


ng bawat pangkat.

5.Paglalahat
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, pangyayari, at kaisipan.

6.Gawain 2
Isang Gawain
 Papiliin ang bawat isang mag-aaral kung sino ang nais mula kina Paruparo
at Tipaklong.
 Paghandain ang bawat isa ng nais nilang sabihin sa napiling tauhan.
 Siguraduhin na magagamit ang pangngalan sa gagawing monologue.
 Ipatukoy sa mismong mag-aaral ang pangngalang ginamit.

III. Pagtataya
Basahin at pag-aralan ang usapan ng mga hayop. Gamitin ang mga pangngalan sa loob
ng kahon upang mapunan ang usapan.

bulaklak saging kagubatan tao pamahalaan


Nagkatipon-tipon ang mga hayop sa kagubatan. Masaya ang lahat subalit may
salot sa kanilang dating masayang tahanan.

Leon : Mga kaibigan, may salot sa ating kaharian. Ang ____(1)_______


ay winawasak na ng mga tao.
Tigre : Kaya ba kaibigang Leon biglaan ang pulong natin?
Leon : Oo, iilan na lamang tayo rito. Ang iba ay lumipat na kung saan-
saan.

Sa daraan si Matsing. Narinig ang usapan ng mga lider ng kagubatan.

Matsing : Tama ka. Ang pagkain namin dito ay ubos na. Wala na ang mga
_____(2)_____ na kinakain naming. Tinumba na ang mga puno at
kinuha na ng mga tao.

Tamaraw : Mga kasama, ang may kagagawan nito ay ang mga


____(3)______. Pati lahi ko ay nauubos na rin. Nandoong barilin o
bitagin. Pagdating ng araw ay wala nang magtatanggol sa bawat isa sa
atin.

Kuneho : Tingnan ninyo ang paligid. Ang mga _____(4)_____ ay nawawala


na rin. Sinira na nila.

Tigre : Paano ba ang gagawin natin? Ang ating tahanan ay winawasak


na. magkakahiwa-hiwalay na tayo. Walang pusong mga tao, sakim sila!
Lipunin natin sila.

Leon : Mga kaibigan, huwag tayong magpadalos-dalos. Sana lang ay


tulungan tayo ng ______(5)_____. Dahil alam ko na may pag-asa pa.
IV. Kasunduan
Bumuo ng maikling usapan ninyo ng iyong ina sa inyong tahanan. Gamitin sa
pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan.
- papel
- bolpen
- G. Comisario
- Paaralang Elementarya ng Tunasan
- aklat
VI. Mga Tala
VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-9 ng Hulyo, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon. F6WG-Ie-g-3

II. Aralin: Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Panghalip sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Pagsasalita, F6WG-Ie-g-3
Sang.: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6
Kagamitan: tsart,

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
2. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Tukuyin ang panghalip na ginamit sa pangungusap.

- Siya ay umalis ng bahay kahapon.


- Pinilit niyang iwan ang mga gamit.
- Nagmamadali silang umalis dahil baka ma-trapik.
- Hahabulin niya ang tren para mabilis ang byahe.
- Nakarating naman siya nang maluwalhati.
2. Paglalahad ng bagong aralin
Basahin ang tula:

Tula:
Ako’y isang batang mula sa Bulacan,
Ikaw ay batid kong buhat pa sa Mindanao.
Sila’y taga Cebu, taga Luzon naman kayo,
Kabataan tayong pag-asa ng bayan.

Ikaw, ako’t, siya’y pawang Pilipino


Pawang maka-Diyos, makabayan, makatao,
Kayo, kami, sila, lahing Malaya,
Masipag, masikap, sadyang matalino.

Tayong kabataang dangal ng magulang,


At sa ating bansa ay likas na yaman
Magkaisa tayong baya’y paglingkuran,
Pagandahin natin ang kanyang larawan.

3. Pagtalakay
Pagsagot sa tanong:
- Sino ang nagsasalita sa tula?
- Ano-ano ang mga panghalip na ginamit sa tula?
- Isa-isahin at isulat sa pisara ang sagot.
- Kailan ginagamit ang bawat panghalip na iyong binanggit?
- Ano ang hinahalinhinan ng mga panghalip na ito?
4. Gawain 1 (Isahang Gawain)
Gamit ang panghalip sa loob ng kahon, punan ang mga patlang upang mabuo ang
sanaysay.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Sila siya kayo Ikaw ka

Gabi na wala pa si Bong. _____ ay hinahanap na sa loob ng bakuran, ngunit


hindi pa rin matagpuan.
“Pumunta kayo sa may ilog at baka naroon,’ mungkahi ni Mang Narding. _____
ay sumunod sa atas ng matanda.
Pagdating sa may ilog ay nakita nila si bong na nakatulog sa ibabaw ng isang
malaking tipak na bato.
“Nariyan ___ lang pala,” wika ni Boyet. Nagulantang si Bong sa bati ni Boyet
na parang naalimpungatan at nagsabing, “Bakit _____ narito?
Nang mahimasmasan, isinalaysay ni Bong na isinama siya ng isang matanda
sa isang magandang palasyo sa ilalim ng ilog. Naunawaan nila ang nagyari kay Bong at
sabay-sabay silang nagwika. “_____ ay nakatuwaan ng nuno sa punso.”

5. Paglalahat
Ang panghalip panao ay uri ng panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao.
6. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Bumuo ng maikling usapan gamit ang mga sumusunod na panghalip panao.
Pangkat I – sila, tayo
Pangkat II – ikaw, ako
Pangkat III – iyo, akin
Pangkat IV - kami, kayo
Pangkat V – atin, inyo

IV. Pagtataya
Buuin ang diwa ng pangungusap. Gamitin ang tamang panghalip para rito.

1. Si Lea Salonga ay isa sa mga ipinagmamalaki ng bansa. (Kanya, Niya, Siya) ang isa
sa nag-alis ng masamang imahen sa Europa na katulong lagi ang mga Pilipina.
2. Ipinakita (niyang, kanyang, siyang) mahusay ang Pinoy hindi lang sa Europa at
Amerika kundi sa buong mundo.
3. Sina Efren Bata Reyes at Manny Pacquiao naman ay nagpakita ng galling sa larangan
ng isports. (Sila, Nila, Kanila) ay lumaban at nanalo sa mga kompetisyon dito at sa
ibang bansa.
4. Atin na naming naiangat ang bandila ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa (kaniyang,
silang, kanilang) galling.
5. Di matatawaran ang kakayahan ng mga kababayan (nila, natin, kanila) sa iba’t ibang
larangan sa loob at labas ng ating bansa.

V. Kasunduan
Bumuo ng isang maikling patalastas gamit ang mga sumusunod na panghalip na
panao.
- Inyo
- Atin
- Amin
VI. Mga Tala
VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-10 ng Hulyo, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Napupunan nang wasto ang kard na pang aklatan F6EP-Ie-13

II.Napupuno nang Wasto ang Kard na pang aklatan F6EP-Ie-13

III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagpapaawit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
B.Panlinang na Gawain
1.Balik-aral
Tukuyin ang panghalip sa pangungusap
1. Pumunta sa paaralana sina Jessy at Joy upang kumuha ng aklat.
2. Aalis kami bukas papunta sa Quezon kasama ang buong pamilya.
3. Huwag mo na siyang isama baka magalit si Aling Pining.
4. Kung sakaling mapagawi kayo sa Divisoria, pakibili mo ako ng kurtina.
5. Ayusin mo na ang kwarto, tiyak na dadating na sila.
2.Paglalahad ng bagong aralin
Pagkilala sa tatlong uri ng kard catalog

Ang impormasyon sa unang linya ng kard katalog ang nagsasabi kung anong
uri ng kard na ito:

a. Kard ng Pamagat (Title Card)

Binibigyang-diin nito ang pamagat ng akda. Mababasa sa unang linya ang


pamagat ng aklat. Sa ilalim nito ay ang pangalan ng awtor o may-akda at detalye ng
paglilimbag.
422
Hal.
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo

Paz M. Bevez
b. Kard ng Paksa (Subject Card)

Ang paksa naman ang binibigyang-diin sa kard ng paksa. sa kard katalog na ito,
ang paksa o nilalaman ng aklat ang nasa unahan,kasunod ang pangalan ng awtor,
pamagat ng aklat at detalye ng paglilimbag.

Hal. 422

Pagtuturo, Istratehiya

Paz M. Belvez. Ang Guro at ang Sining ng

Pagtuturo

Quezon City: Dane Publishing House,

Inc., 1997.

c. Kard ng Awtor o May-akda (Author Card)


Sa kard katalog na ito, nasa unang linya ang ngalan ng awtor. kasunod
ditto ang pamagat ng aklat at ang detalye ng paglilimbag.

Hal.: 422

Belvez, Paz M.

Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo.

Quezon City: Dane Publishing House

Inc., 1997.

3.Isahang gawain:

Tukuyin kung anong uri ng kard katalog ang gagamitin sa paghahanap ng mga
sumusunod:

1. Genoveva Edroza-Matute

2. Katon, sa bahay Muna

3. Mga Pilin tulang pampaaralan at pambata


tungkol sa iba’t-ibang okasyon at pagdiriwang

4. Landas sa Pagbasa

5. Ang musikang Pinoy, Noon at Ngayon


4.Paglalahat:
Ang impormasyon sa unang linya ng kard katalog ang nagsasabi kung
anong uri ng kard na ito.

d. Kard ng Pamagat (Title Card)


Binibigyang-diin nito ang pamagat ng akda. Mababasa sa unang linya ang
pamagat ng aklat. Sa ilalim nito ay ang pangalan ng awtor o may-akda at detalye ng
paglilimbag.
a. Kard ng Paksa (Subject Card)
Ang paksa naman ang binibigyang-diin sa kard ng paksa. sa kard katalog na ito, ang paksa o
nilalaman ng aklat ang nasa unahan,kasunod ang pangalan ng awtor, pamagat ng aklat at
detalye ng paglilimbag.
a. Kard ng Awtor o May-akda (Author Card)
Sa kard katalog na ito, nasa unang linya ang ngalan ng awtor. kasunod ditto ang
pamagat ng aklat at ang detalye ng paglilimbag.
5.Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Gawan ng iba’t-ibang kard katalog ang iyong mga aklat na ginagamait sa
ikaanim na baitang. simulan mo sa iyong mga aklat sa Filipino (Landas sa Wika).

Maari kang gumamit ng mga indeks kard para rito.

- Kard ng Awtor
- Kard ng Pamagat
- Kard ng Paksa
I. Pagtataya:

Anong uri ng kard katalog ang gagamitin sa paghahanap ng mga


sumusunod:
1. Nicanor Abelardo: The Man and the Artist
2. Iba’t-ibang katutubong instrumentong pangmusika
3. Katutubong Awit
4. Kasaysayan ng musikang Pilipino
5. Ati-atihan, Moriones

V. Kasunduan

Pumunta sa aklatan ng inyong paaralan. Alamin kung saang bahagi naroon


ang cabinet ng mga kard katalog. Hingin ang tulong ng labraryan. Hilingin mong
makita o magamit ang tatlong uri ng kard katalog.

VI. Mga Tala


VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-11 ng Hulyo, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kwento. F6PB-If-3.2.1

II. Aralin: Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano sa Kwento


Pagbasa, F6PB-If-3.2.1
Sanggunian: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6
Kagamitan: LRMDS, tsart, larawan, sipi ng mga kwento
Saloobin: Pagiging malinis sa katawan upang maging malusog.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak / Pagsisimula ng bagong aralin
Ipakita ang larawan / poster ng isang laro (League Of Legends)
Itanong:
Ano-ano ang alam mong laro sa computer?
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan tungkol sa
larong kanilang kinahihiligan.
2. Paghahanda sa mga bata sa gagawing pagbasa
3. Pagbanggit ng mga pamantayan
4. Paglalahad
Pagbasa sa kwentong:“Anong Oras Na?” Kwento ni: Mary Ann F. Vidallo Mula sa
LRMDS “Para sa Guro”

5. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong mula sa kwento:
- Sino ang batang laging nahuhuli sa klase?
- Ano ang pangalan ng kanyang ina?
- Sino ang kanyang guro?
- Bakit siya laging pinagagalitan ng kanyang ina sa umaga?
- Bakit siya nahuhuli sa pagpasok sa paaralan?
- Paano natauhan si Buknoy upang maisip niyang mali ang kanyang ginagawa?
- Paano ang dapat gawin niya upang hindi siya mahuli sa klase?
- Kung ikaw si Buknoy, paano mo pagsasabayin ang pag-aaral at ang paglalaro
ng kompyuter games?
6. Pinatnubayang Pagsasanay
- Basahin ang maikling kwentong:“Ang Aso at Ang Uwak”
- Sagutin ang mga tanong:
a. Bakit nakakubli ang uwak habang kumakain ng tapa?
b. Bakit nasabi ng Aso na sa lahat ng uwak ay sya ang naiiba?
c. Paano nangyaring ang karneng tapa ay nahulog?
d. Paano nakuha ng aso ang tapa ng uwak?
IV. Pagtataya
Basahin ang sumusunod na kwento at sagutin ang mga tanong matapos ang kwento.
“Si Luis Madungis”
Sagutin:
1. Sino ang batang madungis?
2. Bakit ayaw niyang maligo o maglinis ng katawan?
3. Bakit ayaw siyang isali ng kanyang mga kaibigan sa paglalaro?
4. Bakit siya hinahabol ng mga halimaw?
5. Paano sya nakaligtas sa mga halimaw?
6. Kung ikaw si Luis, katatamaran mo rin ba ang paliligo? Bakit?
7. Kung ikaw ang may akda ng kwento, paano mo ito wawakasan?
V. Kasunduan
Basahin ang kwentong “Bidasari” sa Landas sa Pagbasa 6, pah. 93-95
Sagutin ang mga tanong ukol dito.
VI. Mga Tala
VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-12 ng Hulyo, 2018


Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.LAYUNIN: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon.


F6WG-Ie-g-3
II. ARALIN: Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Panghalip Iba’t ibang Sitwasyon
SANGGUNIAN: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6 p.119
KAGAMITAN: larawan, tsart
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapaawit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Ano ang panghalip?
Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap.
2. Pagganyak
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Kailan natin ito ginagamit?
3. Paglalahad ng bagong aralin
MGA URI NG PANGHALIP
Panghalip Panao - Panghalip na gingaamit sa panghalili sa ngalan ng tao
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, atin, inyo, kata, mo, siya, kanila,
kaniya

Panghalip Pamatlig- Panghalip na ginagamit upang ipanghalili sa mga


itinuturong tao o bagay
Malapit sa nagsasalita: ito, iri, ire, niri/nire, nito, ganito, ganiri
Malapit sa kinakausap: iyan, niya, diyan

Panghalip na Pananong- Mga salitang ginagamit na pantanong sa tao,


hayop, lugar at pangyayari at sa mga pangungusap na nangangailangan ng sagot.
Halimbawa: ano, ano-ano, sino-sino, alin, alin-alin

Panghalip na Panaklaw- Ginagamit na pansaklaw sa bilang, dami, kaisahan at


kalahatan ng pangngalan.
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinma,a numan, pawang
4. Pagtalakay
 Ano ang pagkakaiba ng bawat uri ng panghalip?
 Magbigay ng pangungusap o usapan na may mga panghalip.

5. Pinatnubayang Pagsasanay
Punan ang patlang nang wastong uri ng panghalip upang mabuo ang diwa ng
diyalogo.
John: Nabasa_______ ba ang poster sa kanto na nailathala ng tanggapan ni
Mayor?
Luis: Tungkol ________ ito?
John: Ayon sa _______ ay magkakaroon daw ng paligsahan sa
pinakamaganda at pinakamalinis na barangay. May puntos rin ang barangay
na gagamit ng mga
materyales na mula sa basura bilang dekorasyon. Siyempre mahalaga
______ ang pagtutulungan ng mga tao sa inyong barangay.
Luis: Naku! Kailangan na palang pulungin ang aming kabarangay para
makapagplano na.
John: Oo tama! Sabihin na natin ______ k a y kapitan

6. Paglalahat
Ano ano ang pagkakaiba ng mga uri ng panghalip na maaari nating gamitin?
7. Paglalapat
Ibigay ang uri panghalip ng mga sumusunod.
1. Kami
2. Siya
3. Kanino
4. Dito
5. Lahat
IV. Pagtataya
Gamitin ang mga panghalip upang mabuo ang pakikipag-usap sa kapitan.

Kapitan nabasa po ___ ang patalastas ___ ukol sa Paligsahan sa Pinakmalinis


na Barangay, nais po sana ___magtanong ukol dito.___ po ba ang kriteya upang makasali?
___po ba ay para sa lahat ?Sana po masagot ninyo ang aming katanungan.

V. Kasunduan
 Kung ikaw ay may pagkakataong makausap ang kapitan natin na si Kap. San Pedro,
ano ang iyong isasangguni.
 Ilahad ito sa pangungusap gamit ang mga panghalip.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-13 ng Hulyo, 2018


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I-Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa napakinggang pabula. F6PN-Ic-19


II- Pagbibigay Kahulugan sa Kilos ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula
Pagbasa: F6PN-Ic-19
Sanggunian: K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6 p.118 Pinagyamang Pluma Wika at
Pagbasa 6 p.57-63
Kagamitan: kwentong “Ang Aso at ang Uwak” tsart, larawan,Tarpapel
Pagpapahalaga: Ang labis na papuri’y panloloko na rin
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain:
1.Pagawit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagwawasto sa takdang-aralin
B.Panlinang na Gawain:
1.Balik-aral
Pangkalahatang Sanggunian
2.Pagganyak
 Pagpapakita ng larawan
 Pag-usapan ang nasa larawan
3.Pagpapayaman ng talasalitaan
o Kapara
o Humahalakhak
o Tuso
4.Ipabasa ang pamagat ng kwento: “Ang Aso at ang Uwak”
5.Pamantayan sa pakikinig
6.Pakikinig sa kwento
Pagsagot sa mga tanong:
1.Sino ang lipad ng lipad na biglang nakakita ng tapang nakabilad?
2.Kung Ikaw si Uwak maniniwala ka rin ba sa sinasabi ni Aso? Bakit?
3.Ano ang ginawa ni Aso at biglang nabitawan ni Uwak ang tapa?
4.Tama ba ang ginawa ni Aso?Bakit?
5.Paano mo mailalarawan ang kilos ng dalawang tauhan sa kuwento?
C. Pagwakas na Gawain
Pangkatang Gawain:
Pangkat -1 Basahin at unawain ang sumusunod na pangyayari at bigyang kahulugan
ang kilos
ng tauhan. “ Ang ibong si Uwak ay lipad ng lipad. Nang biglang makita tapang
nakabilad”.
Pangkat -2 Basahin at unawain ang sumusunod na pangyayari at bigyang kahulugan
ang kilos
ng tauhan. “At ang kagat na karne sa lupa’ynalaglag.Kaagad nilundag nitong
Aso Gubat .At ang tusong aso’y tumakbong matulin”

Pangkat -3 Iguhit ang mukha ni Uwak na nagsisisi


Pangkat -4 Iguhit ang itsura ni Aso habang inuuto si Uwak.
Pangkat -5 Isadula ang bahaging nagustuhan nyo sa kuwento.At bigyang kahulugan
ang kilos ng tauhan.

V- Pagtataya:
Pakikinig sa kuwentong “Ang Paglalakbay
Basahin at unawain ang sumusunod na mga pangyayari at bigyang kahulugan ang
kilos nga mga tauhan. Isulat ang pinakatamang sagot.
1. Madilim pa ang paligid nang sa wakas ay nakalabas si Paeng.Sandali siyang tumigil
upang makiramdam.kailangan niyang pag-aralan ang kanyang kapaligiran bago siya
tuluyang lumabs sa kanlungang pugad. Si Paeng ay_________
nag-iingat natatakot nagpaplipas ng oras
nagugutluhan

2. Nahuli ng lambat si Lolo Pedro, natigilan ang lahat ng mga kasamahan nilang pawikan
maliban kay Paeng, Ang mga pawikan ay__________
natuwa nalungkot natakot nahiya

3. Ayon sa dikta ng kanyang pakiramdam, Sinundan ni Paeng ang mapusyaw na liwanag


na nagmumula sa kanluran, na sa palagay niya ay ang liwanag na nanggagaling sa
kislap ng tubig mula sa pagtama ng liwanag ngbuwan. Si Paeng ay___________
Sigurado may pagmamalaki Masaya
hindi sigurado

4. Gumapang nang gumapang si Paeng patungo sa dakong iyon. Pagod na pagod na


siya ngunit hindi siya makahinto. Kailangan niyang makarating sa dalampasigan at
makalangoy bago pa lumiwanag. Siya ay_________

masigasig masipag malakas matatakutin

5. Malapit nang sumikat ang araw ngunit ayaw pa rin siyang tantanan ng pusa kaya
pumikit na lamang si Paeng upang hintayin ang kanyang katapusan. Si Paeng ay
_________
ng pag-asa.
napuno naramdaman nawalan nabigyan

V. Kasunduan
Bumasa ng maikling Pabula. At bigyang
kahulugan ang kilos ng tauhan.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-16 ng Hulyo, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50
I.Nakapagbibigay ng panuto na may higit sa limang hakbang (F6PS-Ib-8)

II. Pagbibigay ng Panuto na may Higit sa LImang Hakbang (F6PS-Ib-8)


A. Kasanayan: Pagbibigay ng Panuto na may Higit sa Limang Hakbang

B. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6, RBEC Banghay


Aralin, Aralin 9, pp.35-38, Landas sa Wika pp.125-130, TG Grade 5
C. Kagamitan: tsart, cartolina, pentel pen

D.Pagpapahalaga: Pakikinig at pag-unawa ay mahalaga upang ang gawain ay


magawa ng tama
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
1. Sino sa inyo dito ang nauutusan na magluto o magsaing?
2. Ano ang una mong ginagawang paghahanda/ hakbang pag ika’y
nagsasaing?
2. Mahalagang tanong:
1. Gaano kahalaga ang pagbibigay ng panuto sa isang gawain?
2. Paano ito makatutulong sa pagsunod ng isang gawain?
3. Magiging maayos ba ang iyong paggawa pag may sinusunod na
hakbang?
3. Gawin Natin
1. Pagbibigay pamantayan / hakbang sa pagbasa
2. Ipabasa ang kuwento
(Landas sa Pagbasa 6 pp.152-154.)
4. Gawin Ninyo/ Gawin Mo

5. Pagkatapos basahin ang kuwento, tulung-tulong ang klase sa pagbuo ng


panuto/ direksiyon kung paano ang paggawa ng biogas.

Ipasusulat ito sa strips ng cartolina at ipadidikit sa pisara ayon sa


wastong pagkakasunud-sunod.
6. Pagtatalakay

Tungkol saan ang inyong ibinibigay na panuto o direksiyon? Malinaw ba


ang pagkakabigay nito?
Sabihin: Sa araw-araw na pakikipag-ugnayan natin, naririnig natin ang ibat-ibang
direksiyon sa paggawa ng mga bagay. Gayundin, nagbibigay tayo ng panuto sa
paggawa ng mga bagay.
Sa pagbibigay ng panuto, gumamit ng eksakto at tiyak na salita. Iwasan
ang salitang maligoy. Ito’y nagdudulot ng pagkalito. Gawing malinaw at maikli
ang bawat hakbang na babanggitin. Pagsunud-sunurin sa maayos at
sistematikong paraan ang mga hakbang na isasagawa. Sikaping ang
mahahalaga at kailangang impormasyon lamang ang ibibigay. Kung ang
panuto ay ibinibigay nang pasalita , ibigay ito sa katamtamang lakas ng tinig at
karaniwang bilis ng pagsasalita.
7. Pangkatang Gawain

• Magbigay nang panuto upang maisagawa ang sumusunod na proyekto.


Isulat sa manila paper ang mabubuong hakbang.
a. Paggawa ng Bangkang Papel
b.Paglalaba
c.Pagtitimpla ng juice
d.Pagsasaing
e.Pagluluto ng adobo
8. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng panuto?

Ang pagbibigay ng panuto sa bawat gawain ay nakatutulong upang


makamit at maging mas mabilis ang paggawa. Nagreresulta rin ito nang maayos,
maganda ang mga proyekto o gawain.
9. Paglalapat

Magbigay ng isang malinaw na panuto na may higit sa limang hakbang.

Nais mong ituro ang tamang daan papunta sa inyong tahanan mula sa iyong
paaralan. (Ang guro ay malayang magbigay ng sariling sitwasyon)
1._______________________________

2._______________________________

3._______________________________

4._______________________________

5._______________________________

6._______________________________

IV. Pagtataya:

Magbigay o gawan ng panuto na may 5 o higit pang hakbang ang sumusunod na


sitwasyon.

• Nais mong ipaliwanag ang mga dapat gawin para ikaw ay matagumpay na
makapasa sa inyong mga asignatura.
(Ang guro ay malayang magbigay ng kaniyang sariling sitwasyon.)

V. Takdang Aralin:
Isulat ang panuto sa pagluto ng tinolang isda.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN
Ika-17 ng Hulyo, 2018
Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t


ibang sitwasyon. (F6WG-Ia-d.2)
II. Uri ng Pangngalang Pambalana

a. Sanggunian: CG F6 WG-Ia-
d.2 c. b. Kagamitan: tsart
c.Pagpapahalaga:Kooperasyon

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
Salungguhitan ang mga pangngalan sa pangungusap
na ito. *Mabait na bata si Alfred.
*Pumunta kami sa Cebu. *Kumain ako ng prutas
*Kinuha ni Ana ang manga.
*Ang Lupang Hinirang ay inawit na

B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-Aral
Ipabasa ang talata na nasa tsart.Salungguhitan ang panghalip na ginamit.

Siya ay ulirang ina na kumukupkop sa aming tatlong magkakapatid.


Lumaki kaming lahat na mabubuting tao.Ako bilang
panganay,ginagampanan ko ang aking tungkulin nang sa ganoon maging
masaya naman ang aming kina-lakhang ina.
1. Pagganyak

Basahin ang mga pangkat ng salita sa loob ng tsart.

A B C

Saging Sarap Kumpol


Mangga Bango Lipi

Bulaklak Kasayahan Grupo

Tao Pag-asa Pangkat

Manok bait Tribo

Magtanong:

Alam niyo ba kung anong salita ito.

2. Paglalahad
Uri ng Pangngalan

1.Basal (di-konkreto)-tumutukoy sa mga pangngalang hindi material. Ito


ay tumutukoy din sa diwa o kaisipan.

Halimbawa: kaligayahan, ganda, paghanga, kapayapaan

2.Tahas (konkreto)-bagay na tumutukoy sa material at isinaalang-alang


nang isa-isa. Mga Pangalang nakikita at nahihipo.
Halimbawa: sibuyas, bulaklak, bata, aso, aklat

3.Lansakan-tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao


o bagay. Halimbawa: lahi,hukbo,buwig,kumpol
Talakaying mabuti ang aralin.

3. Gawin natin

Balikan natin ang mga pangkat na salitang nasa


tsart. Anong uring pambalana ang nasa pangkat A?
B? C? -Bakit konkreto ang nasa hanay A
-Bakit di-konkreto ang nasa hanay B

-Bakit lansakan ang nasa hanay C.

4. Gawin ninyo

Pangkatin ang klase sa tatlo.Ang unang pangkat konkreto,ikalawang


pangkat di-konkreto, Ikatlong pangkat lansakan.
Paramihan ng mga pangngalang pambalana na inyong alam.Ang
pinakamaraming maisulat ang siyang panalo,ito ay sa loob ng 1
minuto.Kailangan ang kooperasyon ng bawat isa sa inyong grupo.

5.Gawin mo
Salungguhitan ang pangngalang pambalana at isulat sa patlang kung
ito ay konkreto,di-konkreto o lansakan.
_____1.Binigyan si Ana ng isang pumpon ng rosas ng kanyang kaibigan.

_____2.Siya ay mula sa lahi ng magaling.

_____3.Maaring an gaming kaligayahan ay pansatala lamang.

_____4.Nasa mesa ang kinuha ko.


_____5.Nagustuhan niya ang kabutihan mo.

6. Paglalahat

Ano ang gamit ng pangngalan?Ano naman ang gamit ng panghalip.

Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangngalang pambalana.

C. Paglalapat
A. Isulat kung pangngalan o panghalip ang gamit ng sumusunod na
sinalungguhitang salita.
1.Siya ay matakaw na bata.
2.Gusto kong umatras na lang.
3.Sabi nila bata pa raw si ate.

B.Isulat kung anong uring pangngalang pambalana ang gamit ng


sinalungguhitang salita.
_____1. Ang mang-aawit ay binigyan ng isang pumpon ng rosas ng tagahanga.

_____2. Siya ay nakaupo sa silya.

_____3. Ang mang-aawit ay nakaramdam ng kasayahan.

IV. PAGTATAYA

Iwasto ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng uri ng


pangngalang pambalana. Isulat sa patlang ang sagot.
Kabaitan kapayapaan buwig

Bahay koponan
1. Isang ______ng saging ang aking binili.
2. Ang______ni tatay ay nagbunga rin ng mga mababait na anak.

3. Nasa _____ lng si Ana maghapon, hindi siya umalis.


4. Ang ______raw naming ay matatapang.
5. Kapag walang lumalabag sa batas siguradong _____ang pamayanan.
V. TAKDANG-ARALIN

Sumulat ng tiglilimang pangungusap na may konkreto,di-konkreto at lansakan.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-18 ng Hulyo, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento. (F6PN-Ia-g-3.1)


II. A.Pagsagot sa mga tanong tungkol sa Napakinggang Kwento. (F6PN-Ia-g-3.1)
B.Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6, RBEC Lesson Plan,
Aralin 44, pp.153-156, Landas sa Wika at Pagbasa (TM)pp. 33-35, Landas sa Pagbasa pp.
143-138, TG Grade 5
C.Kagamitan: tsart, larawan, “Ang Kwento ni Lolo”
D.Pagpapahalaga: Pagiging magalang
III. Pamamaraan
A.PAnimulang Gawain
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay:
Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa metacards.

Abala ang
isipan nanariwa babagsak tumutulong

pagtuturu- pagpapagand
turuan hardinero sagana a

B.Panlinang na Gawain
1. Balik-aral:

Paano mo masasagot ng wasto ang mga tanong mula sa napakinggang kuwento?

1. Pagganyak

Ipasuri sa mga mag-aaral ang isang larawan. Magtanong sa mga bata


kung may alam silang kuwento tungkol sa mga magkakapatid na hindi
nagkakasundo sa mga gawain. Hayaang ikuwento ito.
2. Paghawan ng Balakid

Linangin ang kahulugan ng mga pahayag na may salungguhit. Piliin


sa loob ng panaklong ang kahulugan nito
1. Abala ang isipan nina Bryan sa mga binabalak nilang gawin kinabukasan.
( nahihibang,nag-iisip,gumugunita)
2. Masaya na ang mga pananim sa hardin makalipas lamang ang ilang araw. Ang
mga halaman ay
( nagtatawanan, nagsisisayaw, nananariwa)
3. Kapag napabayaan pa, babagsak na ang negosyo nila at wala na
silang hanapbuhay.
(madudurog, malulugi, mawawasak)
4. Sadyang nakikiisa ang lahat sa mga gawain sa hardin.
(tumutulong, naninisi, nagpapabaya)
5. Narinig ni Lolo Juan ang pagtuturuan ng mga apo sa mga gawain sa
poultry.
(pagsisisihan, pagtutulong-tulong, pag-aaral)
C. Gawin Natin

Pagbasa ng Kuwento "Ang Kwento ni Lolo”

1. Pagtatalakay

1. Bakit nalulungkot si Lolo Juan?


2. Tungkol saan ang ikinuwento ni Lolo Juan?
3. Ano ang pinag-uusapan ng mga kagamitan ng hardinero?
4. Ano ang naging wakas ng kuwento ni Lolo Juan?
5. Pagkatapos marinig ang kuwento, ano kaya ang gagawin ng mga apo
ni Lolo Juan?
6. Kung bawat isang may kakayahan ay gagawa ng kanyang takdang
gawain, ano sa palagay ninyo ang magiging daigdig natin?
2. Gawin Ninyo/ Gawin Mo
Para sa Gawin Mo, sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwentong
napakinggan (Ang Mahiwagang Singsing, Landas sa Pagbasa 6, pp 80-
82) Tanong:
1. Anu-anong mga katangian ang makapaglalarawan kay Juan?
2. Sa palagay mo ba ay mga pagsubok sa karakter ni Juan ang
insidente sa pusa at sa aso? Bakit?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Juan, gagawin mo rin ba ang
ginawa nito? Ipaliwanag.
4.Sa palagay mo, maaari pa bang mangyari sa ngayon ang mga
pangyayari sa kuwento?
5.Anu-anong mga pagkakataon sa buhay mo ang nangyari na matapos
makatulong sa iba ay may iba pa ring gumanti sa iyo ng kabutihan? Isalaysay

3.Paglalahat
Paano mo masasagot ang mga tanong mula sa inyong napakinggang kuwento
o teksto?
4.Paglalapat
Magkakaroon ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay pipili ng isang
magbabasa ng maikling kuwento na inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang
kuwentong binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga
tanong na tungkol sa kanilang napakinggan.
IV. PAGTATAYA

Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga


sumusunod na mga tanong ayon sa sa inyong napakinggang kuwento. (“Tambelina”,
Landas sa Pagbasa 6 pp. 167-173)
Tanong:

1. Saan nagmula si Tambelina?


2. Sinu-sino ang dumukot kay Tambelina?
3. Bakit Tambelina ang itinawag sa pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Magiging maligaya na kaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng
bulaklak?
5. Anong aral ang mapupulot mo mula sa kuwento?
(Maaaring gamitin ng guro ang kahit na anong kuwento na kanyang
nabasa o nahanap sa iba pang sanggunian.)
V. TAKDANG ARALIN

Pumili ng isang maikling kuwento. Pumili ng isang kapareha. Ang magkapareha ay


magpapalitan sa pakikinig ng kuwento at sasagutin ang mga tanong tungkol dito. Iuulat
sa klase ang awtput.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-19 ng Hulyo, 2018


Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan (


F6PN-Id-e-12)
II.A.Pagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa Kwentong
BInasa
B.Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6 pp. 134-137
C.Kagamitan: tsart, aklat
III. Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
Anong damdaming reaksyon ang ipinapahihiwatig?
1.“Hindi mo ba nakikita’t nagdidilim na?”
a. pagkagalit b. pagkainis c. pagbabanta d. paninisi

2.“ Ha, kailangan ko pa bang sabihin iyon?”


a. pagkasiya b. pagkatuwa c. pagkagulat d. pagkagalit

3.“Saan ka kumuha ng ibinili ng mga iyon?”


a.pagtataka b. pagbabanta c. pagkagalit d. pagkagalak

4.“Hindi ko na kaya ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko!”

a. pagdamdam b. pagkagalak c. pagkatuwa d. pagtataka

5.“Hindi ko na kaya ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko!”

a. pagdamdam b. pagkagalak c. pagkatuwa d. pagtataka

4.Balik-aral
Paano malalaman ang katangian ng isang tao?
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Gaano ninyo kamahal ang inyong lolo?

2. Paglalahad

May kasabihan na “ Matibay ang walis kung ito’y nakabigkis.” Binibigyang-diin


nito ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kasapi ng pangkat.
Hindi magtatagumpay ang anumang gawain kapag watak-watak ang mga taong
gagawa nito, tulad ng pangyayari sa susunod na kuwento ni Lolo.
A.Paghawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan. Pagkatapos gamitin sa
pangungusap.

1. Abala ang isipan nina Bryan sa mga binabalak nilang gawin


kinabukasan. ( nahihibang, nag-iisip, gumugunita )
2. Masaya na ang pananim sa hardin makalipas lamang ang ilang araw. Ang mga
halaman ay (nagtatawanan, nagsisisayaw, nananariwa )
3. Kapag napabayaan pa, babagsak na ang negosyo nila at wala na silang
hanapbuhay. (madudurog, malulugi, mawawasak )
4. Sadyang nakikiisa ang lahat sa mga gawain sa hardin. ( tumutulong,
naninisii, nagpapabaya )
5. Narinig ni Lolo Juan ang pagtuturo-turuan ng mga apo sa mga gawain sa
poultry. ( pagsisihan, pagtutulung-tulongan, pag-aaral)
B.Pagganyak sa Tanong
Katulad ba kayo ng mga apo ni Lolo Juan kung nagtatrabaho?

C.Pagbasa sa kuwento ng guro


Paalala ang mga pamantayan sa wastong
pakikinig. 3. Pagtatalakay na Pang-unawa
1. Pagsagot sa Pagganyak sa Tanong
Katulad ba kayo ng mga apo ni Lolo Juan kung nagtatrabaho? (may kanya-
kanyang sagot ang mga bata)
2. Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa

1. Paano nag-uusap ang mga apo ni Lolo Juan sa unang bahagi ng kuwento?
2. Ano sa palagay mo ang gagawin ng mga apo ni Lolo Juan sa poultry farm
kinabukasan?
3. Nag-usap nga kaya ang araro at asarol sa kuwento ni Lolo Juan? Ano sa palagay
mo?
4. Mahal ba ni Lolo ang mga apo niya? Bakit mo nasabi?
5. Mahal ba ng mga bata si Lolo Juan? Patunayan ang iyong sagot.
6.Bakit kailangan lumikha si Lolo Juan ng kuwento para sa mga apo?
4.Paglinang sa kasanayan
Pagbibigay Hinuha sa Pangyayari
C.Pangwakas na Gawain

1.Gawin Natin

Panuto: Basahin ang bawat kalagayan at piliin sa ibaba nito ang maaaring
mangyari. Bilugan ang titik ng sagot.

1.Kapag ang taoy mahilig sa pagbabasa


a.masisiraan siya ng bait
b.mahina siya sa pag-unawa
c.hindi siya mahusay sa pagsusulat
d.may malawak siyang kabatiran

2.Kapag ang mag-aaral ay masipag at matiyaga


a.hindi na dapat turuan ng guro
b.ang guro ay masisiyahan
c.hindi na nangangailangan ng tulong
d.maaari nang hindi pumasok sa klase

3.Kapag ang isang guro ay masipag magturo


a.walang malalagpak na mag-aaral
b.maiinis ang mga bata sa kaniya
c.maraming matutuhan ang mga bata
d.wala na siyang panahong magpahinga

4.Kapag ang isang tao ay nagpunla ng kabaitan


a.marami ang kanyang magiging kaibigan
b.maraming maiinggit sa kanya
c.lalayo ang kanyang mga kaibigan
d.iisipin nila na siya’y mayabang

5.Kapag ang mga mamamayan sa isang bansa ay pawang masisipag


a.madali silang mapapagod sa paggawa
b.mag-aaway-away sila sa kayamanan
c.ang mga tamad ay magiging masipag din
d.ang bayan nila ay magiging mariwasa
2.Gawin Ninyo
Panuto: Hanapin at isulat ang titik ng pahayag sa Hanay B na
nagsasaad ng maaaring kalabasan ng mga pangyayaring nakasaad
sa Hanay A.
A B.

1. Kapag hindi tumigil ng pag-ulan sa A. Maiiwasan ang patayan at digmaan


loob ng dalawang linggo

2. Kung susundin lahat ng mga B. Lahat ng mga bagay na may buhay ay

magulang ang nanaisin ng Mamamatay


kanilang mga anak
3. Kapag biglang nawala ang tubig C. Magsisikip ang daigdig sa dami ng
naninirahan

dito sa mundo

4. Kung lahat lamang ng mga tao ay D. Magiging mariwasa ang kanilang bayan

pulos may salapi

5. Kapag nagtinginan na parang E. Ito ay hindi na mapaaandar

tunay na magkakapatid ang lahat ng tao

6. Kung ang lahat ng nilalang sa mundo F. Malimit itong hihiramin ng mga bata sa
aklatan

ay walang kamatayan

7. Kapag naubusan ng gasolina ang isang sasakyan G. Malamang na bumaha nang malaki

8. Kapag masisipag ang lahat ng mamamayan sa H. Siya ay kagigiliwan ng kanyang guro

isang bansa
9. Kapag maririkit ang nilalaman ng isang aklat I. Wala nang magiging manggagawa

10. Kung mabait at masipag mag-aral ang J. Sila ay lalaking Malaki ang loob

isang mag-aaral

3. Gawin Mo

Ibigay ang inyong hinuha sa mga pangyayari sa ibaba.

1. Sinusuportahan ka ng iyong magulang, kaibigan, guro, at principal sa iyong


kakayahan bilang Pilipino.
2. Pinili kang pinakamahusay sa klase dahil sa iyong kakayahan sa lahat ng larangan.
3. May tindahan ng mga gawang- Pinoy ang iyong kamag-anak. Alam mong tataas ang
ekonomiya ng bansa at makatutulong sa kapwa Pilipino kapag binili ang mga iyon.
4. Napili ang pamilya mo na Unang Mag-anak ng Taon dahil kitang-kita sa inyo ang
tamang pamumuhay at pagsasamahan bilang mag-anak.
5. May kakulangan at diperensya ang isang miyembro ng iyong pamilya.
4.Paglalapat

Ano ang hinuha ng pangyayari?

Paano makapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari?

5. Paglalapat

Basahin ang sitwasyon at pagkatapos sagutin ang mga katanungan.

1. Nakita mong nagkakalat sa loob ng paaralan ang iyong kaklase. Nais mo siyang
pagsabihan na iwasan ang ganitong gawain. Paano mo siya pagsabihan na
ginagamit ang magagalang na salita?
2. Ang iyong tatay ay palaging naglalasing. Maliban sa hindi siya nagbibigay ng
sahod sa iyong nanay, winawaldas pa ang kanyang sahod sa pagsusugal.Paano
mo siya pagsabihan na ginagamit ang magagalang na pananalita?

IV. Pagtataya:

Panuto: Basahin ang bawat talataan. Ibigay ang maaaring kalabasan ng mga
pangyayari.

Bilugan ang titik ng napiling sagot.


1.Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya
matutuhan ay
ang dumating sa takdang-oras. Isang araw, mayroon silang pagsusulit sa paaralan.
Nag-aral
siyang mabuti. Kinabukasan, tinanghali siya ng gising kaya nahuli sa pagpasok. Nang
umuwi si
Raul matapos ang pagsusulit, mukha siyang malungkot na malungkot.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari?

a. Maaaring sumakit ang ulo ni Raul


b. Maaaring may nawala si Raul
c. Maaaring pinagalitan ng guro si Raul
d. Maaaring hindi natapos ni Raul ang pagsusulit
2.Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak.
Naisipan ng batang maglaro ng lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan
ang kanilang kalan. Biglang sumiklab ang apoy.
Ano ang maaaring mangyari?

a.Nasunog ang bahay nina Aling Puring.


b.Nakapaglaro ng lutu-lutuan ang bata.
c.Umiyak ang bunsong anak ni Aling Puring.
d.May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.
3.Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang
plorerang
mahal na mahal ng kanyang ina, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak.
Ilalagay na
lamang niya ito sa altar nang dumating ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso.
Lumundag ang pusa sa kamay niyang may hawak na plorera. Nabitawan niya at
nabasag ang plorera.
Ano kaya ang gagawin ni Flora?

a.Magwawalang bahala
b.Itatapon ang plorera
c.Magsasabi ng totoo sa kanyang ina
d.Ilalagay sa altar ang basag na plorera.
4.Kaisa-isang anak ni Aling Perla si Ramil. Si Ramil ay laging malungkot, masakitin at
mahinang kumain. Isang araw, pinayuhan ni Aling Perla ng kanyang kaibigan na
pabayaan niyang maglaro ang anak sa labas ng bahay upang makalanghap ng
sariwang hangin at mainitan ng araw. Pinakain din siya ng mga gulay at bungang-
kahoy at pinainom ng sariwang gatas.
Sa palagay ninyo, pagkatapos mapagpayuhan ng isang kaibigan ang kanyang
ina, ano ang mangyayari kay Ramil?
a.Siya ay lalong pumayat.
b.Siya’y naging masaya at malusog.
c.Lalo siyang naging masakitin.
d.Lalo siyang ikinulong ng ina.

5.Malakas ang buhos ng ulan. Baha na sa mga daan. Inggit na inggit si Roberto sa
mga batang nagtatampisaw subalit kagagaling lamang niya sa sakit. Dumaan ang
kanyang mga kaibigan at niyaya siyang maligo sa ulan.
Ano kaya ang ginawa ni Roberto?

a.Hindi sumama si Roberto sa mga kaibigan.


b.Sumama siya agad sa mga kaibigan.
c.Nagalit si Roberto sa mga kaibigan.
d.Nagtutulug-tulugan na lamang si Roberto.
V. Takdang- aralin:

Ibigay ang kalalabasan

1. Naiwanan ng nanay mo sa mesa ang pitaka. Siya”y nasa palengke namimili.


2. Umuulan ng malakas ng tatlong araw.
3. Nagtatae at nagsusuka ang 5 taong gulang na sanggol.
4. Ang baboyan sa isang lugar sa Bulacan ay nadapuan ng Ebola reston virus.
5. Palaging lumiliban sa klase ang isang estudyante.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII. Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-20 ng Hulyo, 2018


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
( F6WG-Ia-d-2)DCCM 5 (Role Models)DCCM 9 (Topography, Flora and Fauna)DCCM
10 (Tourism and Industry)
II.A. Paggamit nang Wasto sa mga Pangngalan sa Pakikipag-usap sa Iba’t-ibang Sitwasyon
B.Sanggunian: Landas sa Wika pp. 59-56
C.Kagamitan: larawan, tsart
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain:
1. Pag-awit
2. Pagtukoy sa mga lumiban
3. Pagsasanay
Isulat ang pangalan ng mga larawan.

4.Balik-aral : Sa bawat larawan, magbigay ng pangngalang pambalana at pantangi

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Kayo ba’y nakakain na ng tahong? Ano ang naidudulot nito sa ating
katawan? 2. 2. Paglalahad
Babasahin natin ngayon ang isang patalastas o anunsyo.

Mag-iingat sa pagkain ng tahong. May babala na naman tungkol sa red tide na


ipinatutupad sa mga baybayin ng Manila Bay, Cavite, at Bataan. Lahat ng mga
mamamayan ay binabawalang bumili at kumain ng tahong, talaba, at iba pang lamang-
dagat na hinuhuli sa mga baybaying ito.
3. Pagtalakay
A.Pagsagot sa mga tanong pang-unawa
1. Ano ang paksa ng patalastas?
2. Sino ang binigyan ng babala na mag-ingat sa pagkain ng tahong?
3. Saang lugar may red tide?
4. Ano-anong pangngalan ang ginamit sa patalastas?
4. Paglinang sa Kasanayan
(Gamitin sa paglinang ang sagot sa bilang 4 )
A B C D

lamang-
tahong baybayin dagat bali-balita

talaba mamamayan uga-ugali

Ano-ano ang napansin ninyo sa pagkakabuo ng mga pangngalan? Ano ang anyo
ng mga pangngalan sa unang hanay? Sa ikalawang hanay? Sa ikatlong hanay? Sa
ikaapat na hanay?
Sabihin: Ang anyo ng pangngalan sa unang hanay ay payak. Tanging
salitang-ugat lamang, walang katambal na salita, at walang bahaging inuulit o
kasamang panlapi.
Ang anyo ng pangngalan sa ikalawang hanay ay maylapi. Ito ay binubuo ng
salitang-ugat at panlapi. Ang panlapi ay maaaring nasa unahan ( unlapi ), loob
(gitlapi), hulihan ( hulapi) ng salita. Maaari ring may nasa unahan at hulihan ng salita
(kabilaan).
Ang anyo ng pangngalan sa ikatlong hanay ay tambalan. Ito ay binubuo ng
dalawang magkaibang salitang pinagtambal.
Ang anyo ng pangngalan sa ikaapat na hanay ay inuulit. Ang buong salita o
dalawa o higit pang pantig nito ay inuulit.

C. Pagpapayamang Gawain

1.Gawin Natin
Isulat sa patlang ang P kung ang pangngalan ay payak, M kung maylapi, T kung
tambalan,

at I kung inuulit.

yamang-
______1. punungbayan kapitbahay gubat

______2. tagahatid kalaro mag-ina

______3. haluhalo barung-barong sapin-sapin

______4. watawat sarhento alkalde


______5. panlaba tagabukid himpilan

2.Gawin Ninyo
Panuto: Isulat ang salitang tinutukoy ng pahayag sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng nawawalang panlapi sa mga salitang-ugat.Tularan ang una.
1. Gamit sa paglilinis – panlinis
2. Magkasama sa paglalaro
3. May tungkuling maglinis
4. Gamit sa paghuli ng hayop
5. Nagsasagwan ng bangka
6. Nakatira sa baryo
7. Panahong maulan
8. Ina at anak
9. Nakatira sa ibayo
10. Opisina
3.Gawin Mo
(Hatiin ang klase sa tatlong pangkat )

Panuto: Bumuo ng tatlo pang pangngalang inuulit, maylapi at tambalan


buhat sa mga pangngalang payak sa bawat bilang.

Salitang-ugat Maylapi Tambalan Inuulit

1. bayan
2. halo

3. ugali

4. araw

5. balita

4. Paglalahat
Ano-ano ang mga anyo ng pangngalan?

Paano nabubuo ang bawat isa?

5. Paglalapat

Buuin ang talata. Punan ang patlang ng angkop sa salitang inuulit. Ibatay ang
bubuuing pangngalan sa salitang-ugat na nasa loob ng panaklong.
Ang Barangay Hulo

Namasyal kami kahapon sa mga (1)________ (bahay) sa Barangay Hulo.


Kayganda pala ng lugar na iyon! May (2) ________ (lawa) sa timog na bahagi ng
barangay. Presko ang kapaligirang natatamnan ng mga tanim na (3)________ (ipil).
May hatid na bango ang simoy ng (4)________(ilang). Sa isang tahanan ay dinaluhan
kami ng masasarap na kakanin tulad ng bibingka at (5)________ (sapin). May
pampalamig ding (6)________(halo).

IV. Pagtataya:

Panuto: Gamitin ang pangngalan sa ibaba upang makabuo sa iba’t ibang anyo nito.

araw

Payak Maylapi Tambalan Inuulit

V. Takdang-aralin:

Sumulat ng tigatlong pangngalan sa bawat anyo. Gamitin sa pangungusap.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-24 ng Hulyo, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50
I. Nakasusulat ng kwento (F6PU-Id-2.2)

II.A. Pagsulat ng Kwento (F6PU-Id-2.2)


B.Sanggunian : Landas sa Wika pp. 9 – 12
C.Kagamitan : tsart, larawan, marker, whyteboard
III.A. Pamamaraan
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay: Sabihin kung piksyon o di piksyon
1.Talambuhay ni Jose Rizal 2.Ang pagkatuklas ng Pilipinas
3.Cinderella 4.Superman
5.Isang makasaysayang pook 6.Alamat ng Sampaloc
7.Rebolusyon 8.Si Heneral Gregorio del Pilar
9.Magagandang Tanawin sa Pilipinas10.Ang Mahiwagang Lampara
4.Balik-aral
B.Panlinang sa Gawain
1.Pangganyak
Mahilig ba kayong magbasa ng mga kwento? Anong uring kwento ito?

2.Paglalahad
Pagbasa sa Seleksyon
Ipaalala ang pamantayang sa pagbasa nang pabigkas.
Tumawag ng ilang bata at ipabasa na pabigkas ang seleksiyon habang ang iba ay
nagbabasa nang tahimik.
3.Pagtatalakay na Pag-unawa
Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa
1.Kung pabibigyan sa iyo ng bagong pamagat ang kwento, anong pamagat ang
ibibigay mo? Bakit? Ipaliwanag.
2.Kung ipababago sa iyo ang wakas ng kwento, paano mo ito babaguhin?
3.Anong uring kwento ang binasa natin?
4.Paglinang sa Kasanayan
Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng pagiging mabuting mag-aaral sa
paaralan. Ikwento ito sa klase.
5.Pag-ulat ng bawat pangkat.
C. Pangwakas na gawain
Ipakwento ang kanilang karanasan na hindi malilimutan sa Paaralang Elementarya ng
Tunasan

IV.Pagtataya:
Sumulat ng isang kwento tungkol sa magiging buhay mo pagkaraan ng 10 taon
V.Kasunduan:
Magkasundo na ilalahad sa klase ang kwento tungkol sa kanyang kaibigan.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton
VII.Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-25 ng Hulyo, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50
I.Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggan. (F6PN-e-12)

II.A.Kasanayan: Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayaring Napakinggan


B.Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC, Sanayang aklat sa Filipino 6
C.Mga Kagamitan : tsart, aklat sa pagkatuto, plaskard
III.PAMAMARAANP
A. PanimulangGawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay:
Anu ano ang magagalang na pananalita na alam niyo?
B.Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Magpakita ng mga strip sa klase na may nakasulat tulad ng:
Maigting na kumpanya ng pamahalaan laban sa droga.
Pagbawas ng buwis sa mga kawani ng gobyerno.
2.Paglalahad
Ano ang maaaring mangyari sa ating bansa kung patuloy itong gagawin ng pamahalaan?
Ano pa ang mga magagalang na pananalita na pwede n’yong gamitin kung kayo ay
tumatanggi sa isang bagay na hinihingan kayo ng inyong saloobin?
3.Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral. Basahin ng mabuti ang sitwasyon. Ibigay ang sariling
palagay sa kalalabasan ng pangyayari gamit ang magagalang na pananalita.
4.Paglalahat
Paano mo binibigyang hinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang
teksto?
Anu-ano ang magagalang na pananalita ang gagamitin sa pangtanggi?
5.Paglalapat
Pakinggan ang mga sitwasyon na babanggitin ng guro at isulat ang maaaring
kalabasan ng pangyayari
IV. PAGTATAYA
Ibigay ang inyong hinuha sa mga pangyayari sa ibaba

1.Sinusuporta ka ng iyong magulang, kaibigan, guro at punong guro sa iyong kakayanan


bilang mag-aaral at bilang Pilipino.
2.Pinili kang pinakamahusay sa kalse dahil sa iyong kakayahan sa lahat ng larangan.
3.May tindahan ng mga gawang-Pinoy ang iyong kamag-anak. Alam mong tataas ang
ekonomiya ng bansa at makatutulong sa kapwa Pilipino kapag binili ang mga iyon.
4.Napili ang pamilya mo na Unang Mag-anak ng Taon dahil kitang-kita sa inyo ang
tamang pamumuhay at pagsasamahan bilang mag-anak.
5.May kakulangan at deperensiya ang isang miyembro ng iyong pamilya.

V. TAKDANG-ARALIN
Ibigay ang kalalabasan.

1. Naiwanan ng nanay mo sa mesa ang pitaka. Siya’y nasa palengke namimili.


2. Umuulan ng malakas ng tatlong araw.
3. Nagtatae at nagsusuka ang limang taong sanggol.
4. Ang baboyan sa isang lugar sa Bulacan ay nadapuan ng Ebola Reston Virus.
5. May tagas ang tangke ng gasul ng aming kapitbahay.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN
Ika-26 ng Hulyo, 2018
Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon. (F6WG-Ie-g-3)

II.A. Paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon


B.Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC, sanayang Aklat sa Filipino 6 nila
Pranada at Mojica at Pinagyamang Pluma ng Phoenix
C.Mga Kagamitan: tsart, aklat sa pagkatuto, meta strips, makulay na papel, plaskard
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Tukuyin ang anyo ng pangngalan ng mga sumusunod:
1. Mag-anak 4. Gulay
2. Mala-diyosa 5. Hapun-hapon
3. Bahay-kubo 6. Dahong-palay
4.Balik Aral
Isalaysay ang napanood na sa telebisyon.
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Mahalaga ba sa inyo ang tubig?Dapat ba itong tipirin sa paggamit?
2.Paglalahad/Pagtatalakay
Basahin ang mga pangungusap sa maikling talata at pag-aralan ang gamit ng
panghalip.
Isang Uri ng Hanapbuhay
Malawak ang bukid na tinitirhan ni Kulas sa bayan ng San Jose, sa lalawigan ng
Batanggas. Ngunit kakaiba sa ibang lupa, hindi mga halamanang nakatanim dito. Sa halip,
may mga alaga siyang iba’t ibang uri ng hayop. May mga alaga si Kulas na baka, kabayo,
baboy, manok, tupa at kambing. Makikita na naggala ang mga bisiro, sisiw, guya, biik,tupa at
kambing sa malawak na bakuran niya. Maraming namimili ng hayop sa kanya. Lalo na’t kung
magpapasko, Bagong Taon, Mahal na Araw at pistahan, mabiling-mabili ang mga alagang
hayop niya. Nanggagaling sa lalawign ng Quezon, Laguna, Bulacan, at Maynila ang mga
namimili sa kanya.
Ang mga salitang siya, kanya, at niya na ginamit na panghalili sa pangngalang
pantanging Kulas ay tinatawag na panghalip.
3.Gawin Natin
Isulat ang wastong panghalip sa patlang.
1. Sa aking palagay, dapat tumulong upang maging malinis ang _____ ilog.
2. Kung ikaw ay naniniwala na ang dahilan ng red tide ay maruming kapaligiran, huwag _____
magtapon ng basura kahit saan.
3. Kung tayo ay magkakaisa, malulutas _____ ang ating problema sa kalinisan.
4.Sa palagay mo kaya, magagawa _____ ito?
5.Sa wari ko naman, sila ay makikiisa sa kabutihan ng _____ pamilya.

4.Gawin Ninyo
Narito ang tsart ng mga panghalip. Gamitin ito sa pangungusap.
Ako Akin Sila
Sayo Atin Nila
Natin Ko Kanya
Ikaw Iyo Siya
Mo Kanila Inyo
5.Gawin Mo
Palitan ng tamang panghalip ang pangngalan.
1.Inimbitahan namin sina Joel at Amor sa pagdiriwang.
2.Dumating nang maaga si Leo.
3.Ang kuya ay isang inhinyero
4.Sumasakit ang rayuma ng tiyo.
5.Naglaga ng kamote si Marvie.
6.Paglalahat
Ano ang Panghalip?Kailan ito ginagamit?
7.Paglalapat
Gamitin ang pares ng mga panghalip sa pangungusap.
1.Ako, Akin------_____ ay nag-aaral na mabuti para sa _____ kinabukasan.
2.Ikaw, Mo------Kainin _____ ito nang _____ ay lumakas
3.Siya, Kaniya---Nagpunta _____ sa tindahan upang bumili ng pasalubong para sa
_____anak
4.Iyo, Mo--------Tanggapin _____ ito. Para sa _____ ito.
5.Kami, Namin--Nagdala _____ ng buluklak at ibinigay _____ sa aming guro.
IV.PAGTATAYA
Gamitin ang mga panghalip sa pagsasa-ayos ng mga sumusunod na pangungusap.
1.Baguhan ang boksingero kaya’t nagsasanay lagi ang boksingero.
2.Nilapatan ni Baldo ng lunas ang sugat ni Baldo.
3.Pinuno ng tubig ni Maxi ang balde ni Maxi.
4.Binakuran ng mga tagapurok ang mga bahay ng mga tagapurok.
5.Bumili ng kusinilya si Mark para sa asawa ni Mark.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumupit ng isang balita sa pahayagan at idikit ito sa bond paper at salungguhitan ang
mga panghalip.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-27 ng Hulyo, 2018


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nakasusunod sa panuto (F6PN-Ifh-1.1)


Nakasusulat ng talatang nagpapaliwanag (F6PU-If-2.1)
II.A.Pagsunod sa Panuto at Pagsulat ng talatang nagpapaliwanag
B. Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC Ika-Anim na Baitang Aralin 9 ph.
35-36, Ugnayan: Wika at Pagbasa 6 ph. 8
C. Mga Kagamitan: manila paper, pentel pen, speaker para sa tugtog na gagamitin, activity
sheets
D.Pagiging masunurin
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Pag-aralan ang mga sumusunod na mga direksyon sa pag-eehersisyo kung magagawa ito ng
klase.
1.Panimulang Posisyon- Tumindig nang tuwid
2.Tumalon at ibuka ang mga paa. Itaas ang mga kamay nang lampas ulo.
3.Gawin ito ng 15 ulit- 5 ulit na normal ang bilis, 5 ulit na mabilis, at 5 ulit na mabagal
ngunit mas mataas ang talon.
4. Gawin ito na may kasabay na tugtog upang mas ma ingganyo ang mga bata.
4. Balik-Aral
Basahin
Isang proyektong pinangungunahan ng punong barangay, Purok Masilunga,
Zone 7, Barangay 386 sa Los Baños, Laguna ang naglalayong hikayatin ang bawat
kasapi sa barangay na maglinis ng tapat ng kani-kaniyang bahay. Inaasahang lahat ay
tutulong sa ikapagtatagumpay ng proyektong ito.
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Magpakita ng isang larawan at ipatukoy kung alin sa mga ito ang nakasusunod sa panutong
isinaad.
Panuto: Gumuhit ng isang parisukat. Isulat sa dakong itaas ng parisukat ang salitang Filipino.
Sa dakong ibaba ay isulat ang salitang Ugnayan.
A B

Filipino Filipino

Ugnayan Ugnayan

Aling gawain sa larawan ang nakasunod sa panuto? Wasto ba ang sagot mo? Malinaw ba
ang pagkalahad ng panuto? Anu-ano kaya ang mga dapat tandaan sa pag sunod sa mga
panuto?
2.Paglalahad
Ilahad ang ibig sabihin ng salitang PANUTO. Ito ay ang direksyon, instruksyon, o
paliwanag sa isang gawain o pangyayari na dapat sundin ninuman.
Kumuha ng isang bolpen o lapis at papel. Sa pagkakataong ito ay gawing pintor o
mangguguhit ang mga bata.
1.Una sa lahat, gumawa ng isang malaking tatsulok sa bandang itaas ng papel na may
pahalang na guhit sa loob nito .
2.Pagkatapos, gumuhit ng isang parisukat sa loob nito na may tatlong parihaba sa loob
na may katamtamang laki. Ang dalawang parihaba ay nasa magkabilang banda at ang ikatlo
ay nasa gitna na nakatayo ang posisyon.
3.Pagkaraan, lagyan ng isang bilog sa bandang kanan na may katamtamang laki ang
parihabang nasa gitna.
4.Pagkatapos, gumuhit ng isang punongkahoy at mga halaman sa tabi ng parisukat.
5.Panghuli, gumuhit ng isang pamilya sa labas ng kabilang banda ng parisukat.

Ang mga salitang nagsasaad ng hakbang ay nakatutulong sa pagsunod ng panuto.


Una sa lahat….. Pagkaraan…
Ang una mong gawin… Pangalawa…
Pagkatapos… Pangatlo…
Susunod… Panghuli…
3.Gawin Natin

b u l K a n Mga Salita:

u s a A y a

1. ____________ 6. ____________

2. ____________ 7. ____________

k u u L a m 3. ____________ 8. ____________
a s r A w a 4. ____________ 9. ____________

5. ____________ 10. ____________

l o u L a n

Bilugan ang mga salitang nasa puzzle. Isulat ang mga ito sa patlang.

4. Gawin Ninyo
Pangkatin ang mga bata sa dalawang grupo. Sa bawat grupo ay dapat may isang lider na
gagabay sa mga miyembro. Bigyan ng isang “Activity Sheet” ang bawat pangkat.
Basahin ang bahagi ng nilalaman ng isang kontrata. Sagutin ang mga tanong na isinaad.
KASUNDUAN
1.Ang buwanang upa ay P 5,000. Gagawin ito sa unang limang araw ng
buwan. may multa P 50 bawat araw kapag lumampas sa takdang panahon ng
pagbabayad.
2.Bago lumipat ay kailangang magbayad ng deposito para sa dalawang
buwan at bayad sa buwan ng paglipat.
3. Anim na tao lamang ang maaaring tumira sa isang yunit
_______________________
____________________
Lagda ng Lessee Lagda ng
Lessor
Sagutin ang mga tanong
1.Magkano ang upa buwan-buwan?
2.Magkano ang depositing ibabayad?
3.magkano lahat ang ibabayad bago tumira?
4.Maaari kayang tumira ang mag-asawang Jun at Weng na may tatlong anak?
5.Hunyo 1 lumipat sina Jun. KAilan sila dapat magbayad nang walang multa?
4. Gawin Mo
Sa sagutang papel, sundin ang mga sumusunod na panuto.
1.Isulat ang pangalan mo sa isang kahon.
2.Isulat ang baiting mo sa bilog.
3.Gumuhit ng isang pusa sa loob ng parihaba. Kulayan ito ng itim.
4.Sulatan ng pangalan ng iyong kaibigan sa sobre.
5.Gumuhit ng tatlong bulaklak. Kulayan ito ng asul, dilaw at berde.
5.Paglalahat
Ano ang panuto? Paano tayo makasusunod ng wasto sa isang panuto?
6. Paglalapat
Sa isang sagutang papel, isulat ang mga hakbang sa pagsasaing ng bigas.
IV. Pagtataya
Sa sagutang papel, sundin ang mga sumusunod na panuto:
Gumuhit ng isang triyanggulo. Sa bawat sulok ay gumuhit ng isang bituin. Sa bandang gitna
ay gumuhit ng isang araw na may walong sinag.Pumili ka ng isa sa mga kulay sa ibaba.
Gumuhit ka ng isang bagay at kulayan. Gamitin ang kulay na inyong
napili.Pula,bughaw,luntian.Isulat ang mga hakbang sa paglilinis ng bahay. Kahit 5 hakbang
lamang.

V. TAKDANG-ARALIN
Lagyan ng 1-5 upang mapagsunod-sunod ang paraan ng pagluluto ng pritong itlog.
_______1. Painitin ang itlog sa kawali.
_______2. Lagyan ng kaunting asin ang itlog.
_______3. Basagin ang itlog at ilagay sa isang platito.
_______4. Isalang ang itlog sa mainit na mantika.
_______ 5. Ilagay sa plato kapag luto na.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-30 ng Hulyo, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nasusuri ang mga kaisipan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling


pelikula (F6PD-If-10)
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.(F6PL-OA-j-2)
II.A. Pagsusuri ng mga kaisipan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling
pelikula
Pagagamit ng wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon
B. K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, Filipino 5 Teacher’s Guide 5
C. laptop o telebisyon, cartolina, pentel pen, manila paper
D. Pagiging Mapanuri
III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Ano ang mga dapat pag-tuunan ng pansin sa pagsulat ng talata.
4. Balik-Aral
Aling sanggunian ang gagamitin sa pagkuha ng sumusunod na impormasyon?
Isulat ang A para sa atlas, D para sa diksyunaryo, at E para ensayklopedia.
_____1. Kahulugan ng buhawi
_____2. Mga bundok sa Pilipinas
_____3. Katangian ng ibang agila
_____4. Wastong bigkas ng distribusyon
_____5. Mga bansa sa kontinente sa mapa ng daigdig
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng paggamit ng teknolohiya sa
kasalukuyang panahon.
Ano-ano ang inyong masasabi sa mga larawang nakita?
Kayo ba ay gumagamit ng teknolohiya sa bahay at sa paaralan? Ano-ano ang mga
mabuti at di-mabuting naidudulot ng teknolohiya sa buhay ng tao?
2.Paglalahad
Ibigay ang mga pamantayan sa panonood.
a. Manood lamang ng tahimik.
b. Huwag gumawa ng kahit ano para madisturbo ang ibang kaklase sa panunood.
c. Pagmasdan ng mabuti ang mga nangyayari sa pelikula.
d. Ang katangian ng mga karakter sa pelikula ay pagtuunan din ng pansin.
e. Intindihin ang mga detalye lalo na ang moral na ipinahihiwatig.
(Maaring dagdagan ng guro ang mga pamantayan.)
3.Panonood ng palabas.
4.Pagtatalakay sa mga detalye ng pelikula.
Sino-sino ang mga tauhan sa palabas?

Ano ang kani-kanilang mga katangian?


Saan nangyari ang kwento?
Aling banda ng palabas na nagpapakita ng magandang aral?
Naranasan mo na ba ang mga karanasan ng mga tauhan?
Ano ang ipinahiwatig ng palabas?

5.Paglalahat
Ang kaisipan o reaksyon at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling
pelikula, ay sariling saloobin, pananaw o palagay, damdamin at paniniwala tungkol sa isang
pangyayari, pahayag at isyu.
Ito’y maaring sang-ayon o salungat sa inilahad na kaisipan. Nagkakaiba ang ibinigay na
reaksyon sapagkat nagkakaiba-iba ang iniisip at nadarama ng mga tao. Maari ding magamit
ang dating kaalaman sa pagbibigay ng kaisipan at pagpapahalagang nakapaloob sa
napanood na palabas.

6.Gawin Natin
Sumulat ng maikling talata tungkol sa pinanood. Huwag mahiyang ibigay ang sariling
reaksyon ukol sa napanood.

7. Gawin Ninyo
Pangkatin ang klase sa dalawang grupo .
Pumili ng isang bahagi ng palabas na inyong gusto. Isadula ang bahaging ito.

8.Paglalahat
Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng kaisipan at pagpapahalagang
nakapaloob sa napanood na maikling pelikula?

IV. PAGTATAYA
Panuorin ang mga bata ng isang pelikula ukol sa mga nangyayari sa ating “Inang
Kalikasan”.
Sa inyong kuwaderno, iguhit ang inyong kaisipan ukol sa napanood na pelikula. Sa ibaba ng
guhit, sumulat ng 2-3 pangungusap ukol sa pagpapahalaga na ipinahiwatig nito.

V. TAKDANG-ARALIN
Manood ng news ngayong gabi. Maghanda sa isang talakayan ngayong gabi.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN

Ika-31 ng Hulyo, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan (F6PN-Ia-g-3.1)


II.A. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang usapan
B.Sanggunian: Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon-Wika at Pagbasa pah.172-174
C.Kagamitan: Kwento, larawan ng nag uusap
D.Pagpapahalaga: Masusing Pakikinig
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?Tungkol saan ang kanilang pinag usapan?

Ano ang kanilang ginawa?


Bakit sila nag uusap?
Tungkol saan ang kanilang pinag uusapan?
2.Paglalahad
Ipabasa ang isang balagtasan.
3.Gawin natin
Tumawag ng tatlong mag-aaral na siyang magbabasa ng balagtasan
4.Pagtatalakay
Ipasagot ang mga tanong sa talakayan
Ano ang paksa ng pag uusap sa balagtasan?
Patula ba ang paraan ng akda?
May paksa bang pinagtatalunan?Ano ito?
Ilan ang nagsasalita?
Sino-sino sila?
Ano sa palagay moa ng nais ng bawat panig?

5.Gawin Ninyo
Pangkatin ang mga mag aaral. Itanghal sa klase ang naibigang parte ng
balagtasan.Angibang mga kaklase ang magsisilbing tagapakinig o tagahatol.

6.Gawin Mo
Basahin ang diyalogo at sagutin ang mga tanong tungkol dito

7.Paglalahat:
Tungkol saan ang mga tanong na inyong sasagutin?

8.Paglalapat:
Tumawag ng dalawang bata para mag usap tungkol sa oplan tokhang
Ang ilang batang lalaki ang magtatanong na sasagutin naman ng mga babae.

IV. Pagtataya
Tingnan at basahin ang usapan.Sagutin ang mga tanong pagkatapos (Pahina 132 Landas
sa Wika 6)

Saan gustong pumunta niAlex?


Ano ang katangian ng mga Igorot ?
Talaga bang matataas ang palayan doon?
Mahirap bang puntahan ang hagdan hagdang palayan?
Gusto mo rin bang makapunta doon?

V. Takdang Aralin
Pakinggan ang usapan ng iyong mga magulang habang kayo ay kakain. Maghandang sagutin
ang mga tanong tungkol sa kanilang pinag usapan.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-1 ng Agosto, 201


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nasasagutan ang mga tanong sa mahabang pagsusulit


II.APagsagot sa mga Tanong sa Mahabang Pagsusulit
B.Kagamitan: Papel at bolpen
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak: natatandaan ninyo pa ba ang ating pinag-aralan? Kung gayon susubukin
ko ang inyong galing.
2.Pamantayan sa Pagsusulit
3.Pagsagot sa mga tanong
IV. Pagwawasto at Pagrerekord
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-2 ng Agosto, 2018


Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon (F6wg-Ie-
g-3)
II. A.Gamit ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon
B. Landas sa Pagbasa pahina 76, Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon pahina 124-
125.
C.Pagmamahal sa kalikasan
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
4..Balik-aral
B.Panlinang na Gawain
1.Sundin ang sumusunod na panuto.
Isulat ang pangalan ng guro sa Filipino 6 sa loob ng parihaba.
Gumuhit ng araw sa itaas ng bundok
Isara ang bintana sa may likuran.
Punasan ng mabuti ang dingding.
2. Pagganyak:
Ipabasa ang tanungan ng mga bata.Ano ano ang napansin mo sa mga tanong ng mga mag
aaral? Bakit minsan ay nakatatawa ang mga tanong natin?
3. Paglalahad:

Pag aralan natin ngayon ang gamit ng iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa iba’t ibang
sitwasyon.
4. Pagtatalakay:
Sagutin ang mga tanong:
Bakit nasira ang ating kalikasan?

Paano natin mapangalagaan ang ating paligid?


Bakit kumakaunti na ang mga isda sa dagat?
Paano natin mapauunlad an gating pamayanan?

Panghalip na pananong ang tawag sa salitang pananong na ginagamit na pamalit sa

pangngalan na maaaring isahan o maramihan.

Isahan Maramihan Sino Sino – sino Ano Ano – ano Ilan Ilan – ilan
Alin Alin – alin Saan Saan – saan Kailan Kai – kailan Kanino Kani – kanino
Paano Paa – paano Gaano Gaa – gaano Magkano Magka - magkano

5. Gawin Natin
Pumili ng dalawang bata at ipabasa ang diyalogo. (Ipakita ang larawan sa pahina 76
Landas sa Wika) Ipasagot ang mga tanong sa talakayin. Ano ang ginagawa ninyo?

Sino-sino ang mga kasama mo sa pagtula?


Saan kaya nagpunta sina Ate at Kuya?
Sa anong mga salita nagsisimula ang pangungusap?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?

6. Gawin Ninyo
Salungguhitan ang panghalip na pananong na ginamit sa bawat pangungusap.
1.Saan ka nanggaling kahapon?
2.Ano ang ginawa mo sa palengke?
3.Sino ang kasama mo roon?
4.Ano-ano ang napamili mo?
5.Magkano na ba ang isang kilo ng manok ngayon?
6.Kanino ka bumili ng mangga?
7.Sino ang nagsabi sa iyong doon ka bumili?
8.Gaano katagal ang biyahe mula rito sa atin hanggang sa palengke?
9.Kailan ka babalik doon?
10.Ano ang sasakyan natin?

7. Gawin Mo
Bumuo ng mga tanong tungkol sa napapanahong isyu. (Extra Judicial Killing)
8. Paglalahat
Anong uri ng panghalip ang ginagamit sa pagtatanong
9. Paglalapat:
Magbigay ng mga tanong tungkol sa sumusunod na mga karikatura.

IV. Pagtataya:
Basahin ang balita. Bumuo ng mga tanong mula sa binasa. Gamitin ang mga panghalip
na pananong.

V. Gawaing Bahay:
Sumulat ng limang pangungusap gamit ang panghalip na pananong.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-3 ng Agosto, 2017


Biyernes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan ( F6PS-Ih-3.1 )


II.A.Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan
B.Sanggunian: CG F6PS-Ih-3.1
C.Wikang Filipino 6 p. 173 larawan, tsart
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Isulat kung ang pares na mga salita ay magkasalungat o magkasingkahulugan.
Kaagapay – Kaakibat
Matangkad – Pandak
Salat- Kulang
Inangkin – Inayawan
Tribu –Pangkat
4.Balik-aral
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Magpakita ng larawan at magtanong.

Ano ang masasabi ninyo sa nasaksihang pangyayari na ipinapakita sa larawan?


2. Paglalahad
Magpakita ng video at talakayin ang nilalaman nito.
3.Gawin Ninyo
Hatiin sa apat ang klase, bigyan ng manila paper at ipasulat ang mga pangyayaring
nasaksihan sa larawan.

4.Gawin Mo
Ipasulat sa papel ang mga pangyayaring nagaganap sa nasaksihang larawan at basahin ito
sa klase.

5. Paglalahat

Kung nasaksihan mo ang isang pangyayari paano mo ito maibabahagi?


6. Paglalapat
May nasaksihan ka bang bata na binu-bully? Anong gagawin mo? Paano mo ito maibabahagi
sa iba pang pangyayaring iyong nasaksihan?

IV. Pagtataya

Ipakita ang larawang ito:


Isulat ang sariling pananaw tungkol sa pangyayaring nasaksihan

V. Gawaing Pantahanan
Sumulat ng 5 pananaw tungkol sa pangyayaring nasaksihan sa inyong pamayanan.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-6 ng Agosto, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay ( F6PU-Ih-2.1 )


II.A.Pagsusulat ng Talatang Nagsasalaysay
B.Sanggunian: Gintong Hiyas sa Filipino 5 pp. 164-166, CG. F6PU-Ih-2.1
C.Kagamitan: tsart, plaskard DCCM X (Tourism)
D.Pagiging maingat at malinis sa pagsulat
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Magpabasa ng mga salita sa loob ng plaskard
Pasalaysay Pamantayan Talata Gabay
1.Balik-Aral
Isulat sa patlang kung ang mga sumusunod ay pasalaysay, patanong, pautos,
pakiusap o padamdam.
a. Naku! Nadulas ang bata sa palusebo! ( padamdam )
b. Masaya ang pista sa amin. ( pasalaysay )
c. May palaro ba sa plasa? ( Patanong )
d. Maaari po bang umupo sa tabi mo? ( Pakiusap )
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
-Alam ba ninyo kung ano ang talatang pasalaysay?
2.Paglalahad
Ang talatang pasalaysay ay nagtataglay ng kaisahang diwa. Ang bawa’t pangungusap
ay tumutulong sa pagbuo ng isang kaisipang inilahad. Ang lahat ng pangungusap na ginamit
ay nagbibigay ng isang malinaw na kahulugang napapaloob sa talata.
3.Gawin Natin
Sumulat ng isang talatang pasalaysay tungkol sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal.
Pagkatapos nilang sumulat ng talata ng pasalaysay, tumawag ng isang bata at ipasulat ang
kaniyang gawa sa pisara.
4.Gawin Ninyo
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Papiliin ng isang paksa na nakasulat sa ibaba ang
bawat pangkat at bumuo ng isang talata sa paksang napili.
Pangkat 1: Karunungan at ang kayamanan.
Pangkat 2: Ang mahirap at ang mayaman.
Pangkat 3: Ang ating kapaligiran sa ngayon.
Pangkat 4: Ang pinakamalungkot na karanasan ko.
Pangkat 5: Ang aking tungkulin sa aking bayan.

5.Gawin Mo
Sumulat ng isang talatang pasalaysay tungkol sa magagandang tanawin ng Muntinlupa
na inyo nang napuntahan.
6.Paglalahat
Sa pagsulat ng salaysay kailangang nagtataglay ng mga elemento ng tauhan, tagpuan at
banghay.
Nagtataglay din ito ng tiyak na panimula, katawan at konklusyon.
Gumagamit din ng wastong pagkakasunod-sunod, angkop na salita, mga parirala upang
mapanatili ang kalinawan at maayos na pagkakasunod-sunod.

Gumamit ng mga paglalarawan o pakikipag-usap upang maging kaaya-aya ang


pagsasalaysay kung kinakailangan.
7.Paglalapat
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng dula-dulaan isatao kung paano ninyo ipakikita ang
pagmamahal sa bayan kapag inaawit ang pambansang awit.

IV.Pagtataya
Sumulat ng talata na nagsasalaysay ng isang pangyayari na inyong napuntahan.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng salaysay tungkol sa pagdiriwang sa inyong bayan.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambel lVI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-7 ng Agosto, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto(F6PT-II-


1.14)
II. A. Pagagamit ng dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto
B. Ugnayan: Wika at Pagbasa ph.48-49,Bagong Likha: Wika at Pagbasa ph. 197-200
C. mga larawan, cartolina, pentel pen, manila paper,lapel
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Bilugan ang panghalip na panao. Isulat sa unang patlang ang panauhan at sa ikalawang
patlang ang kailanan.
__________1. Hintayin ninyo ang pagdating nina Steve at Harriet.
__________ 2. Kata ay magtulungan sa lahat ng gawain.
__________ 3. Nagdala sila ng pagkain sa mga manggagawa.
__________ 4. Natapos nila ang gawaing ibinigay ng guro.
__________ 5. Dadalo tayo sa pulong na ipinatawag ng kapitan ng barangay.
4. Balik-Aral
Anu-ano ang mga panauhan at kailanan ng panghalip panao?
B.Panlinang na gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng isang batang lalaki na may dalang pusa. Ano ang maaring mangyari
sa pusa iiwan ng bata ang pusa sa daan.
2. Paglalahad
Basahin ang talata sa ibaba. Atasan ang mga bata na making ng mabuti.
Malapit na sa dulo si Matsing. May dala siyang sulo na nakatali sa kanyang baywang.
Humangin at lumakas ang apoy sa sulo. Humingi siya ng tulong kay Pagong ngunit wala itong
magawa. Nang hindi na makaya ni Matsing ang init at usok ay bumulusok siyang pababa.
3.Talakayan
Talakayin ang detalye sa pagkuha ng wakas ng isang teksto:
Ang paghinuha ay higit na mataas na antas ng pang-unawa kaysa literal. Ang literal ay
pagtukoy lamang sa nakalahad na detalye samantalang ang paghinuha ay batay sa mga
pahiwatig na nasa teksto. Ang mga pahiwatig ay mabibigyang-kahulugan batay sa dating
kaalaman ng mambabasa tungkol sa detalyeng nakalahad. Ang mga dating kaalamang ito ay
bunga ng mga nabasa, nakita, o naranasan ng mambabasa.

4. Gawin Natin
Magkaroon ng maikling laro na “Paint Me a Picture”. Pangkatin ang mga bata sa
limang (5) pangkat. Ang guro ay magbabasa ng sitwasyon. Atasan ang mga bata na isadula
ang maaring wakas ng bawat sitwasyon. Bigyan sila ng 30 segundo sa pag-iisip at pagsadula
ng maaring wakas. Kung aling pangkat ang may mas makatarungang wakas ay ang
mananalo.
5. Gawin Ninyo
Piliin ang iyong hinuha sa sumusunod na mga sitwasyon. Maglagay ng tsek sa patlang
na katapat ng sagot mo.
1. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi si Glenn.
_____ Magkakasakit siya at titigil na sa pagtatrabaho at pag-aaral
_____ Makatatapos siya ng pag-aaral at makakukuha ng mas magandang trabaho.
2.Inutusan ng nanay si Ben na maghatid ng labada sa bahay ni Gng. Samson.
Nagmamadali siyang makabalik sa paglalaro kaya tumakbo siya habang bitbit ang balutan ng
damit.
_____ Gusot na ang mga damit nang iabot ni Ben ang mga iyon kay Gng. Samson.
_____ Madarapa si Ben sa daan at sasabog ang malilinis nang damit.
3.Nag-brown out habang tinatapos ni Nena ang kanyang proyektong ipapasa
kinabukasan.
____ Hihintayin niyang bumalik ang kuryente para matapos ang kanayang proyekto.
____ Matutulog na siya at idadahilan sa guro ang brown out kaya hindi niya natapos ang
kanyang proyekto.
4.May piknik ang mag-anak. Malayo na ang natatakbo ng kanilang sasakyan nang
maalala ng nanay ang dessert nilang salad na pinalalamig sa ref.
______ Ipipilit ng nanay na bumalik sila para kunin ang salad.
______ Imumungkahi ng nanay na bumili na lamang sila sa daan ng ibang dessert.
5.Tuwang-tuwa si Michelle. Binigyan siya ng kaibigan ng isang napakagandang kuting.
Subalit mula nang alagaan niya ang kuting, nagkaroon siya ng asthma.
______ Pakikiusapan niya ang kanyang kapatid na alagaan ang kuting para sa kanya.
______ Ipagbibili niya ang kuting kasi alam niyang mahal iyon.
5.Gawin Mo
Isulat sa sagutang papel ang maaring wakas sa bawat pangyayari.
umagamit ng dinamita si Mang Ramon sa pangingisda. Nakita siya ng mga bantay-dagat at
hinabol siya ng mga ito.
1.Binaha ang pook nina Ka Maning. Nasira ang kanilang pananim na palay. Kasali sila
sa kooperatiba ng Samahan ng mga Magbubukid.

2.Sumabog ang Bulkang Mayon. Nalaman ito ng mga may ginintuang-pusong kasapi
ng Samahang Kabataang Barangay.
6.Paglalahat
Paano magbigay ng wakas mula sa napakinggang teksto? Anu-ano ang maaring
isaalang-alang na mga detalye?
7. Paglalapat
Pipili ang guro ng isang maikling kuwento at babasahin ito sa harap ng mga bata.
Pagkatapos, bigyan ng pagkakataon ang mga bata na magbigay ng sarili nilang wakas ayon
sa kanilang ibig na mangyari. Ipaliwanag sa kanila kung bakit ganoong wakas ang kanilang
napupusuan.

IV. PAGTATAYA
Basahin ang seleksyon. Alamin ang ga detalyeng nakapaloob dito. Pag-isipan ang
magiging wakas nito.

V. TAKDANG-ARALIN
Maghanap ng isang kuwento ayon sa inyong gusto. Paghandaan ang pagbabasa nito
sa susunod na araw.

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambel lVI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-8 ng Agosto, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nabibigyang – kahulugan ang sawikain na napakinggan


Naipapahayag ang sariling opinion o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o
usapan
II.A.Pagbibigay – kahulugan sa sawikain at Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksiyon
B.Pluma 6 pp. 111-116
C. plaskards, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Isulat ang mga sumusunod na parirala sa plaskard:
itaga sa bato mababaw ang luha
mababa ang loob bukal sa loob
balitang-kutsero magdilang anghel
tulak ng bibig namuti ang mata
magaan ang dugo matalas ang ulo
4.Balik-aral
Alin-alin sa sumusunod na mga pahayag ang katotohanan at opinyon? Isulat ang K
sa katotohanan at O kung opinion.
__ 1. Ang panganay ang unang anak ng mag-asawa.
__ 2. Mayaman sa protina ang karne samantalang sa carbohydrates ang kanin. __ 3.
Kayumanggi ang kulay ng mga Pilipino.
__ 3. Ang gupit na crew cut ang pinakabagay kay Billy.
__ 4. Mas malakas sumuntok si Pacquiao kaysa kay Marquez kahit nagtabla sila sa laban.
___5. Ayon kay Aling Pining, dadating daw ang kanyang anak na lalaki sa susunod na
buwan.
B.Panlinang sa Gawain
1.Pangganyak
Ano ang masasabi ninyo sa kakayahan at katangian ng bawat nilikha?
2.Paglalahad.
Pagganyak na Tanong
Ano ang dapat ninyong gawin sa mga bagay na hindi na pwedeng palitan o baguhin?
Pagbasa ng Guro sa Seleksyon
3.Pamantayan sa wastong pakikinig.
4.Pagtatalakay
Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
Ano ang masasabi ninyo sa kakayahan at katangian ng bawat nilikha?
Sinu-sino ang tauhan sa akda?
Paano naging magkaibigan sina Maki at Waldo?
Bakit nagkaroon ng problema si Maki?
Ano ang kanyang ginawa upang mabigyang kasagutan ang kanyang mga tanong sa
buhay?
Paano siya ginabayan ng kanyang nanay?
Nagtagumpay ba siyang magkaroon ng katulad na sungay ni Waldo sa kagubatan?
Paano niya natanggap ito?
Kahit ikaw si Maki at nakahihigit ng katangian ang iyong kaibigan na popular,
maraming nagkakagusto, at mas matalino, ano ang gagawin mo? Ibigay ang iyong sariling
opinion/reaksiyon?
Kung ikaw naman si Waldo at napansin mong naiingit sa iyo ang iyong kaibigan, ano
ang gagawin mo?
Bakit kaya nasabi ni Maki ang “Ako’y isang kambing, dapat kong taggapin ang
katotohanan?”
Ikaw, ano ang sasabihin mo sa inyong sarili upang matanggap mo kung ano ka at
kung anong mayroon ka?
5.Paglinang sa Kasanayan
Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba:
Sina Maki at Waldo ay lumaking nakabuhol ang pusod.
Kapwa na sila nasa kasibulan ng buhay subalit walang nabago sa kanilang
samahan.
Pumunta si Maki sa pusod ng gubat upang makita ang engkantada.
Ano ang kahulugan ng mga sinalungguhitang salita?
Tiyak ba ang kanilang mga kahulugan?
6.Gawin Natin
Panuto: Piliin ang mga sawikain sa pangungusap.
Parang aso’t pusa ang mga anak ni Aling Azon; lagi na lamang
nagbabangayan.
Mahilig sa kompyuter at cellphone ang mga bagong dugo.
Madaling mapapansin ang bagong salta sa magulong lunsod.
Laging may ngiti sa kanyang mga labi tuwing naiisip niya ang bakas ng
lumipas.
Balat-sibuyas ka pala. Biniro ka lang ay nagdamdam ka na agad.
Sayang lang ang pakiusap mo, bato ang kalooban ng taong iyan.
Mahal niya ang babaeng iyon kaya bigay na bigay siya sa lahat ng hilingin
nito.
Bukas na aklat ang buhay ng ating mga bayani.
Mga kasamang driver, konting ingat, may butiki sa poste sa bandang kaliwa ng
susunod na kanto.
Gamitin ang kokote sa pagtatrabaho nang maiwasan ang pagkakamali at nang
hindi mapagalitan.
7.Gawin Natin
Panuto: Ano ang kahulugan ng sumusunod na mga matalinhagang salita? Isulat ang
titik ng wastong sagot.
___ 1. Kapag may isinuksok,may madudukot
___ 2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan
___ 3. Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
___ 4. Ang mabuting gawa, kinalulugdan ng madla.
___ 5. Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.
8.Gawin Mo
Panuto: Ang mga Pilipino ay likas na matalinhagang magsalita. Sa araw-araw na
mga pangyayari sa buhay ay naipapakita natin ang mayaman nating nakaraan. Sinasalamin
nito ang ating kultura kung paano tayo mangusap sa kapwa. Isang paraan ang paggamit ng
sawikain. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga sawikain.
__________________________
1. balitang-kutsero ___
__________________________
2. tulak ng bibig ___
__________________________
3. magaan ang dugo ___
__________________________
4. mababaw ang luha ___
__________________________
5. pantay ang mga paa ___
__________________________
6. bukal sa loob ___
__________________________
7. magdilang anghel ___
__________________________
8. namuti ang mata ___
namamangka sa dalawang ilog
9. _______________________

__________________________
10. matalas ang ulo ___
9. Paglalahat
Ano ang sawikain?Paano nabibigyang-kahulugan ang sawikain?
10. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Pagkatapos gamitin
sa pangungusap.
may gatas pa sa labi
hulog ng langit
maykaya sa buhay
magsunog ng kilay
nag-agaw buhay
IV. Pagtataya:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing nakasalungguhit. Piliin ang sagot sa
loob ng panaklong.
1.Mahilig kumanta tuwing umaga ang kapitbahay mo, e boses palaka naman.
(sintonado, palaka ang tinig, maganda ang boses)
2.Si Andres Bonifacio ay isang anak-pawis.
( mayaman, maramdamin, mahirap)
3.Bakit kaya lagi na lang butas ang bulsa ng kapitbahay kong negosyante? Parati na lang
sinasabing wala siyang pera tuwing ako’y manghihiram.
( may butas ang bulsa, walang pera, maraming pera)
4.Hawak sa ilong ang lahat ng pulis sa nais ng kanilang alkalde.
( hinawakan ang ilong, sunud-sunuran, may sariling paninindigan)
5.Kinain ng abo ang malaking bahay na katatayo pa lamang na pag-aari ng mag-asawang
drug-lord na taga Pasil, Cebu City.
( may abo ang bahay, nasunog, pinagnakawan)
V.Takdang-aralin:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain
pabalat-bunga magtaingang-kawali kuskos-balungos
magdalang-tao taas ang noo

VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambel VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-13 ng Agosto, 2018


Lunes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nakakasulat ng liham pangkaibigan. (F6PU-Ij-2.3)


II.A.Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
B.Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Grade, RBEC, Pinagyamang Pluma ng
Phoenix
C.Mga Kagamitan: tsart, Aklat sa Pagkatuto, meta strips, lih na papel sa bawat bahagi
nito
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Ibigay o pangalanan ang iba’t-ibang bahagi ng liham
4.Balik Aral:
Itanong: Anong uri na liham ang inyong ginawa?

B.Panlinang ng Gawain
1.Pagganyak:
Naranasan nyo na bang gumawa ng liham para sa inyong kaibigan?
Ang pagsulat ba sa inyong kapwa ay isa sa ginagawa ninyo upang manatiling buo
ang inyong samahan?
2. Paglalahad:
Ang Liham Pangkaibigan
Isang uri ng komunikasyon ang pagsulat n liham. Karaniwang sulatin ang liham
pangkaibigan. Ito ang pinakagamiting uri ng liham ng mga mag-aaral. May iba’t-ibang uri ng
liham-pangkaibigan. Ilansa mga ito ang mga liham pakikiramay, liham pagbati, liham
paanyaya, liham pasasalamat, liham pangungumusta at liham paghingi ng payo.
May limang bahagi ang liham pangkaibigan
Pamuhatan- Ito ay bahaging nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ng petsa kung
kalian sinulat ang liham. Matatagpuan it sa itaas at kanang bahagi ng sagutang papel.
Bating Panimula-Isa itong maiklng bati o pambungad na pagbati sa sinulatan.
Gumagamit ng kuwit sa hulihan nito isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng sulatang papel
pagkatapos ng pamuhatan.
Katawan ng Liham- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham na nagsasabi ng
dahilan ng pagliham sa anyong talata.
Bating Pangwakas- Ito ang maikli at magalang na pamamaalam. Isinusulat ito
pagkatapos ng katwan ng liham na katapat ng pamuhatan at gumagamit din ng kuwit sa
huli.
Lagda- Isinusulat sa bahaging ito ang pangalan o palayaw sa sumulat.

3.Gawin Natin:
Magpaskil sa pisara ng isang porma ng liham pangkaibigan. Ipaunawa at ipasuri sa
mga mag-aaral upang matukoy ang mga bahagi nito.
Anu-ano ang mga bahagi ng liham? Ano ang inilalagay sa bahagi ng liham?
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?
4.Gawin Ninyo:
Pangkatin ang klase. Pasulatin ang bawat grupo ng liham pangkaibigan. Sabihin ang
mga dahilan kung bakit gagawa ng liham para sa kaibigan. Matapos ang inilaang oras,
ipabasa sa pangkat ang natapos na liham at pagbigyang puna ayon sa pinag-uusapang
pamantayan bago magsumula ng pagsulat
5.Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangkaibigan?
6.Paglalahat:
Bakit kailangan gumawa ng liham para sa kaibigan?
Kailan ginawa ang pagsulat ng liham pangkaibigan?

IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang maikling liham pangkaibigan.
V. Takdang Aralin:
Bumili ng sobre at sulatan ng pangalan ng padadalhan mo ng liham pangkaibigan.
VI. Mga Tala
VI-Aristotle VI-Grahambel VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei
VI-Newton
VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-14 ng Agosto, 2018


Martes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I. Nakasusulat ng kwento (F6PU-Id-2.2)

II.A. Pagsulat ng Kwento (F6PU-Id-2.2)


B.Sanggunian : Landas sa Wika pp. 9 – 12
C.Kagamitan : tsart, larawan, marker, whyteboard
III.A. Pamamaraan
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay: Sabihin kung piksyon o di piksyon
1.Talambuhay ni Jose Rizal 2.Ang pagkatuklas ng Pilipinas
3.Cinderella 4.Superman
5.Isang makasaysayang pook 6.Alamat ng Sampaloc
7.Rebolusyon 8.Si Heneral Gregorio del Pilar
9.Magagandang Tanawin sa Pilipinas10.Ang Mahiwagang Lampara
4.Balik-aral
B.Panlinang sa Gawain
1.Pangganyak
Mahilig ba kayong magbasa ng mga kwento? Anong uring kwento ito?

2.Paglalahad
Pagbasa sa Seleksyon
Ipaalala ang pamantayang sa pagbasa nang pabigkas.
Tumawag ng ilang bata at ipabasa na pabigkas ang seleksiyon habang ang iba ay
nagbabasa nang tahimik.
3.Pagtatalakay na Pag-unawa
Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa
1.Kung pabibigyan sa iyo ng bagong pamagat ang kwento, anong pamagat ang
ibibigay mo? Bakit? Ipaliwanag.
2.Kung ipababago sa iyo ang wakas ng kwento, paano mo ito babaguhin?
3.Anong uring kwento ang binasa natin?
4.Paglinang sa Kasanayan
Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng pagiging mabuting mag-aaral sa
paaralan. Ikwento ito sa klase.
5.Pag-ulat ng bawat pangkat.
C. Pangwakas na gawain
Ipakwento ang kanilang karanasan na hindi malilimutan sa Paaralang Elementarya ng
Tunasan

IV.Pagtataya:
Sumulat ng isang kwento tungkol sa magiging buhay mo pagkaraan ng 10 taon
V.Kasunduan:
Magkasundo na ilalahad sa klase ang kwento tungkol sa kanyang kaibigan.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-15 ng Agosto, 2018


Miyerkules
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggan. (F6PN-e-


12)

II.A.Kasanayan: Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayaring Napakinggan


B.Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC, Sanayang aklat sa Filipino 6
C.Mga Kagamitan : tsart, aklat sa pagkatuto, plaskard
III.PAMAMARAANP
A. PanimulangGawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay:
Anu ano ang magagalang na pananalita na alam niyo?
B.Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Magpakita ng mga strip sa klase na may nakasulat tulad ng:
Maigting na kumpanya ng pamahalaan laban sa droga.
Pagbawas ng buwis sa mga kawani ng gobyerno.
2.Paglalahad
Ano ang maaaring mangyari sa ating bansa kung patuloy itong gagawin ng
pamahalaan?
Ano pa ang mga magagalang na pananalita na pwede n’yong gamitin kung kayo ay
tumatanggi sa isang bagay na hinihingan kayo ng inyong saloobin?
3.Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral. Basahin ng mabuti ang sitwasyon. Ibigay ang sariling
palagay sa kalalabasan ng pangyayari gamit ang magagalang na pananalita.
4.Paglalahat
Paano mo binibigyang hinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang
teksto?
Anu-ano ang magagalang na pananalita ang gagamitin sa pangtanggi?
5.Paglalapat
Pakinggan ang mga sitwasyon na babanggitin ng guro at isulat ang maaaring
kalabasan ng pangyayari
IV. PAGTATAYA
Ibigay ang inyong hinuha sa mga pangyayari sa ibaba
1.Sinusuporta ka ng iyong magulang, kaibigan, guro at punong guro sa iyong kakayanan
bilang mag-aaral at bilang Pilipino.
2.Pinili kang pinakamahusay sa kalse dahil sa iyong kakayahan sa lahat ng larangan.
3.May tindahan ng mga gawang-Pinoy ang iyong kamag-anak. Alam mong tataas ang
ekonomiya ng bansa at makatutulong sa kapwa Pilipino kapag binili ang mga iyon.
4.Napili ang pamilya mo na Unang Mag-anak ng Taon dahil kitang-kita sa inyo ang
tamang pamumuhay at pagsasamahan bilang mag-anak.
5.May kakulangan at deperensiya ang isang miyembro ng iyong pamilya.

W. TAKDANG-ARALIN
Ibigay ang kalalabasan.

6. Naiwanan ng nanay mo sa mesa ang pitaka. Siya’y nasa palengke namimili.


7. Umuulan ng malakas ng tatlong araw.
8. Nagtatae at nagsusuka ang limang taong sanggol.
9. Ang baboyan sa isang lugar sa Bulacan ay nadapuan ng Ebola Reston Virus.
10. May tagas ang tangke ng gasul ng aming kapitbahay.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-16 ng Agosto, 2018


Huwebes
VI-ARISTOTLE 7:00-7:50
VI-NEWTON 7:50-8:40
VI-GALILEI 8:50-9:40
VI-GRAHAMBELL 9:50-10:40
VI-FAHRENHEIT 11:50-12:40
VI-EINSTEIN 1:00-1:50

I.Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon. (F6WG-Ie-g-3)

II.A. Paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon


B.Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC, sanayang Aklat sa Filipino 6
nila Pranada at Mojica at Pinagyamang Pluma ng Phoenix
C.Mga Kagamitan: tsart, aklat sa pagkatuto, meta strips, makulay na papel, plaskard
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban
3.Pagsasanay
Tukuyin ang anyo ng pangngalan ng mga sumusunod:
1. Mag-anak 4. Gulay
2. Mala-diyosa 5. Hapun-hapon
3. Bahay-kubo 6. Dahong-palay
4.Balik Aral
Isalaysay ang napanood na sa telebisyon.
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Mahalaga ba sa inyo ang tubig?Dapat ba itong tipirin sa paggamit?
2.Paglalahad/Pagtatalakay
Basahin ang mga pangungusap sa maikling talata at pag-aralan ang gamit ng
panghalip.
Isang Uri ng Hanapbuhay
Malawak ang bukid na tinitirhan ni Kulas sa bayan ng San Jose, sa lalawigan ng
Batanggas. Ngunit kakaiba sa ibang lupa, hindi mga halamanang nakatanim dito. Sa halip,
may mga alaga siyang iba’t ibang uri ng hayop. May mga alaga si Kulas na baka, kabayo,
baboy, manok, tupa at kambing. Makikita na naggala ang mga bisiro, sisiw, guya, biik,tupa
at kambing sa malawak na bakuran niya. Maraming namimili ng hayop sa kanya. Lalo na’t
kung magpapasko, Bagong Taon, Mahal na Araw at pistahan, mabiling-mabili ang mga
alagang hayop niya. Nanggagaling sa lalawign ng Quezon, Laguna, Bulacan, at Maynila
ang mga namimili sa kanya.
Ang mga salitang siya, kanya, at niya na ginamit na panghalili sa
pangngalang pantanging Kulas ay tinatawag na panghalip.
3.Gawin Natin
Isulat ang wastong panghalip sa patlang.
1. Sa aking palagay, dapat tumulong upang maging malinis ang _____ ilog.
2. Kung ikaw ay naniniwala na ang dahilan ng red tide ay maruming kapaligiran, huwag
_____ magtapon ng basura kahit saan.
3. Kung tayo ay magkakaisa, malulutas _____ ang ating problema sa kalinisan.
4.Sa palagay mo kaya, magagawa _____ ito?
5.Sa wari ko naman, sila ay makikiisa sa kabutihan ng _____ pamilya.

4.Gawin Ninyo
Narito ang tsart ng mga panghalip. Gamitin ito sa pangungusap.
Ako Akin Sila
Sayo Atin Nila
Natin Ko Kanya
Ikaw Iyo Siya
Mo Kanila Inyo
5.Gawin Mo
Palitan ng tamang panghalip ang pangngalan.
1.Inimbitahan namin sina Joel at Amor sa pagdiriwang.
2.Dumating nang maaga si Leo.
3.Ang kuya ay isang inhinyero
4.Sumasakit ang rayuma ng tiyo.
5.Naglaga ng kamote si Marvie.
6.Paglalahat
Ano ang Panghalip?Kailan ito ginagamit?
7.Paglalapat
Gamitin ang pares ng mga panghalip sa pangungusap.
1.Ako, Akin------_____ ay nag-aaral na mabuti para sa _____ kinabukasan.
2.Ikaw, Mo------Kainin _____ ito nang _____ ay lumakas
3.Siya, Kaniya---Nagpunta _____ sa tindahan upang bumili ng pasalubong para sa
_____anak
4.Iyo, Mo--------Tanggapin _____ ito. Para sa _____ ito.
5.Kami, Namin--Nagdala _____ ng buluklak at ibinigay _____ sa aming guro.
IV.PAGTATAYA
Gamitin ang mga panghalip sa pagsasa-ayos ng mga sumusunod na pangungusap.
1.Baguhan ang boksingero kaya’t nagsasanay lagi ang boksingero.
2.Nilapatan ni Baldo ng lunas ang sugat ni Baldo.
3.Pinuno ng tubig ni Maxi ang balde ni Maxi.
4.Binakuran ng mga tagapurok ang mga bahay ng mga tagapurok.
5.Bumili ng kusinilya si Mark para sa asawa ni Mark.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumupit ng isang balita sa pahayagan at idikit ito sa bond paper at salungguhitan
ang mga panghalip.
VI. Mga Tala

VI-Aristotle VI-Grahambell VI-Einstein VI- Fahrenheit VI- Galilei


VI-Newton

VII.Pagninilay
DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN

Ika-17 ng Hunyo, 2019


Lunes
VI-ARISTOTLE 5:50 - 6:40
VI-THOMSON 6:40 - 7:30
VI-NEWTON 7:30 - 8:20
VI-KELVIN 8:20 - 9:10
VI-DARWIN 9:40 - 10:30
VI-GALILEI 10:30 - 11:20

I.Nasasagutan ang PHIL-IRI Pre Test

II.A.Pagsagot sa PHIL-IRI Pre Test


B. Kagamitan: Papel at bolpen, PHIL-IRI passage

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain
1.Pag-awit
2.Pagtukoy sa mga lumiban

B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak: Nakakita na ba kayo ng kawayan? Alam nyo ba ang kwento ukol sa
kawayan?
2.Pamantayan sa pagsusulit
3.Pagsagot sa mga tanong

IV. Pagwawasto at Pagrerekord

You might also like