Guillermo Wika at Asean Integration

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Filipino sa Agenda ng K-12 ang Isyu ng

Rehiyonalismo at ASEAN Integration


Ramon Guillermo
DFPP-KAL
UP Diliman

STATEMENT AGAINST THE INTERFERENCE AND CONTROL OF LANGUAGE USE


IN HIGHER EDUCATION (7.01.2014)
170+ Talaytayan MLE

The reservation of a certain number of national language slots in the GEC


without extending the same kind of privilege to other languages— Philippine or
otherwise—is a highly problematic move. CHED would essentially be forcing
colleges and universities—which should be bastions of free thinking, plurality,
and equality to subscribe to a hegemonic one-nation-one language ideology.
Any language policy should reflect the multilingual context of our learners.
Furthermore, since languages mediate learning, the choice of language to be
used in a particular area of study should be based on the objective to improve
learning outcomes and to equip the students to the world of work and service
in their own community and beyond…
People, and by extension their institutions, should have the freedom to
choose what languages they wish to learn and use. Jose Rizal himself deftly
wielded Spanish to rouse patriotic spirit and indeed learned more than 10
other languages throughout his life—a potent refutation of the trope that
patriotism is to speak or favour only one language. Patriotism pre-existed the
national language…
We are openly declaring that we are promoting the equitable treatment of all
our languages, especially in promoting learning and respecting ethnic
identities... The imposition of language of instruction is not part of CHED’s
power. We ask that the technical panel for General Education and the CHED
commissioners to continue upholding academic freedom and not enter into
any concession with any interest group. Moreover, we would be greatly
relieved if CHED issued a formal statement endorsing the use of any local or
international language in higher education…

I. Ilang Tesis

1. Bakit kailangan ang pagpapaplanong pangwika sa pamamagitan ng estado


at sistemang pang-edukasyon? Dahil hindi kusang lilitaw ang maipapalagay
ang itinuturing na “kanais-nais” na sitwasyong pangwika na panlahat kapag
mga indibidwal lamang ang nagpapasya hinggil sa mga usaping pangwika.
Halimbawa rito’y ang usapin ng pagkamatay ng ilang wika o linguicide
sapagkat diumano’y hindi na popular sa mga kabataan ang paggamit sa
mga ito dahil hindi itinuturing na prestihiyoso o mapagkakakitaan.
Halimbawa’y ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, na bagamat
sinasabing mangangahulugan na mas madaling makapag-abroad, ay hindi
naman optimal ang kognitibong bisa sa indibidwal at sa gayon ay may
pangmatagalang negatibong epekto sa pag-unlad ng bansa.

2. Mas mabilis at episyente ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa antas


pambansa kapag may komon na wikang ginagamit. Mas mataas ang
panloob na pambansang integrasyon sa ekonomiya, lipunan at kultura
kapag mabisang natutugunan ng (mga) wika ang papel nito sa pagpapadali
at pagpapadulas ng komunikasyon. Sa gayo’y may mahalaga rin itong papel
sa demokratisasyon ng lipunan. Ang pagdami ng wikang ginagamit ng isang
komunidad ay lumilikha ng papatindi at papatinding kompleksidad sa
sitwasyong pangkomunikasyon batay sa tinatawag na Batas ni Metcalfe.
Lalong tumataas din ang mga gastusin sa pagsasalin at paglalathala ng mga
aklat at materyales sa iba’t ibang wika. Ang European Union (EU) na may
dalawampung opisyal na wika sa kasalukuyan ay gumagastos bawat taon
ng mga $1.2B para sa pagsasalin lamang.
Batas ni Metcalfe : n(n-1)/2
2(2-1)/2=1 language pair
3(3-1)/2=3 language pairs
4(4-1)/2=6 language pairs
13(13-1)/2=78 language pairs
150(150-1)/2=11,175 language pairs
(Pagtaas ng kompleksidad habang dumadami ang mga wika)
20 ang mga Opisyal na Wika ng EU (190 Language Pairs)
Bulgarian, Croatian, Czech, Danish, Dutch, English, Estonian, Finnish,
French, German, Greek, Hungarian, Irish, Italian, Latvian, Lithuanian.
Maltese, Polish, Portuguese, Romanian, Slovak, Slovene, Spanish, Swedish

3. Tinataya ngang mas mura pa sa pangkalahatan ang pagpapalaganap ng


multilingguwalismo kaysa sa paggamit ng pagsasalin. Ngunit may sariling
gastusin ding kaakibat ang pagpapalaganap ng multilingguwalismo sa isang
lipunan sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon. Para sa bawat
wika na idinaragdag sa sistemang pang-edukasyon bilang wikang itinuturo
o wikang panturo ay may dagdag na gastusin. Kasama na rito ang para sa
sumusunod: (1) treyning ng mga guro, (2) paggawa ng mga libro at iba
pang mga gamit na panturo, (3) samu’t saring gastusing overhead. May
pagkakaiba rin ang antas at tindi ng mga gastusing ito depende sa saklaw
ng paggamit ng mga naturang wika sa sistemang pang-edukasyon bilang
wikang panturo at/o bilang hiwalay na sabjek. Kung mangangailangan ng
higit na rekurso ang pangangalaga ng dibersidad pangwika ay masasabing
hindi naman kalakihan ang kakailanganin para sa bawat isang wika ngunit
nagiging lalong mataas ang gagastusin habang paparami ang mga wika.
Ito’y sapagkat sa paggamit ng wikang pambansa at ng mga inangwika
bilang wikang panturo ay malaking rekurso ang dapat ilaan sa
istandardisasyon at pagdebelop ng mga wika para magamit ang mga ito
bilang wikang panturo at bilang mga wika ng mga propesyon at disiplina
(agham, matematika, inhenyeriya, batas, medisina, negosyo).
4. Ang sistemang pang-edukasyon ang pangunahing mekanismong
panlipunan para sa pagpapatupad ng polisiya o planong pangwika. Ito’y
sapagkat malaking bahagi ng badyet ng estado ang inilalaan para dito.

5. Tanggap na ng lahat na may malinaw na kognitibong bentahe ang


paggamit ng mga inangwika bilang wikang panturo. Sinasabi ring magiging
mabisa lamang ang paggamit ng ibang wikang panturo (tulad ng Ingles, iba
wikang dayuhan o wikang pambansa) kapag maunlad na ang antas ng
konseptuwal na pagkaunlad ng inangwika sa mag-aaral. Gayumpama’y
sinasabing may kognitibong bentahe ang paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo kumpara sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo
kahit maaaring pangalawang wika din ito sapagkat sa tunog, bokabularyo
at gramatika ay higit na magkakalapit ang mga wikang ito bilang bahagi ng
dambuhalang pamilyang pangwika na Austronesyano.

6. Hindi rin dapat paliitin ang papel ng pagka-mahiyain sa paggamit ng


wikang dayuhang mataas ang istatus tulad ng Ingles bilang malaking sagka
sa malayang talakayan, pagbabahagihan at pagtatanungan sa loob ng silid-
aralan ng mga kabataang Pilipino.

7. Ang isang pangalawang wika katulad ng Ingles ay hindi kinakailangang


gamiting wikang panturo upang maging mahusay ang mga mag-aaral sa
wikang ito. Nakasasapat ang epektibo at mabuting pagturo nito sa mga
sabjek na nakalaan sa pagtuturo nito. Nangangailangan dito ng mahusay na
pag-treyning ng mga guro. Tingnan ang mga bansa tulad ng Switzerland,
Netherlands, Germany o mga bansa sa Scandinavia. Hindi talaga uunlad
ang wikang Ingles ng kabataan sa pamamagitan ng naghihilangalong mga
Ingles ng kanilang mga guro sa kemistri, pisika o akawnting.

8. Isang tanong: may di kanais-nais ba na epektong kognitibo ang


pagkakahati ng pagtuturo ng magkakaibang sabjek sa magkakaibang wika?
Halimbawa’y sa Ingles itinuturo ang agham at matematika samantalang sa
Filipino o ibang inangwika itinuturo ang kasaysayan at mga asignaturang
pansining at panlipunan. Nagkakaroon ba ng suliranin sa pagtatagni-tagni
ng mga larangan ng kaalamang ito sa kamalayan ng mag-aaral?

9. Ang paggamit ng mas nauunawaang wika bilang wikang panturo ay


nagbabawas ng pag-aaksaya ng rekurso sa edukasyon dulot ng pag-uulit o
pag-dropout ng mga mag-aaral. Ito rin ay mangangahulugan ng mas
malalim na pagkaunawa na maaaring humantong sa higit na pagkaunlad ng
lipunan at ng bansa. Mas nakakatipid ito ng mga rekurso at lumilikha ng
mas magandang batayan sa pag-unlad ng bansa.

10. Kailangan pa bang mag-aral ng wikang Filipino kahit sa antas kolehiyo kahit
pa sa pagpapatupad ng K-12? Ang mga bansang Malaysia at Indonesia ay
ilang dekada nang nagpapatupad ng 12 taon ng basic education. May
Bahasa Melayu/Bahasa Indonesia pa ba sa GE Curriculum ng ilang
nangungunang unibersidad sa Indonesia at Malaysia?
Universiti Pendidikan Sultan Idris
‫إدري س س لطان ڤ ندي دي قن اون يۏر س ي تي‬

BMW3032 WACANA AKADEMIK BAHASA MELAYU


Kursus ini bertujuan meningkatkan kemahiran komunikasi wacana akademik
pelajar mengikut disiplin masing-masing.
Penekanan diberikan pada kedua-dua kemahiran bahasa, iaitu kemahiran
reseptif dan kemahiran produktif. Pelajar didedahkan dengan teori dan ciri
wacana akademik serta dilatih mengaplikasikan kemahiran komunikasi secara
berkesan.
LKM400 Bahasa Malaysia IV
This course is designed to equip students with the necessary skills to use
Bahasa Malaysia effectively for social, occupational and professional purposes.
The course emphasizes the four language skills - listening, speaking, reading
and writing. Listening and speaking are integrated and the focus will be on
achieving not only appropriateness and functional effectiveness but also
phonological accuracy in speech. The reading and writing components will
emphasize grammatical and semantic accuracy. Topics for essay writing will
provide students with the opportunity to learn logical processes related to
analysis, synthesis and exposition.

Universitas Gadjah Mada


UNU2302
BDU1105
Mampu menyampaikan gagasan ilmiah secara sistematis dengan bahasa
Indonesia yang baik dan benar.
MIE 1002 Bahasa Indonesia
Silabus: Bahasa Indonesia yang efisien, efektif dan bernalar dalam bidang Iptek.
Ejaan Bahasa Indonesia. Istilah, kata dan makna. Bangun kalimat bahasa
Indonesia. Bangun Paragraf bahasa Indonesia. Terjemahan dari bahasa Inggris
yang Idiomatis. Format naskah. Penulisan laporan praktikum, karya ilmiah dan
skripsi.

Universitas Indonesia

Bahasa Indonesia Akademik (HMIN600001)


Mata kuliah ini memberikan kemampuan kepada mahasiswa untuk
membedakan laras ilmiah dan laras populer, menerapkan kaidah tulis laras
ilmiah bahasa Indonesia, dan menerapkan prinsip-prinsip penyajian lisan
berbahasa Indonesia. Dengan aktivitas belajar aktif seperti diskusi kelompok
kecil, pembelajaran berbasis projek (membuat tulisan), dan pembelajaran
kooperatif, termasuk presentasi di dalamnya, pembahasan berfokus pada ciri-
ciri laras ilmiah dalam bahasa Indonesia dan perbedaannya dengan laras lain
(semiilmiah dan populer); kaidah kebahasaan (ejaan, tata kata, tata kalimat,
tata paragraf, dan tata wacana); serta prinsip-prinsip penyajian lisan dalam
bahasa Indonesia. Bahasa pengantar dalam kuliah ini adalah bahasa Indonesia.

Ilang posibleng layunin ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon kaugnay ng


mga wikang itinuturo at ipinapanturo:

Legend:
C Filipino
B English
A “inangwika”
3 5 4 3 Iloko, Pangasinan,
Kapampangan, Tagalog,
C Bikol, Waray,
Hiligaynon, Cebuano,
B
Maranao, Chavacano,
A Maguindanao, Tausug
3 5 4 3 Basic Ed:
a&b
C
Tertiary:
B
A c
6 7 6 5 4

C [150]
B
A
7 40 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 454

C [150]
B
A
6 28 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 304

C [150]
B
A
5 16 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 154

C X
B X
A
16 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Isang posibilidad
Yugto-yugto na sistemang bilingguwal sa Filipino at sa inangwika. Magsisimula
ang mag-aaral sa paggamit ng inangwika (o ilang “mas malalaking” inangwika)
bilang wikang panturo sa kinder at sa unang mga grado ng elementarya.
Ipapasok pagkaraan ang Filipino na ituturo bilang sabjek na hiwalay at bilang
wikang panturo sa karamihan ng mga sabjek at kurso hanggang sa kolehiyo.
Patuloy na gagamitin ang inangwika bilang wikang panturo sa ilang piling sabjek
mula kinder, elementarya, hayskul at kolehiyo. Ituturo sa pamamaraang
intensibo at mabisa ang Ingles bilang hiwalay na sabjek sa lahat ng antas.

Huling Tesis
Mahalagang ibalanse ang tatlong sangkap na (1) higit na episyenteng
panlipunang komunikasyon/integrasyon, (2) higit na mabisang mga wikang
panturo at (3) higit na dibersidad pangwika.
Bagamat may mahalagang batayan ang argumento para sa pagkakapantay-
pantay ng dignidad ng bawat wika na dapat talagang pangalagaan at
ipagtanggol, ang mismong panlipunan at pambansang pagkilala hinggil sa
karapatang ito ay mabubuo lamang sa pamamagitan ng isang panlipunang
konsensus na nangangailangan ding isagawa at mabuo sa pamamagitan ng isa o
iilang partikular na wika. Ang diskurso ng karapatan ay nangangailangan ng
(mga) wikang pantawid sa pagitan ng iba’t ibang etnolinggwistang grupo upang
ito’y maisagawa at magkaroon ng bisa.
Importante ang pagbabalanse ng dibersidad pangwika na mahalaga para sa
identidad at damdamin ng integrasyong panlipunan ng mga
etnolingguwistikong grupo at ang pagsulong ng pambansang wika na
sinasabing mahalaga rin mula sa punto de bista ng identidad na pambansa at
ng panloob na integrasyon ng bansa. Pampulitika at pangkasaysayang usapin
ang pagbabalanse ng mga aspektong ito na hindi kinakailangang
magkasalungat.
Maraming pagdududa hinggil sa pagdating ng ASEAN Integration,
gayumpaman, kaharap ng ganitong hamon ng panlabas na integrasyon ay higit
na kinakailangan sa Pilipinas ang panloob na integrasyon ng ating ekonomiya,
lipunan at kultura. Mahalaga ang papel ng wika o ng mga wika sa Pilipinas sa
usaping ito.

You might also like