Professional Documents
Culture Documents
Kagamitang Pampagtuturo
Kagamitang Pampagtuturo
Mabisa rin itong kagamitang pampagtuturo dahil nahahasa ang pakikinig ng mga
mag-aaral ukol sa paksang kanilang itatanong o itatalakay, nagsisilbi rin itong taga-tsek
ng maling bigkas o intonasyon. Pinasisigla nito ang iba’t ibang gawain ng mga bata,
nagbibigay-kawilihan ito at nagpapatayog ng imahinasyon ng mga mag-aaral,
nanggaganyak din ito upang maging malikhain ang mga mag-aaral.
Telebisyon
Mabisang kagamitang pampagtuturo ang telebisyon sapagkat ito ay naghahatid
ng aliw, kaalaman, balita at pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Nalilinang dito ang
kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa mga napapanood nilang palabas sa telebisyon.
Bagamat maraming natututuhan ang mga bata ay kinakailangan naman ang patnubay ng
mga magulang o guro sa pagpili ng kanilang papanoorin.
Prodyektor
Mabisa itong kagamitang pampagtuturo sapagkat ito ay ginagamit upang
magmukhang malaki ang isang maliit na larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa
telon. Ang mga detalyeng hindi malinaw sa orihinal na larawan, guhit o bagay ay
nagiging malinaw kapag ginagamit ang prodyektor.