Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 9

(Umaga, sa harap ng bahay ni Kapitan Tiago ay mayroong karwahe)

Habang sina Maria Clara at Tiya Isabel ay naglalakad papunta sa kanilang karwahe,
nakita nila si Padre Damaso na papunta sa kanilang direksyon.

Maria Clara at Tiya Isabel: Magandang araw ho Reverencia.

Padre Damaso: Buenos Dias Isabel, Maria Clara. Mukhang mayroon kayong pupuntahan. Saan
kayo patungo?

Tanong ni Padre Damaso habang hinahawakan ang malambot na pisngi ng dalaga.

Maria Clara: Sa Beateryo po Padre, kukuhanin ko lamang po ang aking mga natirang
kagamitan doon.

Padre Damaso: Bueno! Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay.

Tiya Isabel: Muchas Gracias, Padre.

Padre Damaso: Ha! Tignan nalang natin kung sino ang masusunod sa atin… tignan natin.
(pabulong na sabi ng Padre habang naglalakad patungo sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago)

Lumitaw ang pagtataka sa mukha nina Maria Clara at Tiya Isabel dulot ng mga salitang

isinambit ni Padre Damaso.

Tiya Isabel: Mukhang naghahanda si Padre ng sermon para sa misa mamaya. Halika na’t baka
mahuli pa tayo.

(Sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago)

Pumanhik ng hagdanan si Padre Damaso. Nahalata agad ni Kapitan Tiago na mayroong


malalim na iniisip ang Padre dahil hindi niya iniabot ang kaniyang kamay nang
magtangka siyang halikan ito.

Padre Damaso: Santiago… Santiago… Santiago…

Kapitan Tiago: Ano po ang sadya ninyo dito Padre?

Padre Damaso: Mayroon tayong mahalagang bagay na kailangang pag-usapan. Pumunta tayo sa
iyong opisina.
Kabanata 9

Nanahimik si Kapitan Tiago at sumunod sa sinabi ng Padre. Sinarado ng Padre ang

pintuan sa kaniyang opisina.

Sa kabilang dako, pagkaraan ng misa ni Padre Sibyla ay tumuloy siya sa kumbento ng


mga Dominiko sa Puerta de Isabel II.

Naglakad si Padre Sibyla patungo sa isang silid at kumatok siya sa pintuan.

Padre: Adelante

(Sa loob ng isang silid)

Tumambad sa paningin ni Padre Sibyla ang anyo ng isang Padreng may sakit.

Padre Sibyla: Como estas Padre?

Tinitigan ni Padre Sibyla ang matandang Padre na para bang naghihintay sa sasabihin

ng matanda.

Padre: Ah! Sa edad ko ngayon, pinayuhan na ako para sumailalim ng operasyon. Itong bansa,

itong miserableng bansa!

Padre Sibyla: Ano na ang iyong desisyon?

Padre: Alam kong nalalapit na ang aking katapusan…Kamatayan, iyan ang naghihintay sa akin.
Mayroon pa bang natitira para sa akin? Nagdusa na ako nang sobra at marami na din akong
pinahirapan. At ikaw? Kumusta ka? Bakit ka naparito?

Padre Sibyla: Nandito ako para balitaan ka sa trabahong ibinigay mo sa akin. (umupo sa
harapan ng Padre)

Padre: Ah! At ano iyon?

Padre Sibyla: Psh! (inikot ang upuan at tumingin sa kabilang banda) Puno ng kasinungalingan
ang nakapaligid sa atin. Si Ibarra ay hindi isang mangmang, siya ay edukado at mayroong
dignidad.

Padre: Paano mo nasabi iyan?


Kabanata 9

Padre Sibyla: Tumayo. Nagsimula na ang alitan kagabi.

Padre: Kaagad? At paano?

Padre Sibyla: Kung sabagay, papakasalan ni Ibarra ang anak ni Kapitan Tiago. Siya ay
mayaman at hindi niya gugustuhing magdulot ng away kung ang magiging bunga nito ay ang
pagkawala ni Maria Clara sa kaniyang buhay.

Sumang-ayon ang matandang Padre.

Padre: Kung gayo’y maaari natin siyang gamitin para sa ikasusulong ng ating korporasyon at
pati na rin sa ikabubuti ng ating kapatiran.

Nagulat si Padre Sibyla sa sinabi ng Padre.

Padre Sibyla: Iyan ba ang nasa isip mo?

Padre: Isipin mong mabuti… unti-unti nang nawawala ang ating mga kayamanan. Lubhang
matatalino ang mga indio, hindi sila kumakagat sa mataas na buwis na ating ipinapataw kaya’t
nauubos na ang ating mga ari-arian.

Padre Sibyla: Ngunit hindi naman maglalaho ang ating mga hacienda at lupain.

Padre: Hindi na nararapat ang pagtaas ng buwis sa ating mga lupain dahil natututo na ang mga
Pilipinong bumili ng lupain sa ibang lugar na higit na mas maganda sa ating mga lupain.

Padre Sibyla: Ah! Ang inyong Reverencia ay naniniwala na ang buwis at…

Padre: Huwag na nating pag-usapan ang pera. Nabanggit mo kanina na ang Tinyente ay
nangako kay Padre Damaso…

Padre Sibyla: Opo Padre. Ngumisi si Padre Sibyla. Ngunit kaninang umaga’y nakita ko ang
Tinyente at sinabi niya sa akin na siya’y nagsisisi. At ang pangako? Sinabi niya na marunong
siyang tumupad sa mga pangako.

Padre Sibyla: Ang Tinyente ay hindi nagsumbong sa Kapitan-Heneral… at di-umano, siya ay


nakikipag-alyansa pa kay Padre Damaso. Ngunit sa huli’y nalaman pa din ng Kapitan ang buong
pangyayari.

(Sa opisina ni Kapitan Heneral)


Kabanata 9

Kapitan Heneral: Saan mo nakalap ang balitang iyan? Tanong ng Kapitan habang nakangisi

Tagapagsilbi: Kay Laruja po Kapitan, sa isang pahayagan.

Kapitan Heneral: Alam ko na hindi nila sinunod ang aking kautusan. Alam ko din na hindi
nakatanggap ng parusa si Padre Damaso subalit siya’y napalipat pa sa higit na mas mabuting
bayan.

Kapitan Heneral: Mierda! Kung hindi lamang inutil ang mga tao, malamang sa malamang ay
wala na ang aking Reverencia! Estupido!

(Balik sa silid ng Padreng may sakit)


Padre Siblya: Bueno, ako’y mauuna na Padre.
Padre: Adios Padre Siblya. Pagpalain ka nawa ng Panginoon.
(Balik sa bahay ni Kapitan Tiago)
Sa kabilang banda naman, natapos na ang pag-uusap nina Kapitan Tiago at Padre

Damaso.

Padre Damaso: (naghahanda para umalis) Estupido! Ang lahat ng ito ay naiwasan sana kung
hindi ka nagsinungaling! Binabalaan kita Kapitan. Kailanma’y huwag mong tatangkain na
maglihim ulit sa akin.

Pagkaalis ni Padre Damaso ay napabuntong- hininga si Kapitan Tiago dulot ng kanilang


malalim na pag-uusap ni Padre Damaso. Pagkatapos nito ay pinatay ni Kapitan Tiago
ang mga ipinatulos niyang kandila para sa ligtas na paglalakbay ni Ibarra.

Kapitan Tiago: Mayroon pang oras, at mahaba pa ang paglalakbay.

You might also like