Professional Documents
Culture Documents
Pitong Kuwento
Pitong Kuwento
Salin ni
Fidel Rillo
Aklat ng Bayan
Metro Manila
2015
reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o
gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.
Recommended entry:
Inilathala ng
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel, San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
E-mail: komfil.gov@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph
The National Commission for Culture and the Arts (ncca) is the overall coordination and
policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promot-
ing culture and the arts.The ncca promotes cultural and artistic development: conserves and
promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of
artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and
integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of the national
cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and
activities. The ncca administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts
(nefca).
Destiyero (1892)...................................................................14
vi
10
11
12
(1885)
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
(1892)
26
27
28
29
30
31
(1894)
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
(1898)
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
(1898)
64
65
66
67
68
II
Isang linggo na ang nakalipas mula nang sila’y magkakilala. Noon
ay pista. Maalinsangan sa loob ng mga bahay, ngunit umaalim-
bukay ang alikabok sa labas, at tinatangay ang mga balanggot.
Maghapong nauuhaw si Gurov, at pabalik-balik sa tindahan ng
pampalamig upang mag-alok ng inumin o sorbetes kay Anna
Sergeyevna. Hindi ito matatakasan.
Nang bahagyang humupa ang hangin kinagabihan, naglakad
sila patungo sa pantalan upang panoorin ang paparating na barko.
Maraming naglalakad sa kahabaan ng pantalan: naroon sila, dala
ang bungkos ng mga bulaklak, upang salubungin ang mga kai-
bigan. Dalawang kakaibang tanawin sa masasayang lipon ng mga
tao sa Yalta ang namumukod: nakadamit nang tulad sa kabataan
ang mga nakatatandang babae, at napakaraming heneral.
Dahil maalon ang dagat, nabalam ang pagdating ng barko,
nang nakalubog na ang araw, at natagalan bago naiayos ang
pagkakahimpil nito sa gilid ng daungan. Nakasilip sa lorgnette,
sinuyod ng paningin ni Anna Sergeyevna ang kahabaan ng barko
at mga pasahero nito, na tila naghahanap ng mga kakilala, at nag-
niningning ang kanyang mga mata nang bumaling kay Gurov.
Marami siyang sinabi, kasabay ang mga bigla’t kagyat na tanong,
69
70
71
ang sarili! Hindi ang asawa ko ang aking dinaya, kundi ang
aking sarili! At hindi lamang ngayon, matagal ko nang dinadaya
ang aking sarili. Sabihin mang mabuti’t tapat ang aking asawa,
ngunit isa rin siyang utusang sunod-sunuran! Hindi ko alam
ang kanyang gawain, kung paano siya maglingkod, ngunit alam
kong siya’y utusan! Dalawampung taon ako nang pakasalan siya.
Sakmal ako ng mga pag-uusisa. Kinasabikan ko ang anumang
higit na mabuti. Sinabi ko sa sariling tiyak na may iba pang uri
ng buhay! Ibig kong mabuhay! Mabuhay at mabuhay lamang!
Pinag-aapoy ako sa mga tanong at pag-uusisa. Hindi mo mauu-
nawaan, ngunit sumusumpa ako sa Diyos na hindi ko na hawak
ang aking sarili! May kung anong kakatwang nagaganap sa akin.
Hindi ko mapigilan. Sinabi ko sa aking asawang may sakit ako,
at nagtungo rito… At palakad-lakad ako ngayong tila tulala, tila
nawalan ng sariling bait… At isa na lamang akong mababa at
karaniwang babae ngayon, at maaaring kasuklaman ng sinuman!”
Bagot na bagot si Gurov sa pakikinig sa kanya. Ikinayamot
niya ang walang muwang na himig nito, at ang pagdadalang-
sising hindi inaasahan at hindi bumabagay sa nagaganap. Kung
hindi lamang sa mga luha nito, naisip ni Gurov na nagbibiro ito
o may papel lamang na ginagampanan.
“Hindi ko maintindihan,” marahang sabi ni Gurov. “Ano
bang gusto mo?”
Itinago ng babae ang mukha sa dibdib ni Gurov at inilapat
ang katawan sa kanya.
“Paniwalaan mo ako, paniwalaan mo ako, nakikiusap ako,”
wika nito. “Ibig ko ng isang tapat at dalisay na buhay, at kasuk-
lam-suklam sa akin ang kasalanan. Hindi ko alam ang aking gi-
nagawa. May mga karaniwang taong magsasabing: ‘Inakay siya sa
kapahamakan ng Siyang Masama,’ at masasabi ko ngayon sa sarili
na inakay ako sa kapahamakan ng Siyang Masama.”
“Huwag kang magsalita ng ganyan,” anas ni Gurov.
72
73
74
75
III
Nalalapit na ang taglamig sa bayan ni Gurov sa Moscow. Napainit
na ang mga kalan, at madilim pa nang magsigising ang mga bata
upang mag-almusal at pumasok sa paaralan, at ilang saglit pa ay
sisindihan na ng tagapag-alaga ang lampara. Nagyeyelo na ang
hamog. Kapag bumabagsak na ang unang niyebe, at nagsisilabas
sa unang pagkakataon ang mga taong sakay ng kanilang trineyo,
kaigaya-igayang makita ang puting lupain, ang mga puting bu-
bong: nakahihinga nang bahagya at banayad, at maaalala ng sinu-
man ang mga araw ng kanyang kabataan. May kagiliw-giliw na
katangian ang matatandang puno ng limon at abedul: higit silang
malapit sa puso ninuman kaysa sipres at palmera; at sa tabi ng
mga ito’y hindi na kailangang mangarap ng mga kabundukan at
karagatan ang sinuman.
76
77
78
79
80
ang sarili sa piling ng iba pang lalaki, at likas iyan sa isang ba-
baeng nasa kasibulan na walang namamasdan mula umaga hang-
gang gabi kundi ang kasumpa-sumpang bakod. Bumalik siya sa
kanyang silid sa hotel at matagal na naupo sa sopa, hindi mala-
man ang gagawin. Nagpadala siya ng hapunan at natulog nang
matagal.
“Napakalaking kahangalan at nakababahala!” naisip niya
nang magising at tumingin sa madilim na bintana, dahil lumatag
na ang gabi. “Nakatulog na ako, ano pa ang dapat gawin ngayong
gabi?”
Naupo siya sa kama, na nababalot ng mumurang abuhing
kumot tulad ng makikita sa mga ospital, at tinuya nang may poot
at inis ang sarili.
“Hayan ang iyong mutyang may alagang aso… Hayan ang
iyong magaling na pakikipagsapalaran! Nasa tamang kalalagyan
ka na!”
Gayunman, habang nasa himpilan ng perokaril nang uma-
gang iyon, napag-ukulan niya ng pansin ang isang karatulang
naghahayag sa malalaking titik ng unang pagtatanghal ng Ang
Geisha. Naalala niya ito at tumungo sa teatro.
“Manonood siya malamang sa unang gabi,” wika niya sa
sarili.
Puno ang teatro. Tulad sa kadalasang makikita sa mga tang-
halan sa lalawigan, may makapal na lambong sa itaas ng aranya, at
maingay at hindi mapakali ang mga tao sa galerya. Nangakatayo
sa unang hanay ng orkestra ang mga maginoo ng bayan at nakasa-
likop ang mga kamay sa kanilang likod, naghihintay sa pagbubu-
kas ng tabing, samantalang sa palko ng gobernador, nakaupo sa
harapan ang anak nitong babaeng may mahabang panwelo, na-
kaupong di-gaanong pansin ang gobernador sa kabila ng makapal
na kurtina, at tanging kamay ang nakikita. Umuugoy ang tabing;
inaabot nang matagal ang pagtotono ng orkesta. Samantalang
81
82
83
IV
At nagsimulang magtungo sa Moscow si Anna Sergeyevna upang
katagpuin siya. Tuwing ikalawa o ikatlong buwan, umaalis ito sa
bayan ng S---, at sinasabi sa asawang sasangguni siya sa isang
manggagamot tungkol sa mga suliraning pangkalusugan ng mga
babae, at pinaniniwalaan o hindi siya pinaniniwalaan ng asawa.
Sa Moscow, lagi siyang tumutuloy sa Slavyansky Bazaar Hotel,
84
85
86
87
(1899)
88
89
90
91
92
93
94
95
II
Nagmisa ang Obispo sa katedral sa bayan kinabukasan, Domingo
de Ramos. Dumalaw siya pagkaraan sa arsobispo, at dumalaw sa
isang biyudang may malubhang karamdaman at asawa ng isang
heneral, at pagkaraa’y nagpahatid pauwi. Dakong ikalawa ng
hapon, naging panauhin niya sa tanghalian ang dalawang mina-
mahal—ang kanyang matandang ina at ang kanyang pamang
king si Katya, na walong taong gulang. Sa kabuuan ng tanghalian,
dumaloy mula sa patyo papasok sa bintana ang liwanag ng araw
ng tagsibol, at magiliw na lumapag sa puting tapete at sa pulang
buhok ni Katya. Naglalagos sa kambal na salaming bahagi ng
mga bintana ang iyak ng mga uwak at ang pag-awit ng mga es-
tornino sa hardin.
“Siyam na taon na mula nang huli tayong magkita,” ang sabi
ng matandang babae, “ngunit nang makita kita sa kumbento ka-
hapon, mahal na Panginoon, walang nabago sa iyo kahit kaunti,
bagama’t bahagya kang namayat at higit na humaba ang iyong
balbas! O, Banal na Ina, Reyna ng Langit! Sa misa kahapon nang
gabi, hindi napigilan ng mga naroon ang kanilang luha—nana
ngis silang lahat, at nang makita kita, nanangis din ako, bagama’t
alam ng Diyos kung ano ang aking itinatangis. Iyon ang banal na
kalooban ng Diyos!”
Ngunit sa kabila ng magiliw na himig ng kanyang pakiki
pag-usap sa Obispo, malinaw na hindi mapalagay ang matanda,
hindi alam kung dapat pa siyang gumamit ng “po” at “opo” o
ng higit na pormal na “kayo,” o kung dapat ba siyang tumawa o
hindi, at nararamdaman niyang tila higit siyang biyuda ng isang
dyakono kaysa ina ng obispo, samantalang nakaupo roon si Katya
at nakapako ang tingin sa amain, ang Obispo, na tila ba pinipilit
tuklasin kung anong uring lalaki ito. Kumawala na ang buhok
ni Katya mula sa suklay at sutlang laso, at nakatayo ngayong tila
sinag sa ulo; nakatikwas ang kanyang ilong, at malikot at may
kailapan ang mga mata. Nakabasag na ng kopita ang bata bago
96
97
98
99
III
Isang matandang lalaki ang arsobispo, napakataba, at mahigit
isang buwan nang nakaratay dahil sa rayuma. Halos araw-araw
siyang dinadalaw ni Obispo Pedro, na humaharap din sa lahat
ng suplikanteng nagsasadya sa arsobispo. Ngayong siya ang may
100
101
102
103
IV
Nagdaos siya ng misa sa katedral noong Huwebes. Ito ang
Paghuhugas ng mga Paa. Nang tapos na ang misa at nakauwi na
ang mga tao, at masayang sumisikat ang araw, maingay na duma-
daloy ang tubig sa gilid ng daan, at lumulutang mula sa bukid sa
labas ng bayan ang walang tigil na awit ng mga langay-langayan,
banayad na nagpapahiwatig ng kapayapaan. Nangagsisigising na
ang mga puno at nakangiting bumabati, at nakalatag sa kanilang
ibabaw ang di-maaarok, di masusukat na bughaw na langit.
Nang makarating sa bahay ay uminom ng tsaa si Obispo
Pedro, nagpalit ng damit, nahiga sa kama, at sinabihan ang
hermano na isara ang mga bintana. Dumilim sa silid-tulugan.
Dinaramdan niya ang pagkapagod, ang sakit sa kanyang mga
binti at likod, ang dumadagang malamig na sakit, ang mga ingay
sa kanyang pandinig! Matagal na siyang hindi nakakatulog—tila
napakatagal na nga ngayon—at may ganap na di-mahalagang
bagay ang umuukilkil sa kanyang utak habang siya’y pumipikit,
na pumipigil sa kanya sa pagtulog.Tulad ng kahapon, narinig niya
mula sa kabilang silid ang mga boses, ang kalansing ng mga baso
at kutsarita… Masayang nagkukuwento si Maria Timofeyevna
kay Padre Sisoi, sa mabirong pananalita, at sumasagot kung
minsan ang matandang lalaki sa magaspang, masungit na boses:
“Pagkatapos, anong nangyari? Talaga bang ginawa nila ang ga-
noon? At ano ang sumunod?” At muli nakaramdam ang Obispo
ng inis at sama ng loob na kumikilos nang karaniwan at payak
ang kanyang matandang ina kapag iba ang kausap, samantalang
lagi itong nag-aalangan, hindi masalita, at ayaw sabihin ang ibig
sabihin sa kanyang anak, at sa mga araw na iyon natitiyak niyang
sinisikap nitong makahanap ng dahilan upang tumayo, na tila ba
nahihiyang maupo sa kanyang harap. At ang kanyang ama? Ito
man, kung nabubuhay pa, ay malamang na hindi rin makaiimik
kung siya ay kaharap…
104
105
106
107
108
109
110
(1902)
111
112
113