Patakarang Pasipikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PATAKARANG PASIPIKASYON

Ang patakarang pasipikasyon ay ginamit ng panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa ating


bansa.

- Layunin ng patakarang pasipikasyon na tuwirang masupil ang nasyonalismong Pilipino


dahil sa maraming Pilipino ang nakikipaglaban para makuha ang minimithing kalayaan
ng bansa laban sa mananakop. At isa pang layunin nito ang bawal na pagbabatikos sa
mga Amerikano. Sa panahong ito, nabuo ni Macario Sakay ang Partido Nacionalista na
sumulong para sa kasarinlan ng bansa laban sa mga Amerikano. Dahil dito, pinatawan si
Macario Sakay ng bitay ng Gobernador Sibil na si William Taft na nagtapos ng kanyang
buhay.

LAYUNIN NG PATAKARANG PASIPIKASYON

- layunin nitong supilin ang nasyonalismong pilipino sa higit sa nakararaming pilipino na


patuloy na nakikipaglaban para sa ganap n kalayaan ng bansa.
- Ipnagbabawal ang pangbabatikos sa mga amerikano
- Halos sampung taon ng pakikipagdigmaan ng mga kapwa pilipino sa mga hapones at
amerikano, hindi parin napapasuko ang mga pilipino sa pakikipaglaban sa mga hapones.

PATAKARANG KOOPTASYON

Bago natin sagutin kung ano ang Patakarang Kooptasyon, nararapat na muna nating malaman
kung kailan ito isinagawa. Matapos ang pagsuko ng mga Kastila noong matalo sila sa Digmaang
Amerikano-Kastila, isinuko rin ng Espanya ang ilan sa mga kolonya nito sa Estados Unidos tulad
ng Cuba kasama na ang Pilipinas. Inakala ng mga Filipino noon, sa pamumuno na rin ng traydor
sa rebolusyon na si Emilio Aguinaldo, na malaya na ang Pilipinas matapos mapaalis ang mga
Kastila subalit nanatili ang mga Amerikano upang magtatag ng isang pamahalaan na
nakadepende sa Estados Unidos. Marami ang pinagdaanan ng mga Amerikano at nagpatupad ng
mga polisiyang magpapapayapa sa buong kapuluan.

*Patakarang Kooptasyon

• 1902 – Batas Laban sa Panunulian (Brigandage Act)- Bawal ang pagsapi sa pangkat na
ginagamit ang armas laban sa mga Amerikano.

• 1903 – Batas Rekonsentrasyon-Layunin nito na ihiwalay ang suporta ng:* Sibilyan -


ordinaryong mamamayan* Rebolusyonaryo - nakikipaglaban sa mga Amerikano

• 1907 – Batas Bandila (Flag Law)-Bawal ang anumang sagisag na may kaugnay sa kalayaan at
Rebolusyonaryong Pilipinas ng 1896

Brindage Act
Batas Panunulisan (Brigandage Act sa Ingles) ipinatupad ito noongNovember 12 1902 ay
isang batas na nagbabawal sa mga Filipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang
makabayan. Ang anumang uri ng pag-aaklas laban sa mga Amerikano ay itinuturing na gawaing
kawatan. Ito ay ipinatupad sa tulong ng Komisyon ng Filipinas noong panahon ng pananakop ng
Amerika. Ang parusang maaaring ipataw sa isang indibidwal ay maaaring umabot sa
kamatayan. Maraming rin napakulong at naparusahan dahil dito. Kasama na roon si Macario
Sakay

Ang Flag Law noong 1907 ay nagbabawal ng pag-display ng mga watawat, bandila, sagisag,
aparato na ginamit sa isla ng Pilipinas para sa layunin ng paghihimagsik o insureksyon laban sa
awtoridad ng Estados Unidos, at ang pag-display ng watawat ng Katipunan, bandila ng
Katipunan, sagisag ng Katipunan o aparato ng Katipunan.

Pagkaraang makapagtatag ng Pamahalaang Militar, nagpatupad ang mga Amerikano ng mga


programang sumikil sa kalayaan ng mga Pilipino. Ang Batas Sedisyon ay ipinatupad upang
sikilin ang kalayaan ng mga Pilipino sa pagpapahayag

Batas Sedisyon o Sedition Law

Sa kabila ng pagsisikap ng mga Pilipino sa Mababang Kapulungan na patunayang may


kakayahan sila sa pamamahala ay may pagsalungat din ang mga Amerikano na nasa Komisyon
ng Pilipinas bilang Mataas na Kapulungan. Ilan dito ay ang pagpapawalang-bisa sa Batas
Sedisyon noong 1901 na nagpaparusa ng kamatayan o matagalpagkakabilanggo sa mga Pilipino
sa pagsasalita, pagsusulat, o pagtangkilik sa pag sasarili atpag hihiwalay ng Pilipinas sa Estados
Unidos. pinamunuan ito William Howard Taft at ipinatupad ito noong November 4 1901

You might also like