Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saranggola ni Efren R.

Abueg
1. 1. SaranggolaEfren R. Abueg
2. 2. • Rading, Paquito at Nelson… pakinggan nyo ito. • May isang batang walong taong
gulang. • Humihiling siya ng guryon sa ama. • Tinuruan na lamang niya ito ng “Saranggola”
kaysa sa guryon. • Siya ay anak ng kaisa-isang estasyong ng gasolina sa kanilang bayan. •
Lumipas ang panahon at iba na ang hinihiling ng anak sa ama: damit, sapatos, malaking
baon at pagsama- sama sa barkada. • Sila rin ay nagmamay-ari ng machine shop. • Hiniling
ng ama niya na magtipid ang kanyang anak.
3. 3. • Nagtanim ng hinanakit ang bata sa ama dahil sa mga kagustuhan ng kanyang ama. •
Gusto ng kanyang ama na siya ay maging isang inhinyero. • Nang siya ay labingwalo na,
kumuha siya ng kursong Commerce kasama ng kanyang barkada. • Ngunit sinabi ng
kanyang ama na hindi niya hilig ang Commerce mas bagay ang Mechanical Engineering sa
kanya. • Dahil sa kagustuhan ng ama para sa kanya ay napilitan siyang tumiwalag sa
kanyang barkada. • Ito ay nagbunsod ng hindi na hinanakit kundi isang paghihimagsik na sa
kanyang ama.
4. 4. • Ayaw na mag-aral ng binata sapagkat ang katuwiran niya ay ipamamana naman ng
kanyang mga magulang ang kanilang ari-arian sa kanya. • Sinabi naman ng kanyang
magulang na pagkatapos niya ng pag-aaral at magtatagumpay siya sa kanyang hanapbuhay
at magiging magaan ang lahat sa kanya. • Hindi nauunawaan ng binata ang mga pangaral
sa kanya ng magulang pero makapagtitiis pa siya kaya nag- aral siyang mabuti. • Nang
makapagtapos siya ng pag-aaral ay napabilang siya sa nangungunang unang dalawampu sa
gobyerno. • Binigyan ng ama siya ng limampung libong piso upang magamit niya ito sa
magiging hanapbuhay niya. • Ngunit ang akala niya ay mapupunta na sa kanya ang kanilang
machine shop.
5. 5. • Sa kabila nito ay tinanggap pa rin niya ang pinagkaloob sa kanya ng kanyang ama. •
Pero lubos pa rin ang paghihimagsik niya sa kanyang ama. • Nagtayo siya ng sariling
machine shop sa dulo ng kanilang bayan. • Tinanong ng ama, bakit hindi sa ikatlong bayan
siya nagtayo dahil magkakakumpitensya pa sila. • Isang taong nagtiyaga ang binata sa
pamamahala ng maliit na machine shop. • Dahil mas maraming parokyano ang kanyang
ama ay nalugi siya kaya napilitan siyang humiram ng labindalawang piso mula sa ama. •
Hindi binigyan ng ama ang binata dahil hindi siya sumunod sa sinabi ng ama na umiwas sa
kumpetisyon.
6. 6. • Noon ay lalong nagsiklab ang binata at naglayas. • Nagpalipat-lipat kung saan-saang
trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng isang maliit na machine shop. • Sa loob ng tatlong taon, ay umunlad siya at
nagkaroon na din ng asawa’t tatlong anak. • Dinalaw ng ina ang kanyang apo at siya at
sinabing gusto siyang makita ng kanyang ama. Ngunit pinagwalang-bahala lamang niya ito. •
Sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. • Isang araw
pag-uwi niya ay hindi niya dinatnan ang kanyang anak at asawa. • Sinabi ng katulong na
pumunta sila sa kanilang probinsya.
7. 7. • Kinabukasan ay bumalik sin siya sa bayang sinilangan. • Nabigla ang lalaki ng makitang
patay na ang kanyang ama. Nahalinhinan ng pagsisisi ang hinanakit. • Ngunit sinabi ng ina
na huwag kang umiyak dahil walang hinanakit sa kanya ang kanyang ama dahil nasunod
naman niya ang mga pangarap ng ama para sa kanya. • Lumapit siya sa kabaong at humalik
sa pisngi ng yumao, dito ay naalala niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
8. 8. • 1. Ilang taon ang batang lalaki na tinutukoy sa kwento? • 2. Ano ang unang hinihiling ng
bata sa ama? • 3. Ano ang hiling ng ama sa bata? • 4. Ano ang kursong kinuha niya ng
siya’y labingwalong taong gulang? • 5. Magkano ang ibinigay ng ama sa kanyang anak
upang maging puhunan? • 6. Ilan ang apo ng nanay ng batang nagrerebelde? • 7. Ilang taon
ang nakalipas nang makaipon ng sampung libo ang lalaki? • 8. Saan nakatayo ang machine
shop ng lalaki? • 9. Sino ang may akda ng maikling kuwento na “Saranggola? • 10. Kanino
kinuwento ang kwentong Saranggola? QUIZ…

You might also like