Professional Documents
Culture Documents
1935 Constitution
1935 Constitution
184 na nilagdaan ng
Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng
Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging
unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public
Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa
Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre
Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y
University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa
Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng
opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947,
inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng
Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali
at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del
Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East
Avenue, Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong
Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag
naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain
sa bisa ng Batas Republika 7104, ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na
magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa
na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng
isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.
1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
kautusan pangkagawaran; ito’y sinundan ng sirkular Blg. 26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon
Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa mataas na paaralan at
sa mga paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang
wikang Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas.
1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4
taun-taon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang
pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
1959 (Agosto 13) – Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang
PILIPINO ang siyang gagamitin.
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong –aralan 1963-1964. Ang
mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.
1967 (Okt 24) – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum
Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang
karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay
ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas
din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa
Filipino.
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay
idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok linggwistika ng kapuluan.
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang
Batas sa mga wikang sinasalita ng maylimapung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probidyon
ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3.
18. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin
sa mga guro Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino.
19. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978)
Accelerating the Attainment of the Goals of Bilingual Education.
20. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978)
Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim
Lourdes Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
21. Kautusang blg. 52 (1987)
Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987
22. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)
Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong
Bilinggwal ng 1987.
Maliwanag ang isinasaad ng batas, ngunit ang naging isyu ay ang kahulugan ng salitang Filipino. Ano
ang ibig sabihin ng Filipino? Ito ba ay ang Tagalog na binihisan lamang ng bagong pangalan.
Ang ating bansa ay binubuo ng maraming wika at wikain sa bawat rehiyon at ang bawat rehiyon ay
naghahangad na ang kanilang wika ay maisama kundi man siyang gawing wikang pambansa.
Sakasalukuyan,kapag sinabi mong ang batayan ng wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na
sa ilang bahagi ng Cebu at Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na pagpapalaganap ng wikang pambansa.
Marami rin ang nagtatanong kung ito bang “Filipino” ay ang Linggua Franca na ginagamit sa Maynila.
Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat ang mga di-Tagalog,baka di
malayong ang wikang “English” an gating maging wikang pambansa.
Ang Tagalog ang hindi ‘mother tongue’ng pinakamalawak na pangkat linggwistiko bagama’t
maaaring masabi na ang Tagalogang may pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay
ang wikang Cebuano na lalong may maraming nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas ay may 52%
ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog.
Sa ilang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin kung tagalong nga ang
bataayn ng wikang pambansa tulad nang pairalin ang “Bilingual Education System” dahil ditto ay inalis sa
mga paaralan ang paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay sa
Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros Occidental,na kung saan ang lahat ng mga mag-
aaral at mga guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon.
Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay nagsasalita ng
magkaibang wika, Ilokano at Kapampangan o Bisya at Bikol, atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at
English. Wala itong suliranin sa Metro Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog
ang wika ng mamamayan.
Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng Wika na ang paggamit ng
wikang Filipino ay walang suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya
at Mindanao, ang kailangan lamang ay pagpapaliwanag, bagama’t kailangan muna ay magkasundo ang
gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay hindi nagkakaisa, hindi maniniwala ang
pinagpapaliwanagan.
Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag-unlad ng ating
wika. Nagpalabas ang pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag-uutos ng:
ANG TALAMITAM
(Komunikasyon)