Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT Kasaysayan pala’y mababago isang saglit

PAGKAKAISA sa dakong silangan . . . doon sa silangan


ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit
NI PAT V. VILLAFUERTE naantig ang diwang inaliping higit
Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay tumibok ang pusong dating di-humihibik
ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan; nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan. ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo,
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig: magkakapatid
ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig.
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit: laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit. Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilala’t di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap,
matalino’t mangmang, aktibista’t militar.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
kami’y palayain o bayan kong minamahal. mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid.
nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
A, oo nga pala
bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
may busal ang bibig, may gapos-tanikala Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
wikang ginagamit sa lahat ng dako
Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,
ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano
sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y Filipino!
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo
wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo
henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.
may tagisan ng matuwid,
maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.

Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat


tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.

Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit


wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.

At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!

Ah,
hanggang kailan susukatin?
hanggang kailan bubuhayin?
hanggang kailan maaangkin?

Layang mangusap, layang sumulat


layang mamuhay, layang manalig
layang humalakhak, layang maghimagsik
maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!

You might also like