Professional Documents
Culture Documents
Ang Mahiwagang Tandang
Ang Mahiwagang Tandang
Ang Mahiwagang Tandang
Mga Tauhan:
Lokus a Mama—ang ama ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Babae
Lokus a Babae—ang ina ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Mama
Bagoamama—anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae
Mahiwagang Tandang—ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga
Sultan Abdullah—ang sultan ng Kaharian ng Agamaniog
Reyna Aliah—ang reyna ng Kaharian ng Agamaniog
Sabandar—isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng sultan
Kanankan—isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng
sultan
Guwardiya 1 at 2—mga bantay ng palasyo
Bata 1 at 2—mga kalaro ni Bagoamama sa palasyo
Dama 1 at 2—mga alalay ng reyna at ng sultan
Mga Mandirigma—magigiting na kawal ng sultan
Taumbayan 1, 2, 3, 4, 5, at 6—mga mamamayan ng Kaharian ng Agamaniog
Korong Babae—pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula
Korong Laláki—pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, at set at props ng dula
Tagpuan:
Sa Kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian ng mga Mëranao sa Lanao del Sur.
Korong Babae: Noong panahon ng ating mga ninuno, may naninirahang mag-asawa sa isang maliit na kaharian.
Korong Laláki: Si Lokus a Mama.
(Lalabas mula sa Korong Laláki si Lokus a Mama. May dalá siyang mga sanga ng kahoy at itak. Tinatanggalan niya ng
dahon ang mga sanga.)
Korong Babae: At si Lokus a Babae.
(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae. May dala siyang plangganang
punô ng labahin.)
Korong Laláki: May isa siláng anak na laláki. Si Bagoamama.
(Lalabas mula sa Korong Laláki si Bagoamama. Pupunta siya sa gitna ng
entablado at maglalaro ng kasipa.)
Lokus a Babae: Ang hirap talaga pag natatambak ang labahin. Sumasakit ang
beywang ko. Nasaan na ba si Bagoamama? Bagoamama, Bagoamama!
Bagoamama: Bakit po, Ina?
Lokus a Babae: Tulungan mo nga akó sa pagsasampay nitong aking mga nilabhan.
Bagoamama: Akin na po at isasampay ko sa likuran ng bahay.
Lokus a Babae: Naku ang hirap pa namang magpatuyo ng damit nitong mga nakaraang araw. Halos hindi nagpapakita ang
araw. Bago matuyo ang mga damit eh may amoy na ang mga ito. Dumating na ba ang Itay mo?
Bagoamama: Naroon po sa kusina at inaayos ang mga panggatong na kinuha niya sa gubat kanina.
(Makikita ni Lokus a Babae na dumarating si Lokus a Mama mula sa kusina na may daláng isang buwig ng saging.
Mapapansin siya ni Lokus a Babae.)
Lokus a Babae: Tulungan mo nga akó sa pagsasampay nitong aking mga nilabhan.
Bagoamama: Akin na po at isasampay ko sa likuran ng bahay.
Lokus a Babae: Naku ang hirap pa namang magpatuyo ng damit nitong mga nakaraang araw. Halos hindi nagpapakita ang
araw. Bago matuyo ang mga damit eh may amoy na ang mga ito. Dumating na ba ang Itay mo?
Bagoamama: Naroon po sa kusina at inaayos ang mga panggatong na kinuha niya sa gubat kanina.
(Makikita ni Lokus a Babae na dumarating si Lokus a Mama mula sa kusina na may daláng isang buwig ng saging.
Mapapansin siya ni Lokus a Babae.)
Lokus a Babae: Nariyan ka na palá. Marami ka bang nakuhang makakain mula sa gubat?
Lokus a Mama: Kakaunti nga eh. May dalá akóng isang buwig ng saging. Mga tatlong araw pa bago mahinog ang mga
iyan.
Lokus a Babae: Eh gulay, may dalá ka?
Lokus a Mama: Sayote at kalabasa. Pakaunti nang pakaunti ang mga ligaw na gulay. May bigas pa ba táyo?
Lokus a Babae: Dumaan akó kina Usman kanina bago naglaba sa lawa.
Nakahiram ng kaunti. Kasya na sa atin iyon sa loob ng tatlong araw.
Lokus a Mama: Kailangan nating bayaran ang bigas na iyan ng mga manok.
Lokus a Babae: Halos wala na rin táyong manok. Aba’y sumama ka kina
Bashier sa pangingisda sa lawa at nang hindi táyo nag-iisip kung saan kukuha ng ulam. Malápit na ring maubos ang mga
bulad natin.
Lokus a Mama: Hayaan mo’t kakausapin ko si Bashier mamaya para makasama akó sa kanilang pangingisda sa lawa
búkas.
Lokus a Babae: Naaawa na nga akó riyan kay Bagoamama. Bihirang-bihira na siyang nakatitikim ng sariwang isda.
Lokus a Mama: Hindi lang siya. Sawáng-sawâ na akó sa manok. Ni hindi táyo makabili ng karneng báka.
Lokus a Babae: Ikaw kasi hindi ka na natuto-tuto sa pag-aararo ng bukid. Sáyang iyang malawak na lupaing ipinamana sa
atin ng aking ama. Hindi nabubungkal at natataniman. Disin sana’y hindi táyo naghihirap nang ganito.
Lokus a Mama: Aywan ko ba hindi ko talaga natutuhan iyan. Lumaki kasi akó sa paggawa ng brass. Simula naman ng
maging mag-asawa táyo, tumigil na akó sa paggawa ng brass. Malaki ang puhunan sa paggawa ng brass.
Lokus a Babae: At simula noon, ang pangunguha na lang ng mga prutas at gulay ang nakayanan mong gawin.
Lokus a Mama: Hayaan mo mangingisda akó búkas. Sana maganda ang panahon búkas. Ulan kasi nang ulan nitong mga
huling araw. Kung hindi ulan, punô naman ng hamog ang kapaligiran.
Lokus a Babae: Harinawang sumikat ang araw búkas nang makatikim
naman táyo ng tinolang kadurog.
Lokus a Mama: Magluto ka ng ating hapunan at ginutom akó sa paghahalughogsa gubat.
Lokus a Babae: Mabuti pa nga. Palagay ko’y gutom na rin ang anak natin. (Magpopormang kusina ang Korong Babae.
Tatlong babae ang magpopormang tatlong tungko ng kalan at apat namang kababaihan ang magpopormang palayok.
Magluluto ng pagkain si Lokus a Babae. Babalik sa Korong Laláki si Lokus a Mama at sa Korong Babae naman si Lokus a
Babae.)
Korong Laláki: Sadyang ganyan nga po kahirap ang búhay ng mag-anak. Palaging salat sa pagkain.
Korong Babae: Umaasa na lámang silá sa mga pagkaing nakikita sa kanilang pali-paligid. Tunay pong kaawa-awa.
Korong Laláki: Ai-Dao! Tunay na kahabag-habag. Isang araw... (Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae na may
daláng banig at malong. Ilalatag niya ang banig. Mula sa Korong Laláki ay lalabas naman si Lokus
a Mama na may sakit. Hihiga siya sa banig at kukumutan siya ni Lokus a Babae ng malong.)
Lokus a Mama: Allah! Tulungan ninyo po ang aking asawa. Pagalingin po
ninyo siya.
Sultan Abdullah: Ngayon din ay kumuha kayo ng abaka mula sa silid ng mga manghahabi. Ibigay ninyo ang mga iyon kay
Lokus a Babae.
Kawal 1 at 2: Ngayon din po mahal na sultan.
Korong Babae: Hindi nagtagal at dumating ang mga kawal na may daládaláng mga abaka. Ibinigay nila ang mga ito kay
Lokus a Babae.
Korong Lalaki: Pagkatapos magpasalamat sa sultan, dali-daling nilisan ni Lokus a Babae ang palasyo pagkaraang
matanggap ang mga abaka.
Korong Babae: Pagdating sa kanilang bahay, . . .
(Ang Korong Babae ay mag-aanyong punongkahoy. Ang Korong Laláki naman ay kukuha ng isang banig sa kanilang
likuran at ito’y kanilang ilaladlad at gagawing mga dingding ng bahay nina Lokus a Babae.)
Lokus a Babae: Ano ba ang gagawin mo sa mga abakang ito, anak?
Bagoamama: Tulungan ninyo akóng gumawa ng mga tali at lubid.
Lokus a Babae: Pero, bakit táyo gagawa ng mga tali at lubid?
Bagoamama: Huwag na kayong marami pang tanong! Basta, tulungan ninyo akó.
Korong Babae: Hindi na lang kumibo si Lokus a Babae, tinulungan niyang gumawa ng tali at lubid si Bagoamama.
(Makikitang abala ang dalawa sa paggawa ng tali at lubid.)
Korong Laláki: Pagkaraan ng ilang oras, nakagawa silá ng daan-daang lubid at tali. Nakagawa si Bagoamama ng isang
napakahabang lubid.
Korong Babae: Inilagay nila ang mga tali at lubid sa isang sako. Pagkatapos, kinuha ni Bagoamama ang matalim na bolong
ipinamana pa ng
kanyang ama.
Korong Lalaki: Sabay dampot sa sako at sakâ tumungo sa gubat. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makakita siya
ng pagkarami-raming yapak ng mga ibon.
Bagoamama: Silá ang aking tunay na sadya rito sa gubat. Ngayon, magagawa ko na ang unang hakbang ng aking plano.
Gagawa akó ng mga bitag.
Korong Babae: Pumutol si Bagoamama ng mga kawayan at yantok. Gumawa siya ng maraming bitag.
Korong Laláki: Ngunit laking taka niya nang makakita siya ng isang napakalaking yapak. Hindi niya matanto kung ano ang
lumikha niyon.
Bagoamama: Napakalaking yapak nito. Kakaiba sa mga nakita ko banda roon. Kanino kayâng yapak ito? Ah, alam ko na.
Dito akó gagawa
ng pinakamalaking bitag. Gagamitan ko ito ng pinakamalaki at pinakamahaba kong lubid.
(Kukunin ni Bagoamama ang kanyang bolo. Magiging malikot ang kanyang mga mata. Hahanapin niya ang pinagmumulan
ng mahiwagang tinig.)
Bagoamama: Kung sino ka man, lumabas ka’t magpakilala! Mahiwagang Tandang: Naririto akó Bagoamama.
(Lilinga-linga si Bagoamama at hinahanap ang pinanggalingan ng tinig.)
Bagoamama: Nasaan ka?
Mahiwagang Tandang: Narito akó, Bagoamama. Nása isa sa mga bitag sa likuran mo. (Lilingon si Bagoamama sa kanyang
likuran.)
Korong Laláki: Nang lumingon si Bagoamama, laging gulat niya.
Bagoamama: Tandang? Isang pagkalaki-laking tandang!
(Ilalabas ni Bagoamama ang tandang mula sa bitag.)
Bagoamama: Ai-dao! Naipit ang isang paa niya sa bitag.
(Maingat na lalapit sa bitag si Bagoamama.)
Bagoamama: Napakakisig ng tandang na ito. Tila siya isang magiting na
mandirigma sa kanyang tindig. At ang kanyang palong, parang korona
ng hari. Ang ganda ng kanyang mga balahibo!
(Hindi gaanong lalapit sa tandang si Bagoamama.)
Bagoamama: Bakit alam mo ang pangalan ko?
Mahiwagang Tandang: Bagoamama, ako’y isang mahiwagang tandang, Kapag ako’y tumitilaok, lahat ng klase ng damit ay
lumalabas sa aking mga bibig. At kapag akó nama’y dumudumi, ginto’t pilak naman ang
lumalabas.
Bagoamama: Ha? Totoo ba ang mga sinasabi mo o niloloko at pinaglalaruan
mo lang akó?
Korong Laláki at Babae: Upang maniwala si Bagoamama, nagsimulang tumilaok ang tandang.
Mahiwagang Tandang: Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! (Magugulat si Bagoamama sa mga damit na lumalabas sa mga bibig
ng
tandang.)
Bagoamama: Ai-dao! Kay gagandang mga damit! Ang gagara ng mga kulay! Mukhang pangmayaman!
Korong Babae: Tititigan niyang muli ang tandang. Namimilog ang mga mata ni Bagoamama sa kasiyahan.
Korong Laláki: Dali-daling inilabas ni Bagoamama sa bitag ang mahiwagang tandang.
Korong Babae: At mabilis niyang iniuwi ang mahiwagang tandang kasáma ng iba pang mga manok sa kanilang bahay.
Korong Laláki: Sa bahay...
Lokus a Babae: Ai-dao! Saan mo kinuha ang pagkarami-raming manok na iyan?
Bagoamama: Sa gubat po.
Lokus a Babae: Bagoamama, sigurado ka bang hindi sa masamâ gáling ang mga iyan?
Bagoamama: Hindi po. Huwag na kayong maraming tanong pa. Ang gawin ninyo, dalhin ninyo sa palengke ang ilan sa mga
manok at ibenta ninyo. Iyong mapagbibilhan ay ibili ninyo ng bigas. Iyong matitira, ilagay ninyo sa kulungan ng mga manok.
Korong Babae: Nang nakaalis na papunta sa palengke si Lokus a Babae, nagsimulang dumumi ng ginto at pilak ang
mahiwagang tandang.
Korong Laláki: At yumaman ang mag-ina.
Korong Babae: Pinatawag ni Bagoamama ang mga Imam sa kanilang pook at pinabendisyunan ang libingan ng kanyang
yumaong ama.
Korong Laláki: Sa kabilâng dako, ang dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng palasyo ay napadako sa harap ng
bahay nina
Bagoamama. (Ang Korong Babae ay mag-aanyong magarang bahay sa pamamagitan ng paggamit ng magagara at
makulay na habing malong.)
Korong Babae: Si Sabandar... (Lalabas mula sa Korong Laláki si Sabandar.)
Korong Laláki: At si Kanankan. (Lalabas din mula sa Korong Laláki.)
Sabandar: Tingnan mo, Kanankan! Bakit biglang gumanda ang bahay nina Lokus a Mama at Lokus a Babae?
Kanankan: Aba, oo nga. Pagmasdan mo ang dalawang telang nakasabit sa bintana.
Sabandar: Napakarikit!
Kanankan: Napakarangya! Pampalasyo!
Sabandar: At maraming Imam sa loob. Kung hindi akó nagkakamali ay may kalilang na nagaganap.
Kanankan: Halika, sumilip táyo para maláman natin kung ano ang nangyayari rito.
Korong Babae: Ngunit batid ng Mahiwagang Tandang ang pakay ng dalawang mangsasangyaw.
Korong Laláki: Kaya’t sa pagpasok nina Sabandar at Kanankan sa bahay nina Lokus a Mama at Lokus a Babae, kinausap
silá ng Mahiwagang
Tandang.
Mahiwagang Tandang: Kumusta na kayo, Sabandar at Kanankan? (Magugulat sina Sabandar at Kanankan.)
Sabandar: Ha? Totoo bang narinig ko?
Kanankan: Samayakan! Nagsasalita ang tandang!
Korong Babae at Laláki: Sa labis na takot ng dalawang mangsasangyaw, mabilis siláng tumakbo pabalik sa palasyo.
Korong Babae: Sa pagmamadali, pagsapit sa bakuran ng palasyo ng sultan ay nadapa ang dalawa at nawalan ng malay.
(Mag-aanyong palasyo at trono ng sultan ang Korong Laláki.)
Korong Laláki: Nakita silá ng dalawang guwardiya. Kumuha silá ng tubig at ibinuhos ito kina Sabandar at Kanankan para
matauhan.
(Ang sultan ay darating kasáma ang ilan niyang mga panauhin. Magbubuhat silá sa likuran ng mga malong na nagsisilbing
kurtina ng palasyo.)
Sultan Abdullah: Anong nangyayari rito? Bakit basâng-basâ sina Sabandar at Kanankan?
Guwardiya 1: Nakita po namin silá ritong nakahandusay.
Guwardiya 2: At mga walang malay.
Guwardiya 1 at 2: Kayâ kumuha po kami ng tubig at sila’y aming binuhusan upang magbalik ang kanilang malay.
(Magkakaroon ng malay sina Sabandar at Kanankan.)
Sabandar: Mahal na Sultan Abdullah, hindi na po kayo ang pinakamayamang tao sa Kaharian ng Agamaniog!
Kanankan: Mayroon na pong higit na mayaman kaysa sa inyo!
Sultan Abdullah: Anong ibig ninyong sabihin? Nababaliw na ba kayo?
Sabandar at Kanankan: Ai-dao, hindi po kami nababaliw mahal na Sultan Abdullah!
Sultan Abdullah: Marahil ay sinaniban kayo ng demonyo!
Sabandar at Kanankan: Mahal na Sultan Abdullah, nagsasabi po kami ng totoo.
Sultan Abdullah: Mga guwardiya, ano ang tunay na nangyayari rito?
Guwardiya 1 at 2: Wala po kaming alam, mahal na sultan. Nang makita po namin sila’y mga walang malay po.
Mahiwagang Tandang: Bagoamama, sa palagay ko’y tapos na akó sa aking misyon. Panahon na upang ako’y lumisan.
Dalangin ko ang masaya at masaganang pamumuhay ninyo rito sa Kaharian ng Agamaniog.
Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila ka! Sana’y dalawin mo kami sa hinaharap. Salamat.
Lokus a Babae: Hindi namin malilimutan kailanman ang iyong labis na kabutihan. Salamat sa ginintuan mong puso.
Korong Laláki: Masayáng lumipad ang Mahiwagang Tandang sa himpapawid.
(Ang lahat ay kumakaway sa Mahiwagang Tandang. Lumuluha sina Bagoamama at Lokus a Babae.)
Bagoamama: Salamat muli, kaibígan. Utang na loob ko sa iyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon. Sana’y patnubayan ka ni
Allah.