Noong unang panahon sa siang malayong lupain ay mapayapang naninirahan ang isang maliit na pamayanan na pinangangalagaan ng kanilang pinunong si Daniel.Si Daniel ay isang makisig na binate at responsableng pinuno na walang ibang inisip kundi ang kaligayahan at kapakanan ng kanyang nasasakupan.Kaya lubos din ang paghanga at pasasalamat ng mga ito. Ulila na si Daniel,simula nang mamatay ang kanyang ama’t ina sa isang malubhang sakit.Ngunit,sa kabila ng lahat ay ginamit itong inspirasyon ng binate upang ipagpatuloy ang magandang pamumuno ng kanyang magulang.Si Daniel ay may kababatang nagngangalang Barok.Hindi mapagkakaila na ang turingan na nang dalawang binate ay tunay na magkakapatid.Si barok ay mabuting kaibigan at ganoon din naman si Daniel kaniya.Sa katunayan ay tinuturing na pamilya na ni Daniel ang pamilya nina Barok. Sa kabila ng pagiging mabuti at mahusay na pinuno,ni Day hindi talaga maiiwasan may mga naiingit si binata.May isang grupo ng mga kalalakihan na palaging hinahanapan ng mali ang bawat pagpasya ni Daniel.Ang grupong ay pinamumunuan ng sakim na si Burgot, ngunit kailanma’y hindi sila nagtagumpay dahil na rin sa mahusay at pantay na pagtingin ni Daniel sa kanyang nasasakupan.Gayundin din ang buong tiwala sa kanya ng mga ito. Isang araw,sa bawat buwan,sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan ay nagdaraos ang kanilang pamayanan ng pagdiriwang para sa masaganang ani at pasasalamat sa kanilang pinuno.Mayroong sayawan,kantahan,inuman at konting salo-salo.Nagkataon ding iyon ay pipili na si Daniel ng kanyang mapapangasawa.Masyang masaya sina Daniel at Barok habang pinagmamasdan ang pagdiriwang."Mahal na pinuno,handa na ba kayong pumili ng iyong kabiyak sa gabing ito?”,usisa ni Barok. "Ako’y nanabik na,Barok’’,tugon naman ni Daniel. Dumating na nga ang oras na pipili na ang binate ng kanyang mapapangasawa.Isa-isang nagpakilala ang magandang dilag sa binata at isa lang ang nakaakit ng atensyon ni Daniel at ito ay ang dalagang si Amara.Lingid sa kaalaman ng binate ay matagal na siyang sinisinta ng dalaga.At nakakatuwang pagkakataon ay ganito rin ang nararamdaman ni Daniel sa dalaga.Nang Makita ni Daniel si Amara ay bumalik sa kaniyang isipan ay noo’y ang unang pagkikita nila ng dalaga sa ilog.Si Amara ay simpleng dalaga na anak ng isang magsasaka at ulila na rin sa ina.Siya ay malalambot na mahahabang buhok,kumikislap na mga mata,mapupulang pisngi at labi at nakakahumaling na tinig.kaya na hindi nagtaka ang lahat na siya ang nakabihag kay Daniel. Nang pinili na ni Daniel si Amara ay labis ang tuwa ng bawa’t isa,gayundin si barok sa kanyang kaibigan.Nang mabalitaan ni burgot ang pangyayari lalo pa itong nagalit dahil matagal na rin itong may pagtingin kay Amara. "Gagawa ako ng paraan para masira ka Daniel,kung hindi rin mapapasaakin si Amara ay sisiguraduhin kong hindi rin saiya mapapasaiyo’’,galit na wika ni Burgot.At simula nga sa araw na iyon ay nagsagawa na nang masamang balak si Burgot kasama ang kanyang mga taksil na kasapi. Ipinakalat na ni Barok sa buong pamayanan na nalalapit na ang kasal ni Daniel at Amara.Habang abala ang buong bayan sa paghahanda ay siya ring saya ng magkasintahan.Bawat dapithapon ay pumupunta sila ng ilog upang sabay na maligo at makipagkwentuhan sa isa’t isa.Lingid sa kaalaman ng dalawa ay sinusudan at minamanmanan na sila ni Burgot. Dumating na ang pinakakahintay ng araw ng lahat.Ang araw ng kasalan nina Daniel at Amara.Puno ng galak ng pagmamahalan ang araw na iyon.bago ganapin ang kasal ay nagtataka si Daniel kung bakit wala pa ang kanyang kaibigang si Barok. "Nasaan si Barok?,usisa ni Daniel. "Naku hindi ko po napansin pinuno”,sagot naman ng kanyang katulong.Hanggang sa magsimula ang kasalan ay hindi nagpapakita si Barok. Sa kalagitnaan ng kasalan ay biglang may narinig na malaking ingay ang mga tao.Sa malayo pa lang ay tanaw na nila ang grupo ng mga kalalakihan na may dala- dalang matatalim na sandata.Isa pa sa nakaagaw ng kanilang atensyon ay lalaking duguan na bitbit ng isang makisig nabinata nang makalapit na ay napagtanto nilang si burgot ang binatang iyon at si barok naman ang lalaking duguan.Nagsitarantahan at nagsitakbuhan naman ang mga tao.takot na takot na hinawakan ni Amara ang bisig ni Daniel. "Dito ka lang mahal,babalikan kita kahit anong mangyari,mahal na mahal na kita”,sambit ni Daniel. "Mag-iingat ka,mahal din kita’’,mangiyanngiyak na sagot ni Amara. "Ano bang gusto mo Burgot?,pakawalan mo si Barok’’,galit na sigaw ni Daniel.Nang walang. anuma’y bigla nalang na pinugutan ni burgot si barok bago sa harapan ni Daniel.Sa sobrang galit ay wala nang nagawa si Daniel kundi lumaban.Nagtagal ngilang oras ang labanan at napatay din ni Daniel si Burgot.Maraming dugo ang nagkalat sa lupa.Dali-daling tinungo ng binata ang walang ulong bangkay nang kaibigan.Hindi maipaliwanag ang kalungkutang dinaramdam ni Daniel. Dali-daling bumalik nang maalala niya ang kasintahan.Ngunit sa kanyang pagbalik ay lubusan nang gumuho ang kanyang mundo.nadatnan niyang duguan at wala nang buhay ang kanyang kasintahan habang nag-iiyakan lnaman ang mga tao.Ang labis na lungkot ng binate ay napalitan ng poot,galit,at sama ng loob. "Ni hindi niyo manlang na ipagtanggol ang babaeng pinakakamahal ko!lahat ginawa ko para sa inyo,maliit na bagay lang ang hinihingi ko pero hindi niyo nagawa’’,pagalit na sigaw na may halong paninisi ng binata. Pagkatapos ng araw nang libing nina Barok at Amara,pati narin ang ibang nasawi,at siya rin ang paglibing ni Daniel sa dati niyang katauhan.Ang kanilang responsable,masayahin,at mabuting pinuno ay naging magagalitin,strikto at mabagsik na ngayon.Nabalitaan nang mga kalapit na pamayanan ang pagiging mabagsik ni Daniel sa mga bagay-bagay.Nang kalaona’y tinawag nila itong Pamayanan ng Pinunong Mabagsik,na sa kasalukuyang panahon ay kinikilala at tinatawag nang "BARANGAY BAGSIK’.