Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin ng Filipino 7 sa Filipino (September 3, 2018)

I. Mga Layunin
1. Naibibigay ang katangian ng awiting bayan.
2. Nakapagpapahayag ng mga kahalagahan ng awiting bayan sa ating lipunan
sa kasalukuyan
3. Nakagagawa ng makabuluhang paghahambing sa mga modernong awitin at
awiting bayan mula sa Visayas
II.Nilalaman
Paksa: Awiting Bayan/ Bulong
Sanggunian: Aklat sa Filipino ng Baitang 7, Internet
Mga Kagamitan: Kagamitang Biswal

III,Pamamaraan sa Pagtuturo

A. Pang-araw-araw na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang umaga sa ating lahat.
Magandang umaga rin po aming guro.
Bago kayo umupo, siguraduhing
malinis ang silid at nakaayos ang
inyong mga upuan (Aayusin ang mga upuan at pupulutin
ang mga kalat.)
Mayroon bang lumiban sa ating klase
ngayon, Jenzzy?
Wala pong lumiban sa ating klase
ngayong araw, Sir.
Mabuti naman kung ganoon.

B. Pagbabalik-aral
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Noong nakaraang talakayan, ating
pinag-aralan ang mga patalastas, ano
ba ang ma ito, Yuqi? Ang mga patalastas ay mga
advertisements o nagpapakita ng isang
prdukto, anunsyo o pangyayari na nais
ipahayag sa madla.

Bakit naging mahalaga at epektibo ang


pagkakaroon ng patalastas sa
pagpapalaganap, ng impormasyon,
Lisa? Ang mga patalastas ay nagiging
epektibo sapagkat hindi lamang ito
napapanuod kung saan-saang
telebisyon, naririnig din ito sa bawat
istasyon ng radyo kung kaya’t
maraming mapapalaganap na
mensahe ang mga patalastas sa atin.

C. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago natin talakayin ang ating
bagong paksa, magkakaroon muna
tayo ng isang maikling gawain.

Bawat isa ay kakantahin ang


kanilang mga paboritong awit at
ipapaliwanag kung bakit nila
nagustuhan ang awiting iyon.

D. Paglalahad

Gawain ng Guro

Ngayong natapos na kayong umawit,ano ang masasabi ninyo sa mga awiting


inyong kinanta, Chung?

Okay, salamat sa iyong sagot. Iyan ay mahusay na kasagutan. Kaugnay ng ating


unang gawain ang ating bagong paksa, ang awiting bayan.

Gawain ng Mag-aaral

Para po sa akin, ang mga awiting ito ay hindi lamang mga salitang nilapatan ng
himih, bagkus ito’y mga mensaheng ipinapahayag sa masining na paraan.

E. Pagtalakay

Gawain ng Guro
Ano ba ng katangian ng mga awit, Raj?

Tama ang iyong sagot. Sa pagdaan ng panahon, nag-iiba ang kagustuhan nating
mga tao sa ating mga pinapakinggan. Ngunit isa sa pinakakakinagigiliwan at
alam na alam ng lahat ay ang mga awiting baying ating kinalakihan. Ano kaya
ang mga ito, Leslie?

Tama. Sa bawat lugar sa Pilipinas mayroong mga awiting baying kinalakihan ang
mga tao na nagmula roon.

May iba’t ibang uri rin ng mga awiting bayan:

Uyayi- awiting bayang inaawit pampatulog ng bata.

Kumintang- awit ng pakikipagdigma

Sambotani –

Diona- awit sa kasal

Kundiman _ awit ng pag-ibig

Ditso - awit ng mga batang naglalaro sa lansangan

Dalit- awit sa mga diyos-diyosan

Gawain ng Mag-aaral

Ang mga awitin ay mga salitang nilalapatan ng himig.


Ang mga awiting bayan ay mga awiting nagmumula sa isang partikular na lugar
na nagpapahayag ng buhay o kaya’y kultura kung saan nagmula ito.

F. Paglalapat

Gawain ng Guro

Igrugurpo kayo na mayroong 5-7 miyembro nabubuo sa tatlong grupo. Itatanghal


ng bawat grupo ang sariling interpretasyon ng awiting bayang Bisaya na Rosas
Pandan

Unang Pangkat- LIVE MUSIC VIDEO ng Rosas Pandan

Pangalawang Grupo – Pag-awit ng Rosas Pandan gamit ang tunog tao

Pangatlong Grupo – Interpretatibong sayaw ng Rosas Pandan

Gawain ng Mag-aaral

G. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano muli ang mga awiting bayan,
Tenorio? Ang mgaq awiting bayan ay mga awit
na nagpapakita ng dayalekto, kultura at
tradisyon ng isang partikular na lugar o
rehiyon sa bansa.
Bakit naging mahalaga na pag-aralan
pa natin ang mga awiting bayan? Mahalaga itong awitin sapagkat ang
mga awiting bayan ang nagsilbing mga
masining na pagsasalaysay ng mga
kultura ng iba’t ibang mga lugar sa
ating bansa na hanggang sa
kasalukuyan ay kailangan pa rin na
pahalagahan
Magaling. May iba pa bang
katanungan? Wala na po.

IV. Ebalwasyon
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Kunin ang mga kwaderno para sa
ating pagsusulit.

Kilalanin kung anong uri ng awiting


bayan ang tinutukoy:

1. awit sa kasal – diona


2. awit sa sama-samang paggawa –
kalusan
3. awit sa pakikipagdigma –
kumintang
4. awit sa mga anito - dalit
5. awit ng pag-ibig - kundiman

V. Kasunduan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aara

Bilang ating takdang-aralin, alamin ang


nais ipahayag ng awiting bayang
bisaya na “Dandansoy”

Mayroon pa bang mga katanungan?

Kung ganoon, ay tumayo na ang lahat. Wala na po Ginoo


Paalam sa inyo.

Paalam din po Ginoong Daryll.

Inihanda ni: Jan Daryll C. Cabrera

You might also like