Ang Wika Ay Isang Bahagi NG Pakikipagtalastasan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

INTRODUKSYON

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat (De Juan, 2013). Ang wika rin ay napakahalaga sa bawat bansa sapagkat ito ay
nagsisilbing pagkakakilanlan at kaluluwa ng isang bansa. Ayon kay Apigo 2007, walang bansa
ang iisa lang ang wika dahil isang halimbawa nito ay ang Filipinas. Ang Filipinas ay mayroong
175 na wika, 171 dito ay nananatiling ginagamit pa at 4 ay tuluyan nang lumipas o patay na.
Napakaraming wika o dayalekto ang ginagamit ng mga pilipino, isa na dito ay ang wikang Iloco o
Ilocano.

Ang Iloko ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas. Tinatayang may
mahigit 9 milyong tao ang gumagamit ng wikang ito. Ito rin ang lingua franca sa Hilagang Luzon
at ang dominanteng wika ng Abra, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union. Sinasalita rin
ito sa Apayao, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Quirino at Pangasinan. Sa
Lalawigan ng Nueva Vizcaya, tinatayang 87% ang nagsasalita gamit ang wikang Ilocano. Kung
kaya’t masasabi na ang ilocano ay napakaunlad na wika dahil ito ay ginagamit ng nakararami at
higit pa dito ay mayroong mga nailathalang libro tungkol sa gramatika at ortograpiyang ilocano.

You might also like