Professional Documents
Culture Documents
Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 10
Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 10
Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 10
Unang Araw
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang mga dahilan ng mga pagbabago sa sektor ng paggawa na dulot ng
globalisasyon.
2. Nasusuri ang iba’t-ibang katangian at kakayahang makaangkop sa Globally Standard na
pagagawa.
3. Natataya ang Apat na Haligi para sa isang disente at marangal na paggawa.
II. Paksang Aralin
A. Paksa : Aralin 2: Mga Isyu sa Paggawa
Ang Globalisasyon at mga Isyu sa Paggawa
B. Sanggunian :
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
C. Mga Materyales:
1. Visual Aids
2. Laptop
3. Projector
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Paghahanda
Magandang araw sa inyong lahat!
Magandang araw din po!
Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.
1. Pagtatala ng Liban
2. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating aralin, tayo ay
magbalik muna sa ating nakaraang paksa. Ano
nga ba ang ating paksang tinalakay nung
nakaraan?
Pinag-aralan po natin ang paksa tungkol sa
globalisasyon.
Tama! Saan ba tumutukoy ang Globalisasyon?
Ang globalisasyon po ay tumutukoy sa proseso
ng mabilisang paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasiyon at produkto sa iba’t-ibang panig
ng mundo.
Paano ito nakatutulong sa ekonomiya ng isang
bansa? Mas napabilis po nito ang paraan ng
pakikipagpalitan o kalakalan ng mga produkto
at serbisyo at nakatulong sa pagbubukas ng
panibagong oportunidad sa lahat ng
manggagawa.
3. Motibasyon
Picto-nalysis!
Pagpapakita ng mga larawan na nakabatay sa
larangan ng paggawa at kailangan na mahulaan
ito ng mga mag-aaral.
B. Pagtatalakay
Batay sa ating naging laro, mayroon ba
kayong ideya kung ano ang paksang ating
tatalakayin? Ito po ay tungkol sa mga isyung may
kinalaman sa paggawa.
C. Paglalagum
1. Sa paanong paraan nababago ng globalisasyon ang sektor ng paggawa?
2. Paano nagiging isang Globally Competitive ang isang manggagawa?
3. Bakit nakatutulong ang apat na haligi ng disente at marangal na manggagawa?
IV. Pagtataya
Sa isang buong papel, sagutin ang katanungan.
Anong katangian ang mayroon ka na masasabi mong ikaw ay papasa sa Global Standard?
V. Kasunduan
Magsaliksik ukol sa paksang kalagayan ng mga manggagawa sa :
1. Sektor ng Agrikultura
2. Sektor ng Industriya
3. Sektor ng Serbisyo
B. Pagtatalakay
Sa pagpapatuloy ng ating aralin batay sa mga
Isyu sa Paggawa, ating tatalakayin ang iba’t-
ibaang sektor na may kinalaman rito.
Unang sektor ay ang sektor ng agrikultura.
Ano ba ang sektor na ito?
Sa sektor na agrikultura po natin kukuha ang
mga hilaw na materyales na ating
kakailanganin sa paggawa ng mga produkto.
Mahusay! Ang sektor ng agrikultura ang isa sa
mga nagbibigay sa atin ng mga materyales na
sa paggawa ng produkto na tutugon sa ating
pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa pagkakaroon ng globalisasyon, nagdulot ito
ng pagkakaroon ng mga dayuhang produkto na
dahilan kung bakit humina ang mga lokal na
produkto. Lubusang naapektuhan ang lokal na
pagsasaka dahil mas murang naibebenta ang
produkto kaysa dayuhan. Ano sa tingin ninyo Isa pong kadahilanan ay ang pagtangkilik ng
ang dahilan nito? kapwa natin Pilipino sa mga produktong
dayuhan kaysa lokal. Naniniwala po kasi ang
iba na mas may kalidad ang dayuhang
produkto kaysa lokal na produkto.
Ang pagpasok ng bansa sa mga kasunduan sa
GATT, WTO, IMF-WB at iba pang
pandaigdigang institusyong pinansyal ay
lalong nagpalumpo sa mga lokal na magsasaka.
Ayon sa DOLE, mahigit 60 % ng mga
dayuhang produktong agrikultural sa loob ng
sampung taon ay malayang nagiging bahagi sa
mga lokal na pamilihan. Bakit kaya ito
nagaganap?
C. Paglalagum
1. Ano ang kalagayan ng manggagawang Pilipino sa iba’t-ibang sektor?
2. Paano mo maiuugnay ang suliranin sa sektor ng paggawa sa antas ng pamumuhay ng tao?
3. Paano mo bibigyang tugon ang mga suliranin ng manggagawa ?
IV. Pagtataya
Gumawa ng isang sanaysay kung paano mo mabibigyan ng tugon ang mga suliraning
kinakaharap ng manggagawa at kung ano ang naitutulong ng iba’t-ibang sektor.
V. Kasunduan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Iskemang Subcontracting
2. Unemployment
3. Underemployment
C. Paglalagum
1. Sa sariling salita, paano mo bibigyang kahulugan ang iskemang subcontracting,
unemployment at underemployment?
2. Paano mo maipaliliwanag ang mga epekto ng kontraktwalisasyon sa manggagawa?
3. Bakit nagkakaroon ng pagkakaiba sa larangan ng paggawa?
V. Kasunduan
1. Maghanda para sa maikling pagsusulit ukol sa paksang tinalakay.
2. Magsaliksik : Migrasyon.