Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito
ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang

Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw

dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

Dahilan at Bunga/Resulta

Naghahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari.

Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Dahilan at Bunga/Resulta Halimbawa

Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman natuto siya ng husto. - (dahilan+pang-ugnay+resulta)

Natuto siya ng husto sapagkat/pagkat/kasi/dahil nag-aral siyang mabuti. - (resulta+pang-ugnay+dahilan)

Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aral siyang mabuti natuto siya ng husto. - (pang-ugnay+ dahilan+resulta; may
hinto pagkatapos ng dahilan)

Nag-aaral siyang mabuti dahil ditto/bunga nito/ tuloy natutuo siya ng husto. - (dahilan+pang-
ugnay+resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta). Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay
na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng
resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang
paraan.

Paraan at Layunin Halimbawa

Upang/Para matuto ng husto, nag-aaral siyang mabuti. - (pang-ugnay+ layunin+ paraan; may hinto
pagkatapos ng layunin)

Nag-aaral siyang mabuti upang/para/nang sa ganoo'y matuto ng husto. - (paraan+pang-ugnay+layunin)


Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang paihudyat ang
layunin.

Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.

Paraan at Resulta Halimbawa

Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang kurso. - (paraan + resulta)

Nakatapos siya ng kanyang kurso sa matiyagang pag-aaral. -(resulta+paraan)

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit
upang makamit ang resulta.

Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang
kondisyon.

Kondisyon at Bunga o Kinalabasan Halimbawa

Kung nag-aaral ka lang ng mabuti, sana'y natuto ka ng husto. - (pang-ugnay+kondisyon+bunga)

Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti. - (bunga+pang-ugnay+kondisyon)

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon tulad nito halimbawa

Kapag/Sa sandaling/basta't nag-aaral kang mabuti, matututo ka ng husto. - (pang-


ugnay+kondisyon+bunga)

Matututo ka ng husto kapag/sa sandaling/basta't nag-aaral kang mabuti. -(bunga+pang-


ugnay+kondisyon)

You might also like