Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Balagtasan
A. Mekaniks:
1. Mga tunay na estudyante lamang ng Justino Sevilla High School-Senior High
School ang mga maaring lumahok.
2. May tatlong (3) kalahok na maaaring gampanan ang mga sumusunod:
 Lakambini o Lakandiwa
 Dalawang magdedebate
3. Ang pagtatanghal ay agtatagal lamang ng tatlo hanggang limang minuto.
4. Sa bawat minutong lalagpas sa pinag-usapang oras ay magkakaroon ng
kabawasan sa puntos.
5. Walang maaaring pumasok nang hindi sinumang kalahok sa
pagtatanghalan ng aktibidad.
6. Ang mga kalahok ay maaaring magsuot ng angkop na kasuotan sa
naturang aktibidad.
7. Hindi maaaring kumuha ng tagapagsanay at kamag-aral.
8. Ang mga mananalo ay iaanunsyo pagkatapos ng Flag Ceremony.
9. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal na at hindi na maaaring baguhin o
magbago pa.

B. Krayterya
 Paggalaw
- Tono 10%
- Lakas 10%
 Paggalaw
- Tindig, Kagamitan, Angkop na Kasuotan 15%
- Eksresyon ng mukha 15%
 Dating sa madla 5%
 Nilalaman 35%
_______
100%

One DepEd… One Pampanga


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Pagsulat ng Sanaysay
A. Mekaniks
1. Ang mga kalahok ay mayroon kanya-kanyang pwesto sa magaganap ng
paggawa ng sanaysay.
2. Ang mga kalahok ay maaari lamang gumamit ng papel at ballpen na may itim
na tinta.
3. Dapat ay tugma ang likha sa temang ibibigay.
4. Kailangan ng tamang paggamit ng mga bantas, malaki at maliit na titik.
5. Ang gagawing sanaysay ay naglalaman ng 300 na salita o higit pa.
6. Siguraduhing hindi gagamit ng mga salitang maaaring makasira ng kapwa,
bagay o lugar.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtingin sa gawa ng kapwa kalahok sa oras
ng paggawa ng sanaysay gayundin pagkatapos gumawa.
8. Isang oras lamang ang gagamitin sa paggawa ng sanaysay. Ang sinumang
lumagpas ay madidiskwalipika. Kailangang isumite ang ginawang sanaysay
kahit na hindi ito tapos.
9. Bago umalis o lisanin ang lugar ay siguraduhing naisumite ang ginawang
sanaysay

B. Kraytirya
 Nilalaman 45 %
 Kaangkupan sa tema 30 %
 Wika o balangkas 25 %
__________
100%

One DepEd… One Pampanga


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Sabayang Pagbigkas
A. Mekaniks
1. Bawat kalahok na pangkat ay bubuo ng mula 10 hanggang 15 kasapi.
2. Isang piyesa lamang ang maaaring gamitin sa paligsahan.
3. Hindi bababa sa tatlong minuto at hindi naman lalampas ng limang minuto ang
kinakailangan upang tapusin ang piyesa.
4. May kabawasan sa bawat segundo ang pangkat na lalampas sa hinihinging
takdang oras upang tapusin ang piyesa:
a) 1 puntos para sa 1-5 segundo
b) 2 puntos para sa 6-10 segundo
c) 3 puntos para sa 11 na segundo at pataas
5. Mga dapat tandaan habang bumubigkas:
a) Asul na Watawat – hudyat na maaari ng magsimula ang mga kalahok;
b) Dilaw na Watawat – hudyat na kalahati na sa itinakdang oras ang natitira;
at
c) Pulang Watawat – hudyat na kalahating minuto na lamang ang natitirang
oras sa mga kalahok.

B. Kraytirya
 Pagpapalutang ng diwa ng tula 30%
 Kalidad, indayog, at kaisahan ng tinig sa pagbigkas 30%
 Makabuluhang galaw sa tanghalan 10%
 Kasuotan, props, at musika 20%
 Dating sa madla 10%
_________
100%

One DepEd… One Pampanga


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Spoken Poetry
A. Mekaniks
1. Ang mga kalahok ay dapat sumulat ng isang orihinal na free-verse o rhyme
peom tungkol sa tema ng Buwan ng Wika. Ito ang piyesang kanyang bibigkasin.
2. Ang piyesa ay dapat maisumite sa araw ng huwebes (August 22) bago ang
kumpitesyon.
3. Walang limitadong oras na ibibigay para sa pagtatanghal.
4. Dapat ay memoryado ang orihinal na katha.
5. Ang mga kalahok ay susuriin ayon sa binuong komite.

B. Kraytirya
 Nilalaman 35%
 Tinig, Pagbigkas
- Kaayusan at Wika 30%
 Paraan ng pagkakalahad
- Kumpas, kilos, galaw at ekspresyon ng mukha 25%
 Dating sa madla 10%
__________
100%

One DepEd… One Pampanga


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Sayawit
A. Mekaniks
1. Ang mga kalahok ay ang mga estudyante ng Justino Sevilla Senior High School.
2. Bawat awit ay may oras lamang na tatlo hanggang limang minuto.
3. Ang mga kalahok ay maaaring lalaki o babae na may kasiguraduhang kayang
makapagtanghal sa araw ng kumpetisyon.
4. Ang presentasyon ay pinagsamang awit at sayaw na inilalarawan ang ating
wika. Wikang Filipino lamang ang maaaring gamitin sa pagtatanghal.
5. Ang pagtatanghal ay magtatagal lamang ng limang minuto, kasama na rito
ang pagpasok at paglabas ng mga magtatanghal.
6. May kabawasang isang puntos sa bawat minutong lalagpas sa
napagkasunduang oras.
7. Ano mang instrumenting gagamitin ay pinapayagan.
8. Ang mga materyales na gagamitin ay limitado lamang.

B. Kraytirya
 Lakas at linaw ng boses 20%
 Orihinal na gawa 20%
 Tindig at Dating sa Madla 10%
 Nilalaman ng kanta 30%
 Kaayusan ng Sayaw 20%
__________
100%

One DepEd… One Pampanga


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
JUSTINO SEVILLA HIGH SCHOOL
Arayat, Pampanga
HUMSS CLUB: BUWAN NG WIKA
S.Y 2019-2020

Poster at Slogan Making


A. Mekaniks
1. Ang mga pangunahing gamit na maaaring gamitin ay ¼ illustration board at oil
pastels.
2. Ang mga kalahok ay mabibigyan ng isa’t kalahating oras upang tapusin ang
kanilang piyesa.
3. Ang kalahok na hindi darating sa tamang oras ay madidiskwalipika.

B. Kraytirya sa Poster Making


 Kaangkupan sa tema 30%
 Orihinal na gawa 25%
 Pagkamalikhain 20%
 Pagkakatugma ng kulay 15%
 Epekto sa mga manunuri 10%
_________
100%
C. Kraytirya sa Slogan Making
 Kaangkupan sa tema 30%
 Orihinal na gawa 30%
 Pagkamalikhain 25%
 Epekto sa mga manunuri 15%
_________
100%

One DepEd… One Pampanga

You might also like