Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Agham 3

I. Layunin
 Nakikilala ang pinagmumulan ng liwanag
 Nauuri ang liwanag – natural (tunay) o artipisyal
(di – tunay)
 Nakapagbibigay halimbawa ng mga pinagmumulan ng liwanag

II. Paksang Aralin


Pinagmumulan ng Liwanag
Konsepto:
Natural – ang natural o tunay na pinagmumulan ng liwanag
ay mga bagay na totoo, mga bagay na hindi nahahawakan, at
mga hindi gawa ng tao.
Artipisyal – ang artipisyal o di tunay ay mga bagay na
hindi natural, ito ay mga bagay na kayang hawakan ng tao,
at mga bagay na gawa ng tao.
Kagamitan: lente, kandila, bumbilya,lighter, posporo, lampara, tsart,
larawan, video clip
Sanggunian: Patnubay ng Guro Science 3 pahina 145-146
K to 12 Curriculum Guide S3FE-mg-h-4
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 129-130
Science Process: Paglalarawan, Pagsisiyasat, Pag-uuri
Pagpapahalaga: Pagpapasalamat sa Maykapal sa mga natural na bagay
na pinagmumulan ng liwanag
Pag-iingat at paggamit ng tama sa mga artipisyal na
bagay na pinagmumulan ng liwanag

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

Magandang araw mga bata. Magandang araw din po Sir. Jasper.

2. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Panginoon, maraming salamat po sa inyong


pag gabay at sa karunungan, Amen.
3. Awit

Umawit muna tayo, at sabayan natin ang


video.

4. Pagsasaayos ng Silid - aralan

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat


sa ilalim ng inyong lamesa.

Maari na kayong magsi upo. Maraming salamat po!

Tumingin nga kayo sa inyong katabi. May


lumiban ba sa inyong kaklase. Wala po.

Magaling!

Bigyan nyo ng 5 palakpak ang bawat isa. 1..2..3..4..5..

5. Balik Aral

Mga bata masdan ninyo ang paligid ng ating


paaralan.

Ano ang nakikita ninyo? Sir. Jasper, mga puno, telebisyon, upuan.

Anong bahagi ng katawan ang ginamit natin


upang makita ang ibat-ibang bagay sa
kapaligiran? Sir. Jasper, mata po.

Tama, ang mata ay isa sa parte ng ating


katawan upang makakita o tinatawag na
“Sense of sight”.

Mayroon akong ditong kaibigan nais ba


ninyo siyang makilala? Opo, Sir. Jasper.

B. Pagganyak

Nais kong ipakilala sa inyo ang aking


kaibigang si Doraemon meron siyang iba’t
ibang bagay at larawan sa kanyang
mahiwagang bulsa.

Maari ninyo ba akong tulungang tukuyin ang


mga ito.
C. Paglalahad ng Aralin

May ipapanood ako sa inyo na video clip at


alamin natin kung saan nagmumula ang
liwanag.

Tingnan natin kung saan at ano-ano ang mga


pinagmumulan ng liwanag.

Batay sa napanood ninyong video, ano ang


dalawang uri ng pinagmumulan ng liwanag? Natural at Artipisyal.

Magbigay ng halimbawa ng natural na


pinagmumulan ng liwanag. Buwan, at Araw.

Magbigay ng halimbawa ng artipisyal na


pinagmumulan ng liwanag. bumbilya, kandila, apoy, lente, lampara.
1. Pinatnubayang Pagsasanay

Para higit ninyong maunawaan ang ating


aralin, tayo ay magkakaroon ng pangkatang
gawain.

Basahin nang mabuti ang bawat panuto na


nasa loob ng inyong enbelop.

Bago kayo mag simula, ano-ano ang


pamantayan sa paggawa ng pangkatang
gawain?

Makiisa sa grupo.
Gumawa ng tahimik.
Magbigay ng makabuluhang opiniyon o
kuro-kuro.

Pangkat 1 Pangkat 1

Isulat ang N kung ang larawan ay natural na Isulat ang N kung ang larawan ay natural
pinagmumulan ng liwanag at A kung na pinagmumulan ng liwanag at A kung
ito ay artipisyal. ito ay artipisyal

1. 1.

2. 2..

3.
3.
4. 4.

5.

5.

Pangkat 2 Pangkat 2

Ikahon ang natural na pinagmumulan ng Ikahon ang natural na pinagmumulan ng


liwanag at bilugan naman ang artipisyal na liwanag at bilugan naman ang artipisyal na
pinagmumulan ng liwanag. pinagmumulan ng liwanag.

Buwan dikya alitaptap Buwan dikya alitaptap


Lente kidlat bituin Lente kidlat bituin
Posporo kandila Posporo kandila
Lampara telebisyon Lampara telebisyon
Sulo bumbilya Sulo bumbilya
Araw apoy Araw apoy
Pangkat 3 Pangkat 3

Uriin ang larawan kung ito ay natural na Uriin ang larawan kung ito ay natural na
pinagmumulan ng liwanag at artipisyal pinagmumulan ng liwanag at artipisyal
na pinagmumulan ng liwanag. na pinagmumulan ng liwanag.

Pangkat 4 Pangkat 4
Sumulat ng tatlong natural na Sumulat ng tatlong natural na
pinagmumulan ng liwanag at tatlong pinagmumulan ng liwanag at tatlong
artipisyal na pinagmumulan ng liwanag. artipisyal na pinagmumulan ng liwanag.

Natural Artipisyal Natural Artipisyal

1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

3. 3. 3. 3.
2. Isahang Pagsasanay

Meron akong flag na kulay pula at dilaw


magpapakita ako ng salita itaas ang dilaw
kung ito ay natural at pula kung
artipisyal. ( Nagtaas ang mga bata ng flag)

3.Pagpapahalaga

Ano ang dapat nating gawin sa mga


natural na bagay na pinagmumulan ng
liwanag? Magpagsalamat sa lumikha nito.

Ano naman ang dapat nating gawin sa


mga artipisyal na bagay na
pinagmumulan ng liwanag? Pangalagaan, ingatan, gamitin ng tama.
Ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa
paligid kung walang liwanag? Mahihirapan kumilos ang mga tao, hindi
po sila makaka kita.

4.Paglalahat
Ano ang dalawang uri ng pinagmumulan
ng liwanag? Natural at Artipisyal.

Magaling bigyan ang mga sarili ng


limang palakpak.
IV. Pagtataya

Isulat ang N kung ang larawan ay natural na pinagmumulan ng liwanag at


A kung ito ay artipisyal.

______1.kidlat

______2. araw

______3. lente

______4. posporo

______5. Alitaptap

Takdang Aralin

Magbigay ng limang gamit ng liwanag.

1.

2.

3.

4.

5.

JASPER V. BERNARDINO MARIETTA C. MATEO


BEED - 4D COOPERATING TEACHER

You might also like