Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT

UNANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

I. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsasagawa sa


tuntunin ng tahanan at paaralan at MALI naman kung hindi nagsasagawa

_____ 1. Maglaro ng posporo sa tahanan.


_____ 2. Maglaro ng sabuyang tubig.
_____ 3. Tumulong sa mga gawaing bahay.
_____ 4. Ubusin ang mga pagkaing inihain ng magulang.
_____ 5. Magtipid sa paggamit ng kuryente.
_____ 6. Buksan ang gripo kahit hindi ginagamit.
_____ 7. Pumasok ng late sa paaralan.
_____ 8. Huwag magsuot ng uniporme.
_____ 9. Igalang ang mga kasapi ng paaralan.
_____ 10. Hindi gumagawa ng takdang aralin si Ana.
_____ 11. Mag ingay sa paaralan kapag walang guro.
_____ 12. Hindi nagsusuot ng ID si Alex kapag papasok sa paaralan.
_____ 13. Nag iingay sa silid akalatan ang magkaibigang Maria at Fe.
_____ 14. Laging tumutulong si Kate sa paglilinis ng kanilang silid aralan.
_____ 15. Naghahanda si Kenneth sa paligsahang kanyang sasalihan.
_____ 16. Tahimik sa nakikinig ang mga mag-aaral sa kanilang guro.
_____ 17. Naglilinis ng silid ang mga magkakapatid.
_____ 18. Laging nagkakalat sa silid aralan ang mga mag-aaral.
_____ 19. Nanonood ng telebisyon at nagpupuyat kayat lumiban na naman sa paaralan si
Roger.
_____ 20. Tinutukso ni Jojo ang mga kamag-aral kaya napaaway na naman siya.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng pagsasagawa ng tuntunin .


_____ 21. Maraming dala si nanay galling sa palengke.
a. Kukunin ko ang pasalubong niya para sa akin.
b. Mag-aaral ako ng aking mga aralin.
c. Sasalubungin ko siya at tutulungan
_____ 22. Nagsesepilyo ako ng ngipin.
a. Hahayaan kong bukas ang gripo para madaling magsepilyo.
b. Isasara ko ang gripo at gagamit ng baso.
c. Tatawagin ko si kuya para isara ang gripo
_____ 23Sabado kayat naglilinis ng bahay ang buong pamilya.
a. Maglalaro ako dahil wala namang pasok.
b. Bubuksan ko ang tv para makapanood sila habang naglilinis.
c. Tutulong din ako kahit sa munting paraan.
_____ 24. Ayaw ko ng gulay na iniluto ni nanay.
a. Pag-aaralan kong kainin dahil alam kong masustansiya ito.
b. Itatapon ko sa basurahan kapag hindi nakatingin si nanay.
c. Ibibigay ko lahat sa kuya ko para maging malusog siya.
_____ 25. Isang taong hindi mo kilala ang nagbibigay sa iyo ng pagkain at nagsasabing
sumama ka sa kanya.
a. Sasama ako dahil mabait naman siya sa akin.
b. Hindi ako sasama at sasabihin ko sa mga magulang o nakatatanda ang ginagawa niya.
c. Makikipag-usap ako sa kanya at sasagutin lahat ng mga tanong niya.
Ikatlong Lagumang Pagsusulit Sa ESP
(Unang Markahan)

August 1, 2019

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Layunin Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Bahagdan ng aytem


aytem

I. Natutukoy ang
mga tuntunin sa 20 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 80 %
tahanan at 9, 10, 11, 12, 13, 14,
paaralan 15, 16, 17, 18, 19,
20

II. Nakikilala ang


nararapat sa 5 21, 22, 23, 24, 25 20 %
sitwasyon

Kabuuan 25 25 100 %

Inihanda ni:

NENITH C. AMBROCIO, LPT

You might also like