Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG MAHIWAGANG TANDANG

Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga


datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay.
Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang
susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno
ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang
kapayapaan sa kani-kanilang lugar.

May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga


datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi
sa digmaan ang mga barangay.

Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga


mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan,
lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga
raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at
may respeto sa isa't isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na
kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-
iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-
usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-
bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa,
kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina.
Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw
bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.

Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya.


Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng
pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang
humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang
problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang
paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang
mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag
napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang
nahuhuli sa paggising kay Sidapa.

Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang


Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan
ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para
sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong
manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangasiya
upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita,
kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.

Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng


naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na
ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi
pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng
Sundalong Orasan sa madaling araw.

Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang


malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong
Orasan.

Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa


kanyang bathala.
"Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan."

"Pa...patawad po, Bathalang Sidapa.”


"Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil
sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim
pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat.
Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo
pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang
walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing
nagmamadaling araw!"

Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit.


Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga
kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay
tumilaok itong parang nanggigising.

Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa


ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na
Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang
nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na
nang hindi tanghaliin.
Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang
tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng
matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango at
nagpasalamat siya.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may
kalayuan din ang bahay nila sa palengke ay naisipan ni Juan na
magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay
na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t
naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango.
“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko
sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa
ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa
gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan
nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa
katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si
Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at
tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang
kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na
naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na
sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa
tarangkahan.

You might also like