Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Singsing

Percival Campoamor Cruz

--- Minsan ay malamig na piraso ng dilaw na bakal at sa galing ng isip sa


paggawa ng desenyo at husay ng mga mata at kamay ni Mang Kardo, ito'y nagiging
kagila-gilalas na alahas na kung naangkupan ng makikinang na brilyante ay nagiging
mamahaling hiyas. ---
Kaisa-isa lamang ang naging hanapbuhay ni Mang Kardo – ang maging isang mag-
aalahas. Sapul pa sa pagkabata ay namulat na siya sa paglikha ng mga alahas kagaya
ng singsing, kuwintas, at pulseras, na hubog mula sa ginto o pilak. Ito ay talino na
namana sa ama – na di nagpabaya sa pagtuturo sa anak -- hanggang sa siya'y tiyak na
maging mahusay na alahero rin katulad niya. Nag-aral sa elementarya at mataas na
paaralan si Mang Kardo, nguni't hindi na nakatuntong ng kolehiyo.

Wika ng ama: “Para ke pa na mag-aksaya ka ng mahabang panahon sa kolehiyo;


sa wakas ay hanapbuhay din ang hahanapin mo. Heto na ang hanapbuhay --
nakalantad na sa harapan mo, sunggaban mo na. Ibibigay ko sa iyo ang mga
kasangkapan at lahat ng mga sekreto upang magkaroon ka ng matagumpay na
hanapbuhay. Ngayon din ay may hanapbuhay ka na, kung pipiliin mong magsimula na.”

Naging dalubhasa si Mang Kardo sa paggawa ng alahas. Naging tanyag na


pagawaan ng alahas ang negosyo nilang mag-ama – ang Plateria Gonzales sa
Moriones, Maynila.

Minsan ay malamig na piraso ng dilaw na bakal at sa galing ng isip sa paggawa


ng desenyo at husay ng mga mata at kamay ni Mang Kardo, ito'y nagiging kagila-gilalas
na alahas na kung naangkupan ng makikinang na brilyante ay nagiging mamahaling
hiyas.

Ang Plateria Gonzales ay isang lumang bahay sa panulukan ng Moriones at


Ylaya sa Tundo. Ang itaas ay naging tirahan ni Mang Kardo at ng asawa niyang si
Rosal. Nasa ibaba naman ang pagawaan ng alahas.

Karamihan sa mga nangangailangan ng alahas noong mga panahong iyon ay sa


Escolta at sa Florentino Torres sa Sta. Cruz tumutungo at doo'y gumagastos ng mahigit
pa sa presyo ni Mang Kardo upang makabili ng alahas na di naman kasing-ganda.
Nguni't ang mga nakaaalam ay winawalang bahala ang abala sa pagtungo sa isang
ilang na kalye sa Tundo, magkaroon lamang ng alahas na gawa ni Mang Kardo. Naging
parokyano niya ang mula sa mayayamang pamilya sa Maynila at sa mga kanugnog na
pook, at maging ang mga taong nasa matataas na puwesto sa gobyerno at pati na ang
mga artista sa pelikula.
Matindi ang pagnanasa ni Mang Kardo at ni Rosal na magkaroon sila ng anak,
lalaki sana, upang magkaroon, sa pangmatagalang panahon, ng katulong sa
hanapbuhay. Nguni't di sila pinagkalooban ng anak. Sa halip ay nagkaroon ng limang
katulong si Mang Kardo. Sa lakas ng bugso ng mga mamimili na dumarating sa plateria
araw-araw ay kinailangan niya na umupa ng mga tauhan.

Matapos maturuan ang isang katulong, kapag ito ay mahusay na, karaniwang ito
ay lumilisan upang humanap ng higit na mataas na suweldo o di kaya ay upang
magpundar ng sariling plateria. Malimit na magpalit ng tauhan si Mang Kardo, hindi
dahil sa isa siyang taong mahirap na pakitunguhan, kundi dahil sa ang mga kinukuha
niyang tauhan ay di nagtatagal; kapag natutunan na ang sekretong itinuro ni Mang
Kardo, sila ay naniniwalang makakukuha sila ng higit na magagandang hanapbuhay sa
higit na malalaking plateria at nagbibitiw.

Sa kasalukuyan ay nag-iisa na lamang si Mang Kardo sa plateria. Lumipas ang


panahon, dumami ang mga kakompetensya sa paggawa ng alahas, kumaunti ang
dating ng mga suki sa Plateria Gonzales, humina ang kita ni Mang Kardo.

Sa kasalukuyan, animnapu't pito na ang edad ni Mang Kardo. Mahina na ang


mga mata at may kaunting nginig na ang mga kamay. Marahil ay dahilan din ito ng
paghina ng kita ni Mang Kardo – kumaunti ang mga suki, marahil, ay napansin ang
pagbabago sa uri at husay ng trabaho niya.

Nguni't ang malaking dahilan kung bakit lumipas ang katanyagan at ligsi ng
hanapbuhay ni Mang Kardo ay ang pagkakasakit ni Rosal. Isang araw ay may
naramdamang kirot si Rosal sa parte ng kanyang likod. Tumungo silang mag-asawa sa
isang dalubhasa sa likod. Matapos kumunsulta, ayon sa pagsusuri at x-ray, nabatid na
may “emphysema” si Rosal. Ang pagsakit ng likod ay nauwi sa pagbigat ng paghinga at
kawalan ng sigla at panglasa sa pagkain.

Naging madalas ang pagpunta sa doktor at napabayaan ni Mang Kardo ang


kanyang negosyo. Namayat si Rosal at kinailangang may nakakabit na "oxygen tank"
sa kanyang katawan nang palagian upang makahinga nang maluwag. Matindi ang
kalungkutan at pag-aalala ni Mang Kardo. Ang kaisa-isang kasama niya sa buhay ay
nasa bingit ng kamatayan!

Ang bigat sa damdamin na dulot ng sakit ay bukod pa sa bigat sa bulsa na


palagiang bumabagabag sa isipan ni Mang Kardo. Ang kanyang naipon ay naubos na
sa kababayad sa doctor at gamot. At ang maliit na kita niya ay kulang pa sa
pagbabayad sa pang-araw-araw na gastusin gaya ng pagkain, pamasahe at
panggastos sa negosyo. Tagsalat sa buhay ang mag-asawang Mang Kardo at Rosal.

Susubukan ng doktor na sa pamamagitan ng operasyon ay maalis ang


masamang parte ng baga. Salapi lamang ang namamagitan sa paggaling ni Rosal at
paglubha. Kailangang-kailangan ni Mang Kardo ang salapi – di lamang niya alam kung
papaano hahanapin ang kailangang-kailangang salapi.

Isang araw ay may dumating na parokyano sa plateria. Nakapinid nang kalahati


ang pinto.

“Mang Kardo, Mang Kardo . . . Bukas po ba kayo?” tanong ng dumating.

Lumitaw sa pintuan si Mang Kardo galing sa itaas ng bahay na kung saan ay


binabantayan niya ang asawa.

“Oo, Ineng, pasok.” sabi ni Mang Kardo.

Pumasok sa plateria ang isang dadalawampuing dalaga na may kataasan,


mahabang buhok, at balingkinitang katawan.

“Kayo po ba si Mang Kardo?” Tumango ang platero.

“Ako po si Melinda, anak ni Mrs. Guerrero, suki ninyo. Dito raw po ako
magpagawa ng singsing na pangkasal, sabi ng mama.”

“Dala ko po ang singsing ng mama; ibig po naming ipabago ang desenyo nito
nguni't gamit din ang dating ginto at bato. Kasi po ay makaluma ang desenyo. Ito po ay
pamana ng mama sa akin; at ako'y ikakasal sa susunod na buwan,” paliwanag ng
dalaga.

Gamit ang kanyang salaming pampalaki, sinilip ni Mang Kardo ang singsing.

“Natatandaan ko ang singsing na ito. Regalo ng papa mo sa mama mo nang


sila'y magdiwang ng ikatatlumpung anibersaryo. Napakagandang brilyante nito, at di
pangkaraniwan ang halaga. Bagay na bagay na maging singsing pangkasal ng isang
napakagandang bata katulad mo.”

“Kailan mo ba kailangan ito, Ineng?” Tanong ni Mang Kardo.


“Ang petsa ng kasal namin ay Hunyo a dose po. Matatapos po ba ninyo bago
mag-Hunyo?” Tanong ng dalaga.

“Samakatuwid ay mayroon akong halos ay isang buwan . . . O sige, anak,


bumalik ka sa Mayo a beinte singko at ang singsing ay tapos na sa araw na iyon.”

Lumisan ang dalaga at agad na sinuri ni Mang Kardo ang singsing. Kinilatis nang
higit na masusi ang bato sa singsing. Makikitang nag-iisip si Mang Kardo at
mapapansin ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Inikot-ikot ng kanyang mga daliri
ang singsing habang nakasilip naman sa kanyang salaming pampalaki upang matiyak
na ang brilyante ay mataas ang uri at ang kulay ay di pangkaraniwan. “Kung limampung
libong piso lamang ay may halaga ang batong ito!” Bulong ni Mang Kardo sa sarili.

At doon nagsimula ang kalbaryo ni Mang Kardo. Limampung libong piso ang
maaaring magligtas sa buhay ni Rosal, kung ang operasyon ay magiging isang
tagumpay.

Naisip niyang makagagawa siya ng kababalaghan. Gagamitin niya ang kanyang


galing upang ang kristal sa puwit ng baso ay magmukhang brilyante. At ang tunay na
brilyante sa singsing ni Melinda ay madaling makapagbibigay ng salaping kailangan ni
Rosal sa operasyon, kung ito'y maipagbibili sa isang mayamang mag-aalahas sa
Tambunting. Ganoon din ang gagawin sa ginto -- maipagbibili niya ito at ang metal na
gagamitin sa singsing ni Melinda ay tanso at ito'y itutubog sa ginto.

Sa mga araw at linggong lumipas, naging napakaabala ni Mang Kardo sa


pagguhit sa papel ng iba't ibang desenyo, sa pagputol ng bakal, pagkikil, pagtunaw at
paghubog nito, upang makalikha ng isang di pangkaraniwang singsing alay kay
Melinda. Ang kristal naman mula sa puwit ng baso ay mataimtim niyang pinilas,
tinapyas-tapyas, binigyan ng hugis, kininis at pinakinang hanggang sa maging wari mo
ay mamahaling brilyante.

Nguni't hindi rin mapagkatulog si Mang Kardo. Habang abala, malimit ay nagiging
tulala at tila balisa. Minsan ay ginising siya ni Rosal dahil sa umuungol sa pagtulog.
Lingid sa kaalaman ni Rosal ay nanaginip si Mang Kardo. Kitang-kita niya sa panaginip
ang anyo ng ama na mabagsik ang tabas ng mukha at paturong iniwawagayway ang
daliri habang nangangaral: "Kardo, Kardo . . . Makailang ulit ko ba sasabihin sa iyo na
ang pagiging mag-aalahas ay tila pagiging asawa ni Cesar. Kailangan ay wala kang ni
bahid man lamang ng pag-aalinlangan!"

Kay lakas ng tukso, isang buwang nagdusa si Mang Kardo, naghimagsik ang
damdamin niya at nagulo ang isipan, nagtalo sa kanyang budhi ang kabutihan at
kasamaan -- at sa huli ay namayani ang kabutihan. Isip niya, “Ipagkakatiwala ko sa
Diyos ang paggaling ni Rosal.”

Mayo a beinte singko. Gaya ng kasunduan, dumating si Melinda sa plateria


upang tubusin ang singsing.

“Ay, naku, Melinda, napakaganda ng kapalaran mo! Ang nalikha kong singsing ay
napakaganda, napakataas ng uri, napakadalisay na ginto at bato --- pambihirang pilas
ng yaman na naaangkop sa ganda mo at sa puso mong busilak!” pagmamalaki ni Mang
Kardo.

“Maraming salamat, Mang Kardo. Nguni't hindi po matutuloy ang kasal.” ani
Melinda.

“Hindi matutuloy?!” Gulat na itinanong ng matanda.

“Hindi po. Mangyari ay may-asawa na pala si Joey. May nagsabi sa akin nito, at
bago maging huli ang lahat, ay pinaamin ko si Joey kung totoo o hindi. At sabi niya ay
totoo. Mang Kardo, natanso ako,” malungkot na salaysay ng dalaga.

“Malungkot ang nangyari sa iyo, anak; nguni't bata ka pa, marami ka pang
makikilalang kaibigan na higit na maginoo kaysa kay Joey. Ipagdiwang mo na nabatid
mo ang katotohanan nang maaga pa, kaysa sa magsisi ka sa huli. Kipkipin mo at
mahalin mo ang singsing na ginawa ko alay sa iyo. Maging alaala sana ito na kahi't na
may kasamaan sa mundo ay nananaig pa rin ang kabutihan. Sana ay manatiling totoo,
dalisay at busilak ang iyong puso, makinang at kaakit-akit ang iyong pagkatao, kagaya
ng singsing na iyan na tunay na brilyante at hindi tubog sa ginto.”

Ngumiti ang dalaga, tinanggap ang singsing, isinuot sa daliri, hinalikan si Mang
Kardo sa noo, at nagpaalam..

Sinundan ng tingin ni Mang Kardo ang dalaga hanggang sa maglaho siya sa


kanyang paningin. Isinara niya ang pinto at pagkatapos ay bumaling at naglakad
patungo sa hagdan. Sa itaas ng bahay ay naghihintay si Rosal.
Ang Kasulatan ng Banyaga
Ni Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na
iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang
taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya
sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya
ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa
bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang


likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang
kanyang buhok

Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya
bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo
nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa
kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng
kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na
dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan
naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang
kumawala sa dibdib ng matandang ale.

Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung
nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa
pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya
Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya
kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng
kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may
kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na
bukas ang nguso.

"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana
Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan
naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang
gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam
niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang
dibdib.

"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa
timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip
ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa
kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na
susunduin ka?"

"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e,
alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito
ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din
ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"

Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa


Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni
Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At
biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya
kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang


gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa
kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at
malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas
siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang
pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang
sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong
mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang
isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga
kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan
ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang
mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka
ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang
gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School.
Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng
mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik
ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa
kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan
ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya
sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na
mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako
masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya
ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay
maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na
nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.

"Ako nga si Duardo!"


Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na
siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang
tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito
naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May
presidente ba ng samahan na ganyan?"

"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa


pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking
naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang
kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't
dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa.
"Tumatanda ako."

"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon.


Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."

"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik


ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan.
Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya


kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."

"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako.
Lagi pa 'kong nagmamadali..."

"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang
mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya
ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa
mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan
niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig
ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at
hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

You might also like