Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tel. No.

( 044 ) 760 – 32-99

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY


SIPI SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY
NG BINTOG, PLARIDEL, BULACAN NOONG IKA – 02 NG DISYEMBRE 2017 SA
GANAP NA IKA – 8:00 NG GABI SA BULWAGANG PULUNGAN NG BINTOG,
PLARIDEL, BULACAN.

MGA DUMALO:

RAYMOND S. BELL Punong Barangay

MGA KAGAWAD:

NERY C. SILVERIO ROLANDO R. MANALAD


MARGARET DG. HERRERA WILFREDO S. GATMAITAN
NARCISO B. MARIANO SEGUNDINO R. CERVANTES
ELIAS SANTOS JR. MONETTE L. LUMAGUE ( SK CHAIRMAN )

KAPASIYAHAN BLG. 23
TAONG 2018

“KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY ANG BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION


MANAGEMENT PLAN ( BDRRMP ) NG BARANGAY BINTOG, PLARIDEL, BULACAN.”

SAPAGKAT, ang Sangguniang Barangay ng Bintog, Plaridel, Bulacan kasama ang


mga iba’t – ibang sektor ng pamahalaan at samahan sa nasasakop ng barangay ay
nagkaisa na bumuo ng isang layunin na makakatulong sa mga mamamayan ng Barangay
Bintog;

SAPAGKAT, layunin nito na magkaroon ng isang maayos at epektibong plano upang


paghandaan ang mga darating na sakuna dulot ng kalamidad na maaaring maranasan
ng ating barangay;

SAPAGKAT, layunin din nito na maipabatid sa mga mamamayan sa barangay ang mga
kaalaman ukol sa kahandaan sa kalamidad at muling pagbangon mula dito;

KUNG KAYA’T, sa mungkahi ni Kagawad Segundino R. Cervantes na pinangalawahan ni


Kagawad Narciso B. Mariano at sinang – ayunan ng lahat ng dito ay dumalo na
pagtibayin ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan (BDRRMP) ng
Barangay Bintog, Plaridel, Bulacan.

IPINASIYA TULAD NG DITO’Y GINAWANG PAGPAPASIYA, na pagtibayin ang Barangay


Disaster Risk Reduction Management Plan (BDRRMP) ng Barangay Bintog, Plaridel,
Bulacan.
Pinatutunayan ko ang lahat ng kaayusan at kawastuhan ng nakatala.

PINAGTIBAY
Ika – 02 ng Disyembre 2018

KHENNETH M. SANTIAGO
Kalihim ng Barangay

Pinagtitibay :

RAYMOND S. BELL
Punong Barangay

You might also like