Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Audrey Marie Palo

Guro: Ms. Rowena Moreno

Buod at Reaksyon: Tanging Yaman

Buod

Ang tatlong magkkapatid na sina Danny, Art at Grace ay maayos na sa kani-kanilang mga
pamilya sa magkakaibang pamumuhay. Si Danny, ang panganay na anak, ay nasa Pilipinas
lang ang pamumuhay niya kasama ang kanyang pamilya. Si Art naman ay mayaman at may
komplikasyon sa pamilya, ito ay dahil sa kanyang ugali at matigas na puso. Si Grace naman
ay nasa States at dun naninirahan kasama ang kanyang pamilya.

Ang kanilang ama at ina ay merong malawak na lupa na ito na merong pag-asang maibenta
ay pinagtalohan ng magkakapatid. Umuwi ng Pilipas si Grace para mapagusapan ng maayos
ang balak sa lupa at dahil sa kanilang ina na may Alzheimer’s disease. Hindi
nagkakaintindihan ang mga magkkapatid hangang sila ay nagkaaway away dala ng
kanilang isyu sa kanilang sarili. Umabot sa punto na nawawala ang anak ni Art na si
Rommel. Hindi sila puwedeng magkaway away sa sitwasyon na iyon lalo na't nawawala si
Rommel. Kaya sila nagtulungan at kahit papaano nagresolba ang kanilang problema. Ang
maganak naman ay nagdasal sa Diyos para bantayan o maging ligtas si Rommel. Muntikan
mamatay si Rommel, hanggang may isang himala na nangyari. Niligtas siya ng Sto. Niño
nung siyaý nalulunod. Pag uwi ni Rommel, masaya ang kanyang pamilya at ang buong
maganak dahil siya ay ligtas. Mula noon, ang mga pamilya nila at ang maganak ay nagkabati
at naresolba ang kanilnang problema.

Reaksyon

Ilang taon na ang nakalipas noong huli ko napanood ang pelikula na Tanging Yaman. Tama
ang desisyon ng Filipino Department na isama ang pelikula sa mga aktibidad ng mga mag-
aaral. Ang pelikula na ito ay isang pambukas ng mga mata ng mga mag-aaral sa mga
realidad na mga sitwasyon na pinagdadaanan ng isang pamilyang Pilipino. Bawat pamilya
ay may mga pagsubok at hamon sa buhay at malalagpasan ang mga ito kapag ang pamilya
ay may malakas na pananalig sa Diyos at ang bawat isa sa pamilya ay nagkkaisa. Ang
pelikula ay nanghihikayat sa mga pamilyang Pilino na maging matapat sa mga halaga at
paniniwala na nag papaisa ka kanila.

Pagkatapos ng pelikula, marami akong nabaon na mga mahalagang aralin na nakuha sa


pelikula. Natutunan ko na mahalaga ang paggalang at pagunawa ng mabuti sa mga
pananaw at opinion ng bawat isa sa pamilya para maiwasan magkagulo. Nagbabago palagi
ang buhay, minsan tayo ay nasa taas at minsan naman tayo ay nasa baba pero isa lang ang
sigurado, ang ating pamilya lang ang ating mapagkakatiwalaan at sila ay parating andiyan.
Pinaalala ng pelikula sakin ang kahalagahan ng isang nagkakisa at may malakas na
pananaluig sa Diyos na pamilya. Madaling malulutasan ang mga pagsubok sa buhay kapag
lito ay hinaharap ng buong pamilya.

You might also like