Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO BAITANG VI

(PAMPANITIKAN)
I. Layunin
A. Nabibigyan ng kahulugan ang salitang hiram (F6V-IIb-4.2)
B. Napapahalagahan ang tamang gamit ng salitang hiram
C. Nagaggamit ang mga salitang hiram sa iba’t-ibang sitwasyon
II. Paksang-Aralin
A. Pagbibigay kahulugan sa mga salitang hiram
Sangguniang Aklat/Pahina
B. Kaisipan: Maraming Pilipino ang naging bantog dahil sa kanilang imbensyon.
C. Halagang Pangkatauhan: Pagiging Masipag at Matiyaga

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Dril
Panuto: Punan ang mga nawawalang titik sa loob ng kahon upang
maibigay ang kahulugang ng salitangmay salungguhit sa
pangungusap?

1. Sumidhi ang pagnanasa ni Kuwagong lutasinang suliranin sa


kagubatan.
u t g umigting

2. Nakakabagabag ng isip at damdamin ang mga suliranin sa buhay.


u
n lt i g g
o nakalilito
3. Subalit naglipana ang mga tong handing tumulong para sa pagbuhay
muli ng kagubatan.
n g t nagkalat
4. Ang masakit niyang salita ay parang sundang na sumusugat sa aking
puso.
p t m patalim

5. Totoong bumabagsak at di nagtatagumpay ang mga palalo.


m y g mayabang

B. Balik-Aral:
Gawain: Magbigay ng limang Pang-uri at gamitin isa isang payak na
pangungusap.

C. Pagtalakay sa Aralin
1. Pangganyak

Mga Tanong:
1. Kilala nyo ba ang mga nasa larawan?
2. Alin sa mga larawan ang nakikita nyo na sa inyong paligid?

2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Panuto: Iayos ang mga letra ng mga salitang nakasulat sa
makukulay na papel upang maibigay ang kahulugan ng salitang na
may salungguhit sa pangungusap.
1. Ginagamit upang magkaroon ng liwanag – BOMBILYA
2. Mahalaga ang liwanag kahit saang panig ng mundo. - DAKO
3. Malimit siyang gumagawa ng pananaliksik - MADALAS
4. Ang Flourescent ay hango sa ngalan ni Flores. – MULA
5. Hindi lamang si Agapito Flores ang Filipinong nag-ambag nang
malaki sa larangan ng siyensya. -NAGBIGAY

3. Pag-unawa sa Nilalaman
3.1 Paksa: Imbentor ang Pinoy
3.2 Pagbasa:

Imbentor ang Pinoy


Sa tuwing magbabasa ka o gagawa ka ng mga takdang araling ay magsisindi ka ng ilaw.
Ibig mo ay daylight o fluorescent lamp sapagkat kakaiba ang liwanag na ibinibigay nito.
Ang fluorescent lamp ay ginagamit ng maraming tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Kilala nyo ba siya? Siya ay si Ginoong Agapito Flores. Siya ay isang Pilipino. Nagmula siya sa
bayan ng Guiguinto, sa lalawigan ng Bulacan. Lumipat si ng panirahan sa Tondo, Maynila, at
nagtraaho siya bilang isang elektrisyan. Sa kanyang libreng oras, malimit siyang gumawa ng
mga pananaliksik at pagsubok. Hanggang isang araw ay natuklasan niya kung paano
magkakaroon ng putting liwanag o artificial light ang isang mahabang babasaging bombilya sa
pamamagitan ng paglalagay ng phosphor, argon gas, at kaunting mercury vapor.
Ang natuklasang ito ni Agapito Flores ay dinala at iniharap sa noon pangulo ng
komonwelt ng Pilipinas, si Pangulong Manuel Luis Quezon. Humanga rito si si Pangulong
Quezon, ngunit walang kakayahan pa noon an gating bansa para tustusan ang ganoong mga
proyekto. Isang diplomaatikong Pranses ang tumulong kay Flores. Binili ng General Electric
Company ang ideya kay Flores at ang kompanyang ito ang nagpagawa nang maamihan (mass
production) at nagbenta ng produkto. Ang Flourescent ay hango sa ngalan ni Flores.
Hindi lamang si Agapito Flores ang Pilipinong nag-ambag nang Malaki sa larangan ng
siyensiya. Nariyan si Eduardo San Juan, na siyang nagbibigay ng ideya tungkol sa moon buggy
and lunar rover, na sinasakyan ng mga astronaut sa buwan. Karangangalan siya ng ating
bansa.
Isang Pilipino rin ang nagbigay ng ideya tungkol sa paggawa ng bread toaster. Siya si
Benjamin Almeda.
Iyang OMB o one-man band piano, na kapag tinugtog ay animo’y isang buong banda ng
musikero ang tumutogtog, ay mula rin sa malikhaing guniguni ng isa pang imbentor na Pinoy,
si Roberto del Rosario.
Isang Pilipino rin ang nakaimbento ng de-motor na pang-araro sa bukid, iyong tinatawag
na turtle power tiller.Alam ninyo kung sino? Siya si Magdalena Villaruz.
Iyan ay ilan lamang sa mga kagaling ipinakikita ng mga pinoy. Hinahamon kitang
gumawa ng pananaliksik. Tuklasin ang ibapang Pilipinong imbentor.
- Landas sa Pagbasa 6 pp. 75-76
Estratehiyang Panturo:

*DRA Directed Reading Activity- Pinatnubayang Pagbasas


Mga Hakbang
1. Matapos ipakita ang larawan at masabi ng mga mag-aaral ang
pamilyar nabagay na nakikita nila sa kanilang paligid bigyan ng
ng kopya ang bawat mag-aaral ng tekstong babasahin.
2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang babasahing sanaysay ay
isang ekspository. Ipaliwanag rin ang katangian nito.
3. Ipabasa sa klase ang pamagat ng kwento sa hudyat ng guro.
4. Magtatanong ang guro:
- Base pa lamang sa pamagat, ano kaya ang mababasa
natin sa tekstong ating babasahin?
5. Matapos makakuha ng kasagutan sa mga mag-aaral ay ihanda
na ang klase sa pagbasa ng sabay-sabay na may katamtamang
lakas (Reading Aloud)
6. Habang bumabasa ang klase magsisingit ang guro ng ilang
katanungan upang matiyak kung nauunawaan ng mag-aaral
ang binabasang tesksto.
7. Matapos bumasa ang mga mag-aaral muling magbibigay ng
mga katanungan ang guro tungkol sa tekstong binasa
8. Ang mga tanong ay makikita sa bahagi ng Malayang Talakayan
9. Ipilawanag ang kahulugan ng hiram na salita.
10. Magpabigay ng halimbawa ng mga salitang hiram na alam ng
mga mag-aaral.

4. Pagsasagawa ng Malayang Talakayan


4.1 Mga Tanong ng Guro Matapos ang Pagbasa
4.1.1 Anong uri ng sanaysay ang binasang teksto?
4.1.2 Tungkol saan ang binasang teksto?
4.1.3 Sino-sino ang mga taong nabanggit na imbentor sa
tekstong binasa?
4.1.4 Ano-ano ang mga bagay na kanilang naimbento?
4.1.5 Ano ang mga katangian ng mga imbentor na
nabangit?
4.1.6 Naging kapaki-pakinabang baa ng imbensyon ng
imbentor na nabanggit sa kwento? Sa paanong
paraan ito naging kapaki-pakinabang?
4.1.7 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong lumikha o
umimbento ng isang bagay ano ito at bakit?
4.1.7 Kung muli nating babalikan ang kopya ng sanaysay
tingnan ang mga salitang nakasalungghit at ano sa
tingin mo ang pagkakapare-pareho nito?
4.1.8 Bakit sa tingin mo kailangan natin manghiram ng mga
salita mula sa ibang wika?

4.2 Pangkatang Gawain


Panuto: Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Ang bawat pangkat
ay bibigyan ng larawan. Bawat pangkat ay aatsang magsadula ng isang maiklang dula-
dulaan kung saan magagamit ang hiram na salita. Ang mga mag-aaral ay bibigyang
puntos batay sa pamantayang ibibigay ng guro:
Pamantayan sa Pagsasadula
Pagkakagamit ng wasto ng mga hiram na salita…………………. 10 pts
Nakasisiyang pagtatanghal ………………………………………… 5 pts
Kooperasyon ………………………………………………………… 5 pts
Kabuuan ……………………………………………………………… 20 pts

5. Pagsusuring Pampanitikan:
Tingnan ang bahagi ng Pagbasa sa estratehiyang panturo

6. Pagpagpahalagang Pangkatauhan:
Anong katangian nga mga imbentor ang nais mong tularan
Bakit mo ito nais tularan?

D. Paglalagom
Bakit natin kailangan gamitin ang salitang hiram?

E. Paglalapat
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Kung ikw ay bibigyan ng pagkakataong lumikha o umimbento ng isang
bagay, ano ito?
2. Bakit ito ang nais mong likhain?
F. Ebalwasyon:
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang hiram sa hanay A sa kanilang
katumbas sa hanay B.

Hanay A Hanay B
_____ 1. Bus A. pagkain na may gatas
_____2. Kalye B. uri ng transportsyon
_____3. Calculator C. sawsawan na kulay pula
_____4. leche plan D. kahel
_____5. Orange E. tinapay na may palaman
_____6. Gadyet F. pagkaing merong sarsa
_____7. Ketsup G. daan
_____8. Hamburger H. prinosesong pagkain
_____9. Spaghetti I. ginagamit sa pagbibilang
_____10. Hotdog J. halimbawa ng teknolohiya

IV. Takdang-Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang salitang hiram.

Kasunduan – (kung hindi tpos ang aralin agreement.)


V. Tala:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

VI. Pagninilay

A. Aling estratihiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparannang maayos? Bakit ito


naisakatuparanng maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos?


1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

Mga puntos kung hindi ito naisakatuparan nang maayos?


1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

B. Kausapin ang mag-aaral, ang nakakaunawa sa aralin at hindi nakakaunawa sa


aralin.
C. Ano-anong mga suliranin ang balakid ang aking naranasan kung saan ang aking
punungguro at superbissor ay matutulungan ako sa paglutas nito?

Inihanda ni

SHERYL E. SANTIAGO
Lupang Pangako Elementary School

You might also like