Siya si Ginoong Russel Aňonuevo Labog, 29 taong gulang,
nagtapos ng Master of Main Education sa Mindoro State College of Agriculture and Technology (Main Campus) noong taong 2016. Siya ay 7 taon nang nagtuturo ng Science subjects sa parehong paaralan kung saan siya nagtapos ng kolehiyo. Noong taong 2012 ay nakatanggap siya ng tatlong parangal bilang Best in Teaching Reading, Best in Teaching Comprehension, Best in Teaching Speed Reading. Pumangatlo naman siya bilang MTAP coach noong 2014. Bukod sa mga ito ay nakatanggap rin siya ng parangal mula sa paaralan ng MINSCAT bilang Companion of the Year noong 2016. Sa kasalukuyan naman ay nakatanggap siya ng parangal bilang awtor ng isang libro na may titulong Science, Technology and Society.